"SAAN BA KASI tayo pupunta?" Hindi na mabilang ni Lexine kung pang-ilang tanong na niya `yon. Kasalukuyan silang bumabyahe. Si Night ang nagmamaneho habang nakasakay siya sa passengers' seat sa tabi nito.
"Just wait," tipid nitong sagot.
Tinuon na lang niya ang atensyon sa labas ng bintana. May kinse minuto na silang nagbabyahe at wala ni isang pamilyar na lugar ang nakikita niya. May dinaanan silang expressway na ngayon niya lang din napuntahan. Pakiramdam niya wala sila sa Pilipinas. Matapos makalabas ng expressway ay dumaan sila sa isang bridge. Agad nanlaki ang mga mata ni Lexine nang matanaw ang isang matayog na istraktura.
"Wait, is that..." Lumingon siya sa katabi.
Ngumiti ito. "Yup. That's the famous Eiffel Tower."
Nalaglang ang panga niya. Muli niyang nilingon ang mataas na istrukturang tanaw na tanaw ng kanyang mga mata. Binaba niya pa ang bintana ng kotse. Totoo nga! `Di siya namamalikmata. Nakapasok na sila loob ng main city at doon niya lang napansin ang mga civilian na naglalakad sa paligid. Lahat ay mga foreigner!
"Teka, bakit tayo nandito sa Paris? Paano tayo napunta rito?"
"I brought us here."
"But how did you. . ?" Ang huling naalala niya ay nilamon sila ng makapal na usok bago siya nawalan ng malay at naggising na lang sa loob ng kwarto nito. Kung gano'n ay gumagamit si Night ng kapangyarihan para makapag-teleport sila nang gano'n kalayo? This demon is unbelievable!
"Don't tell me umuuwi at nagte-teleport ka lang mula Pilipinas hanggang dito sa Paris?" Tila isa siyang bata na namamangha sa isang magician.
Mas lumaki ang ngiti sa labi nito at lumingon uli sa kanya. "Yes, I bought the white mansion a few decades ago. I own numerous properties all over the world, but so far this is where I always stay."
Lalong lumuwa ang mga mata ni Lexine. Ngayon siya nakaramdam ng inggit sa demonyong ito. "Ano ba ang negosyo mo? Don't tell me na drug lord ka?"
Malakas itong humalakhak. "I'm not. But I have a friend who is. His name is Elijah and he owns huge factories in Russia, Vietnam, Mindoro and China. That son of a bitch has been annoying me for almost a decade. He wants me to invest in his dirty business, but I keep on rejecting him."
That caught her curiosity. "Why? Aren't the devil's job is to persuade humanity to commit sin. That's what is said in the bible."
"Cupcake, my job is to fetch the spirits and bring them to the other world not to whisper evil deeds to human consciousness. I don't like drugs. It shatters families, kills millions of lives, and misleads the youth."
Lexine can't help but feel surprised. Who would have thought that the mightiest prince of darkness has this kind of principle in life?
"And the ugly fucking thing about you humans is that you keep on blaming the demons for your corrupt acts when in reality you have full control of the actions and choices you make. You have free will, yet you choose to commit a sin. And then what? At the end of the road when everything crashes down, you'll blame someone else instead of taking full responsibilities for your decisions."
Natahimik siya sa sinabi nito. Kung titignan ay napakabata ng itsura ni Night. Maging asal nito ay kung minsan para pa ring bata. Pero nakalilimutan ni Lexine na ang kaharap niya ay isang nilalang na mabuhay ng mahabang panahon. Nakita mismo ng dalawa nitong mga mata kung paaano nagbago ang buong mundo. Suddenly, she felt like a little child beside the man with centuries of wisdom and experience.
"And to answer your first question, I have numerous global investments in the stock market. I also own corporate shares in multiple conglomerates in Southeast Asia, South and North America, and Europe."
Nalaglag nang tuluyan ang panga niya. Wala pa siguro sa one fourth ang yaman ng pamilya nila sa yaman ng lalaking ito. Patunay na ang ektaryang ari-arian nito.
Buong araw silang namasyal. Una siyang dinala ni Night sa Champ de Mars kung saan matatagpuan ang Eiffel Tower. Manghang-mangha si Lexine sa napakatayog na higanteng bakal na istraktura. Dati sa internet niya lang ito nakikita ngayon ay nasa kanyang harapan na.
To see this tower in person has always been one of her bucket list. Napaka-romantic ng lugar na ito at minsan niyang pinangarap na sana balang-araw ay dito siya dadalhin ng lalaking mamahalin niya. Sayang at hindi niya hawak ang kanyang cellphone. Wala siyang kahit anong dalang gamit dahil lahat `yon ay naiwan sa Pilipinas.
Nanlalaki ang mga mata ni Lexine na tila batang nakarating sa amusement park habang pinagmamasdan niya ang buong paligid. Maraming mga turista ang nakaupo sa maberdeng damuhan habang nagpipicnic. Maririnig ang masiglang tawanan ng mga batang naghahabulan. May mga magkasintahan na masayang naghaharutan at mga pamilya na abala sa pagpipicture taking. Tahimik lang na pinagmamasdan ni Night ang bawat kilos ni Lexine. Isang tipid na ngiti ang sumisilay sa mga labi nito.
Tinungo nila ang Eiffel Tower. Accessible para sa mga turista ang first, second at top floor. Sumakay sila ng elevator patungo sa top level kung saan tanaw ang napakagandang view ng buong siyudad ng Paris. Napalilibutan ng matitibay na metal fence at railings ang view deck nito.
Kitang-kita niya ang kabuuan ng Champ de Mars sa pinaka sentro ng malawak na city landscape. Angat ang pagkaberde niyon habang napapalibutan ng mga building. The clear blue skies meet the horizon and the scenery itself was enough to take her breath away. Lexine inhaled the cold wind as she closed her eyes. She let herself enjoy the short moment of serenity.
Matapos ang ilang sandali ay muli siyang dumilat at napatingin sa mga turista na abala sa pagpipicture. Ngumuso siya. Kainis! Wala siyang cellphone.
"Cupcake!" Napalingon siya nang tawagin siya ni Night. May hawak itong iPhone na nakatutok sa kanya. "Say cheese."
Pero dahil hindi siya prepared kaya imbis na ngiti ay nakabuka ang kanyang bibig. "Hey! Ano `yan?" Sinubukan niyang agawin dito ang cellphone pero tatawa-tawa lang ang gunggong. Tinaas pa nito lalo ang hawak para hindi niya iyon maabot. "Night! Delete mo `yan!"
"No, I won't. I like it. You're so cute here."
Namula ang pisngi niya. Wala siyang nagawa kundi ang bumusangot at humalukipkip na parang nagmamaktol na bata.
Pagkatapos nila roon ay nagpunta pa sila sa iba't ibang tourist attractions gaya ng Notre Dame de Paris na siyang isa sa pinakasikat na cathedral sa lugar na `yon. Manghang-mangha si Lexine sa French Gothic architecture ng naturang simbahan. Paminsan-minsan ay nahuhuli niya si Night na kinukuhanan siya ng picture. Sa una ay naiinis siya pero `di kalaunan at hinayaang nya na lang ito. Bukod doon ay nagtungo rin sila sa Arc de Triomphe, Musee Rodin, Pont Alexander III, Louvre Pyramid, National Museum at marami pang iba.