Cen's POV:
"Bess! Sige na please! Sama na ko! Kaya ko naman eh!" pagmamakaawa sakin ni Pajen.
"Parsley Jenica Gilsy! Pang-1000 times ko nang sinabi sayo na hindi pwede dahil may sakit ka!"
Arrgghh! Nakakainis talaga si Pajen! Sabi nang hindi siya makakasama kina Lolo kasi may sakit siya! Nagpaulan pala kahapon! Ayan, nagkasakit tuloy! Di niya mamimeet ate ko.
"Eeeehh...*pout*"
"Pajen, *sigh* as much as I want to bring you with me, hindi mo pa kaya! Ipapakilala naman kita eh! Pero not now, kasi you're not in good condition. Please understand Pajen?"
"Haysss. Sige na nga. You can go! Good luck sa reunion niyo! Hihihi."
"Loka ka talaga! Ge! Alis na ko. Get well soon." sabi ko at lumabas na sa kwarto niya.
Hay salamat! Nakalabas din! Tss! Ang kulit talaga ng babaeng yun! Kaya di nagkakaboyfriend eh.
Wow Cendria! Makapagsalita ka parang nagkaboyfriend ka na ha?
Tss. Kinakausap ko na naman ang sarili ko. Makapagdrive na nga lang.
Bago ako dumiretso sa bahay nina Lolo, dumaan muna ako sa simbahan at nagdasal.
"Lolo! Lola!" masigla kong bati sa kanila nang nakarating na ako sa bahay.
"Cen." sabi ni Lola at niyakap ako. Nagbless ako sa kanilang dalawa.
"Is she here?" sabi ng isang babae na sumulpot sa kusina ng bahay.
"Yes, Ms. Krichner." magalang na sagot ni Lolo.
Ok, describe ko siya ha? Matangkad, nakasuot ng pang-opisinang damit, maputi, matangos ang ilong. Kissable lips. Red straight hair.
Sa madaling salita...dyosa!
Imposibleng maging ate ko yan. Ni wala pa nga ako sa kuko nyan.
"Sino siya Lolo? Bat wala pa ang ate ko?"
"Nasa harap mo na siya iha." sagot ni Lola.
"Cendria Froster or biologically named as Luxelle Vincia Kan Krichner, meet your long lost sister, Frencia Kan Krichner."
F*ck!
Siya na ba talaga?Sh*t! Imposible!
Niyakap ko siya. Super higpit talaga! Paking tape! Ang ganda ng ate ko! Natitibo ako! Wahahaha! Joke!
"I can't believe that I'm hugging my little sis right now. Is this a dream? Coz if it is...I don't want to wake up now." bulong niya.
"It's not a dream, Ate."
Nagsimulang magpatakan ang luha ko.I never felt such happiness before! Call me drama queen or whatevs. Pero no one can explain the joy I'm experiencing right now.
Natigil lang ang drama session namin nang magsalita si Lola.
"I think we should leave you two." I smiled to them as a sign of gratitude.
Pagkalabas nila, naupo kami sa couch.
"Luxelle." tawag ni Ate sakin.
"Ate, Lux is fine. Nahahabaan ako sa pangalan ko." sabi ko at nagpout. Nahawa ako kay Pajen.
"Hahaha, you're adorable as expected. Then, call me Ate Sha-sha." sabi ni Ate.
"Ate Sha-sha? Hmm. It's cute. Hehehe."
Hindi ko alam kung bakit kami nag-eenglisan dito.
"Ate, tagalog na lang tayo. Nosebleed eh." sabi ko at nagkamot pa ng ulo. Mwehehe.
"Alright I mean--Sige. Ahmm, siguro naman nasabi na sayo nina Lolo ang tungkol sa properties natin di ba?"
"Opo, nalula nga ako kasi ang dami! At naastigan ako sayo Ate kasi napatakbo mo yun na ikaw lang mag-isa! Grabe!" bilib kong sabi.
"Hindi naman ako mag-isa. Siyempre andyan ang P.A's ko to help me."
"That's good to hear Ate. Pero I promise na I'll help pag nakapagtapos na ako ng pag-aaral. Para hindi ka masyadong mapagod at mastress."
Napangiti sya sakin.
"Tama talaga sina Mr. Froster. Thoughtful ka."
"Ate naman eh." nahihiya taalga ako pag kinokomplement ako.
"What? It's true based on what I'm seeing right now!" natatawa niyang sabi.
"Hay naku Ate Sha-sha. Enough with these stuffs. I have many questions to ask. About my past." dahan dahan kong sabi.
"Alam ko na naguguluhan ka. Pero I'm here to enlighten your mind. Go on."
"Ahm, tungkol sa birthmark ko ate." sabi ko habang hinahawakan ko yung batok ko kung saan ang birthmark.
"Nung isang araw kasi, lumiwanag siya at sumakit. Tapos may nagpoof out na vision--"
"Vision tungkol sa isang bata na namatay ang magulang niya?" diretsong sabi ni Ate.
"O-opo. Ako ba yung bata dun?"