Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 55 - Confused

Chapter 55 - Confused

NAKARATING na si Lexine sa parking lot nang biglang lumitaw si Night sa kanyang harapan. "Ay kalabaw—anu ba! Hindi mo ba titigilan `yang panggugulat mo sa `kin?!" singhal niya rito habang sapo-sapo ang dibdib. Kahit kailan ay hindi na siya nasanay sa pagiging kabute nito na bigla na lang sumusulpot kung saan-saan.

Ngumuso ito. "Hey, pikon mo naman, it was just a joke."

Humalukipkip siya at pinagtaasan ito ng isang kilay. "Hindi `yon nakakatuwa, para kang bata. Ang hilig-hilig mo pa rin maglaro ng ganun, seriously? Ilang taon ka ba? Five years old?"        

Tinaas ni Night ang dalawang palad nito na tila sumusuko sa pulis. "Woah, there scary woman! I'm twenty-one." 

"Twenty-one?" She scoffed and rolled her eyes. "Baka twenty-one thousand years!"

"Uh-oh. Don't make my age a big deal. Age doesn't matter and by the way, I'm not that old." Inakbayan siya nito at agad siyang nanigas na parang kahoy. Tumutusok sa ilong niya ang bango nito at kung pwede na lang na `wag siyang huminga ay gagawin niya. Poisonous ang amoy nito at nilalason ang katinuan sa isip niya.

"And what I said is true, I stopped aging when I reached twenty-one. That's why I'm forever twenty-one, and you're also twenty-one. Magkasaing edad lang tayo. We're perfectly matched," dagdag pa nito sabay kindat sa kanya.

Mabilis na uminit ang pisngi ni Lexine kasabay ang pagbilis ng tibok ng kanyang dibdib. Habang tumatagal ay hindi na nagiging maganda ang pakiramdam niya sa tuwing nagkakalapit sila ni Night. Kung anuman itong nabubuo sa kalooban niya ay dapat niyang pigilan. Kaaway ang lalaking ito at hindi siya dapat nagpapahulog sa mga patibong nito. Lalo na sa seducing capability nito na siyang pinakamapanganib sa lahat ng taglay nitong kapangyarihan.

Sariwa pa sa alaala niya ang muntik nang paghahalikan nila sa hospital. Lalo lang iyong nakadagdag sa pagkailang na nararamdaman niya. She was so stupid to let herself wide open again and almost got kiss by the devil.

Kumawala siya sa akbay ni Night at nagmamadaling naglakad patungo sa kanyang sasakyan. Pinindot niya ang hawak na keyless lock. Hinawakan niya ang door handle pero maagap nitong kinuha ang braso niya. "Wait—"

Napasinghap siya nang malakas. Natigilan si Night at nag-isang guhit ang kilay nito. "Is something wrong with your arm?"        

Agad niyang binawi ang braso. "Wala."

Pero ang totoo ay may mga pasa at galos siya roon gawa ng pakikipagtunggali sa mga ravenium demon. Hindi naniniwala si Night at agad nitong hinarang ang sarili sa pinto ng kotse niya. Kinuha uli nito ang kanyang braso, inangat ang suot niyang long-sleeve at bumungad dito ang sandamakmak na marka ng mga kalmot at nagkukulay ube niyang pasa.

"What's this? Did someone attack you again? Why are you hiding this to me?"

Magrereklamo sana siya sa pagiging demanding at bossy ng binata ngunit nang makita niya ang apoy sa mga mata at pagtitigas ng bagang nito ay biglang naurong ang dila niya.

"Tell me, Lexine! Who did this to you? Another ravenium? Kailan nangyari `to? Saan?" Nagsimula na itong magtaas ng boses habang hindi mapakali sa kinatatayuan.

Hindi alam ni Lexine kung mababahala ba siya o tatawa dahil ito ang unang beses na nakitaan niya ng uneasiness si Night. Madalas na laging cool o intimidating ang dating nito kaya naman maituturing na world record ang nakikita niya sa mukha ng binata sa sandaling `yon. At mayroong makulit na daliri sa kalooban niya ang kumikiliti. She's not even sure if that's a good or bad thing.

"May sumugod na tatlong ravenium demon sa hospital. Kinuha nila si Ansell tapos sumanib sila sa dalawang nurse at isang babaeng doctor na katulad ng ginawa nila kay Mang Ben. Sinubukan nila `kong kunin at ang sabi nila dadalhin daw nila ako sa kamahalan nila."

"Kamahalan." Binalot ng anino ang mukha ni Night. Tumingin ito sa malayo. "May nag-uutos sa kanila para ipadukot ka."

"Bakit? Kilala mo ba kung sinung nasa likod nito?"

Hindi ito makatingin sa kanya nang diretso. Muli na namang umasim ang pakiramdam ni Lexine. She hates this feeling. Why did everyone seem to know something pero siya itong laging walang alam sa mga nangyayari. This is her freaking life, but she doesn't have any control over it! Sawang-sawa na siya sa mga lihim. Sawang-sawa na siya na puro na lang tanong at walang sagot.

Hindi makapagtimping hinawakan niya si Night sa magkabilang balikat at pilit na hinuli ang mga mata nito. "Answer me! May kinalaman ka ba rito? Kasi kung isa na naman `to sa mga laro mo, please lang—"

Kinabig ni Night ang batok niya at nasubsob siya sa dibdib nito. Malaya niyang nadidinig ang mabagal ngunit malakas na tibok niyon. Her anxiety was quickly vanished as his familiar arms and winter night scent made her feel secure. Kailan pa siya napalagay sa mga yakap nito?

Bakit ba kakaiba ang tibok ng dibdib niya sa tuwing nagdidikit sila ni Night? Is this feeling still because she's terrified by his presence, or is it already something else? Why does she have to feel this way with the demon who put a curse on her?

'This is wrong. Kalaban siya!' Pero bakit hindi nakikinig ang katawan niya?

"They almost got you, shit. I'm gonna fucking kill Elijah for making me dead drunk." Lalong humigpit ang mga bisig ni Night at binaon ang mukha nito sa kanyang leeg. "I'm so fucking stupid, damn it."

Lexine can vividly hear the frustrations in his voice and it just made her feel more confused. "I'll never forgive those fucking dogs for hurting you."

Nagbuhol ang dila niya at hindi siya makapagsalita o kahit makagalaw man lang. Sa mga sandaling iyon wala na siyang ibang naririnig kundi ang mababa at malumanay nitong boses na nagpatahan sa nagwawala niyang puso.

Paano ba sila dumating sa ganito? All she knows, takot siya rito. Ito ang lalaking sinusumpa niya at delikado ang buhay niya sa mga kamay nito.  But now, under his familiar arms and soothing voice. Bakit pakiramdam niya kung mayroon man isang lugar sa mundo kung saan siya magiging pinakaligtas ay dito iyon sa mga bisig ni Night. Why does she feel... happy?

Muli siya nitong hinarap at marahang hinaplos ang magkabila niyang pisngi.

"I'll fucking kill them." His voice was grim and gravelly. His eyes were dangerous as a vicious beast. Ngunit sa likod ng nagbabanta nitong mga mata ay isang nagtatagong katauhan na sa kanya lamang nito pinapakita.

"Night."

Mula sa pagiging matigas na yelo ay mabilis na lumambot ang mukha ng binata. Mula sa mga mata niya bumaba ang titig nito sa kanyang labi. Napalunok siya nang madiin kasabay ng mabilis na panunuyot ng lalamunan niya. 

Ano ba talaga siya kay Night? Isang gamit na pinaglalaruan o isang laro na kinagigiliwan? Pero ang pinakamagandang tanong na dapat niyang mas isipin ay kung ano itong nakikita niya sa mga mata ng binata? Ano nga ba itong koneksyon na mayroon silang dalawa? Dahil ba ito sa sumpa? She can't understand how can a curse make her feel so confused.

"Wait." Kumunot ang noo nito. "Sabi mo tatlo sila. Then how did you survive?"

Naurong ang dila niya. Paano nga ba niya ipapaliwanag?

"Dahil sa `kin. Dahil pinrotektahan ko siya!"

Sabay silang lumingon sa pinanggalingan ng boses. Nanlaki ang mata ni Lexine nang matagpuang nakatayo sa kabilang panig ng parking lot si Ansell—mali, si Cael. 

"You... again." Mabilis na bumalik sa dating dilim ang mga mata ni Night.

"Oo, ako nga. Layuan mo si Alexine. Hindi ako papayag na masaktan mo siya, Tagasundo!" madiin na utas ni Cael. Taas noo at walang kurap itong nakipagtagisan ng tingin kay Night.

Mabilis ang pagbigat ng tensyon sa paligid. Agad na hinarang ni Night ang katawan nito sa kanya. Tila ba isang hangin lang na dumaan ang malambot nitong katauhan na nakita niya kanina. Bumalik na ang dating bagsik ng prinsipe ng kadiliman. It is the face of the cruel beast that he always shows to everyone.

His lips stretched to a poisonous smile. "Baka may nakakalimutan ka, birdie. Lexine is my girl, and she's under my power. Fucking threaten me again and I won't think twice to pluck all your feathers one by one and burn your wings until they turn into ashes."

Isang mapanganib at mabigat na enerhiya ang nagsisimulang mabuo sa pagitan ng dalawang binata. Animo dalawang mababagsik na hayop sa gitna ng kagubatan ang mga ito at naghahandang pag-agawan ang isang pagkain.

Sa kasamaang palad... si Lexine ang pagkaing iyon.