Chereads / WANTED PROTECTOR / Chapter 59 - Chapter 59 - The Power

Chapter 59 - Chapter 59 - The Power

Napatingin ang lahat ng nasa paligid sa harapan ng isang gusali nang may dumating na sunod-sunod na tatlong itim na sasakyang huminto sa tapat ng naturang gusali.

Ilang sandali pa ay magkasabay na naglabasan ang mga 

lalaking naka tuxedo sa unahan at hulihang sasakyan.

Mula sa gitnang sasakyan ay bumaba ang isa pang lalake at binuksan ang pinto.

Lahat ng mga nakatingin ay hinihintay kung sino ang nasa loob dahil naka agaw pansin ito sa lahat.

Subalit hindi kaagad bumaba ang lulan ng naturang sasakyan.

Nanatili itong nakatingin sa isang estatwang nakapiring at may timbangan sa magkabilang kamay.

Huminga ito ng malalim bago nagpasyang bumaba.

Unang nakita ng mga naroon ay ang itim na tungkod kasunod ang nagmamay-ari noon na nakayuko.

Nakasumbrero ito kaya hindi kaagad makikilala.

Mabilis namang nagsilapitan ang mga naka itim na tuxedo na mga lalaki.

Umangat ang mukha ng nakasumbrerong may tungkod at nakilala ng mga naroon.

"Si don Jaime!" anang isa sa mga ito.

Nilingon ni don Jaime ang nagsalitang babae, mabilis naman itong yumuko sa kanya bago umalis.

Kahit saan alam niyang marami na ang nakakakilala sa kanya.

Ilang sandali pa sumalubong sa kanya ang taong pakay niya rito sa korte.

May edad na rin ito kagaya niya.

"Don Jaime, kumusta? Maligayang pagdating!"

Inilahad ng kausap ang kamay nito at tinanggap niya.

"Mabuti kahit papaano Judge Valdemor."

Naglakad sila papasok kasunod ang sampung gwardya ni don Jaime.

Siya na mismo ang nagpunta upang masigurado ang kanilang pag-uusapan tungkol kay Gian.

Hindi makakapayag si don Jaime na mawalang bahala na lang ang tangkang pagpatay kay Gian.

Salvage ang tirada ng mga pulis na kasama nito.

Maraming siyang kakilala at maimpluwensiya siya para walang magawa.

Kahit paano ay napamahal na rin sa kanya ang binata.

Nais na niyang ito ang maging asawa ng kanyang nag-iisang apo.

Kung kailan tila maayos na ang lahat ay saka nangyari ito.

Habang naglalakad ay nagsitabi ang mga nakakasalubong nila.

"Judge salamat sa pagpapaunlak mong makipagkita sa akin."

"Hindi ko kayo matatanggihan don Jaime."

Tumango siya.

Dalawang taon pa lang siya sa Zamboanga nang makilala ang Judge na ito dahil sa mga kaso ng kumpanya noon na ito ang nagpanalo kaya naman bilang ganti ay tinutulungan niya ito sa lahat ng kailangan.

Ngunit hindi sila malapit na kaibigan sa isat-isa gano'n pa man palagi silang nagtutulungan sa panahon ng kagipitan.

Kagaya ngayon.

Nauna si Roman Delavega na makilala niya kasunod naman ito.

Pagdating sa opisina ay umupo silang magkaharap sa naroong sofa at sa gitna ay may dalawang tasang kape na nakapatong sa platito.

"Gusto niyo ho bang magkape don Jaime?"

"Sige lang."

Napapansin niyang tila hindi mapakali ang kaharap.

Humigop siya ng kape upang mapakalma ang kaharap.

Pagkuwan ay tumikhim ang don.

"Judge, kagaya ng sinabi ko sana matulungan mo akong mapawalang sala si Gian Villareal.

Mabuting siyang tao at tapat sa tungkulin noong siya ay alagad pa ng batas.

Kagagawan lang ito ni Delavega kaya nagigipit ang tao."

"Don Jaime, gagawin ko ang makakaya ko upang tulungan kayo, pero hindi niyo rin maiaalis sa akin ang mangamba dahil mabigat ang kalaban.

Delavega ito hindi basta kung sino man sana po ay maintindihan ninyo."

"Naiintindihan ko ang sa akin lang inosente ang taong pinapapatay nila."

"Don Jaime hindi natin maiwasang isipin ang statement ng mga pulis na pinagbabaril daw sila ni Villareal."

"Sinasabi mo bang mas pinapanigan mo ang mga pulis na 'yon?"

Dumiin ang pagkakahawak ng don sa kanyang tungkod.

"Hindi naman sa gano'n pero wala kasi tayong ebidensiyang magpapatunay na nagsisinungaling ang mga pulis, dating pulis din kasi si Villareal-"

"Ebidensiya? Gusto mong magkaroon ng ebidensiya samantalang ni hindi pa nalalaman kung buhay o patay na si Gian?

Gusto mong makakita ng bangkay niya bilang ebidensiyang pinapapatay siya ng mga punyetang pulis gano'n bang ebidensiyang hanap mo Valdemor!"

Naalarma ang naturang husgado sa bulyaw ng don.

" H-hiindi naman sa po sa gano'n don Jaime-"

" Kung gano'n anong ibig mong sabihin?"

Napalunok ang kausap.

" Ano judge? Gusto kong malaman kung ano ang iniisip mo. "

"Don Jaime, dito kasi sa korte mas matibay at mas paniniwalaan kung may kongkreto tayong ebidensiya pero lalabas din ang totoo sa oras na lumitaw si Villareal.

Sa ngayon ay wanted pa rin siya at pinaghahanap ng batas.

Kapag lumitaw siya saka pa lang uusad ang kaso. "

" Ibig mong sabihin hindi mo mapapatalsik ang Cordova na 'yon gano' n ba? "

Iyon lang naman ang habol niya ang mapaalis sa pwesto ang naturang hepe upang magbayad sa kasalanan nito ngunit mukhang hindi nito magagawa.

"Don Jaime, kahit hindi siya mapapatalsik sa ginawa nila kay Villareal magagawa pa rin natin ang kailangan lang ay ebidensiyang magpapatunay na may ginagawa itong ilegal. Gano'n pa man gagawin ko ang lahat upang managot ang may kasalanan."

Huminga ng malalim ang don.

"Naniniwala ako at nagtitiwala sa'yo Judge, naniniwala akong pantay ang magiging pagtingin mo sa lahat.

Huwag mong ipikit ang mga mata mo

gaya ng nakapiring doon sa labas at tuluyang mabulag sa katotohanan."

"Makakaasa po kayo don Jaime."

Nagkamay sila at inihatid siya ng Judge palabas ng gusali.

Umaasa ang don na mananaig ang katotohanan at mabigyang katarungan ang nangyari kay Gian.

Umaasa siyang buhay pa ang binata sa kabila ng nangyari.

Sigurado siya na kung buhay pa ito ay sa kanila ng kanyang apo babalik wala ng iba pa.

Gagawin niya ang lahat ng makakaya sa ngalan ng kanyang kapangyarihan upang malinis ang pangalan ni Gian.

Wala itong katulad.

Marami na siyang pinakilalang lalaki para sa apo ngunit mas nanaig ito.

Ngayong nakukuha na nito ang kanyang loob ay saka naman nawala kaya hindi siya papayag na hindi magbabayad ang may kasalanan.

Hindi na lang ito tungkol kay Gian kundi sa kanyang apo na palagi na lang nagdurusa sa lahat ng bagay at pagkakataon.

'Walang ibang lalaking nararapat sa aking apo kundi ikaw Gian! Humanda ka Delavega hindi ako natatakot!'

Noon pa man ay nag-aalangan na siyang kalabanin si Delavega dahil sa kanyang nakaraan, ngayon handa na siyang harapin 'yon malinis lang ang pangalan ni Gian kahit pa kapalit ng kayang pangalan reputasyon at karangalan.

' Magtutuos tayo Delavega!'

Pagdating sa labas ay inalalayan siya ng driver na kasama papasok ng sasakyan.

Nagsipasukan na rin ang mga bodyguards sa sasakyan ng mga ito.

"Saan po tayo don Jaime?" tanong ng driver.

Sa halip na sumagot ay may tinawagan siya na agad namang sinagot sa kabilang linya.

"Don Jaime?"

"Vince pwede ba tayong magkita ngayon? "

"Sige po, nasa Ipil ako ngayon eh pupunta ako sa inyo."

"Hindi na Vince kami na lang ang pupunta diyan."

"Sige ho kung ayos lang."

"Ayos lang, tatawagan ko lang ang apo ko."

"Sige ho."

Tinnawagan ni don Jaime si Ellah na agad namang sinagot sa kabilang linya.

"Lolo kumusta ang pakikipagkita ninyo kay Judge Valdemor?"

"Hindi masyadong mabuti. Papunta kami ng Ipil ngayon makikipagkita ako kay Vince. Sinong kasama mo diyan ngayon?"

"Sina aling Ising at Julia lang. Bakit hindi ba siya pumayag na alisin ang hepe na 'yon?"

"Sa bahay na lang natin pag-usapan ' yan. Baka gabihin na ako ng uwi nandiyan naman ang mga gwardya mo."

"Ayos lang po ako lolo, kayo po ang mag-iingat."

"Sige salamat apo."

Pagkuwan ay sinagot ni don Jaime ang tanong ng tauhan.

"Sa ospital tayo Roger."

"Opo don Jaime."

---

Matalim ang tingin ng isang lalake sa lahat ng nakahilerang mga tauhan nito sa loob ng isang silid.

Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kalibre kwarenta 'y singko sa kanang kamay habang ang kaliwa ay may hawak na kopitang may lamang alak.

Walang nangangahas magsalita at kumikibo sa mga ito.

"Iisang tao pero hindi ninyo nagawang iligpit? "

Dismayadong-dismayado ito dahil pumalpak ang inuutos.

Walang nagsalita.

"MGA WALANG SILBI! IISANG TAO NAISAHAN PA KAYO!"

Dumagundong sa apat na kanto ng silid ang tinig ng naturang lalaki.

Mas lalong natahimik ang silid na tila halos wala ng gustong huminga sa takot.

"Magsalita kayo!"

Napaigtad ang karamihan nang malakas na ibato ng naturang lalaki ang kopitang hawak sa sahig at nagtalsikan ang mga bubog.

Nagkatinginan ang mga tauhan at naghihintayan kung sino ang magsasalita gayong mainit ang dugo ng amo.

"P-pasensiya na po senior Roman."

Humagkis ang matalim na tingin niya sa nagsalita at mas humigpit ang hawak sa baril.

"Pasensiya?" Hinarap niya ang tauhan na ngayon ay nanginig sa takot.

"Pwes pasensiya rin!" kasabay ang sunod-sunod na putok ng baril na lahat ay tumama sa dibdib ng naturang tauhan natumba ito at umagos ang masaganang dugo sa malamig na sahig.

Napaatras ang lahat at naalarma habang nakatingin sa lalaking tila binawian na ng buhay sa isang iglap.

"Makinig kayong lahat! Hanapin ninyo ang Villarreal na 'yon sa kahit anong paraan at dalhin sa akin buhay o patay naiintindihan ninyo!"

"Opo senior Roman!" sabay na tugon mg mga tauhan.

Itinuro niya ang bangkay na nasa sahig.

"Linisin 'yan!" singhal ni senior Roman bago umalis.

Sumunod ang kanyang kanang kamay at nagtungo sila sa labas ng rest house niya.

"Warren"

"Yes senior Roman?" mabilis nitong sagot.

"Balikan ninyo ang lugar ng Tungawan suyurin lahat ng tahanan at lahat ng lugar doon.

Huwag kayong babalik dito hanggat hindi ninyo nakikita!"

"Yes senior Roman!"

Pagkaalis nito ay huminga siya ng malalim.

'Talagang tinik sa lalamunan ang Villareal na 'yan!'

Ilang sandali pa dumating ang kanyang anak.

"Xander anong balita?"

matigas niyang tanong na hindi man lang nilingon ang dumating.

Galit din siya sa anak dahil palagi na lang itong pumapalpak.

"Wala pang nakitang bangkay ang mga pulis sa lugar. Hindi rin umuuwi sa bahay nito sa Pagadian ang hayop na Villareal na 'yon, wala rin sa apartment niya rito."

"Hayop. Siguradong buhay pa ang animal. Huwag tayong pakampanti baka bigla tayong resbakan ng hayop na 'yon!"

"Nag-iisa lang siya dad bakti tayo matatakot?"

"Iyon na nga! Nag-iisa pero putang ina hindi nailigpit ng mga bulok mong tauhan!"

"Hindi man tayo nagtagumpay may nalaman naman akong impormasyon dad."

"Ano?"

Tumalim ang tingin ni Xander sa ama.

"Kumikilos na si don Jaime."

Sa pagkakataong ito napatingin siya sa kausap.

"Paano?"

"Kinausap niya si Judge Valdemor tungkol sa pagpapatalsik kay Danilo."

"Ano! Demonyo talaga ang matandang 'yon. Sinusuway na ba niya ako? Hindi ba niya alam na sa oras na ibuka niya ang bibig niya ay siya ang unang tatamaan?"

"Hindi na yata natatakot."

"Kailangang malaman ito Danilo, hindi pwedeng maunahan tayo ng Jaime Lopez na 'yon sa pinaplano natin!"

"Yes dad, don' t worry we will know all his actions."

"Sandali lang paano mo nalaman ang tungkol dito?"

Napansin niya ang pagngisi ng anak.

"I have reliable source dad."

---

Kaharap ni Gian ang mag-ama habang nagbabasa ng mga dokumento.

Pumayag siya sa kasunduan kaya ibinigay lahat ni Isabel ang mga papeles sa kanya.

Hawak niya ngayon ang titulo ng lupa na isa sa pagmamay-ari ng mga Delavega habang nasa kanyang tabi ang babae at magpapaliwanag.

"Alam mo bang sa Delavega Subdivision ay mayayaman lahat ng nakatira? As in sobrang yaman nila.

Ang nakakapagtaka lang ordinaryo lang naman ang kumpanyang pagmamay-ari ng mga tao roon."

Napalingon siya rito at kinabahan sa narinig.

Posible kasing may kakaiba rito.

"Gaano kayaman?"

"As in lahat tig aapat ang kotse minsan lima pa, 'yong iba nga mansion na lahat ng bahay eh.

Hindi lang naman kasi sampung ektarya lang ang ginawa niyang subdivision isinali lang niya ang lupa namin balita ko nasa halos doble ' yon."

Tumiim ang titig ng binata sa kawalan.

Kung napakayaman ng mga tauhan ng mga Delavega ano na lang ito mismo?

Ngunit hindi pa rin nito napantayan ang yaman ng nag-iisang don Jaime Lopez.

Minahan lang ang negosyong pinanghahawakan nito subalit halos lahat ng malalaking establisyemento sa buong lugar ng Zamboanga ay may share ito.

Napakayaman at maimpluwensiya  rin ng kamag-anak nito sa Maynila kaya hindi nakakapagtaka kung kaya nitong pasukin ang halos lahat ng kumpanya ng lugar.

Nalaman niya 'yon nang paimbestigahan nila si don Jaime kasagsagan ng panggigipit nito noon sa kanya at naghihinala sila.

Ang yaman ni don Jaime ay legal at nakikita.

Ngunit ang tanong saan nanggagaling ang yaman ng mga Delavega?

"Alam mo bang may isang paraan para malaglag 'yang si Roman Delavega?"

Napatingin siya rito.

Marami siyang naiisip ngunit iisa ang gusto niyang gawin.

"Ano?"

"Kapag mapatalsik sa pwesto iyang Cordova na 'yan. Tiyak damay ang hayop na matandang' yon!"

Umigting ang bagang ng binata. Kapag pinaalis sa pwesto ang hepe na 'yon sigurado siyang madadamay ang lolo ni Ellah.

"Hindi 'yon ang naisip ko."

Kumunot ang noo nito.

"Bakit ano bang naisip mo?"

"Si Delavega mismo ang ilalaglag ko."

"Sabagay tama ka," anang babae habang patango-tango.

"May isa pa akong naisip na paraan, " dagdag niya.

"Ano naman 'yon?"

Humigpit ang pagkakahawak niya sa papeles ag tumalim ang tingin.

"Ililigpit ko siya," matigas niyang tugon.

Desidido na siyang gawin 'yon dahil ilang beses na siyang pinaliligpit nito.

Ngayon siya naman!

"Pero masama ' yon.  Dapat sa batas siya mananagot."

"Ang dapat sa kanya kabaong hindi kulungan."

Natahimik ang babae.

Noong alagad pa siya ng batas nasa sinumpaan nila 'yon, ngunit iba na ngayon.

' Ako ang hahatol sa'yo Delavega!'

"Mas mabuti pa 'yong ideya ko na ilaglag ang hepe madadamay si Delavega roon sigurado ako."

"Hindi na siya dapat mabubuhay pa.

Ang demonyong 'yon ang dahilan kaya naospital si Ellah at nandito ako ngayon!

Sa oras na makita ko ang hayop na Delavega na 'yon hindi ako mangingiming patayin siya!" singhal niya sa kausap.

Sa pagkakataong ito natahimik ang babae.

Batas ang sinunusunod nito pwes siya, siya ang batas!

' Kung walang magagawa si don Jaime ako meron!'

Natahimik ang kausap kaya iniba niya ang usapan.

"Hindi ako pwedeng magtagal sa lugar na ito, ngayong gabi aalis ako."

Naalarma ang mag-ama sa narinig.

"Aalis ka?" si Mang Isko na nakakunot ang noo.

"Paano na ang pinag-usapan natin? Hindi naman yata tama 'yan Mr. Villareal?" sita ni Isabel.

Umiling ang binata.

"Kailangang kong makaalis sa lugar na ito sa lalong madaling panahon dahil sigurado akong pinahahanap ako ni Delavega-"

"Pero-"

"At hindi siya titigil hanggat hindi ako napapatay," putol niya sa sasabihin ng babae.

"Pero hindi ka nila makikita poprotektahan ka namon gaya noong sa mga pulis na naghanap," giit ni Isabel.

Natawa ng pagak si Gian.

"Ang mga pulis ay marunong gumalang ibahin ninyo ang mga Delavega dahil hindi sila mangingiming gibain itong bayan ninyo makita lang ako."

Nagkatinginan ang mag-ama at rumehistro ang pag-aalala sa mukha ni Mang Isko habang nasa anyo ng babae ang matinding pagtutol.

"Hindi namin pwedeng iasa sa'yo ang kapalaran namin gayong aalis ka rin naman pala!"

"Listen Ms. Isabel, kung hindi ako aalis dito madadamay kayo ng ama mo. Kayo na rin mismo ang nagsabi kung gaano kasama ang kalaban, paano ninyo maipaglaban ang inyong hangarin kung pati kayo ay magiging wanted na rin?

Ni hindi niyo nga nagawang ipaglaban ang inyong karapatan kahit malaya pa kayo? Ano pa kaya kung hinahanap na kayo ng batas dahil sa akin?"

" Pero-"

" Anak, tama si Gian. Kailangan niyang umalis dito upang hindi tayo idadamay ni Delavega. Hawak niya ang kapulisan kaya hindi tayo makakahingi ng tulong.

Pinakatamang gawin ay ibigay natin ang ebidensiya lahat lahat at umasa sa matitinong alagad ng batas. "

Tila nakahinga ng maluwag ang binata.

"Maraming salamat po sa pang-unawa Mang Isko."

"Gian, sana ay mag-iingat ka."

"Pero hindi ka pa magaling eh! Tingnan mo nga 'yang mga sugat mo dibdib at braso malalim 'yan Gian."

Naiintindihan niyang nag-aalala ang babae ngunit mas nag-aalala siya sa mga ito.

"Kaya ko ang sarili ko, kayo ang mag-iingat. Ang pinakamabuti ninyong gawin ay umalis na rin sa lugar na ito."

"Kapag ginawa namin 'yan baka kami ang pagdudahan ng mga Delavega maging ng mga pulis," mariing wika ni Isabel.

Tama naman ito at may punto.

Huminga ng malalim ang binata.

"Hindi niyo dapat sa akin ibigay ang hawak ninyong ebidensiya kundi sa lalaking pumunta rito at naghanap sa akin."

"Pulis?" naalarma si mang Isko.

"Oho, kilala ko 'yon kaibigan ko matalik na kaibigan. Mapagkakatiwalaan siya at siya lang ang tanging makakatulong sa inyo."

"Paano namin siya makikita?"

"Ibibigay ko ang numero niya sa inyo."

Nagsulat siya sa kapirasong papel at ibinigay sa babae.

Nagsulat din ito ng numero at ibinigay sa kanya.

"Numero ko 'yan, tawagan mo ako."

"Sige, kapag nakapadesisyon na kayo tawagan niyo lang 'yan at tutulungan niya kayo lalo na pagdating kay Delavega."

"Sige, salamat."

"Pasensiya na sa lahat ng abala at maraming salamat po sa pagkupkop sa akin."

"Gian, umaasa kaming makakamit mo ang katarungan."

Napatingin siya kay mang Isko  nabanaag niya ang lungkot at pag-aalala sa mga mata ng matanda.

"Marami pong salamat sa lahat, mag-iingat kayo."

"Ikaw ang mag-ingat."

"Saan ka tutuloy niyan?" si mang Isko.

"Hindi ko pa po alam basta lalayo ako sa lugar na ito."

"Hindi mo ipapaalam sa pamilya mo na buhay ka pa?"

"Sa ngayon po hindi pa, ayaw kong madamay sina don Jaime at Ellah."

"Pamilya Gian, hindi mo naman pamilya ang mga Lopez," si Isabel.

"Wala na akong mga magulang."

"Mga kamag-anak mo. I'm sure matutulungan ka nila."

Umiling siya. "Iisa ang taong nakilala ko sa larawan lang iyon ang ama ng ama ko."

"Lolo mo?" si Isabel.

"Oo, pero hindi ko pa siya nakikita sa personal, sa larawan lang."

"Gano'n ba? Pwede ka ngang lumapit doon baka sakaling matulungan ka nila. Isa pa maiintindihan ka nila dahil kapamilya ka."

Humugot na malalim na paghinga ang binata.

"Hindi ako siguradong tatanggapin nila ako dahil tatlong taon pa lang ako nang mawalan ng mga magulang at lola ko sa ina ang nagpalaki sa akin. Dumalaw daw ang ama ng ama ko sa burol ng mga magulang ko pero hindi nila ako nakuha dahil ayaw ng lola ko."

"Sana matanggap ka ng pamilya mo," si Isabel.

"Ipapanalangin namin ang kaligtasan mo Gian," si mang Isko.

"Maraming salamat ho sa lahat ng tulong, ipinapangako kong magtatagumpay tayo laban sa mga Delavega."

"Naniniwala kami sa'yo Gian."

Tumunog ang cellphone ni Isabel.

"Si Mang Roger tumatawag."

Tumahimik sila at nakinig.

"Mag Roger anong balita?"

"Kumikilos na si don Jaime laban kay Delavega. Ihanda na ninyo ang ebidensiya magagamit natin 'yan."

"Anong kilos ang sinasabi niyo?"

"Kinausap ni don Jaime ang Judge na si Edwardo Valdemor at pinapatalsik niya ang hepe na si Cordova."

"Kung gano' n mukhang pinapabor na sa atin ang pagkakataon. Ihahanda namin, mag-iingat kayo diyan at maraming salamat."

Ito pala ang kinakausap ng driver ni don Jaime nang minsang marinig niya.

Nagsinungaling lang ito at ngayon alam na niya.

"Pumapabor nga sa atin at diyan pa nawala si sir Gian nakita niyo ba siya?"

Napatingin ang mag-ama sa kanya.

"Hindi, balita namin nawawala ito."

"Oo, nag-aalala na si don Jaime at ang apo niya."

"Huwag nating pagtuunang pansin 'yon Mang Roger ang mahalaga ay ang layunin natin."

"Kaya nga ako nandito bilang impormante ninyo."

Napailing si Gian.

Walang kaalam-alam si don Jaime na may iba pang ginagawa ang driver nitong si Mang Roger.

Naghanda rin siya sa pag-alis.

Ayaw na niyang may madamay pang iba dahil hindi mangingming kumitil ng buhay ang mga kalaban makuha lang siya.

Ngayon ni hindi niya alam kung saan pupunta.

Hindi na rin siya pwedeng bumalik sa apartment na tinitirhan dahil tiyak nag-aabang doon ang mga kalaban lalo na sa bahay niya sa Pagadian.

Ang tanging meron siya ngayon ay pitaka na may lamang kaunting pera, mabuti at hindi ito nalaglag noong tumalon siya sa bangin dahil nasa loob ito ng kanyang leather jacket at may zipper ang bulsa.

Ngayon kailangan niyang makipagsapalaran sa iba pang kamag-anak.

Ang tanging alam niya na sinabi ng kanyang lola noon ay may pera daw ang mga Villareal na nakatira sa Cagayan de Oro bukod doon wala na siyang ibang alam at hindi siya interesadong alamin noon.

Ngunit ngayon kailangan niya ng tulong ng kahit isa sa kamag-anak niya.

Ang totoo kailangan niya ng pera.

Maraming pera!

Ito lang ang tanging paraan upang matapatan ang mga Delavega.

Kayamanan at kapangyarihan!