Chereads / Her Gangster Attitude / Chapter 55 - Chapter 54: Because I Love You

Chapter 55 - Chapter 54: Because I Love You

THIRD PERSON

Lalong nanlaki ang mga mata ni Iya dahil sa sinabi ng lalaking kaharap n'ya. Totoo? Boyfriend n'ya nga ang lalaking 'to? Ito ba ang lalaking palaging tumatawag sa kanya sa panaginip?

"Totoo? Boyfriend nga kita?" hindi maintindihan ng dalaga kung bakit ang saya-saya n'ya ng marinig ang sagot na iyon mula sa binata. Siguro dahil malakas ang pakiramdam n'ya na ito nga ang lalaking palaging tumatawag sa kanya noong mga panahong nakakulong s'ya sa madilim na lugar kung saan ayaw na n'yang balikan.

"Umn."

"Tinanong ko ang nurse kanina kung ano ba ang ginagawa ng mag-boyfriend. Sabi n'ya...nagdi-date, kumakain sa labas at nagki-kiss daw. Ano bang mga 'yun?"

"..."

"Sabi pa ng nurse 'yung kiss daw ang pinakamasarap gawin."

"..."

"Ba't nananahimik ka d'yan?" Nakataas na ang kilay na tanong ni Iya. Kanina nang tinatanong n'ya ang mga kaibigan n'yang sina Josefa, Yana, Sue at Ces wala silang maisagot. Bakit ba pakiramdam ng dalaga ay parang hirap na hirap ang mga itong sagutin ang mga tanong n'ya?

"Ano na?"

Nanatiling hindi makasagot ang binata. Paano naman n'ya sasagutin ang mga ganung klaseng tanong? Sa dami ng pwedeng itanong ng dalaga, bakit naman about sa date kaagad?

"Ivan?!"

"Boyfriend ba talaga kita o hindi?"

"Bakit namumula 'yang mukha mo? Okay ka lang ba?" Nababahalang sinapo ni Iya sa magkabila n'yang palad ang magkabilang pisngi ng binata. Tinitigan n'ya iyon sa malapitan.

'Ang gwapo-gwapo talaga'

"D-dont t-touch." Iker snarl, surprised of her sudden touch. Para syang nakuryente sa biglaang paghawak ng dalaga

Mabilis na binawi ni Iya ang kamay n'ya. She don't know where the fear came from, pero kaagad na lumarawan ang takot sa maamo n'yang mukha nung marinig ang di inaasahang pag-ingil ng binata.

"S-sorry."

Kaagad n'yang hingi ng paumanhin saka dumistansya ng may kalayuan kay Iker. Paano kung magalit ito sa kanya? Ano na lang ang gagawin n'ya sa buhay? Hindi nga n'ya alam kung may pamilya pa s'ya, tapos gagalitin n'ya pa itong lalaking nasa harapan n'ya. Ito lang yata ang nakakaalam kung sino talaga s'ya. Lalo na at boyfriend n'ya pa ito. Kinakabahang nagyuko na lang ng ulo si Iya. Sa takot na baka ikagalit na ng tuluyan ni Iker ang mga susunod n'yang gagawin, pinilit n'ya ang sarili n'ya na huwag kumibo. Kung pwede nga rin na huwag s'yang huminga, gagawin n'ya rin eh.

Ayaw na n'yang bumalik sa madilim na lugar kung saan matagal s'yang nakakulong. Masyadong tahimik at malungkot doon.

Napakunot-noo si Iker ng bigla na lang alisin ni Iya ang mga kamay nito sa magkabilang pisngi n'ya. Akala ba nito ay galit s'ya noong sabihin n'yang 'don't touch'? He's just so surprised at the sudden touch of her warm and small hands. And he's just so afraid of what he could do. Heck, he missed her so bad that the mere thought of losing her is making him crazy.

Hindi pa rin s'ya makapaniwala na gising na nga ito. Nakakaupo na and to his greatest surprise, nahahawakan pa s'ya.

"Hey. What happened?" he can sense her fear. Pero saan naman 'yun nanggaling?

"Wala," animo pusang bumubulong na anas ni Iya. Nilalaro sa mga daliri n'ya ang kumot na galing sa mansyon ng mga de Ayala.

"Come here." huminga ng malalim si Iker. Pilit na kinakalma ang sariling gustong-gusto ng yakapin ang babaeng kay tagal n'yang pinagdarasal at hinihiling na gumising na.

"Ayoko." pabulong pa rin na sagot ng dalaga.

"Why?"

"Basta ayoko."

"Come here."

"Magagalit ka."

Lalo lang lumalim ang gatla sa noo ni Iker dahil sa narinig na sinabi ng dalaga.

"Why would I get angry?" Nagtataka n'yang tanong.

"Nagalit ka kanina nung hawakan ko mukha mo eh. Sabi mo 'don't touch''

Suddenly, Iker wanted to punch himself. Bakit sa dinami-dami kase ng pwedeng lumabas sa bibig n'ya, bakit ang mga katagang 'don't touch' pa ang nasabi n'ya?

"S-sorry. Nabigla lang ako."

"Naiintindihan ko. Sorry. Hindi ko na uulitin. Basta 'wag na nila ako ibalik dun sa madilim na lugar, okay?"

Madilim na lugar?

"Come here."

"Ayoko."

"I thought you want to do the kissing thingy?" seryosong tanong ni Iker. Hindi n'ya alam kung uubra ba 'yun. But damn, ayaw n'ya kapag ganitong lumalayo si Iya sa kanya. Hindi ba't ginawa na nito iyon bago ito ma-kidnap? Kung hindi s'ya iniwas-iwasan nito noon, baka hindi ito nakidnap ng kahit na sino.

Kaagad na nag-angat ng paningin si Iya ng marinig ang sinabi n'ya. Nagniningning na naman ang mga mata. Mabilis pa sa alas-kwatrong nakalapit ito sa kanya. May kaunting distansya pa rin pero hindi na ganoon kalayo.

"Talaga? Gagawin natin? Masarap ba 'yun? Gaano kasarap? Yung date? Kailan natin gagawin? Kakain ba tayo sa labas? Kai---"

Iker shut her up with a kiss. Magaan at saglit lang. Ayaw n'yang magulat o mabigla ito. At wala din s'yang tiwala sa pwede at kaya n'ya pang gawin.

He wanted to kiss her more, kiss her deeply and passionately pero alam n'yang hindi pwede. Ayaw n'yang samantalahin ang kahinaan ni Iya. Ayaw n'yang samantalahin ang pagkakawala ng memorya nito. He would do it slowly but surely, kapag okay na ang ala-ala nito.

"What was that?" Nakakunot-noong tanong ni Iya nang bumitaw na s'ya dito. Nakatulala lang ito kanina habang hinahalikan n'ya, nanlalaki ang mga mata.

"A kiss." Iker answered simply, amusement dancing on his eyes.

Lalong nangunot ang noo ng dalaga.

"That's it? That's the kiss?"

Hindi na mapigilan ni Iker ang mapangiti dahil sa pagkadismayang nakalarawan sa mukha ni Iya.

"What do you expect to happen?"

"That it would taste like lechon paksiw. Sabi kase nung nurse mas masarap pa daw 'yun sa lechon paksiw eh. Paano naging masarap 'yun? Wala namang lasa 'yan," inginuso pa ni Iya ang mga labi ni Iker na noo'y nakangisi na.

So she wants more?

But sad to say, he can't do more than that.

"Let's try again tomorrow. But you have to promise me, ako lang ang hahalikan mo at hindi mo 'yun---

"I know. I know. The nurse told me so."

Itinakip ni Iya ang buong palad n'ya sa bibig ni Iker dahilan para mapahinto ito sa pagsasalita. Lihim tuloy na napaisip ang binata kung sino ang nurse na tinutukoy ni Iya. Parang gusto n'yang bigyan ng malaking Christmas bonus sa darating na December.

"Kailan tayo uuwi? Sununduin ba ako ng pamilya ko?"

Napahinto si Iker sa ginagawang pagsuklay sa malambot at humahaba na ulit na buhok ng dalaga. Who told her about that?

"Alam mo kung ano ang family?" mahinang tanong ng binata.

Matagal na n'yang pinalipat sa Kabihasnan ng Katahimikan ang buong pamilya ni Iya. Bumili s'ya ng maliit na lote doon at nagpatayo ng bahay para sa lola, tiyahin at kapatid nito. Kumuha na rin s'ya ng doktor na regular na titingin sa matanda. Pinalipat n'ya na rin sa magandang paaralan ang kapatid ni Iya na si Trii. At ang tiyahin naman ng mga ito ay ipinagpatayo ni Ivan ng may kalakihan ding grocery store.

"Syempre may nanay, may tatay saka may kapatid."

"Gusto mo ng ganoong pamilya?"

"Ha? Ano ba namang tanong 'yan. Syempre lahat gusto ng ganoong pamilya hindi ba?"

Napatiim-bagang si Iker. He know that the former Iya won't like a family like that. Lalo na't alam n'yang alam naman ng dalaga kung paano s'ya itrato ng biological mother n'ya.

"But before I introduced them to you, I want to tell you something."

Pumihit paharap si Iya kay Iker. Bigla s'yang na-intriga sa napaka-seryosong boses nito.

He's looking at her seriously. Alam n'yang hindi ito ang tamang pagkakataon para sabihin n'ya ang bagay na 'to, pero umaasa s'ya na sa pagsasabi n'ya ng mga bagay na hindi n'ya masabi noon dito, ma-stimulate ang isipan nito at unti-unting bumalik ang nawala nitong ala-ala.

"Well," huminga ng malalim si Iker saka matiim na tinitigan ang dalaga. Gusto n'yang makita ang magiging reaksyon ng maamong mukha ng babaeng nasa harapan niya. "You were conceived unexpectedly. Three men raped your biological mother, that's why she hates you. Kinuha ka lang n'ya sa pangangalaga ng lola mo kase kailangan n'ya ng blood donor para sa anak n'ya. You only have your lola and your younger brother Trii as your family. There is also your Tiya Daning. But your mom, hindi ka n'ya kinikilalang anak."

Batid naman ni Ivan na napaka-unfair ng pagsasabi n'ya ng ganoon kaselang bagay. Pero para maihanda na rin ang puso ni Iya. Kailangan n'yang malaman ang totoo. And besides, ang Iya'ng kilala n'ya at minahal ay ang Iya na walang inuurungan, walang sinusukuan at walang kinatatakutan.

"Hindi ba nila ako hinanap noong maaksidente ako?" curious na tanong ng dalaga.

"Hinanap ka nila. Pero nang malaman nilang comatose ka, hindi ka na nila ulit pinuntahan."

"Eh ikaw? Why did you stay?"

Natigilan si Iker ng biglang mag-u-turn na naman ang tanong patungo sa kanya.

Why did he stay?

Napaka-simple lang naman...

"Because I'm the only one that you've got,"

Natahimik si Iya. It's true. Saan na lang s'ya pupulutin kung walang Ivan sa tabi n'ya?

"And because I love you, Iya Magtanggol. So please, don't scare me again like that. "