CASSIE'S POV
Ang malakas na kalimbang ng kampana ay maririnig sa buong Junior at Senior High campus.
Ang pag tunog nito ay nagpapaalala na tapos na ang pang-umagang klase sa araw na iyon.
Nagpapahiwatig din ito na oras na nang pananghalian kung saan, kadalasan ang karamihan ay may dalang baon mapa guro o mga estudyante, maliban na lamang sa mga nakatira malapit sa paaralan.
Bukod niyon, maraming kalapit kainan ang school gayon din May isang resort hindi kalayuan mula dito.
Sa loob ng Senior High classrooms, masiglang nagsilabasan ang mga estudyante bitbit ang kaniya-kaniyang baon. Nag-uunahan ang mga itong makakuha ng magandang puwesto sa palibot ng paaralan. Maganda kasi ang view sa may likuran kung saan tanaw ang asul na karagatan at kabundukan naman sa harapan ng gusali.
Dahil mayayabong ang mga puno, hindi mo mararamdaman ang init ngunit ang malamig at preskong simoy ng hangin.
Pinagmasdan ni Cassie ang malawak na asul na karagatan. Kailangan na niyang makauwi, ngunit bago pa siya makatayo sa kaniyang desk ay may mga estudyante mula sa Unang Taon ng Junior High.
"Senior! May naghahanap sa iyo!" pagbabalita ng mga ito.
Nagtaka man, maigi niyang pinagmasdan ang mga mukha nang estudyante, na wari ang mga ito ay tinamaan ng kung ano sa kadahilanang namumula ang mga pisngi nang mga ito.
"O, sige, pupuntahan ko, maraming salamat," aniya pagkatapos sabihin nung isang estudyante kung saan nag-aantay ang kaniyang bisita. Tumayo si Cassie bitbit ang kaniyang bag. Bumaba siya agad at tinungo ang front garden nitong eskuwelahan.
Nagtaka siya kung sino ang mga ito na wari bang kilig to the max ang mga estudyante at nauutal ang kanilang pananalita.
Kaya't gayon na lamang ang kaniyang pagkagulat ng makita niya sina Mr. Daichi at Mr. Jing. Napalingon siya sa paligid kung kasama ba ng mga ito ang kanilang amo, ngunit dismayado siyang hindi makita kahit anino nito.
Nagulat si Cassie sa kanyang sarili. Bakit nga ba siya madi-disappoint? Baliw ata siya para isipin ito at umasang baka pinuntahan siya ni Shun. Napailing-iling siya ng ulo upang iwaglit ang kung anu-anong tumatakbo sa loob ng isipan niya.
Nauna niyang sinulyapan si Mr. Jing at yumuko siya tanda ng paggalang dito bago niya ibinaling ang atensyon kay Daichi. "Mr, Daichi, nandito po ba kayo para sunduin ako?" tanong niya na may pag-aalala sa kadahilanang nahihiya siya sa mga ito.
Sino ba siya para sunduin mga ito?
"Naku, hindi. Nandito kami para ibigay sa iyo ang pananghalian mo," sabi ni Daichi sa kaniya sabay abot ang isang malaking lunch box na nakabalot ng maganda.
"Ha? Bakit po?" tumingala siya ng pagkahaba-haba dahil masyadong matangkad ang dalawa. Nakarehistro din sa kaniyang mukha ang malaking pagkagulat.
"Anong bakit? Nagda-diet ka ba? Bakit ba kayong mga babae ang hilig niyong mag diet? Bakit ba kayo masyadong concern sa timbang niyo?" sunod-sunod na tanong ni Daichi sa kanya.
Hindi inaasahan ni Cassie na magbanggit ito ukol sa bagay na iyon at saka never naman siyang nagda-diet at hindi naman siya mapili sa pagkain. Kahit ano kakainin niya hanggat makakain ang mga ito.
Napabuntong hininga siya bago sumagot. "Hindi po ako nagdyidyita kahit kailan, Mr. Daichi."
"Mabuti naman kung ganoon!" malaki ang pagkakangiti nito at kinindatan sa kanya.. "Kayong mga babae dapat mga healthy foods kinakain niyo!" sabi pa nito at humahalakhak.
"Payo mula sa taong wala namang nalalaman na diet kundi maglasing halos gabi-gabi," komento ni Mr. Jing na siyang nagpahagikhik kay Cassie.
"Hoy, Jing! Tumahimik ka! Hindi iyan desenting banggitin sa harap ng isang binibini!"
Napangiti siya dahil parang nagba-blush si Mr. Daichi ng dahil sa pahayag ni Mr. Jing.
Gayunpaman, nararamdaman ni Cassie ang mga matang nakatingin sa kanila habang nag-uusap sa harapan nitong school building. At nasisiguro din niyang kahit ang mga faculty teachers ay nakamasid din sa kanila, nakadungaw mula sa kanilang bintana.
"Mr. Daichi, Mr. Jing, maraming salamat po sa pag-aabala niyong dalhan ako ng pananghalian. Ngunit maaari naman akong umuwi ng bahay."
"Hindi iyan maaari, Miss Cassie." pahayag ni Jing.
"Ano bang ibig mong sabihin, Missy? Sa totoo lang, ang layo kaya. Ganito uh," sabi ni Daichi kasabay nito ang pagkumpas ng mga braso upang i-demonstrate ang layo ng villa mula sa paaralan. "Paano mo nasasagawa ang pag-uwi at pabalik sa school na hindi nale-late? Hindi nagustuhan ni boss ang ganoon," pahayag ni Daichi.
Nagulat siyang mabanggit ng binata ang amo nito, na siyang Master na rin niya simula kagabi. "Uhm... nasanay na ho ako, Mr. Daichi. At saka meron naman pong shortcut na siya--" hindi niya natapos ang sasabihin.
"Iyan ang hindi talaga nagustuhan ni boss, Missy. Ang palagiang pagdaan mo sa kakahoyan na mag-isa. Kaya mula ngayon, igagawa ka na ni Auntie Ling ng pananghalian at ihahatid ni Jing kapag wala ako rito," ayon ni Daichi sabay turo sa kaniyang sarili. "Ayos ba, Missy?" at nag thumbs up ito.
"Pero, napakalaking abala po sa inyong lahat. Pwede ko naman hong ihanda ang lunch ko sa umaga bago pumasok sa school." tanggi niya sa bagong konsepto sa kaniyang buhay. Naisip niya, sobra na masiyado.
"Dapat ay mga bagong lutong ulam ang iyong kakainin, kaya sumuko ka na sa pagtanggi, Missy," taimtim ang pagkatitig ni Daichi sa dalaga, pagkatapos, "Ayos, ba?" ngumiti ito.
Naisip ni Daichi, tama nga ang sabi ng boss niya, maaari itong magmatigas ng ulo sa pagtanggi. Kaya't dapat niyang ipursige ang pagpayag nito, kahit na anong mangyari at kahit na anong idahilan pa nito sa kanila.
At naramdaman ni Cassie na parang katulad ng isang kapatid ang pagtrato nito sa kaniya kaya hindi na siya makatanggi.
"Miss, pumayag na kayo... huwag po ninyo akong alisan ng trabaho," seryosong hiling ni Mr. Jing sa kaniya.
Suot pa rin nito ang itim na mala-MIB sunglasses kaya namamangha siyang nakatitig dito.
Napabuntong hininga na lamang siya at bahagyang nag blush dahil naa-amuse siya sa dalawa. "Sige na nga, panalo na kayo." aniya at ngumiti.
Ang mga ngiti ni Daichi ay mas lalong lumapad habang nakatitig sa namumulang pisngi ng dalaga.
"Maraming Salamat po, Mr. Daichi, Mr. Jing." tumungo siya at nagpasalamat.
"Hindi mo kailangang magpasalamat, Missy! Maligaya kaming gawin ito." iwinagayway ni Daichi ang mga kamay habang tumungo si Jing sa pagsang-ayon.
"Babalik na kami sa villa. See you later, Missy? Susunduin ka ni Jing mamayang hapon pagkatapos ng iyong klase."
"Sandali! Naku, hindi na po kailangan! Magba-bike po ako pauwi," sabi niya sa dalawa habang nakikiusap ang kaniyang mga mata. "Ano kasi, hindi ako sanay kaya--" baluktot niyang pahayag, ngunit hindi niya magawang sabihin ang ninais na ipahiwatig sa mga ito.
Nagkatinginan sina Daichi at Jing.
"Okay. Pero ngayon lang ito, kausapin mo muna si boss, hum?"
Pagpayag ni Daichi, at naramdaman niyang inispoil siya nito kaya ngumiti siya ng matamis.
"Kausapin mo si boss!" paalala nito sa kaniya.
Tumango si Cassie at pinagmasdan ang mga ito patungo sa nakaparadang itim na kotse sa may di kalayuan.
"Later, Missy!" kinindatan niya ang dalaga habang sumasaludo dito bago siya pumasok sa loob ng Mercedes Benz.
Dahan-dahan ang pagpapatakbo ni Mr. Jing sa kotse habang palabas ng paaralan hanggang hindi na niya tanaw ang sasakyan nang may tumalon sa kaniyang likod.
"Walang hiya ka, Miss Young!"