HG HOTEL...
Isang malamig na boses ang nagpahinto sa kanila dahilan upang lingunin kung kanino galing.
Bumilis ang tibok ng puso niya sa galak ng makita ang lalakeng naka leather jacket.
"Who are you?" kunot-noong tanong ni Mark.
Bahagyang lumapit ang lalake at huminto dalawang metro ang distansiya.
"Bodyguard ng babaeng pinipilit mo," kalmadong tugon ni Gian.
Ngumisi naman si Mark. "You're just a bodyguard! You are nothing compared to me!"
Hinila nito ang dalaga pabalik sa silid.
"Let me go!" pilit kumakalawa ng dalaga.
Walang salitang sinipa ng gwardya ang lalake sa likod na siyang ikinadapa nito papasok sa VIP room.
Mabilis naman itong tumayo at umatake sa pamamagitan ng pagsuntok sa mukha ng gwardya.
Ngunit mabilis si Gian at nasalo ang kamao nito saka inikot sa likuran sabay tadyak sa likod ng binti na nagpaluhod dito.
Nilapitan ni Gian si Ellah na nasa labas.
"AGGH FUCK!" napahiyaw si Mark sa sakit.
Dinampot nito ang isang basong walang laman sa ibabaw ng mesa at agad ibinato sa gwardya subalit sa isang iglap ay nasalo ni Gian ng buong pwersa gamit ang isang kamay.
Natulala si Ellah habang si Mark ay gulat na tumiim ang mga ngipin.
"Wow!" hiyaw ni Ellah.
Bigla namang ibinato ni Gian pabalik kay Mark ang baso kaya mabilis itong yumuko upang hindi matamaan, wasak ang basong tumama sa dingding.
Hindi pa man nakabawi si Mark nang biglang may malakas na suntok ang tumama sa mukha niya. Natikman niya ang sariling dugo na nagmumula sa mga labi.
Pilit niyang tumayo subalit nakaramdam ng pagkahilo.
Saka ang pagdating ng mga gwardya ng hotel.
"Anong nangyayari dito?" Pinagmasdan nito ang isang lalaking nakahiga sa sahig sugatan ang labi at isang lalaking nakatayo na wala man lang kahit isang pasa.
"You will pay for this!" Tumayo si Mark at pinanlilisikan ng mga mata ang gwardya.
"Sir, lahat kayo maaaring pumunta sa manager's office."
Tahimik silang sumunod.
Pagkakita ng manager sa kanila, inaasahan ni Ellah na sa kanya ito makikipag-usap ngunit nilapitan ng babae ang manliligaw niya.
"Sir, are you okay?"
"Do I look like I am?" sarkastikong angil ni Mark.
Binalingan sila ng babaeng manager.
"Can we settle this in the easiest way? You're both rich and powerful anyway."
Sa huli ay parehas na lang silang sumang-ayon sa pagbabayad ng mga nasira.
Nang nasa labas na sila hinarap ni Mark si Gian.
"Hindi ko 'to mapapalagpas! Magbabayad ka!" dinuro nito si Gian.
"Kababayad lang namin, maniningil ka rin?" malamig at kalmadong tanong ng gwardya na ikinalingon niya.
'Pilosopo ang hinayupak!'
Tinalikuran sila nito.
Hinabol niya ang lalaking papasok ng kotse nito.
"Mark, pwede ba tayong mag-usap?"
"No!" Tuluyan na itong pumasok at pinaandar ang sasakyan.
Sinilip niya ito sa nakabukas na bintana.
"H-hindi naman maapektuhan ang kontrata natin hindi ba? Labas ang negosyo sa personal."
Tinitigan siya nito. "Ah tungkol nga pala doon, ayaw ko na. Huwag na kayong magsupply sa amin." Pagkasabi ay pinaharurot nito ang kotse palabas.
"Ugh! Shit!"
Hinarap niya ang gwardyang nakasunod ang tingin sa lalaking ginulpi nito.
Kung sana idinaan na lang sa usapan wala sanang problema ngayon.
Paano kung tuluyan nga itong umatras ito sa kontrata?
Paano niya ipapaliwanag sa abuelo?
Naghihimagsik ang kaloobang nilapitan niya ang gwardya.
"Ba't mo ginawa 'yon?"
"Anong gusto mong gawin ko, manood?"
"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin. Makapangyarihan siya. Presidente ng kilalang kumpanya 'di mo ba alam 'yon?"
Alam naman ni Gian ang bagay na 'yon, isa ito sa kliyente ng kumpanya ng MEDC.
"You already said that. What else?"
"What?! Paano kung totohanin niya ang pag-atras sa kontrata? Mawawalan kami ng kliyente hindi mo ba naisip' yon? Paano ko ipapaliwanag kay lolo kapag nagkataon?"
"Okay, sa susunod kapag nakita kitang sinasaktan panonoorin ko lang."
"Gago!"
"Iyan ang gusto mo hindi ba?"
Iniwan niya ang amo at nagtungo sa kotse.
Ang akala niya ay magkakaroon na ng relasyon ang dalawa.
Ni hindi sumagi sa isipan niyang makakatagpo ng hindi oras ang lalake nito!
Sinundan siya ni Ellah kaya binuksan niya ang backseat. Ngunit sa halip na pumasok ay ang front seat ang binuksan nito at pumasok.
Isinara niya ang pinto ng backseat at pumasok sa driver's seat. Pinaandar niya ang kotse bago sinulyapan ang among nakahalukipkip na nakatingin sa kanya.
"You don't understand, do you? He is prominent, and you are bringing my reputation into shame with your pointless pranks!"
Ang galing lang! Siya na nga ang nagmalasakit siya pa ang mali? Siya pa may kasalanan!
Kumuyom ang mga kamay niya bago nagsalita ng halos pabulong.
"You're right. I shouldn't help a useless woman humiliated by a worthless man in front of me."
Nang marinig ito ni Ellah ay halos magliyab sa galit at dinuro siya sa dibdib.
"Useless woman? How dare you! You are nothing! You are just a bodyguard! You hear me!"
Ipinagdiinan nito ang posisyong binanggit na para bang ito na ang pinakawalang kwentang trabaho.
Humalagpos ang pagtitimpi ng binata at matalim na tinitigan ang babaeng amo.
Isa nga lang siyang gwardya ngunit nakalimutan yata nitong kaliligtas lang niya rito.
"Listen up! Yes, I am nothing, but your life depends on my hands, so don't you dare as long as I am your bodyguard! Got it, lady?"
"What?"
"One more word and you'll see what a bodyguard means."
Iyon ang nagpatahimik kay Ellah.
Ni hindi niya alam kung bakit kaya siyang kontrolin ng lalaking ito!
'Fuck this man!'
---
LOPEZ MANSION...
Agad sinalubong ni don Jaime ang apong pumapasok ng mansyon. Mabibilis ang lakad nito at mukhang galit.
Masama rin ang loob niya dahil sa binalita ng ka date ng apo.
"Anong nangyari bakit umatras si Leandro sa kontrata?"
"Hindi namin gusto ang isat-isa."
"Naiintindihan ko pero bakit kailangang umatras? Anong ginawa mo?"
"Masama siya. Sinaktan niya ako. Huwag mo ng ipilit pa sa akin ang lalaking 'yon dahil hinding-hindi na ako makikipagkita sa hayop na 'yon!"
"Ellah!"
"Hanggang ngayon masakit pa rin ang likod ko sa lakas ng pagkakatulak niya sa akin sa pader."
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig.
"Itinulak ka? Bakit! Anong ginawa ng bodyguard mo?"
"Iniligtas niya ako, ginulpi niya ang hayop na 'yon kaya kumalas sa kasunduan."
Dahil doon tumahimik si don Jaime.
Hindi niya rin mapapalagpas ang kahit sino pang manakit sa nag-iisa niyang apo.
"Sige na, wala na tayong magagawa."
Tahimik na pumasok ng silid ang apo.
Dinukot niya sa bulsa ng suot na pajama ang cellphone at ilang saglit pa ay may tinawagan.
"Mr. Alcazar, mukhang hindi nagkasundo ang anak mo at apo ko."
"Pasensiya na don Jaime, hayaan mo't kakausapin ko."
"Sinabi raw niyang iaatras ang kontrata."
"Hindi mangyayari 'yon!"
"Pero ginawa na. Kapag hindi niyo ibinalik ang kasunduan mapipilitan akong idemanda ang anak mo."
"Don Jaime, anak ko ang ginulpi, siya ang agrabyado rito!"
"Dapat lang 'yan sa anak mo! Sinaktan niya ang apo ko. Kapag tuluyan kayong umatras, ipapakulong ko ang anak mo."
---
CITY MALL...
Ilang araw ang lumipas at nakiusap si Ellah na magpunta sa mall para makapag relax.
Sa sobrang dami ng trabaho at sa laki responsibilidad kailangan niyang mag unwind kahit minsan lang.
Habang naglalakad ay maraming babae ang nakatitig sa kanila lalo na sa lalaking nasa kanyang likuran tatlong hakbang ang distansya.
Nilingon ni Ellah ang gwardya na nakatingin sa kung saan at hindi man lang pinansin ang mga kababaihang humahanga at tila kinikilig dito.
Isang babae ang hindi nakatiis at sumigaw.
"He's so hot!"
Walang salitang hinila ni Ellah sa braso ang gwardya palayo.
Nang makakita ng itim na sumbrero ay inilagay niya ito sa ulo na halos tumakip na sa mukha ng binata.
"Wear that, you're not hot," angil ni Ellah habang nakataas ang kilay. "Cover your face okay?"
Napangiti na lamang ang binata saka umiling.
Habang nakasunod si Gian sa mga utos ng amo ay may natuklasan siya rito.
Hindi nagtatanim ng galit ang dalaga.
Kung galit siya ngayon sa'yo bukas wala na.
Ito ang isa sa katangiang lalong nagpahanga sa kanya.
Saka naman napansin ng binata na magkapareha pala sila ng suot ng amo.
Si Ellah ay naka fit na blouse na puti at itim na pantalon at rubber shoes, ang pagkakaiba lang ay hindi ito naka leather jacket.
Suot ang tila couple shirt habang namamasyal sa isang mall ay pwede ng i consider na date, kaya lang hindi maaari, sa kadahilanang tuwing weekend ay nakikipagtagpo ang amo sa kahit sinong kalalakihan.
Napatitig na lamang si Gian sa dalaga.
Samantalang inalala naman ni Ellah ang mga huling panahong kasama niya ang mga dating gwardya.
Pinanabikan niya ang mga biruan at mga tawanan ng mga ito.
Magkaiba na ngayon, may iisang gwardya na lamang siya ngunit napakalayo sa tinatawag na maton.
Mas mukha itong mafia boss.
'Oh hell! Mafia is rich not this one!'
Naglilibot siya hanggang sa makarating sa arcade at makuha ang kanyang atensyon.
May isang lalaking nakahawak sa baril at may tinatarget na kung ano.
"I like that swan!" Itinuro niya ang isang glass box kung nasaan naroon sa loob ang naturang bagay na gawa sa synthetic fur na sa tingin niya ay napakalambot.
"Fuck! Bakit hindi ko makuha!" Iritadong binato ng lalake ang hawak na hand-gun sa may-ari.
"Sorry, sir, pero tatlong beses ka ng pumalya."
Nagmura ang lalake bago umalis.
Nilapitan ni Ellah ang may-ari.
Inoobserbahan naman ni Gian kung ano ang gagawin ng dalaga.
Tinuruan ito ng may-ari sa mechanics ng laro.
"Itutok mo lang ang baril sa target na itim na sisne saka mo kalabitin."
"Is that so? Easy." tugon ni Ellah na ikina amuse niya.
Paanong madali kung ang mismong lalake nga hindi ito nakuha.
"Madam, may linya sa ilalim ng paa mo, huwag kang lumagpas."
Umatras naman si Ellah. Excited siyang mapasakanya ang itim na swan dahil hindi ito ordinaryo kung ikumpara sa puti.
"Gagalaw na ang ibang sisne. Are you ready madam?"
"Ready."
Tumayo siya nang tuwid at hinawakan ang baril ng mahigpit.
Narinig nila na may pinindot ang lalake kung saan at nagsimulang gumalaw ang mga swan, paduyan-duyan ang mga ito. May sampung sisne ang naroon. Ang kalahati ay sa kanang direksyon at ang natira ay sa kaliwa.
Lahat ay mabilis ang mga galaw maliban sa itim na target na naka steady lang sa gitna.
Kinalabit niya ang gatilyo at ipinutok.
Bigo.
Hanggang sa nakadalawang tira na siya subalit walang tinamaan.
Bigo na naman.
"Ah!" inis na ibinaba ni Ellah ang hawak na baril.
"Can I just buy it how much is that?"
Dismayadong napailing na lamang si Gian.
"Madam, kung bibilhin mo ito, ano pang silbi ng laro? Hindi ba mas maganda kung paghirapan mo muna bago mo makuha?"
"Nakakairita, akala ko ba madali lang!" sigaw na ni Ellah.
Nangingiting naiiling na lamang si Gian.
"Huwag ka ng malungkot madam, may isang tira pa naman."
Doon pa lang napalingon si Ellah sa kanya, prenteng nakasandal lang naman siya sa dingding habang nakahalukipkip at nakatingin sa dalaga.
"You!" hiyaw nito at tinuro siya.
"Play this!"
Wala namang magagawa si Gian kundi lumapit at kuhanin ang baril.
Utos ito ng amo kaya dapat sundin.
Muli na namang nag-umpisa ang laro at dahil alam naman na niya ang mechanics ay pumuwesto na lamang siya.
"Ready, sir?"
"All right. "
Nakatayo ang binata na hindi lagpas sa linya.
"Sana makuha mo, please, " mahinang usal ng dalagang amo na narinig ni Gian.
Nilingon niya ito at kitang-kita ang pagmamakaawa sa mga mata ng dalaga.
"Don't worry. I'll get it for you."
Tumaas ang isang kilay ni Ellah.
"Show it to me, boy!"
Bahagya siyang natawa. Wala man itong alam sa kanya ngunit wala rin siyang planong biguin ito.
At least sa mga maliliit na bagay gaya nito ay nakikita ni Ellah ang halaga niya.
"Sir, umpisahan ko na po," anang may-ari.
Tumayo siya nang tuwid at kalmadong hinawakan ang baril.
"Ikaw ba may-ari nito?"
"Yes, sir."
Pinag-aralan niya ang bawat galaw ng mga puting swan na siyang humaharang sa target.
Sabay-sabay sa pagduyan ang mga ito na nakapormang slanting o pahilig ngunit may pagitan na dalawang pulgadang distansiya sa bawat isa sa mga ito.
Mabilis ang mga kilos ng mga puting sisne at kung hindi mapag-aralan ng husto ang technique ay talagang mahihirapan sa target.
Ngunit matapos malaman ang estratehiya sa laro ay tumalim ang kanyang titig na tila ba nag slow motion ang mga ito.
Tinutukan niya ng baril ang target gamit ang iisang kamay, habang naghihintay na makalagpas lang ng kahit kaunti ang puting sisne patungo sa kaliwang direksyon.
Nang mangyari ang inaasahan ay kinalabit niya agad ang gatilyo at pinaputukan.
Katahimikan.
"Sir, nadale mo!" anunsiyo ng lalaking nagbebenta.
Maya-maya ay nahulog ang itim na swan.
"YEEEEESSS!" nakadipang tumatakbo si Ellah patungo sa kanyang kinaroroonan.
Alam ni Gian na yayakapin siya ng dalaga kaya inihanda niya ang sarili.
Subalit napamaang siya sa sunod na nangyari.
Mabilis pinulot ni Ellah ang swan at pinaghahalikan.
"Yes! Muah! Yes!"
Napalingon na lamang siya sa tumawa mula sa likuran.
Ang may-aring nagtitinda pala ang salarin habang nakatingin sa kanya.
Tinitigan niya ito ng mariin na mas lalong ikinatawa ng lalake.
Binalingan niya si Ellah.
"I told you, right?" Ngumiti siya upang hindi mahalata ang pagkadismaya.
"Alis na kami, " paalam niya sa nagtitinda.
Sumeryoso naman ang lalake.
"Sir, pwedeng magtanong?"
May kakaibang napansin si Gian ngunit tumango.
"Bakit?"
"Tinamaan mo ang target ng ganoon lang kadali, naka sumbrero ka pang halos tumakip sa mukha, ni hindi ka nagpikit ng isang mata, ni hindi kumurap, hindi 'yon tsamba hindi ba?"
Napapansin niyang binabasa ng may-ari ang mga kilos niya.
"Tsamba lang, " tugon niya bago umalis.
"Thank you, sir!"
Nagulat si Ellah nang sumaludo kay Gian ang may-aring nagbebenta bago sila umalis.
"Ba't niya ginawa 'yon?"
Nagkibit-balikat ang binata. "Siguro kasi hindi mo binili ang laruan."
"Hmp! Parusa mo ito dahil sa inis ko sa'yo noong nakaraan," ismid ni Ellah.
Gamit ang mahinang tono ay umusal si Gian.
"I'm sorry."
Napangiti si Ellah.
Totoong ngumiti naman ang binata.
Saka naman tumunog ang cellphone ng dalaga.
"Yes?" sagot nito ngunit agad napalis ang ngiti sa mga labi. "Anong rejected?"
Sumeryoso si Gian habang nakatingin sa amo, wala na ang saya sa anyo nito.
"What the hell! Ayusin niyo 'yan agad! Huwag mo akong tawagan kapag hindi!" Muntik ng ibato ni Ellah ang aparato.
"May problema?" tanong niya.
Nilingon siya ng dalagang amo.
"We got rejected by the plant."