Chereads / My Stubborn Mistress (Tagalog) / Chapter 6 - Chapter 5: Personal Maid (Two)

Chapter 6 - Chapter 5: Personal Maid (Two)

SHUN'S POV

Nagising siya sa isang silid na hindi pamilyar sa kanya...

Inalala ni Shun ang memorya. Tama. Nasa isang isla nga pala siya at ngayon ay naninirahan sa Young Villa pagkatapos niya itong mabili.

Ng marinig niyang ibinibenta ang bahay at mga lupain, kalapit sa lugar kung saan ipapatayo niya ang hotel, agad na nagpaimbestiga si Shun sa lugar. Ng malaman niya ang katotohanan, agad siyang nagplano paano mahuhuli si Lydia sa kaniyang masamang gawain at mga panloloko.

Nagpakilala si Shun na may-ari sa ipapatayong hotel sa malapit at naghahanap siya ng malawak na lupain. Ang ginang ay nagpakita ng motibo hanggang bukas ito sa paglalahad na ibinebenta nito ang mga ari-arian sa dahilang wala ng nag-aalaga nito.

Nagpanggap si Shun na walang alam na ang mga lupaing iyon ay kukunin na ng bangko dahil sa malaking pagkakautang.

Gumawa ng agreement si Shun, na babayaran niya ito 25% na paunang byad at pagkatapos, sa susunod na linggo na lamang niya ibibigay ang buong kabayaran. Sapagkat, ihahanda pa niya ang pera.

Pumayag agad ang ginang at pinirmahan ang dukomento na siyang naging solidong ebidensya laban dito hinggil sa pagbebenta ng mga properties nang maraming beses at pagsangla dito.

Nalaman din niyang isa sa mga kasabwat nito ay manager ng isang bangko. Kaya may access ang mga ito sa dukomentong naka collateral sa banko upang gamitin sa isa na namang scheme.

Nagduda si Shun na agad aalis sa isla ang mag-ina pagkatapos niyang itransfer ang pera. Ngunit ipinadala niya agad ang kaniyang mga tauhan sa isla upang pigilan ang mag-ina sa paglayas.

Sa harapan nito ay ibinunyag niya ang lahat ng mga panloloko nang mga ito. Sinabihan niya, na may mga ebidensiyang magpapatunay dito, sapat upang makulong ito habang buhay. Maliban na lamang kung susuko ang mga ito.

Tahimik na isinama ni Kier ang mga ito sakay ng private helicopter ni Shun upang samahang sumuko nang bulontaryo sa presento. Maingat na hindi ipinaalam ni Shun kay Cassie ang tungkol sa bagay na ito.

Pagkatapos mag shower at magbihis ng casual na tshirt at jeans, pumunta sa may kusina si Shun upang gumawa ng sariling breakfast. Malapit ng lumitaw ang araw, iniisip niya.

"Oh, good morning boss," bati ni auntie Ling sa kaniya. "Ititimpla kita ng kape," sabi nito.

"Good morning, auntie Ling. Sige po, maraming salamat," sabi niya sabay hila sa silya at umupo dito.

Maya-maya pa ay gising na rin si Rudolf, humihikab ito papasok sa may kusina. Tumungo ito sa refrigerator at kumuha ng isang bote ng mineral water at inubos ang laman niyon. Pagkatapos, umupo ito sa silya sa harapan ni Shun at ipinatong ang ulo sa lamesa.

"Late ka na naman natulog kagabi? Alam mong mabagal ang internet connection sa islang ito, dapat mo nang limitahan ang paglalaro nang online games sa edad mong iyan," saway ni Shun sa kaniya.

Nakikinig lamang si auntie Ling sa dalawang binata na kaswal lamang ang pag-uusap. Wari bang hindi ito mag amo ngunit matalik na magkaibigan o kaya ay magkapatid.

"Ano? Nagpuyat ako buong gabi upang ireview ang dokumentong hindi ko naman trabaho," sagot ni Rudolf habang iniinat ang mga braso. "Nagpapakita lamang ako ng ekstrang konsiderasyon." ismid niya.

Tumawa si Shun. "Okay. Asahan mo na ang malaking bonus. Nakita mo ba akong inaabuso ang mga empleyado ko?" aniya.

Ngumisi si Rudolf. Alam naman niya ang bagay na iyon dahil matagal na silang magkaibigan mula pa noong High School dahil magkakaklase na silang lahat, kasama nina Kier at Daichi. Kahit nagkahiwalay noong mag college na sila, patuloy naman silang nagme-meet.

Inihain ni Auntie Ling ang kanilang almusal nang dumating si Daichi mula sa pagjo-jogging sa labas. "Ah, ang sarap talaga tumakbo sa isla dahil ang presko ng hangin! Dapat mag jogging din kayo!" sabi niya sa dalawang lalaki. Nagsulyapan lamang sa isa't-isa ang mga ito.

"Ikaw! Agad kang kumain pagkadating mo, eh hindi ka pa naghuhugas ng kamay!" saway ni Rudolf kay Daichi sabay hila sa tainga nito patungong lababo. Napailing lamang si Shun at nagsimulang kumain.

Namamangha naman si Auntie Ling sa dalawang binata. Nung dumating ang mga ito sa villa, kahit umaapaw ang nakakamatay na aura mula sa mga katawan nito, nararamdaman naman niya ang mabuting enerhiya sa kanilang pagkatao. Nag-e-enjoy siyang pagmasdan ang mga ito habang nag bibiroan, ngunit napaka seryoso ng mga ito kapag oras ng trabaho.

"Rudolf, nakakuha ka na ba nang mga taong kailangan natin?" tanong ni Shun.

"Yes, boss. Dumating na sila sa pier at kasalukuyang sinusundo ni Jing," sagot ni Rudolf.

"Mabuti naman." aniya at tumigil sa pagkain upang hagilapin ang ginang. "Auntie Ling, anong oras po ba kadalasang nagigising si Cassandra?" tanong niya dito.

"Okay." Shun stop eating then look up to search auntie Ling. "Auntie Ling, what time Cassie usually woke up?" he asked the middle-aged woman.

Lumabas si Auntie Ling mula sa may counter, "kadalasang gumigising si Cassie bandang alas-sais ng umaga." sagot nito.

"Okay, thank you, auntie Ling," tumango siya sa ginang at pagkatapos bumaling kay Rudolf. "Tsaka na lang kayo magsimulang mag impake kapag nagising na si Cassandra."

"Okay, naiintindihan ko."

Shun and Daichi left the house before Cassie come down, that's around 6:30 in the morning... They went to the site to have a meeting with the engineers, architects, planners and all higher-ups he needs to build his own hotel and resort.

Umalis sina Shun at Daichi sa bahay bago bumaba si Cassie bandang alas sais y media ng umaga. Pumunta sila sa site para sa isang meeting kasama ang mga engineers, architects, planners at iba pang executive na kasama sa planong pagpapatayo ni Shun sa kaniyang sariling hotel at resort.

Lagpas alas-siyete ng maramdaman niyang waring may nagmamasid sa kaniya. Pumihit siya patalikod at nalaman niyang si Cassie pala iyon sakay sa bisikleta nito. Nagulat siya noong una dahil inihabilin niya kay Jing na ihatid ito patungong paaralan. Mukhang tumanggi ang dalagita.

Napansin niyang nagulat din ito nang magtagpo ang kanilang mga mata. Ngumiti siya dito ngunit agad naman itong umalis at hindi na lumingon. Nakikita niyang natatakot ito sa kaniya. Naiisip din nitong kaya niyang pumatay. Humugot ng isang malalim na buntong hininga si Shun.

"Ahem..." nagkunwaring napapaubo si Daichi at naintindihan ni Shun ang ibig ipahiwatig sa kaniya.

Sinulyapan ni Shun ang mga mukha nang kaniyang empleyado. Nahulog ang mga panga nito sa lupa at hindi niya masisisi kung gayon na lamang ang pagkagulat ng mga ito sa ekspresyon niya.

Alam nila kung anong kaya niyang gawin kapag nagalit siya. Nangyari ito noong kasagsagan sa paggawa ng Peninsula Glass Garden Castle at may aksidenteng nangyari dahil sa kapabayaan. Kaya mailap ang mga empleyado sa kaniya at maigi ang mga itong magtrabaho kapag kasama siya.