SA PAMILYAR na apat na sulok ng kanyang silid nagmulat ang mga mata ni Lexine. Lumibot ang tingin niya sa paligid at natagpuan si Ansell na nakatayo sa harap ng bukas na balcony. Sumasayaw paloob ng silid ang puting mga kurtina na sumasabay sa himig ng hangin. Taimtim nitong pinapanood ang maulan na gabi.
"Ansell?"
Lumingon ang binata at `tsaka niya lang naalala na hindi na ito ang kanyang best friend. Mabilis na bumalik sa isipan niya ang mga nangyari sa rooftop ng hospital. Sa pangalawang pagkakataon ay may nakaharap siyang mga halimaw. Kailan ba matatapos ang lahat ng ito? O mas tamang sabihin na nagsisimula pa lang ang mga panganib na darating sa buhay niya.
Agad siyang bumangon at lumapit sa binata. Hindi napigilan ni Lexine ang sarili na mamangha sa angking kisig nito. Even in person he still possesses that kind of holy aura. Ang binata na sa panaginip niya lang nakikita at nakakausap ay ngayon nasa kanya ng harapan. Feeling tuloy niya ay panaginip pa rin ang lahat.
Huminto si Lexine sa harap ni Cael at tumingala sa perpekto nitong mukha. Wala ni kahit anung bahid ni Ansell sa mukha nito maliban sa itim na buhok at asul na hospital gown na huling suot ng kaibigan niya. "Kumusta na ang `yong pakiramdam, Alexine?"
Ang tila nanghehele nitong boses at ang nanunuot sa ilong na amoy ng malamig na powder; iyon ang mga bagay na nagpapatotoong si Cael nga talaga ang kanyang kaharap at hindi siya namamalikmata. "Okay lang ako, ikaw? Hindi ka ba nasaktan? I mean... hindi ba nasaktan ang katawan ni Ansell?"
Taimtim na tumitig sa kanya ang mga mata nito na maihahantulad sa payapang kalangitan. "Maayos ang aking kalagayan at wala kang dapat ipag-alala sa `yong kaibigan."
Nakahinga siya nang maluwag. "Paano ka… paano ka naging si Ansell? Hindi ko maintindihan."
Tumingin ito sa malayo at pinagmasdan ang madilim na langit. Sa gitna ng katahimikan nanginigbabaw ang mahinang pagpatak ng ulan at pagsayaw ng mga sanga ng puno. Niyakap ni Lexine ang sarili, proteksyon sa lamig ng hangin na pumapasok sa loob ng silid.
Naalala niya ang mga araw na hindi maganda ang pakiramdam ni Ansell. Ang pagsanib ba ni Cael ang dahilan kung bakit nanghihina ang kaibigan niya? Maging ang gabi na pinagtangkaan siya ng grupo ni Cristoff. Doon pa lang ay napansin na niyang may kakaiba sa inaakto ni Ansell. Kaya pala, dahil si Cael na pala ang kausap niya at hindi ito. Iyon din ang unang pagkakataon na naamoy niya ang halimuyak ng powder at eucalyptus na tumatak na kanyang isipan.
Matapos ang mahabang pananahimik ay muli itong humarap sa kanya. "Katulad ng sinabi ko sa `yo no'ng nagkausap tayo sa `yong panaginip. Ang mga katulad ko'y hindi gawa sa putik na katulad niyong mga mortal sapagkat gawa kami sa liwanag."
"Liwanag?" ulit niya. Nagbalik sa isipan niya ang sinabi ni Madame Winona. Darating ang mga nilalang na gawa sa nakasisilaw na liwanag upang iligtas siya. Kung gano'n ay si Cael nga ang tinutukoy nito.
"Oo. Isang makapangyarihan at kakaibang uri ng liwanag. Labag sa Banal na Kautusan na magkaroon ng pisikal na kaugnayan ang mga uri ko sa mga mortal sa mundo. Kaya naman sa `yong panaginip ako pumapasok upang makausap ka at mabigyan ng babala sa mga panganib na `yong kahaharapin."
Totoong namamangha si Lexine sa mga nalalaman niya. Eveything was a mind-blowing revelation. Ganito na pala talaga ka-complicated ang buhay niya. Who would have thought that this world has so many unexplainable mysteries?
"Ginamit ko rin ang mga tao sa paligid mo upang maging instrumento sa paghahatid ng mensahe sa `yo. Ginagamit ko ang katawan ni Ansell upang makalapit sa `yo nang hindi ako nagpapakita sa tunay kong anyo."
"Tunay mong anyo?"
"Sa pamamagitan ng pagsanib sa katawan ng isang tao ay malaya kaming makakalapit sa inyo."
"But aren't you in trouble with possessing a human body?"
Saglit itong nag-isip at bilang sagot ay umangat ang sulok ng bibig nito.
All this time, Lexine assumes that Cael was a mysterious but righteous man. However, she has never imagined that he could be mischievous too.
Hinawakan nito ang dalawang kamay niya. Lexine caught her breath at the tenderness of his palms. The joy in his face was contagious. Despite the unfamiliarity, his presence didn't bring her any threat. Bukod pa roon ay may kakaiba siyang nararamdaman sa presence ni Cael. Feeling niya ay lumulutang siya sa alapaap. Ibang-iba `yon sa presence ni Night. Hindi niya tuloy maiwasan na ikumpara ang dalawa.
Sa tuwing si Night ang kasama niya palagi siyang kabado at pakiramdam niya simula nang nakilala niya ang lalaking iyon ay nagkaroon na siya ng asthma. `Di siya sigurado kung dahil sa takot o baka dahil masyado lang siyang affected sa mga haplos nito. The feeling is dangerous but at the same time she feels an unexplainable connection with him. Samantalang kay Cael naman ay mapayapa ang kanyang pakiramdam. She feels safe and sound with him.
Hinawi ni Cael ang nakakalat na buhok sa kanyang mukha at pinadausdos ang likod ng mga daliri nito sa pisngi niya. Kung titigan siya nito animo isa siyang mamahaling bagay na dapat ingatan.
"Matagal na kitang binabantayan mula sa malayo, Alexine. Sa buong buhay ko ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito. Hindi ko rin alam kung paano o kailan nagsimula. Kahit alam kong labag sa Banal na Kautusan at kahit alam kong hindi maari, hindi ko pa rin magawang pigilan ang sarili ko."
Sinuri nito ang kabuaan ng kanyang mukha na tila ba minimemorya `yon.
"Nilikha ang katulad ko upang maging Tagabantay ng mga nilalang sa mundo. Ang tungkulin ko lamang ay pangalagaan at protektahan ka." Nilapat nito ang palad niya sa dibdib nito. "Pero iba ang tinitibok nitong puso ko."
Nanlaki ang mga mata ni Lexine. Hindi sya handa para sa lahat ng ito. At utang na loob naman, first personal meeting pa lang nila pero may confession na agad na nagaganap? Iba rin ang galawan ng isang ito.
"Alexine." Humakbang si Cael palapit sa kanya. "Mahal kita at handa akong itaya ang buong buhay ko maprotektahan ka lamang."
Umihip ang malakas na hangin. Sumayaw ang mga kurtina. Tumamihik ang kapaligiran at walang ibang maririnig maliban sa malumanay na pagpatak ng ulan sa sahig ng balcony na tila isang musika na nakikiisa sa panahon. Natulala si Lexine. Suddenly, she doesn't know how to speak anymore.
Kinulong siya ni Cael sa mga braso nito. "Ang tagal kong pinangarap na mahagkan ka nang ganito. Alam kong nabibigla ka ngunit totoo ang lahat ng aking sinasabi. Mahal kita, Alexine. Hindi ako umaasang mamahalin mo rin ako ngunit pinapangako ko sa `yo na gagawin ko ang lahat upang mailigtas ka sa kasamaan. Lalong lalo na sa Tagasundo."
Strong tender hands embraced her heart. Hindi man niya lubos na kilala si Cael pero nararamdaman niyang mapagkakatiwalaan niya ito. Ngunit napakarami pa ring bagay ang hindi niya naiintidihan. She let go from his embrace.
"I don't understand, Cael. I mean—I appreciate your feelings but I'm still lost and confused. I don't know what the hell's going on. Ang dami-daming kong tanong pero laging walang sagot. Ano ba'ng meron sa `kin at bakit nangyayari ang lahat ng `to?"
All this time, she has believed that she was just a normal girl with big dreams. Ngunit mula nang nakipagkasundo siya sa prinsipe ng kadiliman ay nagbago na ang lahat. Why did Night concede her a second life? Why is she being protected by someone like Cael who is mysterious and made of light? Why do the demons want to capture her? Why her? Kung tuluyan ba siyang namatay noon ay hindi na nangyayari ang lahat ng ito, o hindi nga ba? Ito ba talaga ang kapalaran niya?
"Busilak ang `yong kalooban Alexine at `yon ang nangingibabaw sa `yo. Ang may pinakamabuting puso ang siyang madalas na sinusubok ng kapalaran." Marahan nitong hinaplos ang pisngi niya. "Higit ka pa sa kung ano ang inaakala mo.
His words suddenly hit home. "You are more than what you think you are." That's what her mother used to say to her.
Ngunit mas marami lang ang katanungan na dumagdag sa isipan niya. Ano na naman ang ibig nitong sabihin? Kinuha nito ang kamay niya at damping hinalikan ang ibabaw niyon. "Paalam, Alexine."
Naalerto siya. Marami pa siyang gustong linawin. Bago pa man siya makatutol ay bigla na lang bumagsak ang ulo nito sa balikat niya. Pagtulak niya rito ay mukha na ulit ni Ansell ang kanyang nasilayan. Tuluyan nang lumisan si Cael sa katawan ng binata.
Umungol si Ansell at unti-unting nagmulat ng mga mata. Nag-isang linya ang kilay nito matapos mapagmasdan ang paligid. "Lexi? What am I doing in your room?"
Mahigpit na hinagkan ni Lexine ang kaibigan. Lubos siyang nagpapasalamat na ligtas ito. Hindi niya napigilan ang pagbigat ng dibdib. Pati tuloy ang best friend niya na ayaw niyang madamay ay tuluyan nang nadawit sa kaguluhan at kababalaghang nangyayari sa buhay niya.
Ngayon, kailangan nila ni Cael ang katawan ni Ansel upang maprotektahan siya laban sa mga kalaban. Nalulungkot siya sa katotohanang kailangan nila itong gamitin. But she doesn't have any choice. She needs to survive this battle. Si Cael lang ang maaaring makatulong sa kanya.
Kapalit ng kaligtasan niya ay ang posibilidad na maaring malagay sa panganib ang buhay ng pinakamamahal niyang best friend.
'I'm sorry, Ansell. I'm so sorry.'