Chereads / WANTED PROTECTOR / Chapter 60 - Chapter 60 - The Proof

Chapter 60 - Chapter 60 - The Proof

Titig na titig si Gian sa cellphone na hawak habang nagbabasa sa internet.

Nanuyo ang kanyang lalamunan sa nakalagay na article.

Don Manolo Villareal.

Owner of Real Estate and Construction Company.

Don?

Ibig sabihin mayaman ito.

Huminga ng malalim ang binata at nagpasyang makipagkita sa mga Villareal.

May pera ang mga ito at ito ang kailangan niya.

Humarap siya sa salamin sa loob ng  hotel na tinulugan.

Nasa Ipil siya at nag check in sa Dianne hotel.

Tago ito at medyo nasa loob ng bayan kaya ito ang pinili niya.

Pinagmasdang mabuti ng binata ang kabuuan at nagsimulang ibuka ang bibig.

"Magandang umaga don Manolo!"

Napailing siya paano kung hapon na makarating?

"Magandang hapon po don Manolo?"

Bakit patanong?

'Teka nga bakit don? Hindi ba dapat lolo?'

Kumabog ang dibdib niya sa naisip.

May karapatan ba akong tawaging lolo ang taong ni minsan ay hindi ko pa nakita sa tanang buhay ko?

Tumikhim ang binata at binasa ang isinulat sa cellphone.

"Magandang hapon po don Manolo, ako po si Gian Villareal. Anak ako ni Gerardo at Anna ...this is fuck!"

Napakamot siya sa batok at tumingala.

Ano bang dapat gawin?

Bahala na!

Bitbit ang lakas ng loob, tibay ng dibdib at masidhing determinasyon sa pag-asang may mahingian ng tulong isa man sa kamag-anak, ay lumipad ang binata tungo ng Cagayan de Oro.

Habang lulan ng eroplano ay mataman niyang pinagmasdan ang kaisa-isang larawang ng kanyang lolo na itinabi ng kanyang lola noong nabubuhay pa ito.

Masaya ang mag-ama habang nakaakbay si don Manolo sa kanyang ama na malapad ang ngiti.

Binasa niya ang nakasulat sa likod ng larawan na sulat kamay ng kanyang yumaong ama.

Manolo Villareal I hate you!

Nakangiti ang ama niya sa larawan ngunit sagad sa buto ang galit ng kanyang ama sa ama nito.

Sa ilalim ng sulat ay naroon ang address na ang kanyang ina ang nagsulat ayon sa kanyang lola.

Ang tanging alam niya na noon na kinuwento ng kanyang lola ay galit ang kanyang ama sa ama nito dahil naghiwalay daw ang mga magulang nito dahil sa ama ng ama niya.

Nagkaroon ito ng ibang babae dahilan kaya nagkahiwalay ang mga magulang ng ama niya.

Wala siyang alam dahil bata pa siya noon, wala pa rin siyang alam sa tunay na dahilan hanggang ngayon.

Hindi siya malapit sa kahit kaninong kamag-anak sa panig man ng ina o ama.

Nabuhay siya na tatlong tao lang ang kilala.

Ang ama, ina at lola niya.

Ngunit walang natira sa kanya isa man sa mga ito.

Ngayon ay tatlong tao lang din ang mahalaga sa kanya.

At ayaw na niyang may mawala isa man sa mga ito.

Ipinikit niya ang mga mata habang nag-iisip kung ano ang dapat gawin at sabihin sa oras na makita na niya ang mga Villareal.

Dahil sa pagod, puyat at sakit ng katawan ay nakatulog si Gian.

Hindi maipagkakaila ang sugat malapit sa kanyang kilay na may plaster maging sa kanyang leeg.

Kaya naman mas ibinaba pa niya ang buhok na umaabot sa noo upang kahit paano ay matakpan.

Nag suot na rin siya ng turtle neck sweatshirt upang hindi makita ang sugat sa leeg.

Ang natatakpan niya lang ng walang kahirap-hirap ay ang sugat sa braso  sa binti at sa likuran sa suot na leather jacket at maong na pantalon.

Mas mahirap kasi kung haharap siya sa mga taong hindi kilala nang may pasa at sugat sa mukha.

Umiinom lang siya ng gamot pampawala ng kirot bago nagpasyang makipagkita sa mga Villareal.

Malamig ang loob ng eroplano at pampakalma ang tunog at ingay nito kaya nakatulog ang binata.

Ilang sandali pa nakarinig na siya ng ingay mula sa nagsasalitang babae.

"We are approaching Cagayan de Oro City."

Gumising siya at inayos ang sarili bago naghanda sa pagbaba.

Dinungaw niya ang bintana at nakikita na niya ang airport.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong makapunta siya ng Cagayan.

Anuman ang kahihinatnan ng kanyang pagpunta rito ay tatanggapin niya ng maluwag sa kalooban.

Ilang sandali pa lumapag ang sinasakyang eroplano sa airport.

Naglabasan ang lahat at isa ang binata roon.

Isinuot niya ang shades at binasa ang pangalan ng naturang airport.

Laguindingan.

Dala ang isang travelling bag na isinukbit sa balikat ay nagtungo si Gian sa mesa ng isa sa mga staff doon.

"Miss, paano ang transportation dito?"

"Sir, may shuttle bus po tayo pero may taxi rin."

"Ah, sige miss salamat."

Ngumiti ang babae at tumango siya bago umalis.

Pagkalabas ng airport ay tumingala ang binata at lumanghap ng hangin bago ipinikit ang mga mata.

Nanalangin siya.

Pagkuwan ay tinungo ang isa sa mga taxi at nagpahatid sa address na nasa larawan.

" Villareal mansion 'to ah? Kaano-ano ninyo ang mga Villareal sir?"

"Bakit ho anong meron sa mansyon?"

"Kadalasan ang mga bisita ay sa Villareal tower nagpupunta pero ikaw sa tirahan mismo kaanu-ano mo ang mga ito?"

"Ah, dadalaw lang ho bale apo ako ng kaibigan niya."

"Kaibigan? Kaninong apo kay don Emilio o don Cardo?"

Umiling ang binata.

Wala siyang kilala isa man sa nabanggit pero ito yata ang mga taong kaibigan ni don Manolo.

"Mukhang kilala ninyo ang mga Villareal?"

"Oo naman! Baguhan ka ba rito?"

Napalunok si Gian.

"Oo, bakit ninyo kilala ang mga Villareal?"

Umaasa siyang kilala ng kausap at ng makakuha siya ng impormasyon.

Tumawa ang lalaki.

"Buong CDO kilalang-kilala ang mga Villareal. Itong highway na dinadaanan natin ay Villareal street."

Tiningnan niya ang itinurong karatula ng lalaki at hindi nga ito nagsisinungaling.

Lumunok ang binata at kabadong nagsalita.

"Kilala niyo ba si Manolo Villareal? "

"Walang hindi nakakakilala kay don Manolo. Pribadong tao 'yon at ayaw maging poplular pero hindi maiwasan sa tindi ng kapangyarihan ng pamilya nila."

Natigilan si Gian.

Nakita na niya ang estado nito nang naghanap siya sa internet, lumabas ang mga negosyong hawak nito kaya alam niyang mayaman.

Mas napatunayan pa niya dahil sa sinabi ng kausap.

Tila lumukso ang kanyang puso sa narinig.

Ito na ba ang sagot sa panalangin niya?

"Malayo pa ho ba tayo?"

"Kalahating oras pa nasa sentro kasi ang tower."

"Gano'n ho ba? Negosyante ba ang mga Villareal?"

"Oo naman! Sila ang pinakamalaking supplier ng dalawang higanteng planta rito ng saging at pinya."

"Hacienda?"

"Oo, sila rin ang halos nagmamay-ari ng malalaking kumpanya rito real estate kasi ang negosyo rin nila at construction."

"Parang ang dami niyo hong alam sa kanila manong?"

"Ang anak ko kasi nagtatrabaho sa pinyahan nila sa Bukidnon. Isa pa kilalang-kilala sila rito."

"Mababait ho ba sila?"

"Oo naman! Itong si don Manolo ang pinakamabait. Ang iba ay hindi ko masyadong kabisado ang ugali."

Hindi na siya kumibo at pumikit na lang.

Natahimik naman ang tsuper.

Kinakalma niya ang sarili sa pamamagitan ng malalalim na paghinga.

May pera ang mga Villareal.

Mayaman.

Ang tanong kikilalanin kaya siya ni Manolo?

Kahit pinakamayaman pa ito sa buong mundo kung hindi siya kikilalanin ay wala ring magiging silbi.

Hindi siya interesado sa kamag-anak ang kailangan niya ay pera.

Sapat na sa kanya sina don Jaime at Ellah, isama na rin ang minsan ay gago niyang kaibigang si Vince.

Sapat na ang tatlo sa kanya na tunay nagpapahalaga sa kanya at siyang pinahahalagahan niya ng husto.

Ang kailangan niya sa mga Villareal ay pera.

Pera. Pera at pera lang!

Ilang sandali pa naramdaman niya ang pagbagal ng sinasakyan kaya idinilat niya ang mga mata.

Huminto sila sa tapat ng isang napakalawak na gate na may dalawang lalaking gwardya roon.

"Hanggang dito lang ho sir, kayo na bahala sa loob, " anang tsuper.

"Sige ho manong salamat," bumaba siya at nagbayad.

"Hindi na kailangan kung apo ka ng kaibigan ni don Manolo."

Umawang ang bibig niya at nasundan ng tingin ang papalayong taxi.

Nilisan na nito ang mansyon at ngayon ay mag-isa siyang tumitingala sa gate.

May lumapit na dalawang lalaki na sa tingin niya ay mga gwardya.

"Anong kailangan mo?" pormal ang mukha ng isa sa mga ito.

Ilang segundong pinasadahan ng tingin ni Gian ang mansyon na tantiya niya ay may labing limang metro ang distansiya mula sa higanteng gate na bakal.

Napakalaki nito at napakalawak.

"Sir, anong kailangan ninyo?" tanong ng isa pa.

Tila naman natauhan siya at hinarap ang dalawang gwardya.

"Si don Manolo ho ba nandiyan?"

Nagkatinginan ang mga ito bago siya binalingan.

"Sino ka?" mariing tanong ng isa sa mga ito.

"Gian Villareal," mariin din niyang tugon.

"Villareal?" Sinuyod siya ng kahina-hinalang tingin ng mga ito.

"Sigurado kang Villareal ka nga?"

Nagtiim ang kanyang bagang at nagsimulang mairita.

Tila baga ay hindi siya nararapat maging isang Villareal.

"Oo, Villareal, " pilit niyang kinalma ang sarili.

May pinindot ito sa tainga na aparato.

Earpiece 'yon hindi nga lang wireless.

"May naghahanap kay don Manolo Gian Villareal daw?"

Habang may kausap ito ay panay ang kanyang paghugot ng malalim na hininga.

Muli siyang hinarap ng mga ito.

"May ID ka?"

"Meron."

"Gusto kong makita."

Dinukot niya ang pitaka mula sa bulsa sa likod ng pantalon at ibinigay niya ang driver's license.

Pinagmasdan naman ito ng dalawa.

"Kaanu-ano mo ang mga Villareal?"

Pinagmasdang mabuti ng binata ang mga mukha ng dalawang lalaki nasa anyo ng mga ito ang pagdududa.

"Apo ako ni Manolo Villareal," mariin niyang tugon.

Nagitla ang mga ito at nagkatinginan.

Napakahirap palang dumalaw sa mga ito.

Muli na naman itong may kausap.

"Apo daw ni don Manolo."

Tumahimik ang mga ito.

Ilang sandali pa, muli siyang hinarap ng dalawa.

"Makakapasok ka na, ihahatid ka nila," anang isa sa mga ito.

Tumango siya.

Binuksan ng dalawa ang gate.

Nakakakilabot ang tunog ng bakal na gate habang bumubukas ito.

Hinatid nga siya ng limang kalalakihan.

Dalawa sa harap at tatlo sa kanyang likuran.

Alerto si Gian.

Nasanay siyang kapag may ganitong mga sitwasyon ay hindi niya ibinababa ang depensa.

Dayo siya rito ni hindi niya alam kung ano ang mangyayari ngayon.

Habang naglalakad ay umiihip ang malamig na simoy ng hangin at nakakapagdulot 'yon ng pampakalma sa kanya.

Papalapit sila sa mansyon kaya nakikita na niya ang kabuuan nito.

Mga naglalakihang haligi na siyang pundasyon ng bahay at mga antigong mga mesa na yari sa kahoy maging ang mga malalaking bangang dekorasyon ay antigo rin.

Nilibot niya ang kabuuan at makikitang luma ang stilo nito na para bang spanyol ang nakatira.

May lahi siyang kastila gaya ni Ellah.

Kumirot ang kanyang puso nang maaalala ang kasintahan.

Subalit bago pa siya tuluyang malungkot ay napansin niya ang halos sampung nakaitim na kalalakihan ang lumabas at nangunguna rito ang isang may edad ng lalaki.

Kaedaran ni Delavega.

Nag-igting ang kanyang bagang nang maisip ang kalaban.

Habang papalapit ang matanda ay unti-unti na niyang nakikita ng malinaw ang mukha nito.

Matapang ang anyo at punong-puno ng awtoridad.

Napakurap si Gian.

Ito na si don Manolo!

Napalunok siya at kinabahan ng husto.

Nakaka intimidate ang presensiya ng taong ito.

Gano'n pa man sinikap niyang magpakapormal.

Nakasagupa na siya ng isang don hindi na bago ang isang ito.

Salamat kay don Jaime at nasanay ma siya.

Hapon na nang makarating si Gian at malapit ng dumilim.

Nagtatalo ang kanyang kalooban kung magsasalita na ba o hindi pa.

Hanggang sa makarating ito sa kanyang harapan ay nanatililing tikom ang kanyang bibig.

Nasa harap na niya si don Manolo.

Bakas ang mga kulubot sa mukha ng matanda hindi kagaya sa larawan na medyo bata pa ito gano'n pa man malinaw na ito ang taong 'yon.

"Are you... Gian Villareal?"

Tumayo siya ng tuwid nang marinig ang pormal na boses ng kaharap.

"Yes sir," sagot niya.

"The only son of Gerardo and Anna?"

Muli siyang sumagot. "Yes sir."

Tumahimik ang boung paligid. Pinagmasdan siyang mabuti ng matanda.

Gusto niyang batukan ang sarili dahil ang mga pinag praktisan niya kahapon ay hindi na niya maalala at puro na lang siya 'yes sir.'

"Come inside," ani don Manolo.

"Yes sir," tugon niya at sumunod dito.

Sa laki at lawak ng mansyon ay mahaba-haba rin ang kanilang nilalakaran patungo sa kung saan man.

May mga chandelier sa malawak na sala at napakaliwanag ng kanilang dinadaanan.

Nahagip ng tingin niya ang isang family portrait na life size standard.

Malaki ito at pantay tao ang taas.

Naroon si don Manolo sa tabi ng isang magandang babae bagamat may edad na rin ito ay mababakas pa rin ang taglay na kagandahan.

Sa gitna ng mga ito ay isang lalaking matapang ang anyo na kahawig ng don.

Sino ang lalaking 'yon?

Ilang sandali pa bumukas ang tila isang silid at naunang pumasok sumunod ang mga tauhan nito.

Siya ay nanatiling nakatayo.

Tumingin ito sa kanya at imunuwestra ang upuan.

Pumasok siya sa tila isang study room o library dahil may ganito rin si don Jaime.

Mas malaki ang silid na ito at punong-puno ng libro.

Ngayon parehas na silang nakatayo at nakaharap sa isa' t-isa ni don Manolo.

"I tell you straight, how did you know me?"

Natahimik siya.

"If you are really the son of Gerardo can you prove it?"

'Gusto niya ng katibayan.' sa loob-loob ng binata.

Hinugot niya mula sa bulsa ang nag-iisang larawang hawak.

Wala siyang ibang maipapakita kundi ang larawang ito.

"This will be the proof," inangat niya ang larawan at ipinakita rito.

Noon una ay pinagmasdan lang nito hanggang sa nanlaki ang mga mata ng matanda.

"I remember this," anang don at hinablot ang hawak niya habang napapatango-tango.

"I remember this," napapikit at hinalikan ang larawan.

Nagtataka man ay tumahimik si Gian.

"I remember him. My Gerardo," pumiyok ang tinig ng matanda.

Pinagmasdan niya ang mga kinikilos ng don.

"When he left he never brought  anything from me only this one. I had no remembrance from my son only this picture," mariing napailing ang don.

Natahimik ang binata.

Wala siyang ibang maramdaman kahit parang naiiyak ang matandang kaharap.

Wala rin siyang madaramang papanabik.

Tanging nararamdaman niya ay ang kabahan sa nangyayari.

Marahang binaliktad ng don ang larawan at tumambad dito ang nabasa niya.

"He hated you... so much," tanging nasabi ng binata.

Tuluyan ng nalaglag ang mga luha ng don na ikinaalarma ng mga tauhan.

Naalarma rin siya ngunit may mas mabilis sa kanya sa paglapit sa matanda.

"Don Manolo! Are you alright?" dinaluhong ng isa sa mga lalaki ang don at inalalayang maupo.

"I'm alright," itinaas ng don ang kamay kalmado ang pananalita nito.

"He left everything, he left his responsibility but I never hate him. I never loathe my son."

Umiiling ang don na para bang sising-sisi ito sa nangyari.

Nahagip ng kanyang tingin ang isang malaking family portrait sa gilid, hindi ito nakasabit at mukhang luma na.

Pinagmasdan niyang maigi ang mga nasa larawan.

Isang hindi pa matandang lalaki at isang magandang babae at sa gitna nito ay isang batang lalaki.

Tumiim ang titig niya sa lalaki na tila ama ng bata at asawa ng babae.

Hanggang sa makilala niyang ito na si don Manolo.

Nilingon niya ang matanda na nakatitig pa rin sa larawan.

"Who is she?" turo niya sa magandang babae.

Napatingin ang don sa tinuro niyang larawan.

Suminghap ang matanda at huminga ng malalim.

"Eloiza, you're real grandmother."

Real?

Kumunot ang kanyang noo, ito na ba ang sinasabi ng kanyang lola noon?

Nagkakaroon na siya ng hinala kung sino ang kasamang bata ng mga ito.

"Who is he?" turo niya ulit doon naman sa batang lalaki.

Umiling ang matanda.

"That is Gerardo, your father."

Nahigit niya ang hininga.

Ngayon napatunayan na niya ang hinala at ito ang kauna-unahang pagkakataong may makita siyang larawan ng ama noong bata pa ito.

"You look like him when you are young," sa kanya na nakatingin ang malamlam na mga mata ng don.

Napalunok si Gian at muling ibinaling ang tingin sa larawan.

Napansin niyang hindi nagsasalita ng tagalog ang matanda.

"Don Manolo-"

Itinaas nito ang kamay na siyang nagpatahimik sa kanya.

"Don't call me that, I feel like a stranger. Every body calls me grandpa, you should too."

Alam niyang dapat siyang sumunod dito kagaya ng lahat ngunit umiling ang binata.

"Sir," matigas niyang tugon.

Umangat ang tingin ng don na tila nalito sa narinig.

Gumana ang pagiging pulis niya sa pagkakataong ito.

"You never had a proof that I am your grand son except for that picture and yet you believe," matigas niyang wika.

"I believe in you, I know that you are the son of my son. I feel it and I know it's you."

"But I don't know you," deretso niyang wika.

Totoo naman 'yon at hindi siya magsisinungaling ngayon.

Tumayo ang matanda at umalis sa kinauupuan.

Ang buong akala niya ay lalabas ito at iiwan siya ngunit laking gulat niya nang lumapit sa kanya ang don.

" I'm sorry for not being there, watching you growing. But I've seen that Erica raised you well."

Napalunok siya nang banggitin nito ang kanyang lola.

"You become a good man, a better man than me," mapait itong umiling.

"I'm sorry for everything Gian, I'm sorry for being coward. I'm sorry for the days with out me. But now you're here, I will give you everthing you want."

Siya naman ang mapait na umiling.

Kung hindi pa niya sinadyang puntahan ang mga ito ay hindi niya naman makikilala.

Tapos ngayon sasabihin nitong ibibigay sa kanya ang lahat ng kanyang hilingin?

" Tell me Gian hijo, what do you want and I'll give it to you."

Tumigas ang kanyang anyo habang kaharap ang don.

"I need your money don Manolo. I need more money," deretsong tugon niya rito.

Umawang ang bibig ng don.

Alam niyang nagiging opportunista na ang kanyang dating ngunit ang mahalaga ay malabanan niya ang mga Delavega!

"I need your money a lot of it!"