Chereads / Kiss of Death and Shadows / Chapter 56 - Night vs Cael [1]

Chapter 56 - Night vs Cael [1]

NALULUNOD si Lexine sa makapal at mabigat na tensyong namamagitan sa dalawang binata. As if inside a deadly game, two giant walls were slowly coming towards her, time is ticking and she needs to stop the walls or else, she'd be dead; crushed and flatten. But the question is how?

"Long time no see, birdie." Ang prinsipe ng dilim ang siyang unang bumasag ng nakabibinging katahimikan.

May kinuha si Cael sa likuran nito: isang puting balahibo. Katulad `yun ng balahibong tinatago niya. Nagliwanag ang hawak nito at nagbagong anyo sa isang umiilaw na espada na gawa sa clear crystals.

"Layuan mo si Alexine. Hindi ko hahayaang gamitin mo siya sa masama mong plano, Tagasundo." Mababa man at kalmado ang boses ni Cael ay maririnig pa rin ang pagbabanta roon.

Tumaas ang isang kilay ni Night. "Tagasundo? Dude, that's too old school." Humalukipkip ito at pinatong ang isang kamay sa baba. "Mas gusto ko `yung bagong tinatawag sa `kin ng mga mortal. I heard some millenials calling me this name, hmm." Tumingin ito sa itaas na tila nag-iisip. "Apparently, people from Korea are producing crap tv series `bout me. What was that again? Ah!" Bigla itong pumapalakpak.

"Grim Reaper! Yeah, I prefer that one. It's quite cool and badass, right, cupcake?" Lumingon ito sa kanya at pilyong kumindat.

Umikot ang mga mata ni Lexine. Hindi ito ang oras upang makipaglaro sa bata. Hindi niya alam kung anung dapat niyang gawin. Paano niya pipigilan ang dalawang ito? Masyadong mataas ang tensyon na nangyayari at siguradong katawan ni Ansell ang malalagay sa panganib kung magpapatuloy ang mga ito sa pagtutunggali. Alam niyang tuluyan nang nadamay ang best friend niya sa gulo ng kanyang buhay. Pero hindi ibig sabihin nun ay tutunganga na lang siya at manunuod na magpatayan ang dalawa sa kanyang harapan. Kung may magagawa siya para walang masaktan ay gagawin niya. She have to stop them before it's too late.

"Itigil mo na ito Tagasundo. Dahil sa `yo kaya nasira ang balanse ng mundo. Ngayon ay mas lalong nalagay sa kapamahakan ang buhay ni Alexine. Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito!"

Nalusaw ang kapilyuhan sa mga mata ni Night at napalitan ng matalim na tingin. Dumoble ang kaba ni Lexine. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Cael at kung bakit tila naapektuhan si Night.

Anung balanse ng mundo ang ibig nitong sabihin? Ang alam niya lang ay ang tungkol sa Kiss of Death. Muli niyang naalala ang binitiwang salita ni Madame Winona.

"Pareho kayong sisingilin ng tadhana sa desisyon na inyong ginawa. Ang paglabag sa batas ng balanse ng mundo ay may kaakibat na kapalit."

May kaugnayan ba ang sinasabi ni Cael sa mga binitiwang salita ng manghuhula?

"Watch your mouth, birdie. You don't want to piss me off."

Umihip ang malakas na hangin kasabay ng pagguhit ng kidlat sa madilim na kalangitan at sinundan ng nakabibinging kulog. The prince of the darkness's face was the epitome of a dreadful nightmare.

Nagsisimula nang bumalot ang ubod ng itim na aura sa katawan ni Night. Patuloy na nagpalitan ng mainit na tingin ang dalawang lalaki. Kung ano man ang pinag-uusapan ng mga ito ay tiyak niyang hindi maganda ang kahihinatnan niyon. Lalo lang nagagalit si Night at hindi magandang ideya na galitin ang prinsipe ng kadiliman. Ang kalabanin ito ay tila paglalakad nang nakapaak sa nagbabagang apoy.

Hindi na sumagot pa ang anghel, imbis, ay mas lalong tumalim ang tingin nito sa demonyo. Mahigpit na hinawakan ng dalawang kamay ni Cael ang espada nito at hinanda ang sarili sa nalalapit na labanan.

Dumoble ang pag-uunahan ng pulso ni Lexine. Night is too powerful. Ilang beses na niyang nasaksihan kung gaano kalakas ang kapangyarihang taglay nito. Siguradong walang laban si Cael dito. She can't bear to see anyone get hurt.

Hindi na niya kayang tumahimik. "Night, please, huwag mong gawin `to."

"Sorry, cupcake but this is only for boys," malamig na sagot ng prinsipe ng dilim na hindi man lang siya tinapuan ng tingin.

Umiling si Lexine. Nais pa sana niya itong pakiusapan ngunit biglang sumigaw si Cael at mabilis na tumakbo palapit kay Night. Ang huli ay kampante lang na nakatayo at nag-aantay.

Binuhat ni Cael ang dalawang paa at mataas na tumalon. Inangat nito ang espada at itinutok pababa ang talim niyon kay Night. Naglaho si Night sa hangin at tanging itim na usok lamang ang tinamaan ni Cael. Lumitaw uli si Night sa ibabaw ng isang itim na Montero Sports na nakaparada limang metro mula sa likuran ng anghel. Sinugod uli ito ni Cael ngunit usok pa rin ang tinamaan nito.

"Is that all you got, birdie?" Ngumisi si Night. Muli itong naglaho at lumitaw sa katabing pick-up. Umupo ito sa hood ng bubong at pumalumbaba. "This is boring."

Nanggigigil ang ngipin na muling sumugod si Cael. This time he moved faster. Tinamaan nito ang hood ng sasakyan. Nawasak iyon. Tumalon si Night, umikot sa ere at lumanding sa likuran ni Cael. Mabilis na hinumpas ng huli ang espada nito at nabigo pa rin itong makatama.

"You know what, birdie." Muling lumitaw si Night sa likuran ng anghel. "I'd like to give you my once in a lifetime token of appreciation for protecting my cupcake from those stinky dogs."

Hinihingal na humarap si Cael. Hinablot ni Night ang leeg nito at walang hirap itong binuhat na parang papel. Umangat ang mga paa nito mula sa sahig. Nabitawan ni Cael ang espada.

"Cael!" sigaw ni Lexine. Agad siyang tumakbo palapit sa dalawa.

"Unfortunately, your stench badly hurt my nose. You smell like a fucking bird poop." Nanlisik nang husto ang mga mata ni Night. "Tingin mo `di ko alam na sinusubukan mong diskartehan si Lexine? Ginagamit mo pa ang tarantado niyang kaibigan. Hmp. Pathetic." Lalong bumaon ang mga kuko nito sa leeg ng anghel.

"I told you before that if I see your fucking face again, I won't hesitate, even for a second, to burn your ass. You're quite doing me a favor, you know. If I kill you now, then I'd kill this asshole too." His lips crooked and his eyes gazed like a serpent eye, ready to strike.

Hinawakan ng dalawang kamay ni Cael ang braso ni Night. Tumatagaktak na ang pawis nito at namumutla ang mukha. Sa nahihirapang boses, buong gigil nitong sinambit ang bawat salita. "Hinding-hindi mo makukuha si Alexine dahil kahit kailan hindi siya mapapasakamay sa katulad mong nasusunog sa impyerno."

Nag-apoy ang mga mata ng Tagasundo at buong pwersang hinagis si Cael. Tumalsik ito at tumama sa mga kotseng nakaparada. Sa lakas ng impact ay napipi ang isang hilera ng magkakadikit na sasakyan.

Horrendous and sinister darkness began to wrap Night's body. Black smoke dances in the air and twisted to his legs, waist, arms, until to the crown of his head. Blue fire replaced his brown eyes. Malakas na yumanig ang lupa. Sabay-sabay na pumutok ang bumbilya ng mga poste sa paligid ng parking. Napatili si Lexine, nagtakip ng dalawang tenga at tila batang umupo sa sahig. Binalot ng dilim ang buong paligid. Muling gumuhit ang kidlat sa langit kasunod ng malakas na kulog.