NOTE: You may download and listen to KODAS soundtrack playlist on Spotify to have a full reading experience. Just search: Kiss of Death and Shadows.
--------------------------
"HAPPY BIRTHDAY, DARLING!"
Lexine's almond-shaped eyes sparkled like a star in the evening sky as she stared at the small rectangular box in front of her. Tila ping pong ball na nagpabalik-balik ang titig niya roon at sa nakangiting mukha ng kanyang abuelo. "Open it," nakangiting udyok nito.
Dali-dali niyang tinanggal ang buhol ng ribbon na nakatali sa box at binuksan ang takip niyon na may tatak na Harry Winston. Malakas siyang napasinghap. "Oh. My. God!"
"Did you like it?"
"I don't like it, I love it!"
Gumuhit ang ngiti sa labi ni Alejandro. Kinuha nito ang kwintas at sinuot sa kanyang leeg habang nakatayo sila sa tapat ng full-sized mirror. Taimtim na pinagmasdan ni Lexine ang kanyang repleksyon. She's wearing a champagne pink chiffon gown that gives her pale skin an ample glow. She lightly touched the locket with her fingers. "This is so beautiful. Thank you so much, lolo."
"You're marvelous my darling. You look exactly like Leonna when she was at your age."
Lexine stepped closer to the mirror without leaving her eyes off her face. They have a big old family picture hanging on Alejandro's home office. Nitong mga nakaraang buwan ay madalas niyang natatagpuan ang sariling pinagmamasdan ang picture na iyon. Noong una ay hindi niya maintidihan sa tuwing sinasabi ng lolo niya na kamukhang-kamukha niya ang mommy niya pero ngayong nagdadalaga na siya ay napatunayan niyang hindi nga ito nagsisinungaling. The girl standing in front of her perfectly resembles the woman in their family picture. Para silang pinagbiyak na bunga ni Leonna.
Lumipat ang atensyon ni Lexine sa abuelo. Sumasalamin sa mata ng matanda ang labis na kaligayahan ngunit sa likod ng mga ngiti nito naroon ang lungkot na hindi nito kayang itago. She knows her grandfather so well as if he was part of her body.
Humarap siya kay Alejandro at nilingkis ang maninipis na braso sa bewang nito. "Lolo, ayan ka na naman sa pagse-senti mo. Remember what we've promised to each other?" pinatong ni Lexine ang baba sa balikat nito. "Bawal ang sad, dapat lagi lang tayong masaya. Ikaw rin sige ka, dumadami nang wrinkles mo." Tinuro niya ang kulubut sa gilid ng mata nito.
Dumagundong ang malakas na halakhak ni Alejandro at marahang hinaplos ang kanyang buhok. "Of course my darling, Lolo's always happy especially when you're here with me." Pinindot nito ang tungki ng ilong niya, Lexine giggled. "Wala na `kong ibang mahihiling pa sa Diyos dahil binigay na niya sa `kin ang pinakamagandang regalo. You."
Mas lalong siniksik ni Lexine ang sarili rito. Alejandro used to caress her hair since she was six. Madalas siyang dalawin ng masasamang panaginip noon at sa tuwing hinihimas ng lolo niya ang kanyang buhok ay kumakalma siya. Nang tumungtong si Lexine sa edad na labintatlo ay saka lang tumigil ang mga bangungot. She may be too old for this gesture but she'll always be her lolo's baby princess.
"Sigurado `ko na kahit nasaan man si Leonna ngayon, she's very proud to have a talented and beautiful daughter like you," dugtong pa ng matanda na lalong nagpainit ng kanyang dibdib.
Lexine holds the sting at the back of her eyes. "I miss her too, lolo, every single day."
Growing up without parents was never easy. Needless to say, Lexine's still lucky of having Alejandro at her side who has always been there for her since the day she had woken up facing the nightmare that her parents already left her. Her grandfather became the solid anchor that held her in place during those times that she was lost and devastated. Ni minsan ay hindi niya naramdamang nag-iisa siya. Maaaga man siyang naulila ay nagpapasalamat pa rin siya sa Maykapal na pinagkalooban siya nito ng mapagmahal na lolo. She couldn't ask for more.
"Lo, pinapaiyak mo naman ako. Please, sayang ang two hours na inupo ko para mag-make up," biro niya sabay punas ng namuong luha sa gilid ng kanyang mata.
Muling umalingawngaw ang malusog na tawa ni Alejandro. Hinaplos nito ang magkabila niyang pisngi. "Hay, ang bilis naman ng panahon. I can't believe that you're already sixteen. Pero bawal muna ang mag-boyfriend, ha, my darling. Ayoko pang mawala sa `kin ang pinakamamahal kong apo."
Tumulis ang nguso niya. "Lolo, ikaw lang kaya ang nag-iisang lalaki sa buhay ko! And no matter what happens, I'd never leave you. I promise."
"I love you always my dearest darling."
"And I love you more lolo."