Young Mansion, ay pag-aari na ngayon ng isang taong Shun Crow ang pangalan. Sa gitna ng gabi, ay isang maliit na pigura ang lumusob sa kusina. Mula sa maliit na liwanag na nang-ga-galing sa hallway, ang maliit na pigurang ito ay komportableng kumakain sa bilog na mesa sa may kusina.
Shun's POV
Habang may kausap sa kabilang linya, hindi mapigilan ang paghanga ng binata sa buwan.
"Alam mo na lahat ang dapat gawin," aniya sa kausap.
"Yes, boss. Ang buong report ay nasa table mo na," sagot ni Kier sa kabilang linya. "First thing in the morning bukas, ise-set ko na agad ang meeting with G Company."
"Alright, mabuti naman. Alam mo na ang gagawin."
Si Kier Lawrence ay isang Lawyer na nagtapos sa Harvard. Kinuha niya ito bilang isa sa mapagkakatiwalaan niya sa loob ng Corporation. Ang pamilya nito ay nagmamay-ari ng isang maliit na Law Firm na sa kalaunan ay lumaki dahil sa mga koneksyong nakikilala.
Si Kier ay naging Legal Affairs Director ng Crow Empire. Maraming mga abogado ang Crow Corporation ngunit, napakama-sekretong tao kasi si Shun, nais niyang iilan lamang ang gusto niyang makatrabaho sa kaniyang pribadong buhay.
Ng matapos ang tawag, isang anino ang namataan niyang pababa ng hagdanan at pumuntang kusina. Napangiti siya. Tahimik niya itong sinundan at sekretong pinagmasdan mula sa dilim.
Nagpasya siyang magpakita sa dalagita ng malapit na itong matapos.
"Dapat ay kumain ka ng dahan-dahan," aniya dito. Nakita niyang bahagyang itong nanginig sa pagkagulat ng bigla siyang magsalita mula sa likuran nito.
Kumuha siya ng malinis na baso at sinalukan ng tubig maiinom at inilapag ito malapit sa plato nito.
CASSIE'S POV
Nagising siya sa gitna ng gabi at agad niyang nakaramdam ng matinding gutom. Pakiramdam niya ay sobra siyang nanghina sa pagkagutom. Dahan-dahan siyang bumaba sa kama at sinuportahan ang sarili, nakahawak siya sa dingding palabas ng silid. Mariin siyang nakahawak sa may hagdanan pababa sa unang palapag ng bahay.
Maingat siyang naglakad patungong kusina na hindi makagawa ng anumang ingay. Pakiramdam niya ay mamamatay na siya sa matinding gutom. Mabuti na lamang at may pagkaing itinira sa kaniya. Nakabalot pa ito ng maayos sa loob ng refrigerator. Kinuha niya ito at ininit sa oven. Wala na siyang pangiming sumubo at pinuno ng pagkain ang kanyang kumakalam na sikmura.
Patapos na siyang kumakain ng may isang taong biglang nagsalita sa kanyang likuran. Pakiramdam niya ay tumalon ang kanyang espiritu palabas sa kanyang katawan.
"Gusto mo bang atakihin ako sa puso!?" bulyaw na dito dahil sa matinding pagkagulat.
Mula noong bumalik siya sa France ay madalas siyang maiwang mag-isa nitong napakalaking Villa dahil madalas nasa ibang bansa ang kanyang tiyahin at ang anak nitong si Mimie. Palagi siyang naiiwan hanggang nasanay na siya. At sa isang iglap, biglang napuno ng kalalakihan ang kanyang bahay. Kailangan niya ng maiging pag-iingat.
Gayunpaman, hindi humingi ang binata ng paumanhin. Sa halip ay nakita niya itong kumuha ng baso at nagsalok ng malamig na tubig maiinom. Sa kanyang pagkagulat, inilapag nito ang baso sa tabi ng kanyang plato.
Ano ito? Bigla na lang nagpaka-gentleman? Mula sa walang kunsinsyang ginulat siya at hindi man lang nag sorry? Napaka-aroganti talaga! Hmph, hindi mo ako madadaan sa ganyan! Gigil ng isip niya dahil umupo lamang ito ng kaswal sa lamisa at wala talagang paumanhin sa kanya.
Hindi talaga siya makapaniwala. Ang tulad niyang lalaki ay talagang umaastang isang hari.
Inipon ni Cassie ang lahat ng tapang niya at nagsalita dito.
"Aalis din ako agad kapag may ticket na ako pabalik ng France," anunsiyo niya. Hinihintay niya kung paano ito magrereact.
"At sino ang may sabi na aalis ka?"
Tanong nito sa kanya na sa halip ay, siya ang nagulat.
"Anong ibig mong sabihin?" patda niyang tanong.
"Pinapaalis ba kita? Sa pagkaka-alala ko ay hindi at wala akong planong gawin iyon."
"At sino ang mag-sisilbi sa akin kapag naririto ako sa isla?" Dagdag nitong tanong sa kanya.
Nahulog ang panga niya sa pagkagulat. Kanina lang ay lasang apple, ngunit kalaunan ay para na itong nabubulok na kahel. So, nais siya nitong gawing alila?
"Nalaman ko na sina auntie Ling at ang asawa nito ay dalawang beses lamang pumupunta upang magtrabaho at naiiwan kang mag-isa dito na walang kasama. Hindi iyan maganda."
Tumitig ito sa kanya at nagpatuloy ng wala siyang reaksiyon dito.
"Simula bukas, magtratrabaho sila ng full time ngunit may day-off na isang araw at iyon ay kada linggo." dagdag pa nito.
"Ano? Bakit?"
"Anong bakit?"
"Hindi ba magiging alila mo ako? Kaya't bakit maging full time sina auntie Ling?"
"May nabanggit ba ako na gagawin kitang alila?"
Balik na tanong ni Shun sa kanya na nagpapagulo ng isip niya.
"Totoong gusto kong may gawin kang mga pag-uutos ko. At sa tingin mo ba ay komportable kay auntie Ling ang pababa-akyat ng hagdan kapag may kailangan akong ipahatid sa taas?"
Pinagmasdan niya ito ng matagal at tinitimbang ang kanyang mga sinasabi. "Okay," sagot niya habang tumatango. Wala siyang makapang salita sa ngayon.
"Nais kong tutukan mo na lamang ang iyong pag-aaral. Malapit ka nang magtapos ng High School at kasunod nito ay iyong paghahanda sa college." Anito na nagpagulat sa kanya.
Wala siyang masabi sa pahayag nito. Bakit kaya masyado itong concern sa kanya at wari'ng ginagawang madali nito ang lahat ng bagay para sa kanya?
Marami s'yang gustong itanong dito ngunit wala s'yang makapang mga salita na lalabas sa kanyang bibig.
"Masyado ng malalim ang gabi, may pasok ka pa bukas." Tumayo si Shun sa upuan at bahagyang sumulyap sa kanya bago ito umalis sa kusina.
Hindi siya makapaniwala!