Ayradel's Side
"I don't think you're blind, Miss."
Napaangat ako ng tingin sa malamig na mata ng lalaking nakatapon ng kape sa aking jacket. Hindi siya nag-iisa. Natanaw ko pa ang pagngisi ng kasama niyang nasa likuran niya at ang isa naman ay poker face lang habang may nakasabit na headphones sa leeg.
Isa lang ang nakumpirma ko sa pagtitig sa kanila. Sila yung tatlong lalaking kanina ko pa nakikitang tumitingin-tingin sa akin habang naglalakad rito sa mall.
Sigurado ba silang hindi nila sinadya ito? Tss.
Today was weekend, at nasa mall ako para sana makipagbonding sa napakabusy kong bestfriend, na hindi ako sinipot kaya ang end up ay pinili kong mag-stay dito sa mall para magliwaliw saglit. I wasn't really the going out type, masyado lang akong nakulong sa library these past few days para magbasa ng maraming libro, kaya I think I need to wind up.
Sa kalagitnaan ng paglilibot ko sa buong mall ay ito nga, may napansin akong tatlong lalaking tingin ng tingin sa akin. Hindi ko lang pinansin, hanggang sa maramdaman ko na lang ang pagtapon ng kung anong liquid sa jacket ko, turned out na sila 'yong tatlong kanina ko pa napapansing tumitingin sa akin.
"And I don't think you're silent, too." dugtong niya.
Mula sa pag-iisip at tinignan ko ulit siya. Masyadong malamig kaya hindi ko nakayanan.
"S-Sorry po. H-hindi ko kayo napansin."
I saw him blinked na para bang nagulat siya sa sinabi ko. Bahagya akong tumungo sa kanila, bago tuluyang umalis at laglag panga silang iniwan doon. Hindi ako sigurado, kasi parang nagulat pa sila, lalo na n'ong nagsorry ako. Yung tipong parang sobrang strange ng ginawa ko at gulat na gulat sila.
What do they think of it? Some sort of novels, na magsisi-sigaw ako sa galit dahil natapunan nila ako ng kape?
I shrugged my thoughts off.
Pinakaayoko sa lahat ay 'yong nasa gan'on akong sitwasyon. Ayoko ng may kaaway, o kasagutan. Hindi ko matagalan, dahil makarinig lang ako ng kakaibang tono ng boses, parang nanghihina na ang tuhod ko. Nakakainis, pero hindi ko kayang makipagtaasan ng kilay sa mga malditang nakataas ang kilay sa akin. Kadalasan ay nandyan si besty para ipagtanggol ako.
"Bestyyyy, bakit hindi ka nagrereply? Galit ka ba? Sorry, I didn't expect na kakailanganin ako ni Mommy ngayon! :( Nandyan ka na ba sa mall? What are you doing?" nabasa kong text ni besty.
Agad ko naman itong nireplyan, "Tch! Kailan ba ako nagalit? Yep, dito na ako sa mall pero maglilibot muna ako. Okay lang, tulungan mo na si tita."
Hindi naman ako galit dahil Sanya akong mag-isa. Actually sa school ay isa akong loner, pero hindi naman nerd ha? Sanay akong mag-isa, dahil kadalasan lang sa mga lumalapit sa akin, kung hindi magpapagawa ng assignment ay mangongopya. I got tired of them. Kapag hindi mo naman pinagbigyan ay pagchichismissan kang sipsip sa guro o pabibo o grade concious.
Not until besty came. She's different.
Ngayon tuloy ay sanay na akong may kasamang isa--- hay, namiss ko tuloy si besty!
Nang makarecover ay hinubad ko yung jacket na may mantsa at itinali iyon sa bewang ko. Mas lalong guminaw dahil white fitted sando na lang ang suot ko ngayon, mabuti na lang at pants ang naisipan kong suotin imbes na shorts. Hindi ko na lang pinansin ang lamig at nilaro lahat ng kaya kong laruin hanggang sa mapagod na lang at magsawa.
Not bad. I thought. Hindi rin pala masamang magliwaliw paminsan-minsan. Parang ang tagal ko ring nagkulong sa library ah?
Tumigil muna ako sa isang ball machine para magpahinga. Kasalukuyang inaayos ko yung pagkakapusod ng buhok ko nang muntik na akong mapatalon sa gulat dahil may biglang nagsalita.
"Hi," ngumisi siya, lumapit at saka sumandal sa machine na malapit sa akin. "I'm Santi. Santi Fermin." inilahad niya yung kamay niya.
Tinitigan ko lang iyon dahil hindi ko makuha ang dahilan ng pagpapakilala niya. 'Matapos mo akong sungitan at tapunan ng kape kanina, magpapakilala ka?' Tumawa lang siya nang mabasa siguro yung nasa utak ko.
Maganda siyang lalaki, nice eyes and nose. May kahabaan rin ang brown na buhok niya na umaabot sa balikat na lalong nag-enhance ng pagiging pretty boy niya. Pero kahit tumawa siya, halata pa rin yung pagkapakla ng boses niya. At ang kalamigan ng mata.
Yung tipong parang napipilitan lang?
"Here," napaatras ako nang ipinatong niya sa balikat ko ang isang itim na leather jacket. Naamoy ko naman kaagad ang kabanguhan nito. "Take it, please. Sorry for my ungentleness earlier. You might catch a cold. Naka-sleeveless ka lang at inaamin ko nang ako ang may kasalanan kung bakit nadumihan 'yang jacket mo kanina. And I should be the one saying sorry. Ako ang hindi nakapansin sa'yo."
Really?
Pinag-aralan ko ang tingin niya dahil nagulat pa rin ako sa bigla niyang pagpapakilala; bago pa ako matipid na ngumiti.
"T-thank you." Ginapangan na naman ako ng kaba. Siguro hindi lang talaga ako sanay sa ibang tao.
Pagkatapos n'on ay lumayo na rin siya.
Pagkatapos ng ilang minuto ay nagkaroon ng ingay dahil sa impit na tilian ng mga babae at beki. I think sa bandang basketball machine. I sneaked and isa 'yong Santi sa apat na naglalaro doon sa machine. Nakilala ko rin yung dalawang kasama ni Santi kanina. Batay sa bilis at minsang pagtitinginan nila sa isa't isa, mukhang nagpapalakihan ng score yung apat, pero isa talaga sa kanila yung nakaagaw-pansin.
Hindi siya isa sa mga kasama n'ong Santi, but it's obvious that he was part of the game. Kapansin-pansin ang mga nagfe-flex niyang muscles dahil fit sa kanya ang suot niyang white jacket na hanggang siko ang manggas at may hoodie.
Umiling-iling ako nang napansin kong nakatunganga na pala ako d'on sa nakatalikod na lalaking ma-muscle. Nagpatuloy na lang ulit ako sa paglalaro hanggang sa mahagip ng mata ko isang green na stufftoy. Agad na kuminang ang mata ko kahit hindi ako makapaniwala!
PETER PAN STUFFTOY MACHINES!
I really love Peter Pan! I love the color of green. Pakiramdam ko kasi ay nasa nature ako at malaya.
Ngiting nilapitan ko ito pero agad ring nalungkot.
Peter, bakit naman magpapakulong ka e, sa Grab Machine pa? Eh napakadaya ng mga machine na 'to?
I took another glance at Peter. Nakangiti siya at naka-spread ang mga kamay na parang nagpapa-kuha talaga. Naghanap ako ng pinaka-easy target bago naghulog ng token; nag-wish na sana hindi siya pa-hard to get, at ginawa ang lahat madala ko lang sa Neverland ang Peter ko. Pero naka-apat na beses na try na yata ako pero hindi ko pa rin makuha.
Frustrated na pinipindot at minamassage ko pa rin ang controller habang nakatingin kina Peter, kahit tapos na yung time ko. Malapit ko na nga yatang hampasin to eh? Great. Just great! Sabi na nga ba, madaya 'tong machine na 'to eh! Huhuhu.
"You need help?" halos mapatalon na naman ako nang may nagsalita na naman bigla-bigla. Napatingin ako doon sa nagsalita na nasa tabi ko. He was tall, at amoy na amoy ko ang bango niya. I can even tell that he's handsome even though he's wearing a hoodie and a black sunglass.
Siya yung kasama nila Santi na nagbabasketball machine kanina. Kaya lang, ano bang trip nito? Ang taas ng araw ah.
"Yah." tumaas ang balahibo ko sa halakhak niya. "Miss, 'wag mo naman masiyadong ipahalata.."
What? Nagloading sa utak ko ang sinasabi niya.
"Naka-sunglass na nga ako, may natutulala pa rin. Hahaha!" aniya. "Mga babae talaga, masyado kayong obvious."
Napataas ang kilay ko. Hindi pa rin ako kumibo.
"You know, I'm expert on everything, even on this. You want my help?"
"Share mo lang?" sabi ko.
"Ha?" he asked, smirking. He didn't know that meme?
"Wala po." sagot ko. "Salamat. Hindi ko kailangan ng tulong,"
Bakit parang nakaka-high blood yata ang taong 'to?
I rolled my eyes at saka binilisan ang pagkuha kay peter pan. Talagang sinentro ko sa tiyan, sa part na pinakamadaling kapitan, hanggang sa unti-unting bumaba yung grabber, dinala sa pag-angat niya si Peter at...!";*;"!*:*:#!#:#;#
I shout inside my head! Ugh!
Whyyyy? Muntik na yon! Sayang! Kaonti na lang!
"I told you. You can't always get what you want," sambit ng lalaking concentrated din sa paggagrab sa katabing machine ko habang pakiramdam ko e nakangisi na yung bibig niya. "Unless ikaw ay ako."
Psh. Sa buong existence ko, ngayon lang talaga ako nakatagpo ng Naglalakad na Kayabangan.
As in para siyang KAYABANGAN na tinubuan ng MUKHA.
Hindi ko na lang pinansin at naglakad na nga ako palayo para umuwi.
"MISS!"
Hindi pa ako masyadong nakakalayo mula sa Arcade nang mayroon lalaking sumigaw. Lahat yata ng 'miss', maging ako e, napatingin sa tumawag. Hindi nga ako nagkamali dahil sa direksyon ko nakatingin si kuyang Kayabangan with sunglass and hoody. Ngumisi siya at may hinagis na kung ano sa 'kin na nasalo ko naman kaagad.
Kunot noong tinignan ko kung ano yon at ilang segundo bago nag-sink in sa 'kin ang nakita ko.
Peter Pan stufftoy.
Nanlaki at kuminang ang mga mata ko sa tuwa at agad na napatingin sa direksyon ni kuya. Nakatalikod na siya sa akin.
''THANK YOU!'' sigaw ko kay kuyang KAYABANGAN na tinubuan ng mukha. Kahit papaano ay natuwa naman ako sa bigay niya na 'to. Pwede na rin kahit puro kayabangan lumalabas sa bibig niya.
Lumingon siya saglit at ngumisi. Ini-form niya ang kamay niya na parang telepono, at itinapat iyon sa tainga niya. Umuwi akong kunot ang noo doon at nagiisip. Inilapag ko 'yong stuff toy sa study table ko sa kwarto at napangiti. Nagcocompliment ang kulay nito sa buong kwarto ko na puro color green. Hinubad ko na rin 'yong black leather jacket na binigay sa akin ni... Santi ba 'yon? Ibabalik ko na lang ulit ito kung sakaling magkita ulit kami... 'Yon ay kung magkikita ulit kami?
Mabilis pang lumipas ang araw at Friday na. Isang linggo na rin simula noong magsimula akong tumambay sa library para paghandaan ang mga Quiz Bees na sasalihan ko para irepresent ang Tirona High.
"Kutsara mo," sambit ni mama sa akin isang umaga habang nagaalmusal, nang hindi sinasadyang mapatunog ko ang kutsarang sumanggi sa plato ko,
"Uh, sorry po, Ma." Umayos ako ng upo at mas lalong hininhinan ang pagkain. Iinom sana ako ng kape ko nang kunin iyon ni mama at inalis sa harapan ko.
"Kape? Ayra, sinabi ko naman sa 'yong wag kang magkakape. Masama ang sobrang kape sa utak, mahihirapan kang magmemorize niyan. Dapat alam mo yan. Ako na ang iinom nito. Ayan ang gatas."
Tumango na lang ako at muling nagtimpla. Pagkatapos kumain ng almusal ay pinagtabi at inayos ko ang kutsarang ginamit ko.
Hindi naman kami mayaman.
My father is working in Korea as a waiter, samantalang home based seller naman si Mama ng mga product like lotion, sabon, fabcons- pero tinuro sa 'kin ni mama ang mga proper etiquette. Mula sa kilos, pananalita at iba pa. She was strict, sometimes sweet. And I would say, Moody. Minsan ay maluwag siya sa ginagawa ko pero minsan lahat na lang din e, napapansin.
"Okay naman ba sa school?" 'yan yung palaging tinatanong niya sa akin.
Sa pag-aaral ko siya pinaka-strict. Ayaw niyang bumababa ang grades ko. She wants it higher than my previous one. And hindi ko kayang imagine-in kung paano siya magagalit sa akin once na naging Rank 2 ako.
Which is never pa namang nangyari. From kinder until now, maintained ko ang pagiging Rank 1.
"Opo, ma."
"How about the Science Camp?"
I simply nod. "I'm the representative on Quiz Bee."
Science Camp is the biggest event in my school, since ang school na iyon ay isang Science School.
''Dapat lang dahil ikaw ang Rank 1.''
''Dapat lang dahil ikaw ang Rank 1.''
''Dapat lang dahil ikaw ang Rank 1.''
''Dapat lang dahil ikaw ang Rank 1.''
Matabang akong ngumiti, sanay na dapat ako sa mga "dapat" ni Mama pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot. Kahit maintained ko ang ranking sa school ay never niya pa akong pinuri, ni hindi pa nga siya umattend ng card released sa school, madalas ay si Papa. Umattend lang siya noong nagtrabaho na sa Korea si Papa at wala na siyang choice kundi ang umattend, kaso nga lang ay saglit lang.
Nagpaalam na ako kay Mama pagkatapos kumain.
It was 6:45am. Prente akong naglalakad sa gilid ng kalsada papuntang Tirona High nang biglang may bumusinang kung anong sasakyan sa likuran ko. I'm pretty sure they're not some important people like the principal or school's visitor. Maybe some rich kid o spoiled brat na pinili akong pagtrip-an.
Akala ko yung lalaking bumaba na ang boss nila. I even insulted him na hindi na ga gwapo ay hindi pa maganda pati ang uagali... at ngayon ay halos manlumo ako habang inaalala ko ang sinabi ko. Maybe my predictions isn't right, right now? Oh, God! Please help me!
"Anong sinabi mo?" sabi muli ng tinig.
Awang ang bibig na pinagmasdan ko ang pagbukas ng pintuan ng back seat. Iniluwa nito ang isang makisig, matangkad, matikas, at... sobrang gwapong nilalang.
Hindi ako mahilig tumingin sa mga lalaki, but I can say na ang lakas talaga ng dating ng isang 'to.
Matipunong naglakad siya palapit sa akin. Awtomatikong napatingala rin ako sa kaniya dahil hanggang leeg niya lang yata ako.
"Sino ulit?'' aniya. Sobrang kabog naman ng dibdib ko. ''Yung sinasabi mong panget kanina?"