Napaatras si Gian at mabilis isinara ang pinto subalit natigilan siya nang magsalita ang nasa labas.
"Sir Gian hinahanap ka na ni don Manolo."
Muli niyang binuksan ang pinto at tumambad ang sampung kalalakihan na lahat ay naka tuxedo nakatingin ang lahat sa kanya.
Tumiim ang kanyang bagang sa narinig.
Naisip niyang posibleng makikita siya ang hindi niya inisip ay ang hanapin siya.
"Bakit?"
Nagtinginan ang mga ito.
"Babalik na raw kayo ng mansyon."
Nakaramdam siya ng kaunting saya ngunit kapag naiisip ang nangyari doon ay nawawalan siya ng gana.
"Hindi ako sasama makakaalis na kayo." Akmang isasara niya ang pinto nang pigilan ng isang kamay ng kausap.
"Hindi tumatanggap ng hindi si don Manolo," anitong nakayuko.
Tinatakot ba siya nito?
Nag-igting ang kanyang bagang.
"Hindi rin ako sanay na pinipilit."
Binalibag niya pasara ang pinto.
Bastos na kung bastos pero mas matindi naman ang ginawa ng mga kamag-anak nito sa kanya.
Hindi pa rin umaalis ang mga ito at tila may kausap sa cellphone.
"Oho don Manolo, sige ho."
Umupo siya sa papag at hinintay ang pag-alis ng mga alipores nito.
Bukas na siya pupunta roon sa mansyon. Magpapalipas muna siya ng gabi ngayon dahil sa nangyari doon.
Nang biglang may kumatok.
'Hindi pa pala lumayas ang mga tarantado?'
Uminit ang kanyang dugo at iritadong binuksan ang pinto.
"Ang tigas ng bungo niyo ah hindi-" umawang ang kanyang bibig nang tumambad ang matandang ayaw niyang makita.
"Apo..."
Madalas naririnig ni Gian ang salitang 'yon ni don Jaime sa apo nitong si Ellah.
Nakakapanibago lang na may tumatawag din ng gano' n sa kanya at isa ring don.
Subalit napakalaki ng pagkakaiba ng pamilya niya sa kasintahan.
"Anong ginagawa niyo rito?" tinigasan niya ang anyo upang mailang ang don.
"Hinanap kita sa buong lugar, umuwi na tayo sa mansyon hijo," malumanay ang tinig na wika ng don subalit hindi siya nagpatinag.
"Umuwi na kayo hindi ako sasama," matigas niyang wika.
Inilibot nito sng tingin sa kabuuan ng silid bago siya hinarap.
"Ayos ka lang ba rito?"
Hindi siya sumagot at nanatili lang nakatingin sa mga tauhan ng don.
"Paano niyo ako nahanap?"
"Gian hijo, madali sa akin ang maghanap lalo na at nasa siyudad lang."
Umiling siya. Ganitong sagot ang mga ayaw niyang marinig.
"Sagutin niyo ako ng eksakto don Manolo paano niyo ako nahanap?"
Ang tauhan nito ang sumagot.
"Pina trace ka sa buong CCTV sa siyudad.
Pinahanap ang taxi na sinakyan mo."
Kumuyom ang kanyang kamay subalit napantag din ng maisip na
hindi nagamit ang larawang kinuha sa kanya kanina.
Binalingan niya ang agwelo.
"Ayos lang ako rito, umuwi na kayo don Manolo."
Bumalatay ang lungkot sa anyo ng don.
"Talaga bang hindi ka sasama?"
"Hindi," matatag niyang tugon.
Nilingon nito ang alalay sa tabi na tila nakahandang sumalakay kaya naalarma siya.
"Rafael, sige na."
May dinukot ang lalaki mula sa likurang bulsa kaya't tumuon ang tingin niya roon at hindi ibinababa ang depensa.
Inilahad nito ang kamay sa kanya hawak ang isang maliit na tila tarhetang kulay itim.
"Ano 'yan?"
"Card hijo, dahil hindi ka uuwi sa mansyon, hayaan mong bigyan kita ng panggastos."
Napalunok ang binata at napatitig sa bagag na hawak ng tauhan.
Black card.
"Please hijo, use that to make me feel at ease.
Ayaw kong mahihirapan ka.
You can spend anything you want with that."
Tumuon ang tingin niya sa bagay na 'yon.
Gamit 'yon ay luluwag nga ang kanyang sitwasyon.
Makakabili siya ng kotse kung gugustuhin niya.
Bumalik ang kanyang tingin sa don na naghihintay ng kanyang sagot.
"Hindi na kailangan don Manolo. Sanay akong mahirap lang, simula pa noon hanggang ngayon."
"Pero-"
"Kung inaakala niyong matatabunan ng pera ang nangyari noon sa pamilya ko ay nagkakamali kayo.
Kukunin ko lang ang nararapat na para sa ama ko pero hindi niyo ako mapapasunod sa gusto ninyo. Umuwi na kayo at tapusin ang pinapagawa ko.
Kung maaari ay bukas makukuha ko na ang mana. "
Tumagal ang titig ng don sa kanyang mukha bago malungkot na umiling.
" Kung 'yan ang gusto mo, masusunod." Binalingan nito ang mga tauhan." Let's go. "
"Hindi kayo tumatanggap ng hindi don Manolo-"
"Ngayon hindi na," umiling ito bago tumingin ulit sa kanya.
Matigas ang kanyang anyo at desidido sa desisyon.
Sinundan niya ng tingin ang agwelo.
Pagkaalis nito ay isinara niya ang pinto at umupo sa papag.
Sanay naman siya sa hirap hindi nito mababago ang nakasanayan niya dahil lang sa isang iglap.
Tumunog ang kanyang cellphone sa bulsa ng suot na pantalon at agad sinagot ang tawag.
"Isabel?"
"Gian! Sinunog ang Tungawan!"
Napatayo siya sa pagkagulantang.
"Ano!"
"Halos kalahati ng Barangay ng Langon naubos! Umuwi ka na please! Hindi ko na alam ang gagawin ko."
Kumabog ang dibdib niya.
"Nasaan kayo ngayon?"
"Nasa Ipil kaming lahat, nakatira kami sa hotel naubos ang ari-arian ng buong organisasyon."
Napapikit ang binata. "Si Delavega na naman ba?"
Umiigting ang kanyang panga sa nararamdamang galit.
"Hindi pa alam ang sabi ni mang Roger may nagtapon lang daw ng sigarilyo eh!"
"Tangina. Kagagawan na naman ni Delavega 'yan!"
"Gian please umuwi ka na!"
"Malapit na. Kunting tiis na lang."
"Salamat. Hihintayin ka namin ni tatay ha."
Huminga siya ng malalim bago tumango.
"Sige, wala bang nasaktan sa inyo?"
"Wala naman salamat na lang."
Sigurado siyang si Delavega na naman ang may pakana.
"Mabuti na lang at wala ako diyan. Siguradong ako ang puntirya ng demonyong 'yon."
"Kung sakali bang nandito ka madadamay ba kami?"
"Lahat kayo. Mag-ingat kayo lagi."
"Salamat, umuwi ka na ha?"
"Oo, may tinatapos lang."
"Maghihintay kami, nga pala nabalitaan kong na promote si Vince dahil sa pagbabagsak kay Cordova."
"Talaga? Mabuti kung gano'n."
"Oo, kaya isa rin 'yan sa dapat mong uwian, mag celebrate tayo."
Kahit paano ay nakaramdam ng tuwa ang binata para sa kaibigan.
"He deserves it. Magaling at madiskarte ang isang 'yon. Salamat sa tulong ninyo Isabel."
"Masaya rin kami na si Vince ang binigay mo sa amin, magaling nga siya at mapagkakatiwalaan."
"Oo naman, matalik kong kaibigan 'yon."
"Ang galing naman, kaya sana umuwi ka na para mabati mo na siya."
"Malapit na."
"Maghihintay kami."
Ibinaba na ng binata ang cellphone.
Kumuyom ang kanyang kamay.
Humugot siya ng malalim na paghinga.
'Kailangang makuha ko na ang mana sa lalong madaling panahon.'
Talagang hindi siya tinatantanan ng mga kalaban hanggat hindi siya namamatay.
Hindi rin siya titigil hanggat hindi napapatay ang mga ito.
Nanghihinayang siya at wala na siyang koneksyon kay Vince.
Kung mayroon lang siyang koneksyon ay siguradong alam niya ang detalye.
Mabuti na lang at maingat naman ang kaibigan, masaya siya sa narating nito ngayon.
---
"Congratulations Captain Maravilla!"
Napangiti si Vince nang makipagkamay sa amo.
"Salamat Chief."
Ipinatawag siya nito sa opisina nito dahil sa nagawa niyang pagpapabagsak kay Cordova at noong nakaraang araw ay ginawaran siya ng award at itinaas ang posisyon.
Nagpapasalamat siya sa mga taong tumulong sa kanya na napopoot sa mga Delavega.
"Napakahusay ng ginawa mong pagbabagsak kay Cordova, binabati kita."
Umupo sila ng sabay ng hepe.
"Salamat Chief, pero kulang pa 'yon. Dahil sa kanila napasama ang kaibigan ko. Iisahin-isahin ko silang lahat," mariin niyang tugon.
Tumiim ang anyo ng hepe.
"Siguradong si Delavega na naman ang may gawa nito."
Tumango siya at nag-igting ang bagang.
"Chief, siguradong si Gian ang sadya nila pero dahil wala siguro si Gian doon ay wala silang sinaktan.
Magkakamatayan kung naroon ang kaibigan ko."
"Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpaparamdam ang kaibigan mo. Kung sana'y ligtas siya.
Nagsisi ako na pinalipat ko pa siya sa atin, kung hindi ko ginawa ay baka nandito pa siya ngayon."
"Kung hindi ninyo ginawa ang gano'n Chief ay baka napahamak na ang kaibigan ko. Hindi siya titigilan ng mga demonyong Delavega na 'yon kung nakikita pa siyang buhay ng mga ito.
Kaya kahit na ayaw ko sa nangyari ay hindi ko kayo sinisisi dahil ito ang naging dahilan kaya nakaligtas siya. "
" Kasalanan ko pa rin. Kung hindi ko siya inilipat hindi siya magkakaganito. "
" Hindi ko iniisip na sisihin kayo sir, kaya sana huwag niyong sisihin ang inyong sarili. "
" Salamat Vince, sana ay nakaligtas ang kaibigan mo."
"Ligtas siya Chief, nararamdaman kong buhay pa siya."
"Ang ipinagtataka ko hindi man lang siya kumuntak sa atin?"
"Nasa panganib siya. Kung ako sa kalagayan ni Gian ay gano'n din ang gagawin ko. Hindi na siya konektado sa atin at pinaghahanap ng batas."
"Naroon na ako pero siguradong wala siyang kasalanan na frame up lang siya ng kalaban."
Tipid na ngumiti si Vince.
"Salamat sa pagtitiwala sa kaibigan ko Chief, alam kong may hindi naniniwalang walang kasalanan ang kaibigan ko kaya salamat at may tiwala pa kayo."
"Oo naman, best asset dito 'yon dati eh. Sana lang ay makita na siya."
Tumiim ang tingin ni Vince sa kawalan.
"Sana ay magpakita na siya."
"Tama ka, at ng sa gano' n ay matutulungan natin siya."
"Tutulungan ko siyang linisin ang kanyang daraanan. Uubusin ko lahat ng humahadlang para sa pagbabalik ng kaibigan ko."
"Napakabuti mo Vince. Napakaswerte ni Gian sa'yo."
"Ako ang maswerte sa kanya Chief. Utang ko ang buhay ko sa kanya noon, ngayon nakahanda akong ibigay sa kanya."
"Kung nasaan man si Gian sana ay nakikita niya ang kabutihan mo."
"Umaasa akong isang araw babalik ang kaibigan kong 'yon Chief, hindi ako matitiis no'n," nakangiti niyang wika.
Umiling ang hepe.
"O sige, uuwi ka na ba?"
"Oho, salamat Chief, uuwi na ako, " tumayo si Vince at sumaludo sa amo.
"Sige, mag-iingat ka ha. Siguradong isa ka sa puntirya ng mga Delavega."
"Yes sir."
Naglakad palabas ng opisina si Vince at sumasaludo sa kanya ang mga tauhan at ang mga nakakababang posisyon sa kanya.
"Congrats sir Vince!"
"Salamat."
Siya na ang pumalit sa posisyon dati ng kaibigang si Gian.
Ni sa hinagap ay hindi niya inakalang mararating niya ang kinalalagyan ngayon na noon pa man ay kuntento na siya bilang alalay ni Gian.
Salamat kay Gian at binigyan siya nito ng pagkakataong makilala ang kanyang kakayahan.
"Uuwi ka na sir?"
Sinalubong siya ni Hailey ng isang ngiti.
"Ah yeah, bakit?"
"Well wala naman, kasi baka gusto mong i celebrate ang promotion mo what do you think?" nakangiti pa ring wika nito.
Tipid siyang ngumiti bago umiling.
"May gagawin pa ako, sa susunod na lang."
"Sus, super busy si Captain," tumawa ito kaya napailing siya habang nangingiti.
"Hindi naman," aniya.
"Okay sige, next time na lang, but anyway. Congrats, kung nandito lang si Gian siguradong matutuwa 'yon."
Naglaho ang kanyang ngiti pagbanggit nito sa matalik niyang kaibigan.
"Sigurado 'yon."
"I miss him."
"Ako rin."
Umaasa si Vince na isang araw ay babalik ang kaibigan niya at magiging maayos na ang buhay nito.
Ginagawa niya ang lahat ng makakaya upang makita ito kahit hindi ito nagpapakita.
Subalit mas malaki ang respeto niya sa kaibigan kung hindi man ito nagpapakita ay siguradong may dahilan at iginagalang niya ang desisyong 'yon.
Pagdating sa labas ng gusali ay tuminga si Vince sa madilim na kalangitan.
Huminga siya ng malalim bago ipinikit ang mga mata.
Sa araw-araw na pag-uwi niya galing opisina ay ipinagpapasalamat niyang buhay pa rin siya at humihinga.
Ito na yata ang pinakamapanganib na trabaho sa lahat dahil buhay mo talaga ang nakataya, hindi lang prinsipyo, reputasyon o pangalan kundi ang buhay mo mismo!
Iminulat niya ang mga mata at tinungo ang kotse at sumakay doon.
Ilang sandali pa, ay nagmamaneho na siya palayo sa presinto.
Tinanggihan niya ang anyaya ni Hailey dahil pupunta pa siya kina don Jaime.
Tuwing byernes ay pumupunta siya roon para bisitahin ang mga taong pinahahalagahan ng kaibigan.
Sinisigurado niyang ligtas ang mga ito.
Tumunog ang kanyang cellphone tanda na may tumatawag at awtomatikong kumabog ang dibdib niya.
Umaasa kasi siyang isang araw, isang araw ay si Gian na ang tatawag.
Hinagilap niya ang aparato sa bulsa ng suot na pantalon at napag-alaman kung sino ang tumatawag.
Nakaramdam siya ng panghihinayang.
"Don Jaime?"
"Vince, pupunta ka ba sa bahay ngayon?"
"Oho, pero malayo-layo pa ho ako."
"Sige, hihintayin ka namin ni Ellah."
"Sige ho don Jaime."
Pagkatapos ng usapan ay muli niyang itinuon ang tingin sa kalsada.
Binuksan niya ang stereo para makinig ng musika.
Kahit paano ay naaliw siya habang nagmamaneho.
Nakaplano na ang lakad niyang ito.
Pagkatapos niyang dumalaw sa mansyon ng mga Lopez ay makikipagkita siya sa kasintahan na nagtatrabaho sa Zamboanga City.
Matagal-tagal na rin sila at plano na niyang magpakasal hindi pa nga lang niya binabangit sa nobya.
Muling tumunog ang kanyang cellphone.
At nang makita kung sino ang tumatawag ay mabilis niya itong sinagot.
"Yes babe?"
"Babe, uuwi ka ba ngayon?"
Napangiti siya sa malambing na boses ng kasintahan.
"Yes, ikaw ba nasaan ka na?"
"Nasa apartment na, ingat ka ha?"
"Oo naman, may maganda yata akong girlfriend kaya mag-iingat talaga ako."
"Oo na, sus binobola pa ako, basta mag-iingat ka ha? Nasaan ka na ba?"
"Tigbao pa eh."
"O sige, ingat. Love you."
"Salamat, I love you too."
Pagkuwa'y napangiti si Vince.
Masaya siya at uuwi na naman sa piling ng minamahal.
Ang mga magulang niya kasi ay nasa Luzon.
Parehas silang tagalog ni Gian kaya siguro mabilis silang magkasundo.
Napailing siya nang maalala ang kaibigan.
Nasasabik na siya rito.
Ni sa hinagap ay hindi niya inakalang huling pag-uusap na pala nila 'yong sa presinto.
Kung alam niya lang ay baka hindi na niya ito pinatuloy sa plano ng amo.
Pero siguro ay tama na rin 'yon. Hindi naman ito titigilan ng kalaban.
Kumunot ang noo niya nang mapansing tila may sumusunod na itim na sasakyan.
Nag menor siya at pinauna ang naturang sasakyan.
Inaasahan niyang mauuna na ito subalit may biglang humarang na isa pang itim na sasakyan.
Doon na siya kinabahan at kinapa ang baril na nasa beywang.
Naglabasan ang halos sampung lalaking nakaitim at agad siyang tinutukan ng mga baril.
"BABA!"
Umigting ang kanyang bagang at ikinasa ang kalibre kwarentang armas.
Hindi siya makukuhang buhay ng mga ito!
Tumiim ang kanyang tingin sa mga kalaban at biglang inapakan ang silinyador sumagitsit ang gulong bago humarurot ang kotse kasabay ng kanyang pagpapaputok.
Nagkagulo ang mga ito at nagpapaputok din subalit malayo na siya.
Ilang sandali pa naghabulan na sila sa madilim na kalsada.
Hinagilap niya ang radyo sa bulsa ng suot na damit.
"Men I need back up!"
Walang sumagot kaya itinuon niya ang tingin sa daan.
Nang biglang nabasag ang salamin sa likuran.
"Shit!"
Nagpaekis-ekis siya sa kalsada upang hindi matamaan ng mga balang nagliliparan.
"Tulong! Greg!" sigaw na niya.
Tumunog ang kabilang linya.
"Sir Vince bakit?"
"Greg may papatay sa akin! Nasa Tigbao ako! Bilisan niyo!"
"Yes Captain!"
Nakahinga kahit paano si Vince nang sinagot ni Greg ang tawag niya.
Nakalayo siya ng kaunti kaya hindi na nagpapapaputok ang kalaban.
Subalit may biglang humarang na papasalubong niya at walang anu-ano ay pinagbabaril ang kotse.
"Lintek!" Yumuko siya ng husto habang tuloy sa pagmamaneho.
Subalit hindi pa siya nakakalagpas nang salubungin ng bala, wasak ang salamin at dumeretso sa kanya!
---
"HA!"
Napabangon si Gian mula sa pagtulog.
Hinihingal siya at nanunuyo ang lalamunan sa tindi ng takot.
Kumakalabog pa rin ang kanyang dibdib sa takot.
Parang totoo!
Kitang-kita niyang pinagbabaril si Vince at hindi ito nakaligtas!
Ipinilig niya ang ulo.
'Panaginip lang 'yon.'
Tumayo siya at lumabas ng silid.
Tinungo niya ang pasilyo at iinom ng tubig.
Tahimik na ang hotel at tanging iisang lalaki ang naroon.
"May mineral water kayo?"
"Yes sir."
Agad itong tumalima at pagbalik ay may dala ng isang bote.
Dinukot niya ang barya sa bulsa ng suot na pantalon at saka nagbayad.
Tumalikod siya at mabilis na nilagok ang tubig.
Saglit lang ubos na niya at kahit paano ay napanatag ang binata.
Pagbalik niya sa silid ay tumunog ang kanyang cellphone na nasa papag.
Dinampot niya ito nang makitang si Isabel ang tumatawag.
"Isabel bakit?"
"Gian! Si Vince!"
Kumabog ng husto ang kanyang dibdib sa narinig.
"BAKIT ANONG NANGYARI?"
"Tumawag si mang Roger at ang sabi niya ay ngayong gabi ililigpit si Vince! Gian natatakot ako!"
Na blangko ang kanyang utak sa narinig.
"Gian? Hello!"
"Puta hindi! Hindi!"
Nataranta ang binata at parang maiiyak siya sa nalaman.
"Gian anong gagawin natin?" naiiyak na wika ni Isabel.
Hindi na siya sumagot at hinagilap ang pitaka.
Naroon ang kanyang listahan sa mga taong mahahalaga sa kanya. Nanginginig ang mga kamay na binuklat niya ang maliit na papel at hinanap ang numero ng kaibigan.
Nang magawa ay mabilis niyang tinawagan.
Subalit hindi sumasagot ang nasa kabilang linya.
Napamura ang binata at hinanap ang numero ng hepe.
Subalit hindi rin ito sumasagot.
"TANGINA!" Halos ibato niya ang cellphone sa galit at takot.
Huli niyang tinawagan ay ang kasintahan nito.
"Hello? Sino 'to?"
"Anne si Gian 'to nandiyan ba si Vince?" deretso niyang tanong.
"Gian? As in Gian ikaw ba 'to!"
"Oo nasaan si Vince?"
"Wala pa siya pero papunta na-"
"Anne nanganganib siya!"
"A-anong nanganganib?"
"Makinig ka tawagan mo ang stasyon at humingi ka ng tulong, alamin mo kung hindi pa nakakaalis si Vince."
"N-nasa Tigbao raw siya kanina eh," nanghihinang turan ng babae.
"Fuck!"
"Gian natatakot ako-" naiiyak ito.
"Humingi ka ng tulong sa stasyon ng Tigbao."
"O-oo oo!"
"Sige na Anne, tatawagan ko pa ang hepe! "
"Sige! "
Pagkatapos ng usapan ay muli niyang tinawagan ang hepe subalit gano'n pa rin hindi ito sumasagot.
Hinagilap niya sa internet ang stasyon ng pulisya sa munisipalidad ng Tigbao.
Subalit hindi niya agad ito nakikita.
"Puta!" halos ibato niya ang aparato sa tindi ng galit.
Patuloy siya sa paghahanap.
Nang biglang may naisip.
May isang tao pa na makakatulong.
Ipinikit niya ang mga mata at sa pagdilat ay hinanap niya ang numero nito.
Ilang ring nang may sumagot.
"Sino 'to?"
Bumaha ang pananabik sa kanyang dibdib.
"Don Jaime si Gian ho ito."
"GIAN? GIAN!"
"Lolo sinong kausap niyo?"
Napapikit siya nang marinig ang boses ng kasintahan.
"Oho, huwag niyo munang ipaalama kay Ellah may mahalaga akong sasabihin."
"Oo sige ano 'yon?"
"Nanganganib si Vince!"
"Ano?"
" Nasa Tigbao siya kanina sabi ni Anne. Don Jaime pakiusap tawagan ninyo ang stasyon ng Tigbao at humingi ng tulong."
"Oo, teka sandali kumusta ka na?"
"Lolo sino ba' yan at kinukumusta niyo pa?"
"Ah wala, kaibigan ko."
"Gano'n ho ba," dinig niya ang lungkot sa boses ng kasintahan.
"Please don Jaime kailangan niya ng tulong ngayon!"
"Sige pero paano mo nalaman ang?"
Natigilan si Gian.
Paano nalaman ni Isabel ang tungkol dito?
"Saka na ho ako magpapaliwanag."
"Sige, tawag ka ulit."
"Oho, salamat."
Pagkatapos ng usapan ay tinawagan niya si Isabel na mabilis namang sumagot.
"Gian?"
"Pinatawagan ko ang stasyon sa Tigbao kayo rin pakiusap."
"Tigbao? Sige gagawin namin."
"Isabel paano niyo nalaman ang tungkol dito?"
"Kay mang Roger. "
"Paano nalaman ni mang Roger?"
"S-saka na natin 'yan pag-uusapan-"
"No! Sabihin niyo kung paano nalaman ni Roger?"
"May tauhan kami sa loob ng grupo ni Delavega at siya ang nagrereport kay Roger."
Tumiim ang bagang niya.
"Kung gano' n posibleng totoo ngang nanganganib si Vince!"
"Oo, sana walang masamang nangyari sa kanya."
Nagtagis ang kanyang mga ngipin bago nagsalita.
"Uuwi ako," matigas niyang wika.
"Sige mabuti 'yon."
"Tawagan mo ako kung ano ng nangyayari."
"Oo, sige."
Nagpalakad-lakad ang binata sa kabuuan ng silid.
Samut-saring isipin ang pumapasok sa kanyang utak at malinaw rin ang panaginip niyang pinatay si Vince!
Nakailang ikot siya bago tuluyang lumabas ng hotel.
Tumakbo siya at naghagilap ng taxi.
May huminto sa kanyang tapat at agad siyang pumasok.
"Sa Villareal mansion bilisan mo."
Humarurot ang sasakyan sa daan.
Habang daan ay hindi pa rin humuhupa ang mabilis na pintig ng kanyang puso sa takot at pangamba para sa nag-iisang kaibigan!
Mabilis nakarating ang binata sa mansyon.
Mabilis siyang bumaba at kinalampag ang gate.
"Don Manolo! Don Manolo!" sigaw niya sa labas.
Pinuntahan siya ng gwardya roon.
"Si don Manolo gusto kong makausap!"
Walang imik na binuksan nito ang pinto.
Tinakbo niya ang distansya hanggang sa makarating sa entrada.
"Don Manolo!" umalingawngaw ang kanyang tinig sa apat na kanto ng mansyon.
Lumabas ang matanda.
"Apo!"
Tinakbo niya ang pagitan nila.
"Kailangan ko ng tulong! Uuwi na ako!"
"Ano? Bakit daw!"
"Nasa panganib ang kaibigan ko!"
"Panganib?"
"Ibigay niyo na ang mana ko at uuwi na ako!"
"Oo sandali lang. Pasok ka muna."
Mabilis siyang tumalima at iniwan siya ng don.
Nagpalakad-lakad ang binata at taimtim na nanalangin na sana ay ligtas ang kaibigan!
Ilang sandali pa bumalik ang don na may bitbit na isang maliit na envelope.
"Heto na ang hiling mo."
Mabilis niyang hinablot at binasa ang nilalaman.
'Ito na nga! '
Binalingan niya ang don.
"Maraming salamat don Manolo!"
Tumango ang don.
Sa gabing ito ay isa ng bilyonaryo si Gian!