Frencia's POV:
"Oo. Ikaw ang bata nun. Y-yun yung time na. Namatay ang parents natin. At nawala ka." I said while stummering.
"Pinatay sila ng Heartless Gang, ang pangalawa sa pinakamalakas na gangsters sa buong mundo..Ganid sila sa kapangyarihan, Lux. Hindi nila matanggap na pangalawa lang sila."
"Ano ba ang pangalan ng gang ng pang-first ate?!"
"Imperious Gang. Di gaya ng Heartless Gang, legal ito sa pamahalaan. Trabaho ng gang na ito ang tugisin ang pinakamasasamang tao na hindi kaya ng otoridad. Si Daddy ang namuno doon. Pero hindi yun alam ng karamihan..Sina Mommy't Daddy din ang great heroes na nasa katauhan ng "Mystery Couple".
"Woah! Mystery Couple? Kilalang-kilala sila sa gangster world!"
Paano nya nalaman na sikat ang Mystery Couple sa gangster world? Gangster ba sya?
All I know is she can fight and defend her self. Pero hindi ko alam na gangster siya.
"Oh-oh." bulong nya na narinig ko naman.
"Gangster ka?" tanong ko.
"Err...no? Yes...no? Arrgghh! Fine! I'm a gangster!"
Mukhang hindi talaga natin maitatanggi na nagmana tayo kina Mommy't Daddy.
"Ano ang codename mo?"
"Curse Princess." walang-gana niyang sagot.
"Ikaw si Curse Princess? Yung mura nang mura na gangmate ko??How come na nagmumura ka eh relig--"
"Woah! Woah! Woah! Anong sabi mo?" tanong nya sakin.
"Eh? Yung "How come na nagmumura ka?" part ba?"
"Rewind." bored nyang sabi.
"Ikaw si Curse Princess?"
"Fastforward."
"Yung mura nang mura na gangmate ko?!" Sh*t! Ba't ko nasabi yun?
This is so not you!
"Yun! Anong sabi mo? Gangmate kita? Nagpapatawa ka ba? Kasali ka sa Black Castle Gang? Baka naman isa ka sa mahigit 50,000 gangmate members namin?"
Looks can be deceiving Luxelle Vincia Krichner. Yan ang dapat mong tandaan sa darating na laban.
"Ang sabi ko, yung mura nang mura na gangmate ko. Hindi ako nagpapatawa kasi hindi ako joker. Oo kasali ako sa BCG. At hindi ako kasali sa 50,000+ members ng gang. Kasali ako sa inyo nina Silent Weapon, Pink Hater, Black Anger, Violet Princess, Ice Lady at Bloody Prince."
"Tss. Oh sino ka naman sa mga gangmates ko?"
"That's for me to know. And for you to find out." sabi ko at nagsmirk. Sarap talagang asarin ang kapatid ko. Mwehehe.