Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 60 - Date w/ the Grim Reaper [2]

Chapter 60 - Date w/ the Grim Reaper [2]

PINAKA nagustuhan ni Lexine sa lahat ng pinuntahan nila ang Catacombs of Paris. Hindi siya makapaniwala na doon naka preserve ang mga bungo at labi ng halos anim na milyong katao. Manghang-mangha siya sa mga bungo na pinagsama-sama at pinagpatong-patong sa wall ng buong tunnel. Ang underground cemetery na `yon ang pinaka tumatak sa kanya sa kabila ng eerie feeling sa loob nito.

"A lot of lost souls are inside of this catacomb." Kinilabutan siya nang husto sa sinabi ni Night.

"You mean souls as in spirits?" Tumungo ito habang nakatingin din ito sa wall of skulls sa harapan nila. "Teka, ibig mong sabihin ay may namamalagi talagang mga espirito rito? Pero diba, sinusundo mo sila at hinahatid sa dapat nilang kalagyan. You're the grim reaper. Kung may mga spirits na namamalagi pa rin sa mundo na katulad ng lugar na `to ibig sabihin ba nun `di mo pa sila nasusundo?"

"Curious cat."

Ngumuso siya. "Gusto ko lang naman malaman."

Ngumisi si Night at pasimpleng umakbay sa kanya. Napasulyap siya sa braso nito na nakapatong sa balikat niya. Mabilis na nag-init ang magkabila niyang pisngi.

"Some of the spirits were very stubborn. May mga kaluluwa na hindi pa rin matanggap na wala na sila sa mundong `to. It's either they will freely come to me and face the Gates of Judgement or they will refuse `cause they don't want to go there yet. Some of them choose to stay here and wander around. Marami ang gano'ng kaso. `Pag-ayaw ng soul na sumama sa `kin, hindi ko sila pinipilit. Kaya tinatawag silang lost souls dahil `di pa sila nakakatawid sa gate."

"Gates of Judgement?" pag ulit niya. This is the first time they are having this kind of conversation. Hindi itatanggi ni Lexine na marami talaga siyang gustong malaman tungkol kay Night at sa tungkulin nito bilang Tagasundo.

"Yes. That is the gate where the souls will receive their judgement in the spirit world."

"Judgement, you mean… kung sa langit o impyerno sila pupunta?"

"Hmm, it's a little bit complicated. Every soul needs to pass through the Gates of Judgement first. Then the gate will tell them what would be their life after death. All souls shall be magistrates based on how they've dwelled in the human world. However, I've never seen the gate itself. To me, it's also a mystery. I only bring the soul at the boundary between the world of the living and the world of the dead. I can't enter the pyramid. But one thing I'm sure, there is a place where souls live after they died and that is the Spirit World."

"Ahhh, gano'n pala `yon, eh, nasaan naman ang gate papunta sa Spirit World?"

"You're asking too much. Kahit sabihin ko sa `yo kung nasaan, I'll never bring you the pyramid."

Napaisip si Lexine. Siguro kung hindi siya nito niligtas sa kamatayan five years ago ay baka nandoon na siya. "Kung `di mo `ko binigyan ng kiss of death, malamang na sa Spirit World na `ko ngayon." At siguro kasama ko na rin si mommy at daddy.

Kumirot ang dibdib ni Lexine nang maalala ang mga magulang. Gustuhin man niyang muling makapiling si Leonna at Andrew sa kabilang buhay pero hindi niya pa kayang iwan mag-isa si Alejandro sa mundong ito. This is her world for now and she has so many things that she wanted to experience first.

Huminto sa paglalakad si Night at seryosong tumingin sa kanya. "If I would bring back the time, I'll still do what I did. I won't allow you to die, Lexine. Never."

Hindi siya sigurado kung ano itong mainit na humaplos sa kanyang puso. Kung ano man `yon at kung bakit sinabi `yon ni Night sa kanya ay may kung ano sa kalooban niya ang nagsisimula na namang mabuo.

Pagsapit ng alas-sais ng gabi ay sumakay sila sa Bateaux Parisiens Seine River Dinner Cruise. Isa itong sikat na luxury dinner cruise experience along Seine River. Pagpasok nila sa loob ng restaurant sa loob ng riverboat ay agad silang sinalubong ng isang lalaking waiter.

"Bonsoir monsieur et madame," buong ngiti na bati nito.

Hindi napigilan ni Lexine ang ma-excite. Ginaya niya ang sinabi nito. "Bonsoir!" At her peripheal vision she saw Night smirked in amusement. Nakangusong bumaling siya sa katabi. "Tama ba ang pronunciation ko?"

Nangingisi na nilapit nito ang bibig nito sa tenga niya. "Yes, mon amour."

Nag-init ang tenga niya at bumilis ang tibok ng kanyang dibdib. Mon Amour? Nag-iwas agad siya ng tingin. Mahina ata ang aircon sa loob ng restaurant dahil nagsimula ng magpawis ang noo niya.

"This way please Mr. Fuerdo, Ms. Alonzano." Buti na lang at nagsalita na ang waiter at sinamahan sila patungo sa kanilang table.

Namangha si Lexine nang makita ang tanawin sa labas ng bintana na katabi ng table na inupuuan nila. Makikita ang magandang night view ng Eiffel Tower, Louvre Museum at Ile dela Cite. Nakadagdag iyon sa romantic ambience ng lugar. Nagustuhan din niya ang live band na tumutugtog ng jazz music.

Ilang sandali pa at sinimulan nang i-serve ang kanilang three-course meal at dahil nagutom siya sa pamamasyal buong araw kaya ganado siyang kumain. Buong giliw lang siyang pinanood ni Night habang napapaungol at pikit pa siya sa sarap ng mga putahe. Maya't maya itong napapangiti.

"I'm so full. Thank you for the delicious meal!" Hinaplos ni Lexine ang kanyang tiyan.

"Did you enjoy the dinner?"

"Super! Busog na busog ako. I love everything here. I love the scenery, the people, the attractions, and most of all the food! Nag-enjoy ako!"

Sumilay ang magandang ngiti sa labi ng binata. "I'm glad you liked it."

Ngumiti siya rito at muling inabala ang mga mata sa pagmamasid sa tanawin sa labas. Ilang sandali pa at nagpaalam siya na pupunta ng restroom. She felt a little dizzy dahil naka-tatlong baso siya ng champagne. She truly enjoyed the day. She never thought Night would do an effort to tour her around Paris. At may maliliit na kiliti ang kumukulit sa kanyang damdamin. She actually felt so special tonight.

Tahimik niyang pinagmasdan ang sariling reflection sa salamin. She's surprised to see her cheeks flushed in light pink. Gusto niyang isipin na dahil sa alak `yon pero hindi niya maikakaila that her aura is actually glowing.

Is this because of the champagne or because of Night?

Related Books

Popular novel hashtag