Chereads / WANTED PROTECTOR / Chapter 61 - Chapter 61 - The Descendant

Chapter 61 - Chapter 61 - The Descendant

Napakurap ang don sa narinig.

" You need money why? " ulit nito.

Tumiim ang kanyang bagang bago sumagot.

"To fight for my life. Only money can save me."

"What?" nababaghang tanong ni don Manolo.

"Did you lend some money? Or what? May I know why?"

Hindi siya kumibo.

"Gian hijo, money is not the issue here I just want to know what happened to you for a long time."

"Nothing to worry about, I just want the money."

"Ofcourse, I owe you, I will give you everything you need."

"Thank you don Manolo," bahagya siyang yumuko rito.

Mataman siyang pinagmasdan ng don, punong-puno ng pagmamahal at pagsisisi ang mga tingin nito sa kanya.

Hindi niya alam ang tunay na dahilan ng pag-iwan nito sa unang asawa dahilan kaya nagkalamat ang relasyon nito at ng ama niya.

"Where is your wife?" tanong niya na ikinaupo ng don.

"She's dead three years ago."

Tumahimik siya.

"Gian, I truly love your grandmother, but in my case love is not enough. We face some difficulties before that broke my family. I marry other woman."

"Arrange marraige?" hindi napigilang tanong niya.

"For convenience, for business, they need us and we need them for our business. Your father left me.

Eloiza your grandmother left me too and I, I heard she died five years ago."

Nagtagis ang kanyang mga bagang.

Kasalanan ng don ang lahat dahil naging duwag ito sa pagharap sa problema noon.

Masyadong desperado para lang mas mapaunlad ang negosyo.

Subalit naiintindihan niya ang ginawa nito noon.

Ang mga mayayaman ay para lang sa mayayaman din.

"Blame it all on me, this is my fault, I'm sorry," yumuko ang don.

Marahan siyang lumapit.

"I understand. I am here the last descendant from your real family."

Umangat ang tingin ng don sa kanya nababakas ang tuwa at saya sa anyo ng don.

"This calls for a celebration," anito at niyakap siya.

Napakurap ang binata.

"Welcome home my grand son."

---

Nakatingin si Ellah sa dalawang katulong habang nakahiga sa kama.

Nakatalikod ang dalawa at abala sa paghahanda ng pagkaing dinala ng mga ito mula sa mansyon.

Hindi pa rin siya nadidischarge sa ospital dahil kahit magaling na ang sugat niya ay lagi naman siyang nanghihina sa pagkawala ng nobyo, ang resulta ay hindi siya pinapakawalan ng doktor.

Lumalakas lang ang kanyang loob kapag kahit paano ay may masagap siyang balita tungkol sa kasintahan.

Mas lalo siyang nanghihina dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin tuluyang nag operate ang kumpanya nila.

Paano ba naman kasi nawala ang Presidente, wala rin siya.

Pinagkakatiwalaan naman nila ang dating mga tauhan pero para sa kanya ay iba pa rin kung sila ni Gian ang naroon.

Ngayon nasaan na ito?

Pinigilan niya ang nagbabadyang luha sa mga mata.

Wala na siyang ibang ginawa kundi ang lumuha sa pagkawala ng kasintahan.

Parang hindi siya makakaahon sa kinasasadlakan ngayon.

Nang malapit ng matapos ang dalawa ay mabilis siyang tumalikod at pinahid ng daliri ang gilid ng mga mata.

Ilang sandali pa ay hinarap siya nina Julia at aling Ising.

Tanging ang dalawang ito ang nagtatiyaga sa pagbabantay sa kanya.

"Ms. Ellah, kain na po kayo?" si Julia 'yon na inilahad ang tray na may lamang ulam.

Nanoot sa kanyang ilong ang amoy ng tinolang manok, native 'yon kaya natakam siya.

Nakaramdam siya ng pagkalam ng sikmura at napalunok.

Hinarap niya ang dalawa at tinitigan niya ang ulam.

Umuusok pa ito maging ang kanin.

Talaga namang nakakatakam at mas lalong kumalam ang kanyang sikmura.

"Ayoko," aniya at tumalikod ulit.

Hindi niya masikmurang kumain nang panatag habang hindi niya nalalaman kung ano ang kalagayan ni Gian.

Baka hindi pa ito nagigising kung sakali mang buhay pa ito dahil ilang araw na ay hindi pa rin ito nagpaparamdam.

Malakas ang kutob niyang buhay pa ito subalit nanghihina siya kapag naiisip na nasa coma ito o hindi kaya ay nagka amnesia.

Nanakit ang kanyang lalamunan at namuo ang luha sa kanyang mga mata.

Habang papatagal ang araw na lumilipas na hindi niya nakikita ang kasintahan ay mas lalo siyang nahihirapan.

Walang dahilan na hindi magpapakita si Gian sa kanya maliban sa ito ay nagka amnesia o hindi kaya ay nasa coma.

Napapikit siya nang maisip ang isa pang dahilan kung bakit hindi pa rin ito nagpapakita.

Mariin siyang umiling.

'Hindi mangyayari 'yon!'

"M-Ms. Ellah, pakiusap kumain ka na, kung sakali mang makakabalik na si sir Gian at makikita kayong ganito ay tiyak na hindi siya matutuwa, " si aling Ising naman 'yon.

Kumakain siya ng paunti-unti kapag 'yon ay sumasakit na ang ulo niya sa gutom.

Ngunit madalas na tubig lang ang nilalaman niya sa tiyan.

Marahan niyang iminulat ang mga mata.

" I said no! Hindi ba kayo nakakaintindi? " sininghalan na niya ang dalawa.

"Pero Ms. Ilang araw na hong hindi kayo kumakain-"

"Get out!" sigaw niya at napaigtad ang dalawa.

Oo gutom siya pero hindi niya kayang kumain hanggat wala ang kasintahan.

Nanatili namang walang imik ang dalawa at nagtinginan.

Tahimik naman siyang lumuluha sa tindi ng hinanakit at kalungkutan.

Nang biglang bumukas ang pinto.

Napabangon siya nang bumungad si Vince.

"Ms. Ellah..."

"Bakit Vince may balita na ba kay Gian?"

Nasa likod nito ang kanyang lolo kasama ang mga tauhan nila.

"Lolo!"

Nilapitan siya ni don Jaime at niyakap saglit bago siya nagmano.

"May sasabihin si Vince."

Bumaling ang kanyang tingin sa lalaki, naroon sa kanyang mga mata ang matinding pag-asa na may balita na ito tungkol kay Gian.

"Ano 'yon Vince?"

Lumipad ang tingin nito sa mga katulong niya na agad niyang nakuha ang ipinapahiwatig ng tingin na 'yon.

"Ah, aling Ising, Julia please?"

"Oho sige ho."

Nagmamadaling lumabas ng silid ang dalawang katulong.

Nilingon naman ni don Jaime ang driver na si mang Roger.

Umalis din ito.

Bahagya namang isinara ni Vince ang pinto pagkalabas ng tatlo ngunit hindi tuluyang isinara.

Umupo ito sa kaharap na sofa at siya naman ay umayos ng pagkakaupo.

Ngayon naghintay na sila sa sasabihin ni Vince.

Umaasa ang dalaga na tungkol ito kay Gian.

"May ebidensiya na tayo laban kay Delavega."

Natahimik siya.

Pinilit niyang itago ang pagkadismaya at ang lungkot na naramdaman.

"Anong ebidensiya?" si don Jaime ang nagtanong.

"Sa subdivision na pagmamay-ari ng mga Delavega ay alam na namin kung sino ang nakatira doon."

"Sino?" si don Jaime na umupo ng tuwid.

Tumalim ang tingin ni Vince.

"Mga tauhan ni Delavega... lahat."

Nag-abot ang tingin nila ng don.

Hindi makapaniwala si Ellah sa narinig.

Gaano kalaki ang subdivision na 'yon tapos tauhan niya lahat?

"At hindi lang 'yon, nadiskubre din namin kung ano ang tunay na negosyo ng mga ito kung bakit sobrang yaman ng mga nakatira doon."

Kumabog ang kanyang dibdib bagamat parang nahinuha na niya kung ano ' yon.

"Ano?" si don Jaime na nakatiim ang bagang.

"Droga."

Sabay silang napailing ng don.

"Paano mo nalaman ang tungkol diyan?"

"Sa Tungawan ay may nakilala akong mga nabiktima ng mga Delavega at sila ang nagbigay ng impormasyon kinumpirma lang namin."

"Biktima saan?" si don Jaime.

"Land grabbing."

Napatingin si Ellah sa pagyuko ng don na para bang nagsisisi ito sa kung anong dahilan.

Hindi siya nakatiis.

"Bakit lolo? May problema po ba?"

Umangat ang tingin ni don Jaime "Ha?"

"Parang nalulungkot po kayo nang sinabi ni Vince ang tungkol sa land grabbing eh?"

Huminga ng malalim ang don.

"Iyan ang isa sa mga kasalanan ko. Kaya iniwan ko si Roman hindi ko masikmura ang kanyang pinagagawa."

"Lolo, wala po kayong kasalanan biktima lang po kayo ng kasamaan ng dati ninyong kaibigan."

"Gano'n ka rin naman Ms. Ellah."

"Ha?" Napalingon siya kay Vince maging si don Jaime.

Tumaas ang kilay nito. "Biktima ka rin ng mga Delavega."

Mapait siyang umiling. Tama naman ito, sa sobrang dami ay tila namanhid na siya.

"Bago ninyo kinuha si Gian ay may nagtangka sa inyo hindi ba Ms. Ellah?  Namatayan ka ng apat na gwardya."

Unti-unting nanlaki ang kanyang mga mata at kumabog ang dibdib.

"Si Delavega ang may pakana at hindi ordinaryong tao lang."

"ANO?"

Nanindig ang mga balahibo niya sa narinig.

"Ang sabi ni Danilo random lang- punyeta tama nga si Gian!" Nagngangalit ang mga bagang na wika ng don.

Binalingan ni Ellah ang don.

"Anong tama lolo?"

Tumingin sa kanya ang agwelo.

"Ellah, hija. Ang sabi ni Gian noon traydor si Cordova at matagal na."

Hindi pa rin siya makapaniwala na Delavega na ang may pakana noon pa at pinalabas lang na ordinaryo ng walang hiyang hepe na 'yon!

Mariin siyang napailing.

Bakit lahat yata ng pinagkakatiwalaan nila ay mga traydor?

Ibig sabihin hindi pa nakakamit ang hustisya sa pagkamatay ng kanyang apat na gwardya.

"Wala bang sinabi si Gian sa inyo?" tanong ni Vince.

Sumakit ang dibdib niya pagkarinig sa pangalan ng kasintahan.

"Hindi na ninyo dapat alalahanin ang tungkol diyan dahil makakapaghiganti na kayo," dagdag ni Vince.

Nabuhayan ng loob ang dalaga.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niyang hindi na makakapaghintay.

Pinagmasdan sila ni Vince.

"Konektado si Cordova sa mga taong nakatira sa Subdivision."

"Paano?" siya naman ang nagtanong.

"Siya ang protektor ng negosyo at may ebidensiya kami."

Nagkatinginan sina Ellah at don Jaime.

Napansin niya ang pagkabalisa ng don at naiintindihan niya dahil kung sasabit si Cordova ay madadamay ang lolo niya ngunit biktima lang din ito.

"Lolo, huwag kayong matakot, ang laban ninyo ay laban ko rin hindi ko kayo pababayaan, " matatag niyang wika.

Marahang tumayo ang don at kinabig siya.

"Maraming salamat sa pang-unawa apo ko, pangako magkasama nating harapin ang laban na ito."

Matatag siyang tumango.

"Maraming salamat po sa pagiging matapang, pangako hindi ko po pababayaan lolo."

Kumalas siya at binalingan si Vince.

"Magaling Vince, sa wakas magagawa na nating paalisin ang hepe na 'yon, " aniya.

"Nangangako rin po akong tutulong ako sa laban ninyo."

Nagtagis ang kanyang mga ngipin.

Ito ang dahilan kaya nawala sa kanya ang pinakamamahal na kasintahan.

Kung hindi lang kasalanan ang magpapatay ay ginawa na niya!

"Sa ngalan ng aking kapangyarihan ay itutumba ko sila at titiyaking hindi na makakabangon pa!" matigas na wika ni don Jaime.

Nagpapasalamat siya at hindi na natatakot ang agwelo sa kalaban.

Kailangan niyang lumaban kahit wala si Gian dahil ang laban niyang ito ay para sa kasintahan.

Ito na ang simula ng katapusan.

---

Sa harapan ng isang mahabang mesa sa tahanan ng mga Villareal ay naroon si Gian katabi ni don Manolo.

Nakapalibot sa kanila ang buong pamilya Villareal.

Villareal, ibig sabihin pamilya niya.

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap sa library ng don ay nagpasya itong ipakilala siya sa buong pamilya sa pamamagitan ng isang salu-salong hapunan.

At nandito na siya ngayon kaharap ang mga kamag-anak.

Mga tiyuhin, tiyahin, mga pinsan maging ang anak ni don Manolo sa pangalawang asawa nito.

May isa pang bakanteng upuan sa kanan ni don Manolo na hindi niya alam kung para kanino.

Batas ang bawat salita ng don sa pamilyang ito.

Kaya nang magpatawag ito ng pagtitipon ay lahat dumalo.

At dahil sa pagtitipon na ito ay nakilala niya ang lahat.

Hindi pa rin makapaniwala ang binata na makakaranas siya ng ganito sa mismong pamilya.

Ni sa hinagap ay hindi sumagi sa kanyang isipan na darating ang araw na ito.

Nakita niya ang lahat ng Villareal na kamag-anak niya.

Subalit hindi niya kayang tandaan ang mga pangalan ng bawat isa marahil ay dahil nakikita niyang hindi interasado ang karamihan sa mga ito sa kanya kaya hindi rin siya interesadong kilalanin ang mga ito.

Hindi maramdaman ng binata na nababagay at nararapat siya sa pamilyang ito.

Estranghero ang lahat sa kanya at gano'n din ang mga ito.

Curiosity lang ang nagdala sa mga ito kaya gusto siyang makita.

Gusto lang makita ng mga ito ang isang kagaya niyang nawalay sa tunay na pamilya, ulila at nag-iisa.

Huminga ng malalim ang binata at napatingin sa mga pagkaing nakahanda sa kanilang harapan.

Fried shrimp, sweet and sour lapu-lapu, beef steak, chicken adobo at vegetable salad with red wine.

King crubs na umaapaw sa taba at aligi.

Naalala niya ang pinakamamahal na kasintahan na mahilig dito.

Kahit hindi sila nagkikita ay alam naman niya ang nangyayari sa pamamagitan ni Isabel na lagi siyang tinatawagan.

Ayun sa babae ay hindi pa rin daw nakakalabas ng ospital si Ellah na mas lalong nagpaalala sa kanya sa kalagayan nito.

Gustuhin man niyang ipaalam ang kalagayan hindi niya magagawa dahil wala siyang mukhang ihaharap dito pagkatapos ng nangyari.

Wala siyang maipagmamalaki.

Tama nga si Isabel na itago muna ang katotohanan hanggat walang magandang nangyari sa kanya.

Kaya nandito siya ngayon kumakapit sa patalim at ang patalim na 'yon ay si don Manolo.

Hinding-hindi siya bibitaw kahit anong mangyari!

Bumaling ang tingin niya sa mga pagkaing nasa harapan.

Napakasarap tingnan ang mga naroon subalit wala siyang gana.

Hindi na bale dahil ang sabi ng don ay ibibigay nito ang kailangan niya.

Iyon lang ang kailangan niya.

Hindi rin niya maintindihan kung bakit nasa hapag na sila ay hindi pa nag-umpisang kumain naiisip niyang may hinihintay pa at malamang ang may-ari ng upuan sa kanan katabi ni don Manolo.

Nag-uusap lang ang mga ito tungkol sa kung ano at iilan lang ang nakatingin sa kanya na hindi naman nagsasalita.

"Where's your son Leonardo?" si don Manolo.

Napatingin siya sa tinitingnan ng lahat.

Ang anak ni don Manolo sa pangalawang asawa.

Sinong anak nito ang tinutukoy?

"Ah, papa, he's coming."

Lalaki ang anak nito.

"Always late, always Leonardo," naiiling na wika ni don Manolo.

Natahimik ang lahat.

"We need to eat without him," dagdag nito na ikinagulat ng lahat.

Nagtaka naman siya.

Bakit hindi kumakain ang mga ito kapag may isang kulang?

Pwede namang magsimula dahil parating naman na raw?

"Papa, we need to wait my son-"

"Gian is hungry."

Siya naman ang naalarma at napaayos ng upo.

"Besides, this dinner is for him not for your son Leonardo, let's eat. I'm hungry too."

Nagsimulang magsandok ng kanin si don Manolo.

Nagkatinginan ang ibang Villareal sa isat-isa at walang kumuha ng pagkain.

Binalingan siya ng don.

"Gian, hijo you're not eating don't you like the food?"

Tumikhim siya.

Sampung minuto na silang nasa mesa at nakaupo lang kaya malamig na ang mga pagkain.

"I'll eat," wika ng binata at nagsimulang magsandok ng kanin.

Nag-alangan siyang tawagin itong don o sir sa harap ng pamilya nito.

Nakakapanginig ang mga titig ng iba pa dahil sa lahat siya lang ang sumunod na kumuha ng pagkain.

"As I told you earlier, Gian is my grandson. My real grandson," may diin sa tono ng don.

Tumikhim si Leonardo.

"We know it papa."

"You should eat now, all of you."

Walang kumilos.

"Huwag ninyong paghintayin ang pagkain."

Napakurap si Gian.

Ito ang kauna-unahang narinig niyang nagsalita ng tagalog ang don.

Lahat ay nagsikilos at kumain.

"What's your job again?" tanong ng asawa ni Leonardo na hindi naman nagtatanong ang dating, kundi tila manunuya sa oras na marinig ang sasabihin niya.

"Sylvia, don't be so hard," sita ng don.

"I'm not papa," binalingan siya nito. "I'm asking you what you do for living?"

Kung hindi sa kagagawan ng mga Delavega ay isa na siyang negosyante ngayon, Presidente o CEO ng kumpanya ni don Jaime ngunit dahil sa mga demonyong Delavega ay isa na siyang kriminal.

Huminga siya ng malalim at yumuko.

"Nothing."

"What?" tumawa ito.

"You're jobless? What an ass?"

Napatingin siya sa lalaking nagsalita isa sa mga pinsan niya kuno, tumawa ito.

Napatiim bagang siya at yumuko na lang.

Tama naman ito dahil wala siyang maipagmamalaki, wala.

"Shut your mouth Hendrix!" si don Manolo.

"Grandpa, he's nothing, what is he doing here?" ang ina naman nito ang nagsalita na nakatikwas ang kilay sa kanya.

Umangat ang tingin niya at nagtagpo ang tingin nila ng babae.

"Sandra isa ka pa!" sita ng don at binalingan ang asawa ng babae. "Arturo patahimikin mo ang pamilya mo!"

"Yes pa," binalingan nito ang mag-ina sa tabi.

Natahimik naman ang mga ito.

Alam niyang wala siyang kakampi dahil ang dalawang mag-asawang nasa harapan niya ay mga anak ng don sa pangalawang asawa, ang Leonardo at Arturo.

Iisa ang anak nito sa lola niya at ang ama niya lang.

"Respect my grandson," dagdag ng don at natahimik ang mga ito at nagsikain.

Nanatili lang siyang nakayuko at tuluyan ng nawalan ng gana kahit hindi pa man nakakasubo ng pagkain.

"Sorry I'm late."

Lahat sila ay napalingon sa dumating.

Isang lalake na kasing edad niya o mas nakakabata sa kanya ang patungo sa tabi ng don at umupo sa bakanteng upuan.

"Always Gabriel," si don Manolo.

"Sorry grandpa, just have so much to be done in the office."

Opisina?

Kaya ba naka tuxedo pa ito at naka necktie?

Sino ba ito?

Tumikhim ang don.

"Please understand your grandson papa, we all know he is the CEO of the company."

Napalunok si Gian at napatingin sa asawa ni Leonardo.

"I know."

"Who is he?"

Napatingin siya sa lalaki, nakatingin din pala ito sa kanya.

"Ah, Gabriel, this is Gian, your cousin. Son of Gerardo and Anna."

Nag-abot ang tingin nila ngunit nakakunot ang noo nito na tila hindi matanggap ang narinig.

"Really? Did I hear it wrong? You are my what?"

Nagtagis ang kanyang mga ngipin.

"Your cousin hijo," ulit ng don.

"Step- cousin," pagdidiin ni Gabriel na mariin ding nakatitig sa kanya.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa mga kubyertos.

Ang tapang ng hiya at siya

ang pagsasabihan ng gano'n samantalang siya itong tunay na apo ayun kay don Manolo!

Siya ang orihinal kahit pa nagpakasal ito sa iba.

"You are the step-cousin," ganti niya.

Wala siyang pakialam kung magkakagulo ngayon hindi rin naman siya tanggap ng mga ito tanging ang don lang at ito lang ang kailangan niya.

"What?" Binalingan nito si don Manolo.

"Who is this again grandpa?" tinuro siya nito sa pamamagitan ng hawak na maliit na kutsilyo.

Nagtiim ang kanyang bagang at bumalatay ang galit sa kanyang anyo.

Magkasing laki at magkasingtangkad lang sila ng hinahupak na ito ngunit alam niyang kaya niya itong patumbahin sa loob lang ng sampung segundo!

'Huwag itong magkakamali ngayon!'

"Gabriel stop," si don Manolo.

"Why?" sa kanya bumaling ang nanunuya nitong titig.

"What are you doing here in our family? We don't need an intruder your grandmother is a whore!"

Napatayo si Gian sa narinig.

"I SAID STOP!" Dumagundong ang boses ng don na ikinatahimik ng lahat.

Nanginginig ang mga kamao niya sa nararamdamang galit.

Hindi man niya nasilayan ang ina ng kanyang ama subalit walang kahit sino ang maaaring bumastos dito kahit sino!

Muli siyang umupo at pinilit pakalmahin ang sarili.

"Such an immature for a CEO like you. Your grandmother broke my family, ikaw ang sabit," ganti niya.

"FUCK!" Lumipad ang kutsilyong hawak nito patungo sa kanya.

Umilag lang siya ng kaunti at tumama sa dingding.

"TIGIL!" si Leonardo na ang sumigaw.

Napatayo ang mga Villareal at nagkagulo na nang muntik nang matumba ang don sa kinauupuan.

"Grandpa!" tinakbo ni Gabriel ang agwelo.

Mabilis dinaluhan ng mga ito ang don na ngayon ay hawak na ang dibdib habang tila nahihirapang huminga.

Pinainom ito ng gamot ng kanang kamay nito.

Rumehistro ang pag-alala at takot sa anyo ni Gian.

Akmang lalapit siya, nang malakas na itulak ng anak nitong si Leonardo na muntik na niyang ikatumba.

"I am fine!" malakas na wika ng don at hinawi ang mga kamay na humahawak sa kanya.

Tumayo ito na ikinaalarma ng lahat.

"Wala kayong respeto sa harapan pa mismo ng pagkain!"

Natahimik silang lahat.

"Accept my real grandson whether you like it or not!

I will give him everything I have!"

Napalunok ang binata at kumabog ang dibdib.

"Papa!" si Leonardo.

"And you cannot do anything about it!"

Lahat ng mga matang mapanghusga ay sa kanya nakatingin.

Sa kauna- unahang pagkakataon ay humanga siya sa naturang don dahil kahit hindi nito alam ang tunay niyang dahilan kung bakit kailangan niya ng kayamaman nito ay ibinigay ng walang pag-alinlangan.

"I will give him the inheritance from his father and his right to manage the company!"

Napatayo siya ng tuwid sa narinig.

Umugong ang matinding pagtutol ng mga ito subalit walang nangahas magsalita.

"Gian!"

Ito na ang pinakakahihintay niya!

Bumaling ang tingin niya sa don at nagtagpo ang tingin nila.

"Yes don Manolo?"

Lumamlam ang mga mata ng don nang siya na ang kaharap bago ito nagsalita.

"Will you accept it?"