Chereads / My Fan Girl is a Gangster / Chapter 21 - Her True Identity

Chapter 21 - Her True Identity

Cen's POV:

Sh*t! Hindi na ako makapaghintay para bukas! Makikita ko na siya! Hahaha!

Err, naguguluhan siguro kayo no? Oh sige, magfaflashback ako kasi good mood ako! Mwehehehe.

~FLASHBACK~

Pagkaalis ko sa mansyon ay dumiretso ako kina lolo. Pero iniwan ko ang emosyon ko kanina sa mansyon, ayokong malaman ni Lolo at Lola na naging mahina na naman ako sa harap nila.

Tinanong ko sa kanila kung alam nila kung sino ang totoo kong magulang.

"Alam mo na pala iha." saad ni Lolo.

Napayuko na lang ako. Alam ko na hindi gusto ni Lolo na itago sakin to.

"Patawad iha kung--" hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Lola.

"No Lola. Alam ko na wala po kayong kasalanan. Sabihin nyo na lang po kung sino ang mga magulang ko at ang pangalan ng mga properties na pinamana nila sakin."

Gusto ko kasi malaman kung gaano ba talaga kalawak ang properties ko at ganun na lang kaganid ang pekeng pamilya ko sa legacy ko.

"Kan Group of Companies mula sa Mommy mo na si Kan Hye Shin, Hindarkan Group of Companies mula sa Lola mo sa side ng Daddy mo na si Zhi Wang Hindarkan at ang Krichner Group of Companies mula sa Daddy mo na si Hillford Hindarkan Krichner, at marami pang iba." sabi ni Lolo.

Nagulat ako sa sinabi ni Lolo. Marami pa kaming companies?

"Ang mga hotels naman ay galing sa Mommy mo; La Dello Hotel, Luxelle Hotel, Forenio Hotel, Magnifico Hotel at Vincia Hotel. Matatagpuan mo to sa England. At ang iba ay nasa France." dugtong ni Lola.

Sh*t! Ang dami!

"Ang mga restaurants ay galing din sa Mommy mo; Frencia Restaurant, Gedies Restaurant at marami pang iba. Matatagpuan naman ang mga ito sa Seoul. Ang iba naman ay nasa Tokyo." sabi ni Lolo.

Woah.

"Ang mga condo naman ay nasa Canada. Ito ang listahan ng mga ari-arian nyo. Kasama na jan ang mga mansyon nyo, airports, islands at marami pang ibang properties." sabi ulit ni Lola habang may inaabot sakin sa napakakapal na libro.

"In short, ikaw ang pinakamayaman na tao sa buong mundo iha."

Laglag panga!

Laki mata!

Ako'y nabigla!

Ang pangit Cen ha?

"Ano? L-lolo, s-sigurado ka?"

Ngumiti sakin si Lolo at tumango!

"Kaya pala ganun nalang kaganid sa pera ang mga peke kong pamilya." bulong ko.

Niyakap ko sina Lolo at Lola.

"Thank you Lolo, Lola. Kasi kahit hindi nyo ko tunay na apo. Minahal nyo pa rin ako."

"Mabait ka kasing bata iha. Di katulad ng anak ko at apo ko." malungkot na sabi ni Lolo. Bumitaw ako sa yakap.

"Sino po pala ang nagmanage ng mga company? Gusto ko po siyang makausap."

Nagkatinginan sina Lolo at Lola. Err. May nasabi ba akong mali?

"Malalaman mo rin iha. Bukas, dahil bibisita siya dito. Alam mo ba na palagi ka nyang kinukumusta samin? Ang bait nyang bata." nakangiting sabi ni Lolo.

"Po? Bata? Kaedad ko po?"

"Hindi iha. Nakakatanda siya sayo." sabi ni Lola.

"Sa madaling salita, ate mo siya." sabi ni Lolo

WHAT?! May ATE AKO?!

"May ate ako? May ate ako? Sh*t! May ate ako Lolo?! Talaga?!"

"Hahaha. Oo apo! Bibisita siya dito. Sa wakas magkikita na rin kayo." sabi ni Lolo

"Pwede ko naman po siyang puntahan Lolo eh! Ngayon na! Saan ba sya nakatira?"

"Excited ka masyado apo!Hehehe..Bukas na. Ngayon pa lang kasi siya lilipad papuntang Pilipinas." sabi ni Lola

"May inasikaso kasi siya sa Canada."

"I can't wait for tomorrow Lola and Lolo!"

~END OF FLASHBACK~

Ayan. Kaya sobrang excited na ako! Hihihi! Makikita ko na ang ate ko!

Nakuwento ko na rin to kay Pajen! Nagalit siya sakin kasi nagsinungaling daw ako na masakit ang ulo ko. Ayun, napalitan rin naman ng excitement kasi makikita nya daw ang ate ko. Baliw talaga! Dinaig pa nga ang reaksyon ko eh.

Sasama daw siya bukas sakin bukas. Hahaha. Absent na naman ako. Yae na!

Makatulog na nga! Information overload ngayong araw.