Chereads / My Stubborn Mistress (Tagalog) / Chapter 5 - Chapter 5: Personal Maid (One)

Chapter 5 - Chapter 5: Personal Maid (One)

CASSIE'S POV

Tunog ng alarm clock ang gumising sa kanya na wari ay bumabaon sa kanyang tainga ang malakas na pagtunog nito. "Hay, may pasok pa pala ako," sambit niya sa sarili.

Anong oras na ba? Hindi niya namalayan nakatulog na pala siya kagabi, mula sa kaka isip tungkol sa na pag-usapan nila ng bagong may-ari nitong vila; Master ang dapat nyang itawag dito mula ngayon.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Ganoon na lamang ba kadali niyang matatanggap ang lahat ng nangyari sa kanya?

Gayunpaman, wala pa silang malinaw na agreement tungkol sa pananatili niya sa villa. Kahit malaking benepisyo sa kanya ang manatili sa isla kung saan maraming magandang ala-ala ang naiwan ng kanyang mga magulang, sa ngayon, hindi na niya pagmamay-ari ang villa bagkus, isa na lamang siyang utusan ng lalaking iyon.

Kahit nabanggit pa ni Shun ang tungkol sa kanyang pag-aaral sa college, eh para saan naman? Anong motibo meron ito?

Ah. . . Kailangan na nyang maghanda sa pagpasok! Nagmamadali siyang nag shower at napiling suotin ang PE uniform niya dahil hindi na niya nagawang labahan ang school uniform kahapon, pati pa ang extra niyang uniporme. Maraming nangyari kaya nawaglit sa isip niya.

Bumaba siya sa unang palapag ng villa pagkatapos makapaghanda sa pagpasok. Pumunta siya sa may kusina ng magulat syang makita si auntie Ling. Tsaka lang niya naalala na magtratrabaho na ito ng full fime simula sa araw na iyon. Nasanay lang talaga siyang walang kasama o katulong sa lahat ng oras.

Araw-araw siya lamang ang nagluluto at nag-aasikaso sa lahat ng pangangailangan niya. Bago siya pumasok sa eskuwela, inihahanda niya ang agahan at tanghalian, kasama pa roon ang pagkain nina auntie Lydia niya at Mimie kapag nandito ang mga ito sa isla. At umuuwi siya tuwing tanghali upang ipaghanda sila pagkain.

Tama. Matagal na siyang parang isang alila bago pa man dumating si Shun. Mas marami pa nga syang mabibigat na gawaing bahay, kumpara sa mga bagay na sinabi ni Shun sa kanya. Nais lamang nitong pagsilbihan siya kapag narito ito sa isla. At ngayong kaagapay si auntie Ling at uncle Jong, mababawasan ang mga gawain niya sa bahay tulad ng paglilinis.

Tahimik na kumakain si Cassie ng dumating ang isang grupo ng mga kalalakihan. Sa pangunguna ni Mr. Rudolf, umakyat ang mga ito sa ikalawang palapag nitong villa. Bago pa man siya nakapagtanong ay ikinuwento na ni auntie Ling ang plano ng boss na ipa-Auction ang lahat ng mga gamit sa dalawang silid sa itaas na inuokupa ni Lydia at Mimie.

Dagdag pa ni auntie Ling, inihabilin ni Shun kay Mr. Rudolf na maghintay hanggang magising siya at tsaka na ang mga ito umakyat sa taas upang magsimulang mag balot at maghakot. Nagulat siya sa tinuran ni Shun kung gaano ito nagbibigay ng malaking konsiderasyon sa kanya. Nagtataka na talaga siya kung bakit ang daming pabor ang ibinibigay sa kanga eh kasambahay lamang siya nito.

Sa ngayon, ang tamang tawag sa kanyang role ay 'personal maid' ni Shun, gayunpaman, hindi disenteng pakinggan sa tainga. Na alibadbaran siyang isipin ang bagay na iyon.

Pagkatapos niyang kumain ng agahan ay agad na syang naghanda papuntang school. Nakasampa na si Cassie sa bisikleta ng humarang ang isa sa mga tauhan ni Shun.

"Miss, utos ni boss na ihatid kita sa iyong pagpasok. Kaya paki-usap, bumaba na po kayo sa inyong bisikleta at sumakay sa kotse," magalang na saad nito. Matangkad at malaki ang pangangatawan nito kaya noong una ay natakot siya dito.

"Hindi naman ho ganoon kalayo ang school, ayos na po ako sa pagbibisikleta papunta roon. Pakisabi na lang po sa boss niyo na hindi na niya kailangang gawin ito at maraming salamat. Na appreciate ko po ang pagnanais ninyo."

Pagkatapos nyang sabihin ito, nagsimula ng magpedal si Cassie at iniwan ang malaking taong iyon na bodyguard ni Shun, napapakamot na lang ito sa ulo.

Hindi kasi maganda sa paningin, baka kung anong isipin ng mga kaklase niya at iba pang estudyante sa paaralan niya. Lalo pa at napaka intimidating nung dating ng kotse. Walang sinumang ma pera sa isla na kayang bumili ng isang Mercedez Benz.

* * *

Para syang isang malayang paru-paru habang nagpepedal ng kanyang bisikleta. Ang simoy ng umaga ay nakatulong upang pakalmahin ang buo niyang kamalayan. Tahimik lamang ang karagatan nitong umaga kaya't ang isla ay makakaranas ng payapang araw.

Si Cassie ay nakaramdam din ng sobrang pagmamahal sa islang ito, at ayaw na niyang mapawalay rito ulit. Mabubuting tao ang mga taga-rito sa isla, ang pagtulong sa isat isa ang pinaka higit na iniisip ng lahat at siyang unang dahilan ng kanilang buhay.

Nakaugalian na ng lahat na ibahagi ang kahit maliliit na mga bagay sa kapwa kahit wala ng matira sa kanila. Layunin ng lahat ang matawid ang kanilang pang-araw-araw at mabuhay, ngunit kahit kailan, hindi nila kinaligtaan ang pagtulong sa iba. Kaya hindi nakakapagtaka kung bakit lubos na napamahal sa kanyang ama ang islang ito.

Nasanay siyang may kumakatok sa pintuan nila at mabungaran ang kanyang kapitbahay na may bitbit na bagong huling isda, mga bagong ani na gulay, o kaya naman ay bagong lutong ulam. Napapa-isip siya, maganda pa rin ang takbo ng buhay niya kahit pa man sa nangyari sa kanyang mga magulang. Kahit naging ulila siya, may mga magagandang bagay ang kanyang naranasan, na hindi siya nag-iisa... hanggang napag-alaman niyang trinaydor pala siya ng kanyang tiyohin at tiyahin.

Ipinilig niya ang ulo upang mawaglit ang mapait na katotohanan. Tumingin siya sa kanyang relos, may sapat na oras pa siya bago magsimula ang kanilang unang klase ngayong umaga.

Sumulyap siyang muli sa kanyang relos bago lumiko sa bahaging kanan palayo sa main road. Naalala niya, ang relos na ito ay bigay ng kanyang uncle noong 15th birthday niya, isang pagkakataong isinama siya nitong pumunta ng Japan tatlong taon na ang nakakaraan.

Nakatingin siya rito sa may bintana nung store at napansin ng kanyang uncle Martin. Kaya masayang-masaya talaga siya sa natanggap na regalo. At kahit nalaman niya na ninanakawan na pala siya ng mga ito, hindi niya magawang magalit o kamuhian ito. Siguro masyado pa siyang inosente, o dahil maganda ang trato nito sa kanya noong nabubugay ito, kaya magpanggap na lamang siyang bulag sa katotohanan.

Hindi naman kasi siya pinabayaan nito, ngunit minahal na para syang tunay na anak. Maliban na lang sa kanyang tiyahan at anak nitong si Mimie. Ginagawa siya nitong alila kapag wala ang kanyang uncle Martin. Gayunpaman, hinihiling pa rin niya, na sana nasa mabuting kalagayan ang mga ito kung nasaan man ngayon ang mga ito ngayon.

Huminto si Cassie sa pagpedal ng kanyang bisikleta. Pinagmamasdan niya ang mga tao sa ibaba na mukhang napaka-abala kahit napaka-aga pa. Matagal na siyang may narinig mula sa usap-usapang may rhotel na itatayo sa isla, na katabi lamang sa Man-Made forest ng papa niya.

Sinong maga-akala, na ang taong iyon ay siya niyang amo ngayon. Si Shun Crow. Nalaman niya, 30 years old lamang ito ngunit napaka-successful na nito. Kung buhay pa siguro ang kapatid niya, magka-edad lang sila nito.

Ano kaya ang naging buhay niya kung hindi umalis ang kanyang kuya? Siguro maayos lang ang lahat, kahit wala na ang kanilang magulang.

Nagpatuloy sa pagmamasid si Cassie ng lumingon si Shun sa kanyang direksyon at nag tama ang kanilang mga mata. Huli sa akto, biglang may kung anong naghahabulan sa loob ng kanyang dibdib. Sa kanyang pagka-gulat ng biglang lumingon si Shun; ay mabilis siyang nag pedal palayo sa lugar na iyon.