Chereads / My Stubborn Mistress (Tagalog) / Chapter 8 - French Cuisine

Chapter 8 - French Cuisine

Hindi kumilos si Cassie hanggang mawala ang sasakyan sa kanyang paningin. At bago siya pumihit patalikod, biglang may tumalon sa kanya.

"Miss Young! How dare you!" sigaw ng isang estudyante na kasing edad lamang niya. Hawak ang kanyang magkabilang balikat, pinaharap siya nito.

"Hindi ba't magbesties tayo?" anito sa kaniya.

Pinagmasdan niya si Joana, nakasimangot ito kaya't napabuntunghininga na lamang siya. "Hindi ba't uuwi ka? Bakit nandito ka pa?" balik tanong niya dito.

Sinagot siya ni Joanna, "tingnan mo, pinipigilan ko lang magtanong sa iyo nitong umaga dahil nagkakagulo ang mga classmates natin. Ngunit sa nakita ko ngayon? I demand an explanation, Miss Young!"

Namamanghang tiniris niya ang pisngi ni Joanna at saka humagikhik. "Oo, alam kong interesado ka rin."

Pagkatapos, nagsimula siyang maglakad pabalik sa kanilang classroom at nakabuntot si Joanna sa kanya. Mula pa pagkabata ay magkaibigan na sina Joanna at Cassie, kaya alam nito lahat ang tungkol sa kaniya at lahat ng nangyayari sa kaniya.

Plano naman talaga niyang sabihin sa kababata, ngunit nag-aantay lamang siya ng tamang panahon.

Nakaupo sila ngayon sa kani-kanilang desk, magkaharap pagkatapos nitong pinaikot ang lamesa paharap kay Cassie. Mula sa kanilang silid-aralan, makikita nila ang buong asul na karagatan.

Tanghaling-tapat, mabuti na lamang at napapalibutan ang isla ng maraming puno na siyang nagbibigay ng preskong hangin sa paligid. Ang kurtina sa kanilang silid-aralan ay sinasayaw ng hangin, kaya't itinali ito ni Joana. Pagkatapos, binuksan ni Cassie ang lunch box at nagulat siya ng makita ang laman niyon.

Paano kaya niya mauubos ang lahat ng ito? Tanong niya sa sarili. Nahinuha ni Joanna ang kaniyang iniisip kaya't nagsalita ito. "Ba't ka mag-aalala eh, nandito naman ako?" proud nitong sabi.

Napahagikhik na lamang si Cassie. Nilanghap nila ang pagkain. Sa amoy niyon nasisiguro nila kung gaano ito kasarap. Hindi niya akalain na marunong palang magluto ng ganitong cuisine si Auntie Ling, palagay ni Cassie.

"Wow! Mukhang ang sarap nito, Cassie!" masayang sabi ni Joanna habang nakatitig sa pagkain. Takam na takam ito na kilalang magana sa pagkain.

"Ngayon, Miss Young, magsimula kanang magpaliwanag!" aniya ni Joanna, na ginaya ang mataray nilang Math teacher. Pati paggalaw nito habang inaayos ang kaniyang reading glasses kunwari.

Natawa si Cassie sa tinuran nito. Alam niyang hindi siya makakatakas kahit pa patagalin niyang itago ang anuman. Kaya't ibinahagi niya dito ang lahat ng nangyari kahapon at maigi itong nakinig ni hindi man ito kumurap.

"Hindi ko alam kong nasaan na sina Aunt Lydia ngayon," ang panapos niyang kuwento.

"Sa aking pananaw, isang magandang balita kung patay na sila." pahayag ni Joana sabay hampas sa kaniyang desk.

"Bakit ba kayo ni Auntie Ling eh pareho ang iniisip?" Hindi pa rin siya makapaniwala kapag may magsasalita nang hindi maganda tungkol sa kaniyang tiya.

Kahit alam niya kung bakit naiinis ang mga ito sa tiyahin pero hindi niya magawang magalit sa mga ito kahit hindi siya masyadong tinatrato ng maayos. Gayunpaman, wala siyang makapang galit sa mga ito.

Nakita niya kung paano namuhay sa karangyaan ang mga ito samantalang, simpleng buhay lamang meron siya. Hindi naman siya materialistic na tao kaya hindi siya nagrereklamo kung anong meron siya at kung anong ibibigay sa kaniya ni Lydia.

Kaya nga lang, ang perang ginagastos ng mga ito ay sa kaniya at iyon ang krimeng ginagawa nila sa kanya. Pero ngayon? Nawala na sa kaniya ang lahat.

"Anong plano mo ngayon? Kung gusto mo, eh pwede ka naman naming amponin." tinatapik ni Joanna ng kaniyang balikat. Waring nagbibiro ito ngunit kilala niya si Joanna at sinsero ito sa sinasabi pagdating sa kaniya.

"No worries, my trabaho ako sa villa kaya mananatili pa rin ako doon." sagot niya.

"At anong klaseng trabaho? Hindi mo ba naisip na puro mga lalaki ang kasama mo sa bahay na iyon?"

Ngayon lang maiging napagtanto ni Cassie ang tungkol sa bagay na ito. Mula ngayon, kasama na niya sa iisang bubong hindi lang ang master niya ngunit pati na rin sina Mr. Daichi, Mr. Rudolf, Mr. Jing at iba pang men in black suit.

"Pero mukha namang mababait silang lahat," aniya kay Joanna. "Besides, gusto sila ni Auntie Ling kaya nasisiguro kong mga desente silang tao."

Hinawakan siya ni Joanna sa magkabilang balikat. "Gayunpaman, ipaalam mo agad sa akin kapag may ginawa silang hindi maganda!"

"Anong ibig mong sabihin sa hindi maganda?" maang na tanong niya. "Siguro naman hindi nila ako uutosan ng mabibigat na gawain, hindi ba?"

"Napakainosente mo talaga, Miss Young! Kailangan kong maging Knight in Shining Sexy Armor mo." sabi ni Joanna sabay pakita nito sa kanyang muscles sa braso.

Tumawa si Cassie sa tinuran nito. "Hindi. Masiyado ka lang talaga nanonood ng Chinese at Korean drama."

"Anong masama niyon?" bulalas nito.

"Oo na, kumain na tayo at baka lumamig pa yung pagkain." sabi niya pagkatapos. Talaga namang nagpapasalamat siya at may matalik siyang kaibigan tulad ni Joanna. Siya ang kaunaunahang tao na palaging nandiyan para sa kanya.

Meron itong apat na kapatid na mga lalaki na ayon ng mga ito, lagi silang binubugbog ni Joanna... sa kadahilanang masiyadong pilyo ang mga ito. Kunsabagay, mahirap sigurong i-handle ang apat na makukulit na kapatid araw-araw... ganoon pa man, hindi nakakaligtaan ni Joanna na makialam sa mga isyu niya. Lagi siya nitong iniisip at nag-aalala sa kaniya. Para nang magkapatid ang turingan nila sa isa't isa.

"Mabuti naman! Akala ko at titigan lang natin itong mga pagkain buong lunch break!"

ani Joanna at sabay silang tumawa pagkatapos.

Maayos ang pagkakabalot. Kasama niyon ay pares na kutsara at tinidor na May kasamang chopsticks.

Kinuha ni Cassie ang chopsticks at si Joanna naman ay gamit ang tinidor na agad nitong isinubo ang mga karne sa kaniyang bibig. Namangha si Cassie.

Pagkatapos nilang tikman ang lahat ng pagkain, napasinghap sila sa sarap. Maayos ang pagkakaluto ng pagkain na siyang nagpasarap nito. Hindi pa sila nakakakain ng ganoon sarap ng lasa. Mukha namang tipikal lamang ang mga sangkap at sahog na makikita lamang dito sa isla pero sobrang sarap ang pagkakaluto niyon.

"Wow. Si Auntie Ling ba ang nagluto nito? Kailan pa siya natutong magluto ng ganitong mga pagkain?" tanong ni Joanna sa gitna ng paglamon nito.

Pareho nilang alam na mahusay s apagluluto si Aunti Ling pero nagtaka si Cassie na parang familiar sa kaniya ang lasa ng mga pagkaing iyon. Saan kaya natutunan ni Auntie Ling ang mga lutuing ito? Hindi mapigil ni Cassie na magtaka.

"Sa tingin ko, nakakain na ako ng ganitong dishes." sabi niya kay Joanna.

"Talaga?" Walang tigil sa pagnguya ni Joanna. "Wow, kahit ang mga gulay, ang sarap!"

Patuloy sa pag-iisp ni Cassie kung posible ba na? Mukhang isa kina Mr. Rudolf or Mr. Daichi ang nagluto nitong mga pagkain.

"Tama!" Naalala na ngayon ni Cassie kung saan niya ito natikman. "Ang pagkaing ito ay mga French cuisine!"

"Wow, talaga? Ang ibig mo bang sabihin ay international ang mga pagkaing ito?" Tanong ni Joanna na wari namang wala siyang pakialam basta't nakakain siya ng masarap. At paano niya malalaman? Nakatira lamang siya sa isla buong buhay niya.

"Uu. Ang mga cuisine na ito ay itinuturo lamang sa France. May isang academy doon na pawang ang magagaling lamang ang maaaring mag-aral roon. Hindi ka matatanggap sa academy kapag hindi mo agad nakuha ang lasa ng pagkain sa sarili mong pagkilanlan."

"Ano? Hindi ko maintindihan."

Nagpatuloy sa pagpaliwanag si Cassie. "May ituturo silang isang putahe na kailangan mong maperpekto sa loob ng isang linggo. Ang lahat ng mga bagong dishes na mabubuo sa loob ng academy eh kailangan mong kunan ng lisensiya mismo sa academy para maaari itong lutuin o gawing espesyal na menu sa mga mamahaling restaurant. Sa narinig ko, iyong mga 5 stars and above hotels lamang ang nakakaafford bilhin ang franchise niyon."

"Ah, kaya pala ang sarap-sarap ng lasa nitong mga pagkain. Akala ko ay nasa langit na ako habang kumakain."

Pinagmasdan niya si Joanna at mukha ngang super enjoy siya sa pagkain. Mas minabuti niyang kumain na rin kung hindi ay mauubos na ni Joanna ang lahat ng pagkain at wala ng matira sa kaniya.

Nais niyang makausap si Auntie Ling pagkauwi niya para matanong kung sino ang nagluto nitong mga pagkain.

Related Books

Popular novel hashtag