AMELIA HOMES...
Nakarating ng bahay si Gian at humiga sa sofa ng inuupahang apartment.
Ito ang isa sa prebilihiyo bilang nasa mataas na posisyon sa kanyang trabaho.
Bilang isang Captain, mayroon siyang sasakyan at apartment.
Ang sabi ni Ellah umuwi siya upang maghanda.
Ano ang paghahandaan kung hindi naman niya ito date?
"He's the President of a sardines company." Ang kalmadong boses ni Ellah ay umalingawngaw sa kanyang pandinig nang tumawag ito sa cellphone at nagpaliwanag kanina.
"Gusto talaga niyang pumunta sa date na 'yon. Kainis naman. Kung sana'y naging mayaman lang ako!"
Pagkuwan ay natigilan siya at bumangon.
Alam niyang humahanga siya sa amo.
Ngunit isa lamang itong simpleng paghanga.
Hinahangaan niya ang husay nito sa pagdadala ng negosyo, ang kagalingan nito sa ibang bagay. Aminado siyang humahanga rin siya sa ganda nito.
Marami namang magagandang babae ang nakita na niya at hinahangaan din niya ang mga ito.
"Why am I acting like this?" Napakamot ng ulo si Gian.
Nandito siya upang maging gwardya, taga protekta at hindi para maging kasintahan o manliligaw man lang.
Tumunog ang kanyang cellphone dahil sa tawag ni Vince.
"Bakit? May problema sa opisina?"
"Wala naman, gusto ko lang malaman kung in love ka na?"
"What?" Napatayo ang binata upang maghanda.
"Oh! Brother, 'yong tono ng pananalita mo. Inlove ka 'no?" nasa tono ni Vince ang pangangantiyaw.
"Ako?" turo niya sa sarili.
Inlove sa aristokratang spoiled brat na 'yon? No way!"
"Aminin mo na."
Tumawa lamang siya. "Baliw ka."
"Bro, alam mo ba, kapag napasa' yo ang apo ni don Jaime, para ka na ring nanalo sa lotto kahit hindi tumataya!"
"Bastard, " tawa niya ulit. "Gwardya lang ako, wala ng iba. My job is to protect her."
"Is blackmailing someone, a part of that job?"
Napahigit ng hininga ang binata.
"Nandito na naman tayo, ginagawa mo na naman 'yong own version of interrogation."
Natawa ng bahagya si Vince. "Alam mo namang dito ako magaling."
Alam naman niya 'yon. Ngayon iniisip na niya ang sasabihin.
Kapag sinabi niyang oo, parte ng kanyang trabaho 'yon bilang gwardya. Bakit daw?
Kapag sinabi niyang hindi parte, kung gano'n bakit niya ginawa?
Ano ang rason sa likod ng kanyang intensyon?
Hindi ito titigil sa pag-iimbestiga hanggang sa mahuli siya mismo sa kanyang mga pahayag.
Ang lalaking nasa kabilang linya ang siyang tumulong sa kanya sa pagbabanta sa supplier. Ito ang nagbigay sa kanya ng impormasyon upang magamit laban sa kliyente ng amo.
Sa kasamaang palad, ang lalaking ito ay kaibigan niya!
Malalalim ang paghinga ni Gian habang si Vince ay nakangiti sa loob ng opisina.
Naghihintay siya ng totoong sagot mula sa kaibigan. Pipigain niya ito hanggang sa mapaamin. Pahusayan na lang sa pagdakip.
"Look, what I did was minimalize crimes. Permit circulation was illegal."
"Yeah brother, explain further," tawa ni Vince. "Baka may gusto ka na talaga sa babaeng 'yon? Kaya kahit hindi na parte ng trabaho mo ginawa mo pa rin."
Napabuga ng hangin sa buhok na nasa kanyang noo si Gian upang kumalma.
"No. Na bwesit lang ako dahil ang yabang ng hinayupak na 'yon."
"Siguraduhin mo pare. Falling in love with that kind of woman is dangerous.
Sila ang mga taong magaling makipaglaro.
Ayaw kong maging parte ka ng larong 'yon."
Kumunot ang noo ni Gian. "Sandali, ang sabi mo kanina, panalo ako kapag napasa akin siya, ngayon sasabihin mo 'yan? Ano ba talaga ang gusto mong sabihin?"
"Wala kang pag-asa pare, kahit mapasa iyo pa siya, hindi 'yon gano'n ka simply.
Hindi lang kabiguan ng puso ang mararanasan mo, magigiba ang buhay mo.
Alam kong magaling kang kumilatis ng mga kriminal pero hindi sa ganitong klaseng tao."
"Salamat sa payo. Pero hindi ako in love okay? Itaga mo 'yan sa puso mong bato."
"Hoy, may syota 'to. May minamahal 'to oy!" Pambubuska ng kaibigan.
"Sige na ikaw na may love life, busy pa ako." Akmang ibababa na niya nang magsalita si Vince.
"Tandaan mo lang, gwardya ka lang ng tagapagmana at wala ng iba. Ikaw ang Captain ng Alpha Team."
"Oo na, sige na."
Nakahanda na si Gian kahit labag sa loob niya at walang gana.
Hindi na ito parte ng kanyang trabaho.
Parte pa ba ng pagiging bodyguard ang pakikipag date ng amo sa ibang lalaki?
Hindi na, hindi ba?
Driver lang ang kailangan ng babaeng 'yon.
Kaya may karapatan siyang tumanggi.
"Tama, sasabihin ko na lang may emergency na kailangan kong puntahan."
Hinagilap niya ang cellphone at tinawagan ang amo.
"Nasaan ka na?" bungad nito. "Mali-late ako nagagalit na si lolo."
Napapikit siya.
Nakalimutan niyang utos nga pala ito ni don Jaime.
Ang taong pinagkakautangan niya ng loob.
Hindi niya kayang tumanggi dahil tiyak magagalit ang hepe nila kapag nalaman nitong hindi siya sumusunod sa utos.
Isa pa simply lang naman ang gagawin niya. Ihahatid sa lalaki nito at pagkatapos ay iuuwi sa mansyon, tapos ang trabaho.
"P-parating na." Labag man sa kalooban ay napilitan siyang sumagot ng ayon sa gusto nitong marinig.
"Good! I'll be waiting, pakibilisan."
Nang mawala ang kausap sa kabilang linya ay marahan siyang umupo.
Sa loob ng dalawang linggong paninilbihan ay ito ang unang pagkakataong masaksihan niya ang pakikipagtagpo ng amo sa ibang lalake.
At siguradong hindi lang ito ang huli kaya dapat masanay na siya.
Hinarap niya ang salamin habang nakatingin sa kanyang suot.
T-shirt na itim, patalong itim, sapatos na itim, sumbrerong itim at leather jacket na itim.
"Woah, nagluluksa lang?"
Iritadong hinablot niya sa kabinet ang t-shirt na kulay pula at hinubad ang damit saka ipinalit.
Isinuksok niya ang baril sa likod ng pantalon.
Perpektong kasuutan bilang isang gwardya.
"Gwapo ka nga, wala ka namang panama!"
Ang babaeng hinahangaan niya ay lumilipad samantalang siya ay gumagapang. Kaya malayo ang sinasabi ng kaibigan na mahuhulog siya sa amo.
"Kung bakit kasi pumayag ka?" Inis niyang hinampas ang salamin bago umalis.
---
LOPEZ MANSION...
Kunot-noo si Ellah ng dumating si Gian.
Malapit na silang mahuli!
Suot pa naman niya ang isa sa paboritong damit na black silk dress tube above the knee with a slit at the side. Kumurba ng husto ang kanyang beywang.
Inilugay niya lang ang wavy hair niyang hanggang balikat.
Paglabas ay narinig niya ang boses ng abuelo na tila kinagagalitan ang kausap.
"Ang tagal mo Gian, ayaw kong pinaghihintay ng matagal ang anak ng kaibigan ko, kung ano ang isipin no'n sa susunod maging on time ka okay? Kasosyo 'yon sa negosyo ayaw kong may makikita silang butas na makaapekto sa negosyo. Naiintindihan mo?"
"Pasensiya na ho, don Jaime." Marahang yumuko ang gwardya.
Bumaba na siya ng hagdan, sabay na napatingin sa kanya ang mga ito.
Napansin niya ang matiim na titig ng gwardya ngunit hindi malaman kung galit ba ito o humahanga sa kanya.
"My dear, you are so beautiful!" malawak ang ngiting turan ng abuelo pagkakita sa kanya.
"I have to go, Grandpa," tugon niya at hinalikan sa pisngi ang matanda.
"Alis na ho kami sir," kalmadong saad ni Gian.
"All right, bilisan niyo at kanina pa naghihintay ang anak ng kaibigan ko ingat kayo.
Gian, take care of my gorgeous baby."
"Yes, sir."
"Lolo?" saway niya rito.
"I'll take care of your beautiful granddaughter," tugon ng gwardyang nanatili ang tingin sa kanyang abuelo.
Pagdating sa kotse ay sinipat niya ito. "I told you not to compliment."
"I didn't."
"Ang sabi mo, I am beautiful!"
Natawa ito ng bahagya at binuksan ang passenger's seat.
"I never told you that, you just heard."
Itinikom ni Ellah ang bibig. Iritado na siya dahil sa pagiging late. Ayaw niyang isipin ng katagpo na ayaw niyang sumipot sa sobrang late. Galit na nga ang lolo niya, madagdagan pa ng galit ng ka date.
Dumagdag pa sa init ng ulo niya ang malamig na pakikitungo ng bodyguard.
Binuksan niya ang backseat at pumasok doon.
"Ba't nasa likod ka?"
"Remember, I am the boss."
Marahang isinara ng kanyang driver-bodyguard ang pinto at umikot sa driver's seat at pinaandar ang kotse. Tumatakbo na sila sa highway ng tahimik.
"Saan tayo Ms.?"
"HG hotel."
"Hotel? Agad? Hindi ba pwedeng restaurant muna?"
"Problema mo? Can you drive faster? Aabot tayo roon pero isang oras pa, can you do it for thirty minutes?"
"It's just a date, he can wait, " malamig nitong tugon.
"Alam ko. Pero late nga tayo! I hate being late!"
"Sa susunod sabihin mong magpahuli siya para mauna ka."
"WHAT THE HELL! ANG SABI KO BILISAN MO!" Sigaw na niya.
Tumiim ang bagang ni Gian.
Anong karapatan nitong sigawan siya?
"Bakit hindi ikaw ang magmaneho?" asik na niya.
"Ano? Ah baka nakalimutan mong pumayag ka na ihatid ako? Kasalanan mo kapag nagkaproblema kami ng kaibigan ni lolo dahil sa late ako!"
"Bakit? Emergency ba 'yang date niyo?"
"Problema mo? Kanina ka pa ah? Ikaw na nga ang late ikaw pa galit!"
Kung hindi lang talaga dahil sa utang na loob sa abuelo nito ay hinding-hindi niya ito gagawin.
Utang na loob na hindi niya kayang tanggihan!
Tumalim ang titig niya sa daan at humawak ng mahigpit sa manibela.
Walang salitang inapakan niya ang gas hanggang sa umabot sa limit ang speedometer at hinaltak ang gear.
Wala pang ilang segundo lumilipad na sila.
Sanay siya sa paghahabol kay kamatayan dahil iyon ang trabaho niya, hindi nga lang niya alam sa kasamang nasa likuran.
"Shit!"
Kumapit ng husto si Ellah sa likurang upuan dahil ang salitang "bilisan" para sa gwardya ay kamatayan!
"Stop!" sigaw ni Ellah at sinapak siya sa balikat.
Subalit nagkunwaring walang narinig si Gian.
Ito ang gusto ng babae, ibinigay lang niya ang nararapat.
Hindi na malaman ni Ellah kung saan kakapit dahil natatangay siya sa tulin ng takbo.
Ni hindi ito bumagal kahit maraming naeengkwentrong sasakyan ni hindi tumigil sa traffic lights.
Ang ginawa nito ay mag-overtake nang mag-overtake!
Panay ang busina ng mga motorista.
Maya-maya pa ay may humahabol ng patrol car sa kanila. Bigla ang preno ng gwardya na kung hindi siya naka seatbelt ay lulusot siya sa windshield!
"Shit!" tanging nasabi niya at sandaling kumalma.
Lumabas ang pulis na pinakitaan ng ID ng gwardya saka nagsalita.
"Emergency."
Tumango ang opisyal.
Pinalipad ulit ng gwardya ang sasakyan.
"Bagalan mo naman!" reklamo na niya at tila nahihilo na, subalit bingi ang lalaki.
Akmang mag-overtake na naman nang biglang may papasulubong na sasakyan deretso sa kanila!
"TIGIIIILLL!" Halos maubusan ng hininga sa pagsigaw ang dalaga at ipinikit ang mga mata na tila naghihintay ng kapalaran.
Hanggang sa dumating na sila sa destinasyon sa loob lamang ng labing-limang minuto.
---
HG HOTEL...
Iminulat ni Ellah ang mga mata nang maramdamang huminto ang sasakyan.
Nagpasalamat siya sa langit na buhay pa ngunit nang bumuka ang kanyang bibig ay nakahanda siyang bumuga ng apoy mula sa impyerno.
" Gago papatayin mo ba ako!"
"Namatay ka ba?"
"Fuck you!" Sinipa niya ang kinauupuan ng gwardya dahil sa matinding takot bago
binuksan ang pinto at bumaba.
"Yeah, fuck me," malamig namang tugon ni Gian.
"Muntik na akong mamatay asshole! Isusumbong kita kay lolo!" Tumalikod na siya.
"Nagmamadali? Ayusin mo muna ang sarili mo pangit ka na."
Kinuha niya ang cellphone sa bag at ginawang salamin. Ang pakikipagrambulan ay isang understatement.
Nagmukha siyang nagahasa ng sampung demonyo sa kanyang itsura!
Mabilis niyang hinanap ang suklay sa loob ng bag at marahang sinuklay ang buhok.
Hinanap ang makeup at nag retouched.
Habang ginagawa 'yon matamang namang nakatitig sa kanya ang gwardya hindi na lang niya pinansin at baka pagmumulan ulit ng galit niya.
Ilang sandali pa handa na siya.
"Sasamahan pa ba kita?" Lumabas ang gwardya.
"No!"
Agad siyang tumalikod at binilisan ang hakbang upang makalayo lang agad sa lalaki.
'That bastard almost killed me! At anong sabi niya? Pangit daw ako? Huh! Really? Ako?'
"This way please madam," anang waiter at iginiya siya patungo sa VIP room.
Dumating siya sa silid kung saan may lakaking kalmanteng nakaupo sa mesang pandalawahan.
"Hi!" ngumiti ito at pinaghila siya ng upuan.
Humugot siya ng malalim na paghinga.
"Thanks," tugon niya at umupo. "Sorry, I'm late."
May itsura ang naturang lalaki at mukhang kagalang-galang.
"It's okay. Anyway, I'm Mark Leandro and you are?"
"Are you sure you don't know me?"
"Of course I know you. Anyway can we eat first?"
"Are you hungry?"
"Ha? Ah, I just came from a meeting, and then I went straight here. I just don't want to come late."
Matapos marinig ang salitang late ay kinalma niya ang sarili.
"Let's order?"
Tumango siya.
Lumapit ang waiter at agad silang pinagsilbihan. Naglagay ito ng wine sa dalawang baso.
Habang naghihintay ng pagkain ay inoobserbahan ni Mark ang ka date habang sumisimsim ng wine.
Nagpapasalamat siya na kahit abala ang babae ay dumating pa rin.
Ang salitang "maganda" ay hindi sapat para ilarawan ang babaeng nasa harapan ngayon.
Nagbukas siya ng usapan.
"What's your passion?"
"Work." Saglit itong tumingin sa kanya.
Ngumiti siya.
"How about hobbies?"
"Work."
Natawa na siya ng bahagya.
Nakukuha na ng babaeng ito ang kanyang atensyon.
"You should read good books, because I do. You can learn a lot from reading, and I love it."
"Ikaw 'yon."
"Ha?"
"Then you are knowledgeable enough, right?"
"No, kunti lang."
Biglang tumigil si Ellah sa pagkain.
"Ang sabi mo, marami kang matutunan sa pagbabasa at ngayon sasabihin mong hindi masyadong marami ang natutunan mo ibig sabihin nagsisinungaling ka!"
"Sandali nga, calm down."
"You're talking nonsense, ni hindi ka naghanda sa date na 'to. Magtrabaho ka na lang tutal nakapang opisina ka pa!"
Napatango si Mark at nagpipigil na lamang.
'This woman is getting into my nerves.' sa loob-loob niya.
"Mukhang ikaw lang naman ang napipilitan sa date na ito. Remember that I am not just the one who wants this but also Don Jaime, so don't act like that!" Tumaas na rin ang boses niya.
Mas lalo namang tumaas ang boses ni Ellah.
Ang tapang ng hiya ng lalaking ito para sigawan siya!
"That's my point! Takot ka kay lolo pero hindi ka man lang nag-effort!"
"I explained, didn't I?"
"I don't care! Tell that to my lolo!" sigaw niya at lumabas.
"Wait!"
Hindi siya tumigil at deretso ang hakbang palabas, hinabol siya nito sa pasilyo.
"You don't need to do this! No woman has ever done this to me!" Hinila ni Mark ang kanyang braso.
"Bitiwan mo ako ! Gago ka!"
Tinangka niyang kumawala sa pagkakahawak nito.
"No way! Masyado mo akong pinahiya!"
"Ano ba! Nasasaktan ako!" Sinisipa na niya ito ngunit sa kanyang pagkadismaya ay hindi man lang ito natinag.
Hinila nito ang magkabila niyang kamay at sapilitang ipinasok ulit sa silid.
Nagsimulang umiyak ang dalaga sa galit.
"Let me go, you Neanderthal!"
Biglang tumigil ang lalaki at pinanlisikan siya ng mga mata.
"What did you say!"
"Fucker!"
Biglang itinaas ng lalaki ang kamay upang sampalin siya nang may malakas na boses ang umalingawngaw sa pasilyong kinaroroonan.
"LET. HER. GO!"