Cen's POV:
Hindi muna ako pumasok ngayong araw kahit na Lunes na Lunes. Dinahilan ko na lang kay Pajen na masakit ang ulo ko kaya hindi ako makapasok.
Pero ang totoo pumunta ako sa bahay. Hindi sa bahay ni Pajen o nina Lola. Kundi sa bahay ng mga magulang ko.
Kailangan kong malaman kung ano yung ibig sabihin ng vision ko noong mga nakaraang araw. Hindi ko kasi naintindi to dahil sa-- hayss, ayoko nang maalala.
Nagdadalawang isip ako kung bubuksan ko kung magdodoor bell ako o hindi.
Ano ba yan Cen?! Ngayon ka pa nagdalawang isip na pumasok kung saan nag-aksaya ka na ng pamasahe't lahat-lahat?
At sa huli, napagdesisyonan ko na lang na magdoor bell.
"Sino po kayo?"
May bago pala silang maid. Nandito pa kaya si Yaya Helen?
"Ahmm, Drea po ang pangalan ko." another nickname ko yan. Alam nyo na kung san galing.
"Ganun po ba? Pasok po kayo. Tatawagin ko lang po sina Sir."
Tumango lang ako at sumunod sa maid.
Ang daming nagbago sa bahay. Mas malaki na siya kesa dati. Third floor na siya ngayon at may fountain at flower garden na sa entrance ng bahay. Kelan nga ba ako huling pumunta dito? 8 years na ata ang nakakalipas. Oo, 7 years old kasi ako nung umalis ako dito.
"Maiwan ko muna po kayo. Tatawagin ko lang po sila." sabi nung maid.
"Wait, ahmm nandito ba si Yaya Helen?"
"O-opo. Bakit po?" nagtatakang tanong nung maid.
"Wala." sabi ko at nagsmile na lang.
Umalis na lang yung maid kasi tatawagin pa daw yung Sir niya.
Hindi naman kami masyadong mayaman eh. May kaya lang. May 5 hotels, 7 restaurants, 10 condo, at 3 pinagmerge na pinakamayaman na company sa buong mundo LANG ang mga propeties namin eh. Well, tinuturing kong amin yun kasi kina Lolo yun eh. Di ako mayaman ok? May kaya lang.
"Drea."
Isang pamilyar na maskuladong boses ang nag-udlot sa pagmamasid ko sa pinagbago ng bahay.
Tumingin ako sa kanya, I mean sa kanila nang napakalamig. Kasama nya ang asawa nya at ang magaling niyang panganay na anak.
Nabigla ako nang niyakap ako ni Kuya Cedron. Sa isip ko lang siya tinatawag na kuya. May galang pa rin naman ako kahit papano.
"Baby Drea! I missed you!" sabi ni Kuya.
Naramdaman ko nalang na basa ang balikat ko kung saan nakabaon ang ulo ni Kuya.
"Stop calling me baby. I'm not a baby anymore." malamig kong sabi.
Parang nabigla si Kuya dahil napatigil sya sa paghikbi. Tss. Nagtaka pa sya?! Hmm, siguro hindi niya ineexpect na masasagot ko sya nang ganon. Whatever!
Bumitaw siya sa yakap pero hindi niya binitawan ang mga balikat ko.
"I know you're not a baby anymore. But for me, you'll always be my baby."
Tss. Anong drama nito? Don't tell me, nasa reality show kami?
"Stop acting like you missed me, like you care for me and that you loved me." sabi ko while maintaining my cold tone.
"What makes you come here?" sabi ng magaling kong nanay. Okay, no cameras. Mom is acting normal.
"I missed you too MOMMY." pinakadiinan ko ang "MOMMY" para malaman nyang sarkastiko ang tono ko.
Mukhang wala dito ang bratinela kong kapatid. Tss. May pasok siguro yung b*tch na yun.
"Baby Drea." sita ni Kuya sakin. Tss. I don't care.
"Drea. Do you want to eat something?" tanong ng tatay ko.
Tss. Ba't ang paplastik nila?! Dep*ta!
Gusto nila ng plastikan? Pwes magpaplastikan tayo!
"Why "DADDY"? Are you gonna put some poison on my food? Just so you know, I'm not as idiot and stupid as you think before!" sabi ko.
Dahil noong bata pa ako, palagi niya akong sinasabihang "bobo", "walang kwenta" at "wala nang ginawang tama". Palagi nalang niyang sinasabing "Buti pa si Cedron at Cenia may pakinabang! Ikaw wala! Wala ka nang ginawang tama! Ang bobo mo!"
Nakita ko kung pano siya nagitla sa sinabi ko. Serves him right.
"Well, since mapilit ka "DADDY", I'll accept your offer even though I may die after this "happy meal". Aww. Sayang naman at wala si Cenia, complete family sana "KAYO" bago ako mamatay." sabi ko at nabago ang tono ko from cold to b*tchy one.
Namnamin niyo ang paghihiganti ko. Nagsisimula pa lang ako.
Hindi niyo ko masisisi kung bakit ako ganito.
"Baby Drea! Wag kang magsalita ng ganyan! We will not kill you coz we love you! And you're part of family." sigaw ni Kuya Cedron.
Hindi ko na matiis ang kaplastikan nila! Tangina!
"Really? You love me? Huh! San banda Cedron? Sa kuko? Hahaha! Nagpapatawa ka ba? And me? Part of YOUR family! Huh? Heaven, Earth and Hell knows that you never loved me and treat me as your family! So please stop this fake act coz its f*cking annoying!" singhal ko.
Natigilan silang tatlo sa sinabi ko.
"You used to make my life miserable. You used to hurt me physically, emotionally and mentally. You used to fooled me by your deceiving acts but now, I'm not a child anymore! I'm not some stupid, innocent girl believing that her family will learn love to her in the future. Coz now...I'm your greatest nightmare."
Napakuyom ng palad si Dad. Si Mommy natulala. Si Kuya, napayuko.
"I'm gonna make you feel what I felt before. I'm gonna make your lives a living hell. I am not Drea anymore. That Drea who was so stupid to believe that her family will love her but in fact she's just dreaming!" sabi ko with all hatred in every words na lumalabas sa bibig ko.
Wala ka na namang kontrol Cen! Kalma! Isipin mo ang pakay mo!
Nagbuntong hininga ako para marelax ako.
"You wanna know why I'm here?" Napatingin sila sakin with a confused look.
"I want to know my past. From the moment that I've got an amnesia when I was five years old."
Nakita ko ang pagkabigla sa mga mata nila.
"I see. You're shocked ain't it? Now spill the beans you deceivers!" I shouted.
"Drea!" sabi ni Mommy.
"Stop calling me Drea!" dahil ang put*nginang DREA na yan ang tanda ng pagkastupida at pagkadamsel in distress ko noon.
Napaluhod si Mommy sa harap ko. At umiiyak? Tss.
"I'm so sorry." marahang sabi ni Mommy. At hinawakan niya ang mga paa ko.
Di ba I want revenge? Di ba I want to punish them from what they did to me?
Pero dahil sa isang "Sorry", nabago ang pananaw ko.
F*ck! This is not you Cendria! Wala ka dapat pakialam sa kanila!
"Sorry can't change the past."
Napayuko si Mommy sa sinabi ko.
"But it can change the present and future." dugtong ko.
Lumiwanag ang ekspresyon nya. Napatayo siya at niyakap nya ako!
"My daughter! Thank you for forgiving me! I promise--" di ko siya pinatapos. Di ko pa nga nasasabing "I forgive you" eh. Tss.
"Don't make promises. Promises are meant to be broken. I still didn't forgive all of you! Coz you have to pay for what you did to me!" cold kong sabi at marahas na bumitaw sa yakap nya. Tss. I'm still uncomfortable!
Namutla si Mommy sa sinabi at ginawa ko. I don't care.
"Now answer me! What happened before I've got this f*cking amnesia?"
Hindi ko pa pala nasasabi no? Hehehe. Nagkaamnesia ako nung 5 years old ako. Palagi kong tinatanong sa kanila kung anong nangyari sakin bago ako magkaamnesia pero lagi nilang sinasabing hindi na daw yun importante.
Napalunok si Daddy at Mommy sa tanong ko.
"Let's have a sit first." sabi ni Daddy.
Kinuwento nila sakin lahat.
At nalaman ko nalang...
"I'm an...ORPHAN?"