Chereads / I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 3 - The Boss

Chapter 3 - The Boss

Ayradel's Side

Si Jayvee Gamboa, ang first love at seatmate ko lang ang basehan ko ng kagwapuhan noon. Sa tuwing hindi niya kasing gwapo ang isang lalaki ay taob na iyon sa paningin ko. Ngunit ang isang 'to ay kakaiba, sa unang tingin ay kahawig niya si Jayvee pero kapag tinitigan mo ay makikita mo ang pagkakaiba.

Itim at medyo magulo ang buhok. Maputi, matangos na ilong, pulang labi, magandang pangangatawan... Mas matangkad siya sa akin pero alam kong magkalapit lang ang edad naming dalawa because he's wearing a dark blue uniform na sa tingin ko'y uniform ng isang private school.

Mukhang 6th year student rin siya gaya ko.

Sobrang ganda rin ng inosente niyang mga mata niya, sobrang simple lang. Maitim pero hindi malamig. Alam mo yung parang ang approachable, at sobrang bait niya?

"Ano? Ha?!"

Napaatras naman ako sa gulat dahil para siyang nanghahamon ng away. Kalimutan niyo na yung sinabi kong mukha siyang mabait.

''TCH!'' Tumawa pa siya ng sarcastic, para talaga siyang nanghahamon ng suntukan. "Minsan kasi 'wag kang basta-bastang magsasabi ng 'Ang panget ng boss niyo' tapos tatawa na lang bigla... alam mo kung bakit?"

Ngisi niya ang pinaka-highlight ng kagwapuhan niya. Kapag nginisian ka kasi niya ay talagang mahi-hypnotize ka ng wala sa oras, at pati ako ay hindi nakaligtas doon. Parang tangang umiling-iling lamang ako sa sinabi niya.

Lalo tuloy siyang ngumisi, kaya mas lalo akong nahypnotize. Mas nilapit niya pa yung mukha niya sa akin, kaya naman automatic na napaatras ako habang hindi pa rin makapagsalita. Para akong napipe ng hindi oras. Ilang segundo kaming nagtitigan, pagkatapos ay itinaas yung kamay niya para ilagay iyon sa chin ko.

Saka ko naramdaman ang pagsara ng sarili kong bibig...at ang pagbilog ng akin mata.

OMAYGAD?

NAKANGANGA AKO? AT SA HARAP PA NG ISANG STRANGER!

Great.

Ang mag-hang nga lang sa harapan niya'y nagmumukha na akong ewan. Paano pa kaya yung nakanganga? Mabuti na lang walang tumulong laway kundi kanina pa ako kinain ng lupa.

"Ngayon, alam mo na, ha." Aniya kaya napatingin ulit ako sa kanya,

"KASI MUKHA KANG TANGA." hindi pa ako nakapagsalita matapos n'on kaya tumawa ulit siya. "Pfft! Nakakatawa ka talaga. See you somewhere na lang Miss Stupid! Tch!"

saka siya umalis sa harapan ko at iniwan ako doong laglag na naman ang panga. Ilang segundo ang nakalipas bago ako nagreact...

"What...?" di makapaniwalang bulong ko sa sarili ko. Lumingon ako sa papalayong letchugas na lalaking 'yon nang makarecover ako mula sa kahihiyan.

Ako, tanga? Mukhang nagpanting yata ang tenga ko at hindi ko matatanggap yon. Buong buhay ko ay ngayon lang ako nasabihan n'on! Teachers ko nga ay hindi pa ako sinasabihan n'on kaya hindi ko 'to matatanggap!

'Sorry, Ma, pero kalilimutan ko muna ang mga pagtitimpi na itinuro mo.'

Walang ingay akong tumakbo para maabutan siya. Mula sa likod e, hinarang ko ang kanang paa ko sa paa niya at dahil nga naglalakad siya, syempre na-out of balance siya at sumalampak sa lupa!

"OH SHIT!!!"

Kumaripas agad ako ng takbo papunta sa nakasaradong Main Gate ng school pagkadapang-pagkadapa niya. Hindi ko alam kung bakit ang sarap sa feeling! Napangisi ako ng wala sa oras.

''HOY! HOY! BABAEㅡ BAKIT MO AKO PINATID?! BUMALIK KA DITO!''

Hindi ko na mapigilang tumawa ng malakas. Hahahahahaha! Nilingon ko siya. Sinusubukan siyang itayo ngayon no'ng mga alagad niya pero ayaw niyang magpatayo. Napaka-ma-pride, tsk.

"YAH!'' tinignan niya ako ng masama at nagbabanta. Ako naman e, nakatayo na sa mismong mini gate, para if ever hindi na nila ako mahahabol sa school premises.

"Ngayon alam mo na rin!" sigaw ko. "Mas tanga ka!" saka ko sila masayang tinalikuran. I even pat my mouth for saying bad words. Narinig ko rin yo'ng sunod na pagmumura niya sa mga MIB niya. Tsk, bad.

"JONES! Ano pang tinatanga-tanga niyo dyan?! HABULIN NIYO! MGA WALANG KWENTA!"

Nanlaki ang mga mata ko pagkarinig n'on. Slowmo na lumingon ulit ako sa kanila at nakitang nagsisitakbuhan na palapit sa akin yung mga MIB!

OH. MY. GHAD!

IS THIS REALLY HAPPENING?! HAHABULIN TALAGA NILA AKO?

AAAAAAAAAAAAAAHCK! HINDEEEEEEEEEEEEE!

Halos madapa na ako sa pagmamadali makapasok lang ng school. Pinagtitinginan pa tuloy ako ng ilan sa mga estudyante at teachers na nabangga ko, pero hindi ako nagpahalata at nagpatuloy lang sa pagtakbo at paminsan minsang tinatakpan ang mukha.

"Tsk, akala ko siya na. Si Ayra lang pala," rinig kong sabi ng isa sa school mates ko. Bakit ba maraming tao ngayon dito sa harap ng school? Flag Ceremony ba?

I thought ligtas na ako sa kamay ng mga humahabol but I was wrong. When I looked back, nakita ko pa kung paano hinayaan ng mga guards na pumasok sa mini gate yung mga Men In Black! Binuksan pa ang main gate ng school para papasukin 'yong black ang shining car nila.

Shocks!!!! Bakit sila hinayaang makapasok sa school na 'to?!

"Aaaaahck!" And there I felt someone grabs my arm. Nagpumiglas ako sa pagkakahawak nila sa braso ko. Gusto kong takpan ang mukha ko dahil ayokong makita ako ng mga ka-schoolmates ko sa ganitong kalagayan. Para akong kriminal na hinuhuli ng mga itim na police!

"Bitawan niyo po ako! Sorry na! Hindi ko po sinasadya yung ginawa ko!" I pleaded. "Please po para niyo nang awa!"

Medyo binawasan ko na ang pagpupumiglas dahil masiyado na yata akong nakakahakot ng atensyon. Napansin ko kasi ang unti-unting pagtitipon-tipon ng mga estudyante at guro sa harapan ng gate. Marami na rin ang tumitingin sa akin pero wala ni isang nag-abalang lapitan ako o itanong man lang kung anong meron.

Mas nanaig ang bulung-bulungan na hindi ko maintindihan!

"Siya na ba 'yan?"

"Bakit puro mga naka-black lang nakikita ko?"

"May shooting ba? Bakit nila hawak si Ayra? Si Ayra 'yun diba?"

"Hala oo nga no?"

Hanggang sa medyo lumakas ang bulungan ng mga kumpol na estudyante. They're all looking at the main gate.

Doon ay nakita ko na yung slow motion na pagpasok ng lalaking tanga, and from this moment... Napalunok ako at agad na ginapangan ng kaba noong makita ko na naman ang magara niyang ngisi.

Oh, God. What I have done?

I knew it.

I'm dead!

Bakit kasi hindi ako nag-iisip?

Masiyado akong naging careless. Masiyado akong nagpadala sa inis. Paano na ang pag-aaral ko nito? Baka ma-guidance ako? Bakit ko ba kasi ginawa yon? Ano na lang ang iisipin nila Mama kapag nalaman nila 'to?

"OMG! ANG GWAPOOOOOO! AAAAAAAHHHHCK!!! OMG!"

Umalingawngaw sa buong school ang nagra-rhyme na tilian na yon ng mga estudyante. Masyadong nadistract ang mga Men In Black sa pagwawala ng mga schoolmates ko kaya nagkaroon ako ng pagkakataon para makatakas. Nagdalawang isip pa 'yong mga MIB kung hahabulin ba nila ako o tutulungan 'yong amo nilang tanga mula sa panghaharass ng mga ka-school mates ko.

Agad akong tumakbo at nagtago sa likod ng pinakamalapit na building. Mula sa likod nito ay sinilip ko ulit ang pangyayari. Halos magkanda-punit punit na ang damit nung lalaki dahil sa pagkakagulo sa kanya ng mga ka-schoolmates ko. Gan'on na rin yung tatlong men in black para lang maharangan yung amo nila.

Napasapo ako sa aking noo, sabay sandal sa pader na pinagtataguan ko ngayon.

Pakiramdam ko ay artista pa 'yong nakabungguan ko. Hindi ko alam dahil hindi ako mahilig sa TV at mga artistang pogi, e. Patay pa rin ako kung artista man 'yon! Pero hindi niya naman ako kilala e? Hehe.

I shrugged at piniling kalimutan na lang ang mga nangyari ngayong umaga. Napahawak ako sa dibdib at kinalma ang aking sarili. Inayos ko muna ang uniform ko, saka tinalikuran silang lahat at naglakad na papunta sa room ng SECTION 6A. Ang pinakamataas na section sa buong 6th year ng TIRONA HIGH.

▪️▪️▪️

TIRONA HIGH is one of the public school na nagbibigay ng mataas na kaledad ng edukasyon. Madalas kaming manalo pagdating sa mga competitions, kaya naman talagang bumabango ang pangalan ng eskwelahang ito sa buong lugar ng Buenavista. Kahit public school ay maraming nagaaral na may kaya dito, dahil madaling makahanap ng universities na mapapasukan ang mga Junior at Senior Highschool Students na dito nakapagtapos. Though, isa pa rin itong typical Public School kung titignan, 'yon nga lang ay may nakadudugong entrance exam bago ka makapasok. Kung ayaw mo naman magexam ay pera pa rin ang kalakaran.

Napangiti ako, at naninibago habang naglalakad papunta sa room ko. Ang daming naimprove sa paligid ng TH. Bagong pintura rin ang building kung saan makikita ang room ng 6A. Mukhang bago rin yata 'yong pinto pati na rin yung nameplate nito na may nakalagay na 'Section 6A'?

Pinihit ko yung doorknob nang nakalapit ako. Nakasara yung pinto at bintana pero may tao naman, kasi naririnig ko pa yung mga mahinang ingay mula sa loob. Pagpasok ko, sumalubong sakin ang malamig na hangin.

Aba, pati room namin gumanda. As in, nagkaroon ng bagong kurtina, bagong paint 'yong blackboard, pati yung mga desk at upuan.

Hindi naman first day of classes ngayon ah?

"Huy! Isara mo 'yung pinto! Baka lumabas yung aircon!"

Saka ko lang napansing naka-aircon na ang room namin dahil doon. Sinara ko naman agad ang pinto.

Ang alam ko, mapapa-aircon lang ang room niyo dipende sa napagkasunduan ng klase. Wala namang naningil ng contribution para sa aircon na 'to. Ano 'to, libre na ng TH?

"Belle," tawag ko sa kaklase kong malapit sakin. "Anong meron? Bakit-" natigilan ako nang makitang naka-make up siya.

Pati mga kaklase ko nagpapaganda?

Umiling na lang ako at tinungo ang upuan ko sa Row 1, saka automatic na napangiti nang makita ang seatmate ko. Tahimik lang siyang nagbabasa kagaya ng palagi niyang ginagawa. He turned his face to me and smiled too, as I sit on my seat.

"Uy, Ayra," pagbati niya. Sumingkit ang mata niya.

"Uy! Jayvee.." kinilig agad ako nang banggitin ko pa lang ang pangalan niya. Napansin ko ang black na bonet na palagi niyang suot, minsan naman ay naka-black eyeglass siya, pero kadalasan ay paborito niyang mag-bonet talaga. "Ang tagal ko bang nagkulong sa library kaya wala na akong balita? Anong meron, bakit...?"

He shrugged. "Bibisita sa school natin yung DepEd Secretary para mag-observe. 'Yon lang alam ko."

Si Mr. Alfred Lee ang tinutukoy na DepEd Secretary. Mayroon din itong pagmamay-aring Private School malapit dito sa TH, na tinatawag na LEE UNIVERSITY.

Nakalaban namin ang school nito once, sa isang Math Quiz Bee. I am the representative of 5th year. Lahat ng representative ng TH ay humakot ng awards kung kaya't nakuha ang atensiyon ng DepEd Secretary.

No wonder kung bakit kami nakakahakot ng bisita. Pero si Mr. Alfred Lee mismo..? I think it's too imposible.

"Ahh, may artistang pinagkakaguluhan diyan sa labas e?" sabi ko sa kanya.

"Oh? Sinong artista?"

"Hindi ko kilala, hindi naman sikat. Haha!" sabi ko. "Mukhang hindi yata alam ng mga kaklase natin ah? Kung alam nila 'yan susugod 'yan doon."

"First subject rin natin ang science."

"Oo nga pala, bawal magskip." natahimik ako dahil hindi na siya sumagot. Agad naman akong nagisip ng topic para makapagkwentuhan kami. "Alam mo, hindi ko alam kung anong espesyal sa school nating 'to bakit yung DepEd Secretary pa mismo yung magoobserve? Pwede namang may representative lang diba?" Sabi ko kay Jayvee.

"Hindi ah." aniya. "Our school is special... because of students like you."

SHOOOOOCKS! Hanudaw?!

Parang nilulunod ako ng mga mata niya habang tinitignan niya ako. Tapos yung puso ko naman, walang humpay sa pagtibok.

"H-hindi naman. G-grabe..."

"Oo kaya..."

ngumiti ako at ngumiti lang din siya. He didn't really failed to make me feel like this.

"By the way," sabi niya habang hinuhubad yung gray na jacket niya. "Suotin mo 'to. Malamig. Pina-aircon-an itong room natin, e."

Pagkatapos ay ipinatong niya iyon sa balikat ko, bago muling nagpatuloy sa pagbabasa. Naiwang nakaawang noon ang bibig ko.

"M-magkano raw ang contribution para sa aircon?"

"Wala namang inannounce si Jae Anne."

Si Jae Anne ang class president namin.

Tumango ako, at pagkalipas ng ilang minuto ay saka lamang dumating yung teacher namin sa Science.

"Goodmorning class!"

Buong klase yata e, lutang ako. Hinahawakan ko lang yung jacket na pinahiram niya, tapos napapangiti kapag nakikita ko yung nakaburdang "JV" sa may bandang dibdib.

Napangiti ako. He will always be my type. Yung tipong tahimik lang, mature, may pagpapahalaga sa pag-aaral, seryoso pero kayang tumawa.

Ang swerte ko kasi naging seatmate ko siya, kaya ako yung pinaka-may pagkakataong mapalapit sa kanya.

"Naks naman, besty!" sabi ni Luisa, ang bestfriend kong nang-indian sa akin, habang hinihigop yung chocolate drink niya. Ngayong hapon lang napagdesisyonan ng babaeng ito na pumasok kaya absent siya ng klase sa umaga. "Pinahiram ka ni Jayvee ng jacket niya?! Nagiimprove na yung relationship niyo ah? From seatmate to-" tinakpan ko na agad yung bibig niya.

"Besty naman e!" luminga ako sa paligid. "Baka may makarinig!"

"Paranoid mo naman!" inalis niya yung kamay ko. "Pero seriously, may gusto na rin ba si Jayvee sayo?"

Nagkaparu-paro yung tiyan ko sa tanong ni Besty. Napatingin ako n'on sa counter nitong canteen habang nag-iisip, at saktong nagbabayad ang kaklase naming si Jae Anne. Unti-unting nawala yung paru-paro at ang ngiti ko.

"Ewan ko nga Besty eh." sabi ko at tumungo.

Nilingon ko ulit si Jae Anne Galvez na may kasamang mga kaibigan sa likuran.

She's our Class President, as well as ang Rank 2.

Tuwing nakikita ko siya, palagi akong nawawalan ng confidence. Palagi akong nagkaka-doubt sa sarili ko. Nalalamangan ko naman siya sa academics pero I think she's always better.

I'm only good at academics. Reading and memorizing books. While she can do singing, dancing and modelling like Besty. She's more confident, talented, and beautiful. Kung sa akin ay maraming nakakakilalang teachers, sa kanya naman maraming nakakakilalang estudyante, inside and outside our school. She's known to be the 'Crush ng bayan'. Surrounded by many friends, many suitors. Maging ako nga yata ay humahanga rin sa kanya.

I am maybe the 1st in ranking, she's always the one next to me, pero pagdating kay Jayvee, siya yung mas may posibilidad na gusto pala nito. Kahit pa mas malapit ako dahil seatmate ko siya.

"Huy," pagtawag ni besty sa atensyon ko. Pinalis ko na lang 'yon sa isip ko.

"Anyway besty, akala mo ba makakalimutan ko? In-indian mo ako last week. Sa SM."

Naalala ko yung mga nangyari sa mall kaya naman ikinuwento ko na iyon kay besty.