Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

WANTED PROTECTOR

🇵🇭Phinexxx
107
Completed
--
NOT RATINGS
1.1m
Views
Synopsis
When the protector of the law became the protector of the lawless.
VIEW MORE

Chapter 1 - INTRODUCTION

7:00 PM MONDRAGON WAREHOUSE... 

 

Maririnig ang mabagal na mga yabag ng isang lalaking kalmadong naglalakad, ikinakasa ang kalibre de kwarentang baril bago isinuksok sa likod ng pantalong natatakpan ng suot na itim na leather jacket na pinailaliman ng itim na t-shirt na pinaresan ng itim na pantalon at itim na sapatos. Inayos niya ang sumbrero sa ulo bago matalim ang mga matang nakatingin sa buong paligid, papaliko patungo sa likod ng bodega habang nilalagyan ang hawak na baril ng silencer.

Nang mabuksan ang maliit na pintong gawa sa bakal ay hinawakan ang earpiece sa loob ng tainga at mahinang nagsalita.  

"Situation Victor?" bulong niya habang nakatingin sa itaas ng gusali sa hindi kalayuan.

"Ready sir!"

Ang nagngangalang Victor ay nagpalakad-lakad sa itaas ng gusaling kinaroroonan, itim ang buong kasuotan nito at nagmamasid sa madilim na bahagi ng minamatyagang gusali habang hawak ang mahabang dekalibreng armas.

Pagkarinig sa tugon ng usapan ay inayos niya ang itim na sumbrero, kampante at kalkulado ang bawat kilos saka tumingin sa itaas ng gusali sa hindi kalayuan. 

"Echo, Romeo, Oscar?" 

"Ready sir!" sagot ng tatlo na nakatayo sa bawat sulok ng gusali. 

Nakapalibot sa bawat kanto sa itaas at ibaba ng gusali ang kanyang mga tauhan habang sa isang malawak na espasyo sa loob ng bodega ay kausap ng kanyang amo ang isang may edad ng Filipino- Chinese National kasama ng mga tauhan nito. 

Sa panig kanyang amo ay nasa kwarenta sila at sa kausap nito ay nasa kinse lamang. 

Ngunit lahat ng tauhan ay mayroong hawak na baril habang nagbabantay sa loob at labas ng naturang lugar tinitiyak ang kaligtasan ng mga amo.

 

Matapos makipag-usap sa mga tauhan ay nagpasya siyang bumalik.

Eksaktong naisara niya ang pinto nang makarinig ng pagkasa ng baril mula sa likuran.

"Anong ginagawa mo!"

Hindi 'yon isang tanong kundi isang pagdeklara mula sa kasamahan.

Na kahit hindi niya lilingunin alam niyang nakatutok sa likod ng kanyang ulo ang baril nito.

Nagtiim ang kanyang bagang at kabadong tumingin sa hindi kalayuan kung saan nagaganap ang transakyon. 

"Thank you for coming Mr. Tang." Malugod na binati ng isang matandang lalaking may suot na amerikanang kulay puti ang matandang intsik na naka tuxedo ng itim, sa tagal nitong paghihintay sa ganitong pagkakataon ay natural lamang na maging masaya ito. 

"Ofcourse! It's you Mr. Mondragon!" tugon ng matandang intsik habang nakangiti. 

Sa likod ng dalawa ay ang limang trak na may lamang kargamento na kasalukuyang ini- inspeksyon ng mga tauhan.

Ang matandang naka suot ng amerikanang puti ay nilapitan ng kanang kamay nito.

"Marco, secure the area."

Agad namang tumalima ang inutusan at umalis kasama ang sampung tauhan.

Ang matandang Mondragon ay lubos ang tiwala sa kanang-kamay nito. 

Matagal na nitong tauhan kaya ang mga ganitong transaksyon ay dito na ipinapaubaya. 

"Where's Dave?" Nilinga nito ang paligid.

Sa may pinto ng bodega sa likuran ay nagliliparan ang mga sipa at suntok ng dalawang lalaking matinding naglalaban.

Ngunit kahit halos magkapantay ng lakas at galing hindi padadaig si Dave. Dahil sa oras na matalo siya ito na ang kanyang katapusan.

Ngayon parehas na silang nakatayo at nakatitig sa isa't-isa bago sabay na tumingin sa mga baril na nasa hindi kalayuan.

Nalaglag ang mga ito mula ng magsimula silang maglaban.

Isang malakas na buelo ng paikot na sipa mula sa kalaban ang kanyang naiwasan sa pamamagitan ng pagluhod padulas patungo sa likuran nito kasabay ng pagdampot sa baril.

At nang magharap ang dalawa ay parehas ng nakatutok ang baril sa isa't-isa, nakatayo ito t nakatutok ang baril sa kanyang noo habang siya ay nakaluhod at nakatutok din ang baril sa noo nito.

"WHERE IS DAVE? FIND HIM!"

Umalingawngaw sa kabuuan ng paligid ang boses ng matandang amo.

Hindi na mapakali ang matandang Mondragon dahil lumipas na ang tatlong minuto, wala pa ang tauhan.

Kailangan na ng final inspection sa mga produkto upang matapos na ang transaksyon.

Ilang sandali pa, lumabas mula sa kung saan si Dave at kalmadong lumapit sa amo.

"Check it!" Itinuro nito ang sampung trak.

Tumalima si Dave.

"Yes boss," agad siyang sumunod sa utos at lumapit sa mga sasakyan.

Pinagkakatiwalaan din siya ng matanda dahil noon ay iniligtas niya ito sa tiyak na kapahamakan.

Matagal na ang amo sa larangan ng ganitong negosyo mahigit walong taon na, ngunit gano'n pa man ay pinagkakatiwalaan siya nito sa loob lang ng anim na buwan. Nakuha niya ang tiwala nito ng ganoon kabilis. 

Ang trak ay tinatawag na wing van ay nakabuka ang dingding at hantad ang nasa loob. 

Naroon ang ibang tauhan katatapos lang magbilang.

"Bumaba na kayo."

Agad nagsibabaan ang mga ito.

Nakakamada ang mga kahon-kahon ng mga imported na delatang sardinas na gawa mula sa ibang bansa.

Ngunit siguradong ang laman noon ay iba.

Dinukot niya ang parteng ilalim na delata at binuksan.

Tumambad ang tunay na produkto, mga nakabalot na mapuputing powder  sa cellophane, kahit hindi niya alamin ang loob, sigurado siya kung  ano ang laman.

Napakahusay ng kanyang amo at ng intsik na ito dahil hindi man lang nahuli ng custom.

May sariling mga pribadong eropolano ang amo at doon ikinakarga ang mga produkto mula sa ibang bansa.

Dito na lang inililipat sa trak tulad ngayon.

Hindi rin ito nahuhuli dahil may mga koneksyon sa awtoridad at sa mga maimpluwensiyang tao sa lipunan.

 

Agad siyang bumalik at bumulong sa amo.

"Ayos na boss."

Maya-maya pa ay nag-abot sa gitna ang dalawang grupo upang magbayaran.

Sa isang maliit na mesang naroon ay ipinatong nito ang hawak na attaché case na agad niyang binuksan.

Tumambad ang nakahilerang bundle ng perang dolyar.

"Mr. Tang , it's worth two million US dollars," anang kanyang amo.

Ngumiti ng malapad ang matandang kausap ng amo.

Maglabas man ng gano'ng halaga ang amo, halos doble naman ang balik nito sa oras na maipamahagi sa mga ka sosyo.

Nagkamayan ang dalawang matatanda hudyat na tapos na ang usapan.

Nang paalis na sila ay biglang dumating ang kanang- kamay at humarang sa daanan.

Tila bumagal ang buong paligid nang makita ang paghakbang ng naturang tauhan.

"Marco..."

Natigil sa pagsasalita ang amo at lahat ay nakatuon ang tingin sa humarang, ngunit hindi sa kanang-kamay ng amo kundi sa hawak nitong nakahandusay na lalaking tila wala ng buhay habang ang pulang likido ay nakakalat sa sahig dahil sa paghila rito.

Isa ito sa kasamahan nila.

Si Simon ang isa sa  pinakamahusay at pinaka maasahan na tauhan ng amo ngunit ngayon wala na itong buhay.  

Tumalim ang tingin ng matandang Mondragon habang nakatitig sa nakahandusay na tauhan.

Alam nito ang kalakaran ng mga intsik, hindi pauutang at hindi palulugi!

Palihim na binunot ni Dave ang baril sa likuran ng suot na pantalon at mahigpit niyang hinawakan bilang paghahanda sa anumang mangyayari.

"What is the meaning of this?" mapanganib na wika ng matandang Mondragon sa kausap.

Tila nataranta ang kausap ngunit kalmado pa rin itong nagsalita.

"I don't know Mr. Mondragon-"

"Nǐ shì zài chūmài wǒmen ma?" diretsong tanong ng matandang Mondragon sa pag-iisip na tinatraydor sila ng ka transaksyon.

"Dāngrán bùshì!" agad namang depensa ng ka transakyon bilang tugon na hindi nito magagawa ang mag doble cross.

Ngunit hindi naniniwala ang amo kaya nang hinablot nito ang kwarenta 'y singkong baril sa likod ng pantalon nito at itinutok sa kaharap ay doon na naalarma ang lahat, biglang nagkatutukan ang mga tauhan ng dalawang amo.

Siya ay nasa likuran ng matandang Mondragon habang nakatutok ang kwarenta de kalibreng baril sa matandang intsik na kausap ng amo.

Walang kaabog-abog ay biglang may pumutok na baril na siyang nagpatumba sa matandang intsik na may tama sa noo.

Lahat ay napalingon sa gumawa. Nagmumula ito sa kanang-kamay ng matandang Mondragon, si Marco.

Hudyat ng kaguluhan!

"DOUBLE CROSS!" tanging naisigaw niya.

Tila bumagal ang paligid kasabay ng pagbagsak ng intsik ay ang paghila ni Dave sa kwelyo ng amo patungo sa kanyang likuran upang maikubli ito at mailigtas kasabay ng pagtakbo palabas habang nakikipag palitan ng putok sa kalaban.

Nang makalabas na sila ay nilingon niya ang naturang gusali kung saan papalabas ang iba. 

Nang walang anu-ano ay biglang may sumabog sa loob ng naturang bodega! 

Sunod-sunod ang pagsabog ng mga trak at sa lakas ng pagsabog ay tumilapon sila. 

Tila nag-aapoy na impyerno ang naturang bodega.

 

Nagulantang ang lahat at nagtakbuhan upang makaligtas. 

Nanigas ang matandang Mondragon. Nag rereplika sa paningin nito ang naglalagablab na apoy na siyang tumutupok sa pagmamay-aring negosyo. 

Bakas ang galit at sakit sa mga mata nito.

Naglabasan ang ilang mga nakaligtas sa pagsabog ngunit sinalubong ng bala na nagmumula sa kung saan.

Naalarma ang lahat ngunit na hindi alam kung sino ang kalaban!

Mabilis niyang hinila sa pulso ang amo. 

"Dito tayo boss!" 

Tumakbo sila patungo sa parking area kung nasaan naghihintay ang sasakyan. 

Akmang bubuksan ng matandang amo ang pintuan, subalit dagli silang natigilan nang makarinig ng pagkasa ng baril mula sa likuran.

Humigpit ang pagkakahawak niya sa pulso ng amo na tila nanlalamig.

Kabadong nag-abot ang mga tingin nila habang iniisip niya kung paano ma poprotektahan ang amo.

Nagsalita ang lalaking nakatutok ang baril mula sa likuran nila.

"Arestado ka, Joaquin Mondragon!"

Lumingon ang matanda at unti-unting gumuhit ang ngisi sa mga labi nito!