Humigpit ang pagkakahawak ni Gian sa brown envelope bago inilagay sa loob ng dalang pack bag.
Nakapagbihis na rin siya kanina habang naghihintay sa don.
Ito na ang pinakahihintay niya. Makakabalik na siya at may maipagmamalaki na.
Matamang tinitigan ni don Manolo ang binata.
"Are you sure you want to go back in Zamboanga?"
Tumango ang binata.
"Why?" banaag ang lungkot sa mga mata ng don.
Subalit walang ibang nararamdaman si Gian kundi ang makabalik agad.
"I need to save my friend."
Kumunot ang noo ng don.
"Ano bang nangyari?"
"Nasa panganib siya at kailangan niya ang tulong ko. Hindi na ako pwedeng magtagal pa kailangan kong makabalik agad."
Bitbit ang pack bag ay tumalikod siya at humakbang palayo.
Tuluyan na rin niyang kakalimutan ang lugar na ito.
Nandito lang siya upang kunin ang mana at wala ng iba.
Tinahak ng binata ang daan palabas ng mansyon.
Nahagip ng kanyang tingin ang life size picture na naroon.
Ngayon lang niya napagtanto kung sino ang mga ito.
Ito ang mga magulang ni don Manolo na siyang naging ugat ng pagkawasak ng kanyang pamilya.
Ang nangyayaring ito ay isa sa parte ng kabanata ng buhay niya at sa kanyang paglabas ay ang tuluyang pagsara nito.
Huminga ng malalim ang binata at lumabas deretso sa gate.
Mabilis ang lakad niya dahil alam niyang mga matang nakamasid lang kung saan.
Tumunog ang kanyang cellphone sa loob ng bulsa ng pantalon.
Kinuha niya ito at nakitang tumatawag si Isabel.
Kumabog ang dibdib niya bago sumagot.
"Isabel?"
"Gian? Nakaligtas si Vince buti na lang dumating ang mga kasamahan niya."
"Mabuti naman, salamat sa balita."
"Walang anuman kumusta ka na?"
"Ayos lang. Sige may gagawin pa ako eh. Salamat at ingat kayo."
"Salamat ikaw rin."
Ibinaba niya ang tawag at nagpatuloy sa paglalakad.
Nakahinga siya ng maluwag pagdating sa higanteng tarangkahan.
Subalit nawala ang kanyang tuwa nang humarang ang dalawang gwardya.
"Diyan ka lang."
Natigil siya sa paghakbang at humigpit ang pagkahawak sa strap ng bag.
Anong ibig sabihin nito?
"Anong kailangan niyo?" matigas niyang tanong.
Walang sumagot kaya nagtiim ang kanyang bagang.
Hindi naman siguro siya ipapahamak ng kadugo niya kahit pa hindi siya tanggap ng mga ito.
Akmang hahakbang siya ng sumigaw ang isa sa mga gwardya.
"Sinabing diyan ka lang!"
Nagpanting ang kanyang tainga. Iyong lapit niya sa dalawa ay kasabay ng paghablot ng kwelyo ng isa sa mga ito.
"Ano bang problema ninyong mga tarantado kayo ha!"
"W-wala ho sir, utos ni don Manolo."
Binitiwan niya ang lalaki.
Utos ng don?
Bakit?
"Magandang gabi po don Manolo," sabay na wika ng dalawang bantay na tumitingin sa kanyang likuran.
Lumingon siya rito.
Naglalakad ang don kasama ang alalay nitong si Rafael.
"Kung nagmamadali ka may isang mabilis na paraan akong naisip."
Anong ibig nitong sabihin?
Walang ibang paraan na pinamakabilis kundi ang mag eroplano.
"Anong ibig mong sabihin?"
"I'll give you my plane," deretsong tugon ng don.
Nanlaki ang kanyang mga mata.
Eroplano?
"A chopper, use it."
Hindi napigilan ng binata ang pag-awang ng bibig.
"Will you accept it?"
Ramdam niya ang pag-aalangan sa mga mata ng abuelo na para bang natatakot itong tanggihan niya.
Dahil sa oras na tumanggi siya ay wala na silang kaugnayan pa.
"Look, this doesn't mean anything. I just want to help."
Nakita niya ang sensirad ng matanda.
Siguro nga ay may maiksing kaugnayan pa rin siya sa don.
Huminga ng malalim ang binata.
"I'll accept it."
Napangiti ang don at tinawag nito ang alalay.
Sinabi nitong pupunta raw sila sa Villareal Tower dahil naroon ang helipad.
Lahat ng sinasabi ng don ay sumasang-ayon ang binata.
Habang nasa kotse sila ay nagtatanong na ito tungkol sa kaibigan niya na siyang dahilan ng kanyang biglaang pag-uwi.
Sumasagot siya ngunit ingat na ingat.
Hindi nito dapat malaman ang totoong nangyari sa kaibigan na may kinalaman sa kanyang pagiging wanted dahil tiyak na bababa pa lalo ang tingin ng mga ito sa kanya.
Sa ngayon ay kaya pa siyang panindigan ng don at may lakas ng loob pa siyang harapin ang mga ito ngunit sa oras na malaman ng mga ito ang tunay niyang kalagayan ay hindi na niya alam kung paano mababawi ang pangalan.
"Mabait si Vince. Isa siya sa pinagkakatiwalaan ko."
"Ano bang trabaho niya?"
"Pulis."
Napalingon ang don na nasa kanyang tabi.
"May kaibigan kang pulis? That's great!"
Napatingin siya sa don.
Hindi nito alam na dati siyang pulis.
"You know Hendrix, he wanted to be a soldier so I chose Gabriel to take over the company. But he is not responsible enough to handle it."
"Saan nagtatrabaho si Hendrix?"
"One of the agencies here, NBI."
Umawang ang kanyang bibig.
Magaling!
Siya na wanted may pinsan na imbestigador!
"NBI?"
"Yes."
Natahimik si Gian at kinabahan ng husto.
'Siguradong alam ni Hendrix na isa akong takas! Pero bakit hindi niya ipinaalam sa buong angkan? Alam kaya ni don Manolo ang totoo?'
Sa buong biyahe ay hindi na mapakali ang binata.
Nagkasagupa sila ni Hendrix hindi malayong isisiwalat nito ang tungkol sa kanya.
Napaisip ang binata.
' Kaya pala magaling sa depensa? '
"What's wrong?"
Napalingon siya sa don at umiling.
"Wala ho don Manolo."
"Gian, I'll give you everything you need as long as I can but please," mataman siyang tiningnan ng don. "Comeback home. Come back to me."
Tumingin sa kawalan ang binata dahil hindi niya kayang tingnan ang nagsusumamong mga mata ng don.
Wala sa loob na napatango siya at matamang nag-isip.
Naglalaro sa kanyang isipan ang posibleng mangyayari sa oras na sabihin ni Hendrix ang totoo.
"Raf, call Hendrix tell him we're almost there."
"Yes don Manolo," sagot ng alalay na nasa tabi ng tsuper sila naman ay nasa likod.
"Nandoon si Hendrix?" Pinilit niyang kumalma at hindi nagpalahatang kinakabahan.
"Yes, kasama niya ang piloto."
Napalunok ang binata.
Habang papalapit sila papalakas naman ang kanyang kaba sa takot na baka biglang sabihin ni Hendrix ang totoo sa don.
Mariin siyang umiling.
'Bakit ba ako natatakot? Ano ngayon kung malalaman nila? Nasa akin na ang kailangan ko at wala akong pakialam sa kanila.'
Huminto ang sasakyan sa tabi ng isang napakatayog na gusali.
Tahimik silang tatlo na pumasok sa likuran at tumambad sa kanya ang isang elevator.
Pinindot ito ng alalay na sa pinkahuling palapag kung nasaan ang helipad.
Habang papalapit sila sa pupuntahan ay papalakas naman ang kaba ni Gian.
"Panghahawakan ko ang pangako mong babalik ka apo. Umaasa akong babalik ka sa amin, sa akin."
Hindi kumibo ang binata at tanging tango lang ang kanyang sinagot.
"Magsalita ka at sumagot ng maayos."
Napatingin si Gian sa alalay na matalim ang tingin sa kanya.
"Wala pang gumawa ng ganito sa don ikaw lang."
"Rafael," saway ng don.
Nanatiling tikom ang kanyang bibig, hindi siya magsasalita dahil lang sa utos ng kung sino.
Hanggang sa tuluyang huminto ang elevator at bumukas ito ay tahimik sila.
Deretso ang tingin niya sa nakahintong chopper na kulay pula.
Naroon si Hendrix na nag-aabang. Nakatingin ito ng deretso sa kanya at lumapit.
Napalunok ang binata.
Naiinis siyang isipin na natatakot siya ngayon dito dahil sa alam nitong impormasyon sa kanya.
Dalawang hakbang ang distansya nila nang lumihis ang tingin nito sa kanya patungo kay don Manolo.
"Grandpa, it's ready."
"Good Hendrix, where's John?"
"Nasa loob na po," turo nito sa chopper.
Binalingan siya ng don.
"Gian hijo, let's go?"
Tumango siya at humakbang nang biglang tumikhim si Hendrix.
"Can I talk to him for a sec grandpa?" sa kanya ito nakatingin.
"Alright, make it fast."
"Yes grandpa."
"Mauuna na ako roon," anang don kasabay ang alalay nito.
Hinarap siya ni Hendrix.
"Sumunod ka sa'kin," nagpatiuna ito papasok ng elevator.
Sumunod siya.
Pagkapasok ay hindi naman nito isinara.
"Babalik ka sa lugar kung saan wanted ka?"
Inaasahan na niya ito ngunit nakakabigla pa rin pala.
"Wala akong kasalanan."
"Oh come on 'yan ang linya ng mga kriminal ginagaya mo na rin."
Tumiim ang kanyang bagang at nilingon ang don.
Kausap nito ang piloto.
Binalingan niya ang pinsan na naka pameywang.
"Wala akong kasalanan, muntik na akong ma salvage ng mga Delavega at nakaligtas ako. Pinaghahanap ako ng batas pati na rin sindikato," aniyang tumalim ang tingin dito.
Denying is useless.
Alam nito ang nangyari ngunit hindi nito alam ang totoong nangyari.
" Kung gano'n linisin mo ang pangalan mo at huwag na huwag kang bumalik hanggat hindi mo nagagawa.
Nakakaawa ka, dati kang alagad ng batas pero ngayon pinaghahanap ka na ng batas," malamig nitong wika na ikinainit ng kanyang dugo.
"Hindi ko kailangan ng awa mo kaya kong lutasin ang problema ko nang mag-isa."
"Siguraduhin mo lang na hindi sasabit ang pamilya sa katarantaduhan mo."
Kumuyom ang kanyang kamay. Masakit na sinabihan siyang tarantado ngunit mas masakit ang salitang 'pamilya.'
Natawa ng pagak ang binata.
"Pamilya? Hindi niyo ako tinuring na pamilya at huwag kayong mag-alala dahil hindi ko rin kayo tinuring na pamilya mula noon hanggang ngayon."
Biglang hiniklas ni Hendrix ang kanyang damit kaya awtomatiko ring lumipad ang kamay niya sa kwelyo ng suot nito.
Nagpang-abot ang dalawa at parehong pigil ang isat-isa dahil alam nilang nakatingin ang abuelo.
Wala na siyang pakialam kung ipagkalat nito ang lihim niya.
"Gian, Hendrix ano 'yan?"
Sabay silang bumitiw sa isat-isa at lumabas nang magkasunod.
Nauna si Hendrix kasunod si Gian.
"Dumating kang walang sinasabi tungkol sa nangyari sa' yo aalis ka ring walang nakakaalam kundi ako lang."
"Bakit nga ba hindi mo sinabi sa lolo mo ang tungkol sa akin?
Pagkakataon mo na 'yon para tuluyan akong mapatalsik sa angkan."
"Shut up! Ikakamatay ni grandpa kung malalaman niya ang tungkol sa' yo."
Natahimik ang binata.
Gaano ba kalaki ang epekto niya sa abuelo?
"Ngayong ako na ang mamamahala sa kumpanya mas makakabuting huwag ka ng bumalik pa.
Nakuha mo na ang mana mo wala ka ng babalikan pa.
Lumayas ka na at huwag ng babalik. Salot ka sa lipunan kaya huwag mong idamay ang angkan."
Kumuyom ng husto ang kanyang kamay sa tindi ng pagpipigil na tadyakan ito.
"Magbabalik ako at papalitan kita."
Ang kanyang sinabi ang nagpalingon sa pinsan.
Tumalim ang tingin nito sa kanya.
"Subukan mo lang!"
Hindi na siya nagsalita dahil maririnig na ng don at ng piloto ang sasabihin niya.
"Hendrix, Gian sana ay magkaayos na kayo, sa pagbabalik ni Gian gusto kong magkaisa na ang pamilya sa pagtanggap sa apo ko. "
"Hindi na siya babalik grandpa," matatag na wika ni Hendrix na para bang wala siya sa harap nito.
Lumarawan ang lungkot sa anyo ng don.
"It's not true. Gian will comeback for me."
Ayaw niyang paasahin ang don subalit napopoot siya sa isiping sinusunod niya ang nais ni Hedrix na hindi na siya babalik.
Mataman niyang tinitigan ang don.
"Babalik ako."
Lumiwanag ang mukha ni don Manolo at nagdilim ang anyo ni Hendrix.
"Babalik ako, lolo."
Kitang-kita niya ang pag-awang ng bibig ni don Manolo.
"L-lolo? Oh Gian I'm so happy to hear that," kinabig siya ng matanda at niyakap.
Nanatili ang kanyang tingin sa nanggigigil na si Hendrix.
"Sure, lolo," ulit niya bago ito kumalas sa pagkakayakap.
"Hear that Hendrix? Gian will be one of us," nakangiting wika ng don.
"I need to go."
Naglaho ang ngiti ni don Manolo at napalitan ng pag-aalala.
"Mag-iingat ka ha palagi. Remember I am always here."
"Thank you."
Inihatid siya ng don papasok sa chopper kasabay ng piloto.
"This is John, and Gian my grandson," pagpapakilala ng don sa kanila ng piloto.
"Ang mga bilin ko ha John?"
"Tatandaan ko po don Manolo."
"Sige na at nagmamadali ang apo ko."
Binalingan siya ng don.
"Babalik ka ha apo ko?"
"Yes."
Ngumiti ang don habang namumula ang mga mata.
"Sige na, baka mahuli ka pa."
Tumalikod ito at inalalayan ni Rafael.
"Salamat, lolo."
Lumingon ang don at ngumiti bago tumalikod.
Hindi maintindihan ng binata kung bakit tila naging magaan ang kanyang pakiramdam sa pagbanggit ng lolo.
"Handa na ho ba kayo sir?"
"Oo."
Umupo siya sa tabi nito at pinaliwanagan ng safety precaution.
Alam naman niya ang tungkol dito ngunit nanatili siyang tahimik hanggang sa magdeklara itong lilipad na sila.
Huminga ng malalim ang binata at inihanda ang sarili sa paglisan.
'Babalik na ako. Hintayin mo ako Vince'
---
Pagdating sa kampo ay saka pa lang siya nakaramdam ng matinding kirot.
Agad siyang dumeretso sa clinic at inasikaso naman siya ng doktor doon.
Nagpapasalamat siya dahil nakarating ng maaga ang team niya kung nagkataong nahuli ang mga ito ay hindi na yata siya maaabutang buhay.
Naalala niya ang nangyaring sagupaan kanina.
Napamura si Vince habang hinahabol pa rin ng mga kalaban kahit halos paliparin na niya ang sasakyan.
Bumagal ang kanyang pagmamaneho dahil sa balang dumaplis sa kanyang balikat.
Gano'n pa man ay hindi siya pahuhuli ng buhay!
Subalit naabutan siya ng isa, sa kotseng humahabol at humarang sa daan.
"Lintek!"
Tumalim ang kanyang tingin at inapakan ang silinyador.
Nakahanda na siyang sumugal kahit pa kapalit ang buhay niya.
Eksaktong babanggain na niya ang nasa harap nang biglang makarinig ng mga putok.
Nilingon niya ang likuran at gano'n na lang ang kanyang pasasalamat nang makitang may tumulong sa kanya.
Dumating ang back up niya!
Dinampot niya ang baril sa tabi at deretsong pinuntirya ang nakatayong tatlong kalalakihan at makikipagpalitan ng putok sa mga kasamahan niya.
Walang nakaligtas isa man sa mga ito.
Nang maubos nila ang kalaban ay saka siya nilapitan ng mga kasamahan.
"Captain ayos ka lang ba?" si Ryan.
"Ayos lang."
"May sugat ka," ani Greg.
Nilingon niya ang balikat.
"Wala 'to, daplis lang. Salamat sa inyo."
"Mabuti na lang at nakarating kami agad," si Esiah.
"Oo salamat tara na deretso tayo ng HQ."
"Yes Captain!"
Doon pa lang nakahinga ng maluwag si Vince.
Wala silang imikan habang nasa daan at matuling pinapatakbo ni Ryan ang kotseng sinasakyan niya.
"Maravilla are you okay?"
Napabangon si Vince nang dumating ang hepe.
"Yes Chief, daplis lang."
"Dapat yata mag leave ka muna at magpagaling."
Umiling siya. "Hindi na Chief, kaya ko pa naman, gusto kong sa pagbabalik ni Gian ay malinis na ang kanyang pangalan.
" Pero nanganganib ka na," lumarawan ang pag-alala sa anyo ng hepe.
Tumawa siya." Chief kung makapagsalita kayo ay parang hindi mapanganib itong trabaho natin."
"Sabagay tama ka. Lagi tayong nasa panganib pero iba ang sitwasyon mo ngayon."
Sumeryoso si Vince. "Chief, naiintindihan ko pero sana maintindihan niyo ring ginagawa ko ang trabahong ito dahil gusto kong magsilbi sa bayan.
Gusto ko ring magbayad ng utang na loob sa kaibigan kong si Gian.
Kahit sa ganitong paraan man lang ay mapantayan ko ang ginawa niyang pagligtas sa akin noon. "
Huminga ng malalim ang hepe.
" Kung gano'n ingatan mo ang sarili mo lalo na ngayong mainit ang mga mata sa'yo ni Delavega."
Napangiti si Vince sa pagsuko ng amo.
Lahat gagawin niya para sa kaibigan.
" Magpagaling ka at babalik na ako ng opisina. "
"Sige ho Chief."
Umalis na ang hepe at humugot siya ng malalim na paghinga.
" Babe!"
Lumipad ang tingin niya sa kasintahang umiiyak habang papalapit sa kanya.
"Babe," kinabig niya ang kasintahan at niyakap.
"Salamat at ligtas ka! Para akong mamamatay sa takot nang sinabi ni Gian na nasa panganib ka buti na lang-"
Napakalas siya sa pagkakayakap dito.
"Gian? As in ang kaibigan ko?" kumabog ang kanyang dibdib sa narinig.
"Oo, tumawag siya at sinabing nasa panganib ka."
Tarantang napabangon si Vince.
"Nasaan ang number niya ibigay mo bilis!"
"Sandali maayos ka lang ba? Nag-alala ako ah!"
"Oo ayos lang ako dali na!" inilahad niya ang kamay para sa cellphone ngunit sa halip na ang aparato ang matanggap ay ang kamay ng kasintahan ang dumaop sa palad niya.
"Babe, salamat at ligtas ka. Takot na takot akong baka mangyari na ang kinatatakutan ko."
Niyakap siya ng kasintahan na siyang nagpahupa ng kanyang pananabik sa kaibigan.
"Oo naman babe, iiwan ba kita? Hindi mangyayari 'yon."
"Kung sana ay gumaya ka na lang sa kaibigan mong si Gian na umalis sa ganitong trabaho."
"Umalis siya kaya siya nagkakaganito ngayon. Pero iginalang ko ang desisyon niyang 'yon.
Huminga ng malalim ang kasintahan at inilahad nito ang cellphone sa kanya.
Mabilis niyang hinanap ang pangalang Gian at hindi siya nabigo.
Mabilis niyang pinindot ang numero nito at ilang sandali pa nag ring na ito.
Pigil ang hininga niya habang hinihintay ang sagot sa kabilang linya.
Nang biglang tumunog ang kanyang cellphone na dinampot ng nobya.
"Ellah? Tinatawagan ka pala niya?"
"Oo, ako ang nagbabantay sa kanila ngayon."
Ibinaba niya ang hawak na cellphone ng nobya at kinuha ang cellphone na hawak nito at sinagot ang tawag.
"Ms. Ellah?"
"Vince nasaan ka? Sabi ni lolo may nagtangka sa'yo. Nakaligtas ka ba? Ayos ka lang ba?"
"Ayos lang, paano niyo nalaman?"
"Sabi ni lolo may tumawag sa kanyang taga police station ninyo."
"Gano'n ba? Salamat pero maayos na ako, daplis lang."
"God! Dati si Gian ngayon ikaw naman! Please mag-iingat ka ha? Saang ospital ka ba at dadalawin ka namin?"
"Nasa kampo ako wala sa ospital. Salamat sa pag-aalala pero ayos lang talaga ako na rescue ako ng team."
"Salamat naman. O sige ingat ka lagi ha?"
"Salamat kayo rin."
Pagkuwan ay muli niyang hinarap ang cellphone ng nobya.
"Bakit parang mas nag-alala ka pa sa Ellah na 'yon kaysa sa akin?"
"Whoa! Hindi ah! Mas nag-alala ako sa' yo kaya nga hindi kita madalas binibisita kasi ayaw kong madamay ka."
"Pero bakit madalas ka sa kanila?"
"Babe," hinawakan niya ang baba nito kaya nag-abot ang kanilang tingin.
"Pinahahalagahan ni Gian sina don Jaime at Ellah kaya ginagawa ko ito, isa pa ang kalaban nila ay kalaban ng lipunan kaya trabaho ko ang maglolo na 'yon. Trabaho kong bantayan sila at protektahan."
"Trabaho lang?" anitong may himig pagtatampo.
Hinalikan niya ang noo nito.
"Yes babe, napalapit na rin ako sa mag-lolo kaya pinagmamalasakitan ko rin."
Tumahimik ang kasintahan at muli niyang binalikan ang cellphone nito.
Subalit hindi na ito makontak.
Nanghinayang si Vince at kinuha ang numero ng kaibigan.
"Babe, paano kung... paano kung hindi ka na makakaligtas sa susunod?" Lumuha ang nobya na nagpaalala sa kanya.
"Babe, don't say that. Hindi mangyayari 'yon." Kinabig niya ang nobya at niyakap.
Mariin niyang ipinikit ang mga mata.
' Kung sakaling masasawi ako, masaya akong makapagsilbi sa bayan at makapagbayad sa utang na loob sa kaibigan.'
---
Lumapag sa airport ng Ipil ang chopper na kinalulunan ni Gian.
Nagpasalamat siya sa piloto pagkababa.
"Sir wala ba kayong kotse?"
"Wala, pero ako ng bahala salamat sa paghatid."
"Walang anuman sir."
Pagkaalis ng chopper ay saka siya pumara ng motorcycle at nagpahatid sa Sibugay hotel kung saan naroon si Isabel.
Hindi alam ng mga ito na ngayon ang uwi niya.
Kahit gaano pa niya kagustong sa piling ni Ellah uuwi hindi maaari.
Ayaw niyang madamay ito sa gulong dulot niya.
Tumunog ang kanyang cellphone at kumabog ang dibdib niya sa nakita.
"Don Jaime?" bungad niya sa kabilang linya.
"Gian nasaan ka na? Uuwi ka ba?"
"Oho, pero huwag niyo munang ipaalam kay Ellah nasa panganib siya ngayon."
"Sige, ingat ka ha."
"Sige ho salamat."
Pagkatapos ng usapan ay nakarating siya sa naturang hotel.
Nagbayad ang binata at umalis na ang tricyle.
Humugot siya ng malalim na paghinga.
Napanatag ang binata ng mapag-alamang ligtas ang kaibigan.
Pagdating niya sa silid na kinaroroonan ni Isabel ay kinatok niya ito.
"Sino 'yan?" tinig ni Isabel mula sa loob.
Tumikhim siya.
"Si Gian 'to."
Tumili ang babae at dinig na dinig niya.
Napapailing na napapangiti ang binata.
Binuksan nito ang pinto.
"GIAN!"
Napaatras siya ng daluhungin ng yakap ng babae.
"I miss you!" anito bago kumalas.
Napangiti siya.
Subalit nanigas ang binata nang lumapat ang labi nito sa kanyang mga labi!