"MOM, I'm okay, I landed safe and sound." Paniniyak ni Wevz sa kanyang ina. Kahit kailan talaga ay napaka-maalalahanin ng kanyang mga magulang. Lalo na ang kanyang ina.
"Okay, ingat ka baby and always keep us up to date okay?" Habilin pa nito.
Napabuntong hininga siya. "Okay mom, bye, love you too." Nang makapag-paalam na ng mabuti sa ina ay mabilis niyang tinawagan ang kaibigang si Gia. But she is not answering her phone.
Nagpa-linga-linga siya sa Ninoy Aquino International Airport. Kailangan niyang mag-tanong kung saan ang pinaka-malapit na mall na pwede niyang puntahan dahil wala siyang masyadong dalang mga damit. Sa mall nalang siya mamimili habang hinihintay ang kaibigan.
Ayon sa kanyang ina ay dati silang naninirahan sa Pilipinas. Besides, ito ang kanyang lupang sinilangan. But 5 years ago her parents decided to migrate in Canada. Ngunit hindi niya alam ang pasikot sikot dito. Sa kanyang isipan ay parang ngayon palang siya nakarating sa bansang ito. Ngunit ang kanyang pakiramdam ay taliwas sa kanyang naiisip.
"Excuse me mister, can I ask you something?" Sinikap niyang kuhanin ang atensiyon ng isang lalaking malapit sa kinaroroonan niya. At halos mamilog ang mga mata niya nang humarap ito sa kanya. "Grabe! Nasa langit na ba ako?" Hindi mapigilang tanong niya.
Kulang yata ang salitang gwapo para ilarawan ang kaharap niya ngayon. Mukha itong Greek God na nanggaling sa Mt. Olympus! Ay hindi! Mas kamukha nito si superman! Oo tama! Si Henry Cavill! "Superman?" Tanong niya sa kaharap ngunit lalo lang kumunot ang noo ng lalaki.
Mukhang foreigner ang lalaki. Beautiful set of gray eyes, pointed nose, perfect tan skin tone, thick and firm set of eyebrows, a wavy and a little bit of curly hair. May maninipis itong bigote na mukhang dulot ng mga ilang araw na hindi pag-shave. Matikas ang pangangatawan nito katulad ni superman!
"Love?" Bulong nito ngunit sapat na para marinig niya.
"Wow! You are so fast! I know you look like superman but I'm not an easy woman." Aniya rito na naka-ngiti.
Mukhang natauhan ang kaharap. At biglang nagsalubong ang mga kilay nito. Nanatili naman siyang naka-ngiti at kinurap-kurap pa niya ang mga mata upang magpa-cute sa kaharap. Nang akmang tatalikuran na siya ng binata ay maagap niyang iniharang ang katawan sa daraanan nito.
"Do you know what is the nearest mall here?" Tanong niya rito.
Muling nagsalubong ang kilay ng lalaki. "Mukha ba akong information officer?" Masungit na wika nito sa kanya. Ngunit mas nagulat siya dahil marunong itong mag-tagalog.
"Wow! Isn't amazing? Marunong kang mag-tagalog!" Bulalas niya na tila ikinainis nito. At walang sabi-sabing tinalikuran siya nito. Ngunit bago ito tuluyang maka-talikod sa kanya ay nahagip niya ang wedding ring nito.
"Ay sayang! Gwapo pa naman sana pero masungit! Kung sa bagay kasal na pala!" Bulong niya sa sarili. Ngunit hindi niya napigilan ang sarili, bahagya niyang hinabol ito at bahagya siyang sumigaw dahilan ng pagharap ng mga ibang tao sa airport. "Mister sungit! Kamukha mo si superman!"
Parang slow motion na humarap ang gwapong lalaki, kinindatan niya ito at nag-peace sign gamit ang mga daliri at pag-katapos ay walang sabi sabing nilagpasan niya ito.
"Life is too short, kaya dapat sabihin na ang dapat sabihin. And for sure our paths will never cross again." Bulong niya sa sarili. Siguro naman mapag-kakatiwalaan ang mga taxi drivers dito. Sa taxi driver nalang siya magtatanong at magpapahatid sa malapit na mall.
NAIILING NALANG si Syke habang tinitignan ang etrangherang babae na ngayon ay papalayo na sa kanya. Sanay na siya sa mga babaeng lantarang nagpapa-cute sa kanya. At kailan man ay hindi siya nagkaroon ng interest sa mga iyon. But this woman is a little bit different. For a moment there, he thought she sounds so familiar. Isang tao na malamang kahit ilang taon pa ang lumipas ay hinding hindi mabubura sa puso niya.
Napabuntong hininga nalamang siya at ipinilig ang ulo. Natitiyak niyang hindi na muling magtatagpo ang landas nila ng babaeng estranghera. He must admit that the woman is pretty. But there is more to that, because for a second that woman was able to get his attention.
Biglang tumunog ang kanyang cellphone. His cousin Gia is currently calling. Ano na naman kaya ang gusto ng makulit niyang pinsan na ito? Simula ng umuwi ito ng Pilipinas ay nasa poder na niya ito. Mag-iisang taon na ito sa kanya at kasalukuyang tinutulungan siya nito sa pagpapatakbo ng kanyang negosyo.
"What is it?" Bungad niya rito.
"As usual! Wala ka paring kasing sungit." Anito at binuntutan ng tawa.
Hindi niya ito pinansin. "What do you need." Hindi pa rin nagbago ang tono ng pananalita niya.
"Ay! Ikaw na talaga!"
"I will hang up—"
"Okay okay! Remember yung friend ko sa Canada? Ngayon ang dating niya ha, I've already talked to tita Emz pumayag na siya. Sa atin siya tutuloy." Mahabang saad nito.
"Then why are you still asking me?" Bugnot na tanong niya sa pinsan.
"Because you own the house." Anito.
"Kung pumayag na si mama ay wala na akong magagawa."
"Okay! Thank you cousin!" Excited na bulalas nito.
Mabilis niyang tinapos ang tawag nito dahil naiirita siya sa sobrang kaingayan nito. Madadagdagan na naman ang mga kailangan niyang pakisamahan sa bahay! Dahil kahit sa kanya ang bahay na tinitirahan nila, dahil sa kanyang pagmamahal sa kanyang ina, ito ang hinahayaan niyang masunod sa bahay. Kapag may ganitong pakiusap ang kanyang pinsan ay siguradong sasabihin lang ng kanyang ina ay 'napakalaki ng bahay, bakit hindi?'
"Boss, ipapaalala ko lang yung kailangan mong bilhin sa mall." Pukaw ni Leo sa kanya habang naglalakad sila patungo sa sasakyan nila. Ito ang kanyang personal assistant/driver/body guard.
He groaned upon hearing that. Una dahil maingay sa mall. Pangalawa dahil wala siyang choice kung hindi pumunta dahil kailangan niyang bumili ng maisusuot sa gaganaping event next week!
"Okay, let's go!"
KANINA PA palakad lakad si Wevz sa Mall Of Asia. Dito siya ibinaba ng taxi driver kanina. Wala pa siyang nabibiling mga damit dahil napag-pasyahan niyang kumain muna dahil gutom na siya. Ang problema hindi niya alam kung ano ang gusto niyang kainin. Hay! Buhay nga naman, yung iba ang problema walang pang-kain, samantalang siya kung ano ang kakainin ay pino-problema pa niya!
Tinawagan na siya ni Gia kanina at sinabing tatawag itong muli kapag nasa MOA na ito. Nanlaki ang mga mata niya ng makita si 'superman' - ang masungit na lalaking taken na, na nakausap niya sa airport kanina.
"Oh! Anong ginagawa niya dito? Sinusundan niya yata ako! Hala! Ang bilis naman niyang maging stalker ko!" Bigla siyang kinabahan sa naisip.
Sa palagay naman niya ay hindi pa siya nakikita nito. Ngunit nakikita niyang tila may hinahanap ang lalaki.
"Gosh! Ako yata ang hinahanap niya! Grabe ka kase Weva! Bakit ka kase nag-beautiful eyes at kinindatan mo pang talaga! Akala niya tuloy type mo siya!" Mahinang kastigo niya sa sarili. She has this habit of talking to herself. Kaya madalas ay pinagtatawanan siya ng kaibigan niyang si Gia.
"Kung sabagay, gwapo naman. Ay! Hindi pwede! Kasal na siya! Hindi ako maninira ng pamilya! Naku! Weva! Kukutusan talaga kita makikita mo!" Kausap parin niya sa sarili.
Muling nanlaki ang mga mata niya ng biglang tumingin ang lalaki sa may gawi niya. At nakita niya itong naglakad papalapit sa direksiyon niya. Nakita niyang malapit siya sa restroom kaya dali dali siyang pumasok sa female restroom habang napakabilis ng tibok ng kanyang puso.
Pumasok siya sa isang cubicle. "Oh! Anong gagawin ko? Sinusundan niya ako!" Sinubukan niyang tawagan muli si Gia, hindi ito sumasagot, malamang nagda-drive na ito. Pinadalhan niya ito ng mensahe na may sumusunod sa kanyang lalaki.
Napag-desisyunan niyang lumabas ng cubicle at sumilip ng bahagya mula sa female restroom. Naroroon pa rin ang lalaki at tila hinintay siya. Panaka naka itong tumitingin sa gawi ng restroom.
Bahagya pang nagtataka ang mga kababaihan sa loob ng restroom sa mga ikinikilos niya. Kung sabagay nasa mall siya wala naman itong magagawa siguro sa kanya. Besides, for sure this mall has cctv cameras.
Taas noong nag-lakad siya palabas ng restroom. Nagtama ang tingin nila ng lalaki. Binundol siya ng kaba ng hagurin nito ng tingin ang buong katawan niya. Natulos siya sa kanyang kinatatayuan ng makitang lumapit ang lalaki sa kanya. Tumingin siya sa paligid, walang tao. Bakit wala pang lumalabas mula sa mga restrooms?! Nag-umpisa na siyang mag-panic lalo na nang mapasandal siya sa dingding at patuloy ang lalaki sa paglapit sa kanya.
"Oh! My gosh! What am I gonna do?" Paulit ulit na tanong niya sa isip.
"Huwag kang lalapit! Sisigaw ako!" Aniya at itinaas ang kanyang dalawang kamay upang pigilan ito sa paglapit.
Kumunot ang noo ng lalaki. At hindi man lang nagsalita. "Inuulit ko! H-Huwag kang lalapit! I-re-report kita! Sinusundan mo ako no? Hindi ako pumapatol sa mga lalaking may asawa kahit kasing gwapo mo pa!" Sinikap niyang patatagin ang tinig.
For a second, she saw amusement dancing on his gray eyes. And wait! Did he just smile? O guni-guni lang niya iyon? Dahil ang nakikita na niya ngayon ay isang lalaking naniningkit ang mga mata at halos magdikit ang mga kilay habang lalong lumalapit sa kanya.
Napipilan siya dahil napaka-lakas ng tibok ng puso niya! Gosh! Anong gagawin nito? Anong balak nito? Nakahinga siya ng maluwang ng tumigil ito marahil isang hakbang ang layo mula sa kanya.
Then he bent his upper body a little bit. Ang kalahating mukha nito ay gahibla nalang ang layo sa kabilang pisngi niya. Itinutok nito ang bibig malapit sa kanyang tainga.
"1st, masyado kang maingay. 2nd, hindi ka kagandahan para sundan ko at patulan. 3rd, baka gusto mong isara ang zipper mo? Not unless you did it on purpose." Bulong nito na nagpa-taas yata sa lahat ng balahibo niya.
Nang mag-sink in sa kanya ang mga sinabi nito, lalo na ang huli ay mabilis siyang napa-talikod rito at itinaas ang zipper ng pants niya. Oh! How can she forget that! Marahil kaninang pumasok siya sa cubicle at umihi! Maybe because her mind was pre-occupied!
Alam niyang halos wala siyang mukhang ihaharap sa lalaki. At alam niyang sa init ng kanyang pisngi ay pulang pula siya! Nang masigurong maayos na ang sarili ay pumihit siya paharap.
Hindi niya alam kung matutuwa siya o manghihinayang nang mapagtantong wala na ang lalaki roon.