HINDI MAKATULOG si Lexine. Paulit-ulit na nagpi-play sa isipan niya ang mga nangyari sa buong araw. Ang pamamasyal nila ni Night sa buong siyudad, ang pag-uusap nila tungkol sa trabaho nito bilang Tagasundo, nang dinala siya nito sa tuktok ng Eiffel Tower at ang mga huling katagang sinabi nito.
"Stay with me. I'll take care of you."
Hindi niya sigurado kung gaano siya katagal napipi at sa sandaling iyon ay wala siyang ibang naririnig kundi ang nag-uunahang tibok ng kanyang dibdib.
Tugtug... Tugtug... Tugtug...
Animo tumahimik ang buong mundo niya at walang ibang maingay kundi ang nagwawala niyang puso. Night's words made her warmth and lightheaded. It's a feeling that she has never felt before. Deep inside, Lexine ached to believe that everything he said was sincere. Ngunit nang muling bumalik ang mga bulong sa kanyang isipan ay mabilis na sumara ang matibay na pintuan ng kanyang binuo.
"You can deny all you want, but you cannot undo your destiny. You are mine whether you like it... or not. At ang pinaka ayoko sa lahat `yung isi-ni-share ang pag-aari ko sa iba. I don't share, Lexine. I'm so fucking selfish and I want you all mine. All of you."
"I have your precious little soul in my hands and nobody is allowed to benefit from but only me, understood?"
"You cannot break what's destined for you, Lexine. Because the moment you'd made a deal with the devil, you've given him all the right to your life. No matter how far you run. No matter how hard you fight. You'll never change your reality."
No! She won't fall for his trap!
"I'm tired. Please, take me home." Iyon ang tangi niyang sinagot sa binata. Tinalikuran niya ito at hinagkan ang sarili bilang proteksyon sa lamig ng hangin.
Mabilis nakauwi ang dalawa ng mansion dahil nag-teleport sila ni Night pabalik sa kwarto nito. Ngunit pagdilat ng mga mata niya ay mag-isa na lang siyang nakauwi sa silid. Hindi niya alam kung saan nagtungo ang binata. Tila may kamay na humugot palabas ng isang parte ng puso niya. Like there's a boundless hole inside her. She feels so empty, and she doesn't know why.
Hindi ba't tama lang naman ang ginawa niya? Hindi ba't pinangako niya sa sarili na hindi siya papayag na makuha ni Night? Pero bakit pakiramdam niya may mali? Bakit parang hindi siya masaya?
Ilang oras ng wala si Night at aaminin niyang nag-aalala siya nang husto kung saan ito nagpunta. Pero siguro ay tama na rin muna itong mapag-isa siya. Hindi niya pa kayang harapin ang binata. Nakatulog siya sa pag-aantay na bumalik ito. Paggising ni Lexine ay mag-isa pa rin siya sa kama. Nilingon niya ang old grandfathers clock sa kabilang side ng kwarto. Sabi sa orasan ay 3:33 na ng madaling araw. Nagbuntong-hininga siya. Mabigat pa rin ang kanyang didbib. Nahirapan na ulit siyang makatulog kung kaya't naisipan niyang maglibot sa malaking mansion.
Madilim ang buong mansion at tanging liwanag mula sa bilog na buwan na tumatagos sa mga bintana sa mahabang pasilyo ang nagsisilbing ilaw. Patuloy siyang naglakad hanggang sa dinala siya ng mga paa sa kabilang wing. Natanaw niya sa pinakadulo ng hallway ang isang pulang pinto na gawa sa mahogany. Sinubukan niyang pihitin ang door knob niyon. Swerte na hindi naka-lock. Dahan-dahan niyang tinulak ang pinto. Pagpasok niya roon, agad siyang binati ng malaking library. Napigil niya ang paghinga at pinagsawa ang mata sa sandamakmak na mga libro na nakadisplay sa naglalakihang bookshelves sa paligid. This is heaven on earth! Lahat siguro ng mga iyon ay nabasa na ni Night. Mahilig pala itong mangolekta ng mga libro. She has a soft heart for a guy who loves to read.
Kumpleto ang library mula fiction to non fiction gaya ng anthology, encyclopedia, autobiography, geography, history at kung anu-anu pa. May isang hilera pa na puro first edition. Isa iyon sa mga pruweba kung gaano na katagal namumuhay sa mundo si Night. Ano nga kaya'ng pakiramdam ng mabuhay nang walang hanggan? Na hindi tumatanda at hindi namamatay?
Isang bagay ang nakapukaw ng atensyon ni Lexine. Sa kanang bahagi ng library ay may mahabang drawer na may nakadisplay na iba't ibang mga historical artifact. Mga buto, patalim, pigurin, pera, scriptures at kung anu-anu pa. Lahat ng mga iyon ay nararapat na i-display sa museum. Habang namamangha sa nakikita, hindi sinasadyang natabig ni Lexine ang isang maliit na gargoyle. Napatalon siya at akala niya'y mahuhulog ang pigurin pero tumabingi lang ang ulo nito. Pumailanlang ang tunog ng umiikot na vault at unti-unting nahati ang buong dingding sa kanyang harapan. Isang tagong pintuan ang bumukas.
Namimilog ang mga mata na pumasok si Lexine sa loob. Maliit lang ang silid na mayroong fireplace sa gitna at katapat nun ang isang single seater na sofa. May floor to ceiling window sa kaliwang bahagi at karagdagang bookshelves sa kanan. Ngunit ang higit na pumukaw ng atensyon niya ay ang malaking painting na nakadisplay sa itaas ng fireplace. Nilapitan niya `yon.
Tumatama ang liwanag ng buwan sa painting. Isang batang lalaki at isang napakagandang babae ang magkayakap at masayang nakangiti. Sa paligid ng dalawa makikita ang malawak na kapatagan at isang bahay na gawa sa bricks at kahoy. Sa gilid nito mayroong kabayong puti na kumakain ng damo. Nabasa niya sa ibaba ng painting ang isang signature ng pintor. Luwinda, 1116.
Eleventh century? Ibig sabihin ay ganoon na katanda ang painting na ito? Pinagmasdan mabuti ni Lexine ang larawan. Halatang pinangalagaan itong ma-preserve sa kabila ng daan-daang taon na lumipas. Nakilala niya ang batang lalaki na si Night dahil sa tsokolate nitong mga mata. Subalit wala siyang ideya kung sino ang katabi nito. Tantya niya ay hindi nalalayo sa edad niya ang babae.
Napaka-amo ng mukha nito, mabilog ang kumikinang na mga mata at malaki ang ngiti sa labi na kasing aliwalas ng umaga. Maalon ang mahaba nitong buhok. Magkahawak kamay ang dalawa habang magkayakap. Mababasa sa mata ng mga ito ang labis na kasiyahan. Nilapat niya ang kamay sa painting at hinaplos ang texture niyon.
Kung hindi siya nagkakamali ng hula na si Night nga ang batang ito, ibig sabihin ay eleventh century pa pala ito ipinanganak? At sino naman kaya ang babaeng kasama nito? Ano'ng kaugnayan nito sa prinsipe ng dilim?
"What are you doing?"
Napatalon si Lexine sa lakas ng dumagundong na boses. Paglingon niya sa likuran natagpuan niya si Night habang matalim ang tititg na nagpabalik-balik sa kanya at sa painting. Binuka niya ang bibig pero naiwan sa hangin ang boses niya nang sa isang kurap ay nakarating na agad ito sa harapan niya at mabilis na hinablot ang kanyang braso.
"You're not supposed to be here!" Naninigas ang bagang nito.
Humakbang siya paatras. "S-sorry. Hindi kasi ako makatulog kaya..." Umurong ang dila niya. Nababahala siya sa labis na panlilisik ng mga mata ng binata. She has never saw him furious like this. Tila bato sa tigas ang kapit ni Night sa braso niya at agad siyang kinaladkad palabas ng library.
"Night, nasasaktan ako!"
Ngunit tila bingi ito at patuloy siyang hinatak. Nang makabalik sila sa kwarto ay tinulak siya nito sa kama. Nagilalas si Lexine sa inaasal nito. Kasing tulin ng kidlat na bumalik ang takot na nararamdaman niya para sa binata. Naging demonyo uli ito sa kanyang paningin.
"You stay here. I don't want you touching any of my things!" Dinuro siya nito habang naninigas ang bagang.
Pilit niyang nilunok ang bagay na bumabara sa lalamunan at nanginginig na niyakap ang sarili. Bahagyang lumambot ang mga mata nito nang makita ang itsura niya. Itinaas nito ang isang kamay at humakbang palapit sa kanya pero agad siyang pumitlag at tila batang nagtakip ng ulo. Malinaw sa pandinig niya ang mabigat nitong buntong-hininga na lalong nagpasikip ng kanyang dibdib.
Ilang sandali pa ang lumipas na hindi sila nagkibuan bago niya narinig ang mabibigat nitong yabag. Napapikit si Lexine nang malakas na bumagsak ang pinto. Naiwan siyang mag-isa sa silid habang nakatulala sa kawalan.
Bakit gano'n na lang ang naging reaksyon ni Night nang makita siyang hawak ang painting? Sino ba talaga ang babae sa larawan? At bakit kailangan nitong magalit sa kanya ng dahil doon?