"HOY! BRUHA! Kanina pa kita kinakausap! Akala ko bang gutom ka? Bakit hindi mo ginagalaw ang pag-kain mo?"
Saka lang siya natauhan nang yugyugin ni Gia ang isang balikat niya. Hindi pa rin talaga siya makapag-get over sa mga pangyayari kanina. Nakakahiya talaga!
"Napano ka ba? Hindi ka naman siguro na molestiya nung sumusunod sayo na lalaki." Patuloy pa rin ang kaibigan sa pagtatalak.
Sinabi nalang niya sa kaibigan kanina na natakasan niya yung sumusunod sa kanya. Alalang alala pa naman ito sa kanya kanina.
"Natakasan ko nga diba?" Aniya rito.
"Anyway, hindi mo na kailangang maghanap ng hotel. Naipaalam na kita kay tita Emz at sa pinsan ko. Sa amin ka tutuloy!" Excited na wika nito. Nagising yata ang katawang lupa niya sa narinig.
"Wow! Talaga ba?" Sa palagay niya ay malaking tulong iyon sa kanya. Ngunit naunahan din siya ng hiya. "Hindi ba nakakahiya?" Pagkuway tanong niya rito.
"Ano ka ba, mabait ang mga iyon lalo na si tita Emz, yung pinsan ko naman mabait naman din 'yun hindi lang halata." Anito at humagikgik pa. "At isa pa you will surely love the twins." Dagdag pa nito.
"Yung mga kinukwento mong mga pamangkin mong makukulit?" Tanong niya.
"Oo, makukulit at minsan pasaway pero grabe nakakawala sila ng pagod. Tamang tama mahilig ka sa mga bata."
Ngumiti siya at parang nasabik bigla. "I can't wait to see them."
Mahilig siya sa mga bata at napakadali ding gumaan ng mga loob ng mga bata sa kanya kahit kakakilala lang niya sa mga ito. Others said that it's 'God's Gift'.
"Ano bang balak mo niyan?" Pag-iiba ni Gia sa usapan nila.
Nagbuga siya ng malakas na hangin. "Maghahanap ako ng trabaho." Ang totoo ay gusto niya talagang tumayong mag-isa. She's already 29 and she is so dependent to her parents. Ayaw kase ng mga itong papag-trabahuin siya. Pakiramdam tuloy niya ay isa siyang pasyante ng mga ito na may taning na. Her parents are both surgeons. Ayon sa mga ito ay hindi siya sumunod sa yapak ng mga ito. Dahil fine arts ang tinapos niya. Hilig daw niya ang pagpipinta. Ngunit hindi naman niya maramdaman ngayon na hilig niya iyon.
Sa totoo lang ay magulo ang isipan niya ngayon. Hindi niya alam kung ano talaga ang plano niya sa buhay. Butas ng karayom ang pinagdaanan niya para lang payagan siya ng kanyang mga magulang na magbakasyon sa Pilipinas. Oo tama ang alam ng mga ito ay magbabakasyon lang siya. Saka na niya sasabihin sa mga ito ang totoo kapag nagka-trabaho na siya.
"Pupusta ako hindi alam yan ng mga magulang mo." Ani Gia.
Tipid siyang ngumiti. "Sasabihin ko nalang kapag okay na. Ewan ko ba, pakiramdam ko I belong here, hindi ko maipaliwanag kahit noong nagkukwento ka palang tungkol sa Pilipinas parang may kung anong humahatak sa akin dito." Ewan niya pero bigla siyang nilukuban ng lungkot.
"Palagay mo may kinalaman yung babaeng sinasabi mong lagi mong napapanaginipan?"
Nagkibit balikat siya. "Hindi ko din alam e. Sa ngayon gusto ko muna ay tumayo sa sarili kong paa. Yung hindi ko kailangang manghingi kina mommy at daddy. Kaya malaking tulong talaga kung tutuloy ako sa bahay ng pinsan mo. Pero kapag nakahanap na ako ng trabaho, hahanap na ako ng pwede kong lipatan."
"Good-luck sa paghahanap na iyan. Alalahanin mo, fine arts ang natapos mo pero sabi mo nga simula ng magising ka, 5 years ago ni hindi mo alam kung paano mag-pinta." Paalala ng kaibigan.
Malungkot siyang tumingin dito. "I'm hopeless."
"Huwag kang mag-alala, baka mapakiusapan ko ang pinsan ko tungkol sa trabaho na iyan." Anito na nagpanumbalik ng ngiti sa mga labi niya.
"Heaven sent ka talaga." Aniya rito.
"Oo na, kumain ka na diyan at nang makauwi na tayo." Anito.
Mabilis naman niyang tinapos ang pagkain.
MATAPOS SIYANG tulungang mamili ni Gia ng mga damit ay dumiretso na sila sa bahay ng pinsan nito. Sa isang exclusive at mamahaling subdivision sila pumasok. And by the looks of the houses, you can tell that everyone who lives there are really rich.
Tumigil sila sa isang napakagandang malaking gate. Bumusina ang kanyang kaibigan at kaagad silang pinapasok ng security na nasa guard house malapit sa gate.
Namangha siya sa paligid! Wow! Celebrity yata ang sinasabing pinsan ni Gia. Ngunit mas lalo siyang napanganga sa pagkamangha nang makababa sila at makita ng lubusan ang napakagandang bahay! This is exactly how she pictures her dream house. Open, very relaxing at isang malaking swimming pool sa gitna.
"Wow!" Hindi niya mapigilang sambit.
"I know! Ganyan na ganyan din ang reaksyon ko nang una akong makarating dito." Anang kaibigan.
Kumurap kurap pa siya para matiyak kung totoo nga ang nakikita. Sanay siyang makakita ng magagandang bahay, hindi man ganito kalaki ang bahay nila sa Canada, ngunit masasabi niyang maganda iyon at masasabing may kaya ang mga nakatira. Ngunit ang bahay na ito ay nakuha talaga ang disenyong gusto niya para sa isang bahay.
"And I will live here! Wow!" Hindi pa rin makapaniwalang sambit niya. Kahit nga siguro isang gabi lang siya sa bahay na ito ay magiging masaya na siya! Napaka-ganda talaga!
"Halika, I will show you your room." Nagpatianod siya sa kaibigan.
Hanggang sa makapasok sila sa loob ng bahay ay namamangha pa rin siya. This is really her dream house!
Sa ikalawang palapag ng bahay siya dinala ng kaibigan. Ayon dito ay magkatabi ang mga silid nila. Nang buksan niya ang pintuan ng kanyang magiging silid bumulaga sa kanya ang napakaganda, napakaluwang at napakalinis na silid.
Tuluyan na silang pumasok at inilapag ang mga pinamili niya at ang maliit na luggage na dala niya. Pinalibot niya ang paningin sa kabuuan ng silid at ng makita ang tila sliding door patungo sa balcony ay lumapit siya doon at binuksan iyon. Ang ganda! Mula sa kanyang kinatatayuan ay makikita ang swimming pool sa ibaba.
"Wala daw si tita Emz mamaya pa ang balik. Ang mga kambal naman ay nasa school pa. Teka tatawagan ko lang ang pinsan ko kung nandito siya sa bahay." Anito at dumistansiya ng kaunti sa kanya.
Sa laki ng bahay malamang may mga pagkakataong hindi nagkikita ang mga nakatira dito. Napahagikgik siya sa naisip. Kung siya ang may-ari ng bahay na ito at magkaka-pamilya hindi niya iyon hahayaang mangyari.
"Tara, nasa office daw siya sa may 3rd floor. Puntahan natin, at nang maipakilala na kita." Pukaw ni Gia sa kanyang pag-iisip.
Nang nasa ikatlong palapag na sila ng bahay. Huminto ang kaibigan sa isang pinto roon at kumatok.
"Come in." Narinig nilang sagot ng nasa loob.
Sabay silang pumasok ng kaibigan at tumambad kay Wevz ang opisinang panlalaki. Sabay silang naglakad ni Gia papalapit sa lalaking nakaupo sa swivel chair. Habang papalapit sila ng kaibigan ay palaki na ng palaki ang mga mata niya. Naka-yuko ang lalaki at hindi man lang sila tinapunan ng tingin. Abala ito sa pag-pirma ng mga dokumento.
Pasimple niyang sinisipat kung tama nga ang hinala niya. At gusto niyang hatakin palabas si Gia nang mapagtanto niyang tama siya! Ito ang lalaki sa airport at sa mall kanina! Oh! Ito ang pinsan ng kaibigan? Ang may-ari ng bahay?
"Patay!" Aniya sa kanyang isip.
Oo, talagang patay siya ngayon! Yumuko siya at pilit ikinukubli ang mukha.
"Syke, ito ang kaibigan kong si Weva Cartera, Wevz for short and Wevz ito naman ang pinsan kong si Syke Rafael Fontanilla. Siya ang may-ari ng bahay." Pagpapakilala ni Gia sa kanila.
Bahagya siyang tumingin sa lalaki. Mabilis lang itong nag-angat ng ulo at muling ibinalik sa ginagawa ang atensiyon. "Hi." Tipid na saad nito.
Masungit talaga ang lalaking ito! Ngunit ipinagpapasalamat niya ngayon iyon dahil wala siyang mukhang maihaharap dito kung namumukhaan siya nito. Suot pa rin niya ang damit kanina, kung magpapalit siya ng damit at sasabihan siya nito, pwede naman siyang magkunwaring hindi alam ang sinasabi nito kung sakali.
"Hello." Sinadya niyang pahinaan ang boses. Siniko siya ng kaibigan at napatingin siya dito.
"Anong nangyayari sayo?" Nagtatakang tanong nito.
Itinuro niya ang pinto. "Tara umalis na tayo..." Bulong niya rito.
"Hindi pa nga kayo nagkakakilala—"
"Okay na, diba ipinakilala mo na kami?" Hindi siya pinansin ng kaibigan.
"Hoy! Syke! Alam kong busy ka pero, that is not how you treat a guest." Napapikit siya sa sinabi ng kaibigan. Lagot na talaga siya.
Nakahinga siya nang maluwang nang paunti unti siyang sumilip at tumingin sa gawi ng pinsan ni Gia at nakitang abala pa rin ito sa mga dokumento. "I said hi already." Bale walang saad nito.
"Tara na." Bulong niya sa kaibigan at pilit hinatak ito patungo sa pintuan.
"Ah hindi! Ni hindi man siya nakipagkamay sayo!" Anito.
Tsk! Ano bang problema nito? Okay na nga iyon. Mas pabor sa kanya iyon.
"Next time nalang, busy siya." Muli ay bulong niya.
"Bakit mo ipinagtatanggol yan? Laging busy yan akala mo, dinaig pa ang celebrity." At muli nitong hinarap ang pinsan. Napatalikod nalang siya at humarap sa pintuan. "Alam mo bang kakarating lang niya from Canada! And for her it seems like this is the first time she saw Philippines! Ang dami kong sinasabi sa kanya na maganda sa bansa natin. Tapos ganyan mo siyang haharapin? Baka akalain niya lahat ng mga Filipino ay katulad mo. Alam mo bang simula sa airport ay may sumusunod sa kanya hanggang sa mall kanina!"
Sh*t! Nasapo niya ang ulo sa huling sinabi ng kaibigan! Ah! Bakit ba ang daldal nito. "It's okay Gia, aalis na muna ako." Aniya na hindi man lang hinarap ang mga ito. Akmang pipihitin na niya ang seruda ng pintuan nang magsalita si Syke.
"Stay there woman." Makapangyarihan na utos nito. At natulos siya sa kinatatayuan. Hindi pa rin siya humaharap sa mga ito. "Hindi mo lang ba haharapin ang may-ari ng bahay na titirahan mo?"
Binundol siya ng kaba ng tila napakalapit nalang nito ng magsalita. Napa-kagat siya sa kanyang labi at unti unting humarap dito ngunit sinadya niyang magyuko ng ulo. "Thank you for letting me stay here." Aniya na nakayuko parin. At tama siya, nakatayo na ito at ilang hakbang nalang ang layo sa kanya.
"Ano yung huling sinabi mo kanina Gia?" Tanong nito sa kaibigan niya.
Tumingin siya kay Gia at sinenyasan itong huwag ng sabihin pa. "Sinundan siya ng isang lalaki from airport to mall of asia."
Ah! Patay na talaga siya! Ang hina talaga sa sign language ng kaibigan niya!
"Ah, inilarawan ba niya ang sumunod sa kanya?" Tanong muli ng lalaki.
"Hindi, ang sabi natakasan lang niya."
"Gosh! Bakit ang daldal mo Gia!" Aniya sa isip habang pakiramdam niya ay patuloy siyang nanliliit sa kinatatayuan.
"Hmmm... baka naman si superman lang iyon." Anang lalaki.
Gosh! This is really embarrassing! Pwede bang lamunin na siya ng lupa ngayon?! Kung may hawak siyang slam book ngayon ay papasa ito bilang most embarrassing moment niya!
"Ano bang sinasabi mo?" Pagkuway tanong ni Gia sa pinsan nito.
"Ask her." Anito at bigla pa siyang nagulat ng hawakan nito ang baba niya at itaas iyon upang makasalubong ang tingin nito.
Gosh! Bakit ang ganda ng mga mata nito?! Sayang gwapo nga pero napaka-siryoso sa buhay, tila walang balak ngumiti.
Muling itinapat nito ang bibig sa may tenga niya. "Mas akmang sabihing, ikaw itong sinusundan ako." Bulong nito.
"Hey! Don't scare her!" Ani Gia at bahagya siyang inilayo sa pinsan nito.
"Well welcome to our house then, Lois Lane." He said sarcastically.
Yun lang at lumabas na sila ni Gia sa opisina ng pinsan nito. Hindi pa rin siya makapaniwala na tila pinaglalaruan siya ng tadhana ngayong araw na ito. At sa dinami dami pa talaga ng tao dito sa Pilipinas, ang pinsan pa talaga ni Gia!
"Ah! Nakakahiya talaga!" Bulalas niya.
"Care to tell me?" Anang kaibigan.
Marahas siyang bumuga ng hangin. As if she had a choice!