Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 58 - Good morning

Chapter 58 - Good morning

NAALIMPUNGATAN si Lexine sanhi ng mainit na sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Napakalambot ng kamang kinahihigaan niya. Para bang ayaw na niyang bumangon o kahit ang dumilat man lang. Pumihit siya pakaliwa at nginudngod ang mukha sa malambot na unan. Higit sa lahat, masyadong nakaaadik ang napakabangong amoy ng kumot na lalong nagpapalambot sa mga kalamnan niya upang tamarin kumilos.

"Mademoiselle." Isang magaspang at mababang boses ang narinig niyang tumatawag sa kanya. Kakaiba rin ang accent nito. Halatang banyaga. Umungol siya bilang tugon. "Mademoiselle, it's already ten in the morning."

Napaungol siya ulit. Hindi na ata panaginip ang naririnig niya. Unti-unti siyang dumilat at bumungad sa kanya ang `di pamilyar na mukha ng isang matandang lalaki.

"Good morning, Mademoiselle." Nakasisilaw pa sa sikat ng araw ang mapuputi at malaki nitong ngipin.

Tuluyang dumilat ang kanyang mga mata at agad bumangon. Hindi alintana ang buhaghag niyang buhok at marka ng panis na tulo ng laway sa gilid ng bibig. Nilibot niya ang mata sa paligid. Nasaan siya? Sino ang lalaking ito? Bakit siya nandito?

"Who are you?

Ngumiti ito. "My name is Sébastien. I am the head butler of the household."

"Butler?" Pinagmasdan niyang mabuti ang matanda mula ulo hanggang paa. Sa kabila ng edad ay maganda pa rin ang tindig nito. Maamo ang asul nitong mga mata. Puti na ang buhok pero malinis ang pagka-brush up niyon. Nakasuot ito ng black suit na mas mahaba ang dulo sa likuran, white na panloob at maroon necktie. Tinernuhan `yon ng gray slacks habang may suot na white gloves sa parehong kamay. Indeed, mukha nga itong kagalang-galang na butler.

Dinikit ni Lexine ang likuran sa carved wood headboard na may medieval gothic design. Doble ang laki ng kamang ito kumpara sa king-sized bed niya sa sariling kwarto. Pinturado ang buong bed frame ng itim at may makintab na coating. Maging ang pillows, bedsheet at blanket nito ay itim din. Nanunuot sa ilong niya ang isang amoy na tila permanente nang nakadikit sa mga tela at maging sa isipan niya.

Nilibot niya uli ang mga mata sa kabuuan ng malawak na kwarto. Tantya niya, triple ang laki nito kumpara sa kanyang silid. Agaw pansinin ang napakalaking bintana na nasa kaliwang bahagi ng kwarto. Mula sa sahig hanggang kisame ang taas niyon na sumasakop sa halos buong dingding. Nakahawi ang nagtataasang red-velvet curtain sa magkabilang gilid nito kaya malaya niyang natatanaw ang napakagandang landscape sa labas. Matingkad ang pagka-asul ng mapayapang kalangitan. Maberde ang mga bermuda grass, napalilibutan ang paligid ng mga oak tree at may natatanaw pa siyang napakalaking hexagon white stone fountain sa gitna na may rebulto ng tatlong malalaking gargoyle.

Nasaan ba talaga siya? Ang huling naalala niya ay hinatid niya si Ansell sa condo unit nito. Tapos biglang dumating si Night at nagpakita ulit si Cael. Nagkaroon ng labanan ang dalawa. Muntik nang mapahamak si Cael pero nakiusap siya kay Night na huwag patayin ang mga ito. Kapalit niyon ang pagsama niya rito.

Napasinghap siya nang malakas matapos maalala ang mga nangyari kagabi. Sinipat niya ang sarili at kinapa-kapa ang katawan. Suot pa rin niya ang damit kagabi. Wala naman siyang nararamdaman na kahit anung masakit. Ngayon niya lang na-realize kung bakit pamilyar ang amoy ng buong kama dahil sigurado siya kung kaninong kwarto ito.

"Is this... Night's r-room?"

Tipid na ngumiti si Sébastien na tila ba nagpipigil na tumawa. "Yes, mademoiselle. This is the master bedroom of Monsieur Fuerdo's mansion."

Nanlaki ang mga mata niya. "You mean..."

"Yes, these two hectares property is own by him." Lalong lumuwa ang mata niya sa narinig. What the hell? Ganoon kalaki ang lupang pagmamay-ari ni Night?

"Monsieur is waiting for you at the dining area. Now that you're awake, our servants are here to assist you."

Pumapalakpak ito at bumukas ang malaking two-door na nasa pinakasentro ng kwarto. Pumasok ang tatlong babae na nakasuot ng french maid uniform. Katulad ni Sébastien ay banyaga rin ang itsura ng mga ito. Ang dalawang babae ay may tulak-tulak na dress rack na punong-puno ng mga damit. Ang isa naman ay may bitbit na patong-patong na mga kahon ng sapatos.

"Please choose any dress and shoes that is comfortable for you." Natulala lang si Lexine at hindi nakapagsalita. "Please let me know if you need anything else, Mademoiselle." Agad na itong lumisan at iniwan siya sa pangangalaga ng tatlong maid.

Sinimulan na siyang alalayan ng mga servant na tila isang prinsesa sa palasyo. Nakapili na siya ng susuoting damit at sapatos. Sinamahan pa siya ng tatlo hanggang sa loob ng malaking bathroom. Tumanggi siya sa mga ito nang sinabing tutulungan pa siyang maligo. Kahit pa señorita siya sa mansion nila ay never naman siyang naging tuod. Pinag-antay na lang niya ang mga ito hanggang sa matapos siyang makapaglinis at magbihis.

Matapos ang isang oras ay pinagmasdan ni Lexine ang repleksyon sa full sized mirror sa gitna ng bathroom. Isang old-rose off-shoulder below the knee flowing dress ang kanyang sinuot. Tinernuhan niya `yon ng three inches nude stiletto. Ang buhok naman niya ay nilugay at inayusan ng malalaking kulot. Nilagyan din siya ng light make-up na nagpa-enhance ng natural niyang ganda. Suot niya ang gold necklace na binigay sa kanya ni Madame Winona. Nangingibabaw `yon sa kanyang balat at dumagdag sa kinang ng kanyang mga mata.

Muling bumalik si Sébastien upang sunduin siya. Isang mahaba at malapad na hallway ang binaybay nila pagkalabas ng kwarto. Hindi napigilan ni Lexine ang sarili na mamangha sa malapalasyong mansion at kulang na lang ay lumuwa ang mga mata niya. Kung gaano ka-dark ang kwarto ni Night ay kabaligtaran naman niyon ng buong mansion. Puro puti ang nakikita niyang kulay sa paligid habang ang nilalakaran naman nila ay black and white checkerd design na marble floor.

Marami silang pintuan na nadaan. Sa kanang bahagi matatagpuan ang mga floor to ceiling window na in between ng mga marbled pillar. Napakaaliwalas ng paligid gawa ng natural lighting na pumpasok sa loob. Sumilip siya sa labas at natanaw niya ang napakalawak na landscape. Bumilog ang mata niya nang makita ang malaking maze garden sa likurang bahagi ng mansion.

Bumaba sila sa grand staircase. Magkahiwalay ang dalawang hagdanan mula sa magkabilang panig ng second floor at nagmi-meet ang mga iyon sa gitna. Natulala si Lexine nang masilayan ang napakataas na arc ceiling at sa gitna niyon nakasabit ang isang higanteng chandelier na gawa sa makikinang na swarovski crystals.

Isang mahaba at malawak na pasilyo uli ang binaybay nila bago nakarating sa malaking dining area kung saan bumungad sa kanya ang mahabang table na napaliligiran ng maraming upuan. Sa magkabilang gilid naroon nakatayo ang ilan pang maids at butlers na pawang mga robot na inutusang ngumiti sa kanya. Sa dulo ng mahabang table nakita niya ang binata na siyang dahilan kung bakit siya nandito.

Nang sandaling nagtagpo ang mga mata nila ni Night ay biglang kumabog nang malakas ang dibdib ni Lexine. Tila may mga paru-parung nagwewelga sa loob ng tiyan niya. Napaka-gwapo nito sa suot na itim na polo. Nakabukas pa ang unang dalawang butones niyon. Isang simpleng bagay pero sapat na upang magsumigaw ang nag-uumagaw nitong sex appeal. Seryoso lang ang mukha ni Night habang pinagmamasdan siyang naglalakad palapit.

Sa mga ganitong pagkakataon, napatunayan ni Lexine na unfair ang mundo dahil may mga nilalang pala talaga na kahit walang gawing effort ay pinagpala sa pisikal na aspeto.

Inalalayan siya ni Sébastien na makaupo sa tabi ng binata at dahil naiilang siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya na para bang isa siyang sculpture na nakadisplay sa isang museum, kung kaya nilipat na lang niya ang tingin sa lamesa na punong-puno ng pagkain na parang pang-fiesta.

Pasimpleng tumikhim si Night at sapat na `yun para lalong hindi mapakali ang puwetan niya sa kinauupuan. Pasimple niya itong nilingon. Tumaas ang sulok ng bibig nito. Anu ba'ng meron sa mukha niya at ganito ito kung makatingin? May mali ba sa make up o suot niya?

"You look wonderful, cupcake. You made my morning perfect."

'Okay. Wonderful ka naman pala.' Namula ang buong mukha niya. At kailan pa siya natuwa sa compliment nito?

Dumantay si Night sa ibabaw ng lamesa. "How's your sleep?" Nalalanghap niya ang minty breath nito na tumatama sa balat ng kanyang mukha.

Tumikhim siya. "Okay naman."

"Good. We have a lot of things to do for today, so you better eat as much as you can."

Lumingon siya rito. Halos nagdidikit na'ng ilong nila. Agad siyang dumistansya. "Ano ba'ng gagawin natin?"

"You'll know it later."

Inis man na wala siyang nakuhang sagot ay inabala na lang niya ang sarili sa hapag kainan lalo na't kanina pa kumakalam ang sikmura niya. Tahimik silang kumain at tanging tunog ng kubyertos lamang ang naririnig sa palidid. Ilang sandali pa ang lumipas at hindi na siya nakatiis. "What happened to Cael and Ansell? Are they fine?"

Nahinto ang dapat nitong paghigop ng kape. "Yes, they're perfectly fine."

Nakahinga siya nang maluwag. Ang importante ay ligtas ang dalawa. Ang dapat niyang isipin ngayon ay kung paano siya makakatakas sa puder ng prinsipe ng kadiliman. Anu ang pinaplano nito sa kanya?

"I hope you'll fulfill what you has promised me yesterday."

Kumabog nang malakas ang dibdib niya. Hindi niya makakalimutan ang bagay na `yun at ngayon pa lang ay parang gusto na niyang tumakbo pauwi. "Just keep both of them unharmed and I would do anything."

Tumaas ang sulok ng bibig nito at binaba ang hawak na mug. "What I want you to do is to continue your food."

Natahimik si Lexine. Mukhang hindi pa siya nito totorturin kaya lulubusin na niya ang maliligayang oras na mayroon siya. Ganitong-ganito `yung mga napapanood niya sa movies. Kunwari, ita-trato na parang prinsesa ang bida upang mapalagay ang loob nito sa antagonist at `pag nagtiwala na ito ay saka ito papatayin. Kinilabutan siya naisip. She needs to be extra careful.

Matapos ang halos isang oras ay natapos silang mag-almusal. Hinigit ni Night ang kamay niya at dali-dali siyang hinatak palabas ng dining area. "Wait, `san tayo pupunta?"

Pinagmasdan niya ang magkahawak nilang mga palad. Sinubukan niyang bawiin ang kamay dito ngunit mahigpit ang kapit nito at ayaw siyang pakawalan. Mainit ang mga palad nito at mahirap man aminin, ngunit masarap `yon sa pakiramdam. Hinila siya ni Night patungo sa malahiganteng main door ng mansion. Nagulat siya nang makita na may pulang Ferreri 812 Superfast ang nag-aantay sa kanila sa labas.

Napanganga si Lexine. Her family is rich. But this guy is an extravagantly wealthy freaking son of a bitch. She's speechless.