MABUTI NALANG ay may sariling banyo ang ibinigay na silid sa kanya ni Gia. Pagka-labas niya sa banyo ay prenteng nakahiga sa kama ang kaibigan at mukhang hinihintay talaga siya.
Ang usapan nila ay maliligo muna sila at pagkatapos ay iku-kwento niya ang tungkol sa lalaking inaakala niyang sumusunod sa kanya. Ah! Ayaw talaga niyang i-kwento dahil nakakahiya talaga pero kilala niya si Gia. Ubod ito ng kulit!
"Mag-kwento kana bago kita ipakilala sa mga kasam-bahay dito." Anang kaibigan.
Wala talaga siyang kawala dito. Sinimangutan niya ang kaibigan at umupo sa gilid ng kama. Ikinuwento niya rito ang mga nangyari kanina. At tama siya pagkatapos niyang mag-kwento ay ang lakas ng tawa nito.
Tiningnan niya ito ng masama. "Kaibigan kita diba?"
"Oo, kaya nga kaya kitang pagtawanan ng harap harapan e." Anito sa pagitan ng pag-tawa. "But, come to think of it. Normally yang si Syke wala namang pakialam yan sa paligid, kaya malamang nakuha mo ang atensiyon niya." Anito pagkatapos siyang pagtawanan.
"Ano ka ba! May asawa yung tao."
"Hmmm.... Ay! Hindi ko pala nasabi sa iyo, sumakabilang buhay na ang asawa niya. Sayang nga, hindi namin nakuhang mag-kita. Hindi kase ako nakadalo sa kasal nila."
Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman sa sinabi ng kaibigan. "Yun ba ang dahilan kaya parang hindi siya marunong ngumiti?" Tanong niya.
"Dati pa namang ganoon si Syke. Simula ng mamatay ang papa niya ay siya na ang nag-take over ng lahat. Kaka-graduate lang niya noon ng college. Kaya hindi mo rin siya masisisi. Ngunit ang sabi ni Tita Emz ng dumating si Maridel sa buhay niya, ay nagbago ang lahat. Natuto siyang ngumiti. Yun nga lang halos isang taon palang silang kasal ay isang malagim na aksidente ang kumitil sa buhay ng asawa niya."
Kulang ang salitang lungkot sa nararamdaman niya ngayon para kay Syke. Napaka-tragic naman ng buhay nito. Kaya siguro hindi na nito kayang ngumiti pa.
"I-Ilang taon ng patay ang asawa niya?" Hindi niya alam kung bakit naging interesado siya sa buhay ng pinsan nito.
"Limang taon na ang lumipas. Halos mag-iisang taon palang din ang kambal ng maaksidente ang asawa niya. Kaya nga ako iniintindi ko nalang siya. Mabait siyang tao, hindi nga lang talaga siya marunong ngumiti." Anang kaibigan.
"Mahal na mahal niya ang asawa niya kung ganoon. I saw that he is still wearing his wedding ring." Malungkot na saad niya. Hindi niya alam kung ano talaga ang nagpapa-lungkot sa kanya. Yung kwento ng buhay ng lalaki o ang katotohanan na mahal na mahal nito ang asawa.
Tumango si Gia. "Oo, ni wala nga yang interest sa mga babaeng lantarang nagpapahiwatig sa kanya. Pero nakuha mo ang atensyon niya dahil sa bukas mong zipper!" Anito at himagikgik.
Inirapan niya ito. "Baliw! Tumahimik ka nga diyan." Saway niya sa kaibigan dahil nag-init na naman ang kanyang pisngi nang maalala iyon.
"Pero alam mo napapaisip talaga ako e." Anito na sa tono palang ng pananalita ay alam na niyang hindi maganda ang kasunod na sasabihin.
"Huwag mo nang ituloy yang sasabihin mo—"
"Nakita niya kaya kung ano ang kulay ng panty mo?" Anito at humagalpak ng tawa.
"Gia!!!!!!!" Sigaw niya rito at alam niyang namumula siya! Kaya pinaghahampas niya ito gamit ang unan. Hindi naman nito iniinda iyon, patuloy lang ito sa pag-tawa.
TINIPON NI GIA ang lahat ng nagta-trabaho sa mansyon. Hindi na nagtaka si Wevz kung may karamihan ang mga iyon dahil sa laki ng bahay. Nakilala niya sina aling Bebeng at manang Fe bilang mga matatandang katiwala na sa bahay. Si Lily ay kasing edad nila ni Gia. Si Gracia at Susan naman ay mas bata sa kanila. Sina manong June at manong Allan ang mga family driver/hardinero. At ang dalawang security guards na sina kuya Rico at kuya Ricky.
Nakatutuwang isipin na malugod siyang tinanggap ng mga ito. Sa palagay niya ay madali niyang makaka-sundo ang mga ito. Masaya silang nag-kwentuhan na tila matatagal na silang magkaka-kilala. Ilang saglit pa ay nag-paalam si manong June na susunduin ang kambal.
Dahil likas siyang mahilig sa mga bata, bigla siyang nanabik sa sinabing iyon ng matanda. "Mga ilang oras Gia bago sila makarating sa bahay?" Hindi niya naitago ang pananabik sa kanyang boses nang tanungin niya ang kaibigan.
"Mga 20 minutes lang, nandito na ang mga iyon." Sagot nito.
At tama nga ang kaibigan. Hindi nagtagal ay nakita na niya ang mga pamangkin nito. They are one of the most beautiful set of twins she ever saw. Ang lalaki ay kamukhang kamukha ng ama nito, gray din ang kulay ng mga mata nito katulad ng sa ama nito at ang babae naman ay hindi kamukha ng ama, ngunit ang ganda nito, malamang kamukha ng ina. Though the girl is somehow familiar to her. Kung sabagay sa dinamirami na ng mga batang naka-salamuha niya hindi na siya magtataka kung may mga batang mukhang pamilyar sa kanyang paningin. May mga programa sa Canada na sinasalihan niya basta may kinalaman sa mga bata.
Kaagad na yumakap ang mga ito kay Gia. Base sa nakikita niya ay close ang mga ito sa kanyang kaibigan. At pag-katapos ay tumingala ang batang babae sa kanya. Kumunot ang noo nito. "Who is she?" Anito na sa tingin niya ay tinatanong si Gia.
Yumuko siya upang mag-pantay ang ulo nila ng bata. "Hi baby girl, I am Wevz, I am tita Gia's friend from Canada." Kausap niya rito. Nakita niya kung paano nanlaki ang mga mata ng bata. They have the same color of eyes - light brown.
"My name is Althea Dellupac Fontanilla. You can call me Thea." Pagpapakilala nito sa sarili. "Do you have snow there?" Tanong nito pagkatapos magpakilala at muling namilog ang mga mata. And she found her cute. She can tell that this girl really loves snow.
"Yes, we have, lots of snow actually." Tumango siya at ngumiti. Bahagya pa siyang nagulat nang bigla siyang yakapin nito. Hindi niya iyon inaasahan kaya nawalan siya ng panimbang at tuluyan na siyang napa-upo sa sahig.
"Oh! I'm so sorry." Anito ngunit hindi naman inalis ang pagkapalupot ng mga kamay nito sa leeg niya.
Ewan niya pero hindi niya ma-i-paliwanag ang tuwang naramdaman. Tumawa siya at ginantihan ang yakap ng bata.
"Hi, I'm Lorenzo Dellupac Fontanilla, you can call me Enzo. I love snow too, can I hug you as well?" Napatingin siya sa batang lalaki. At nginitian niya ito. Oh! He is so handsome!
"Come here baby boy." Aniya at ilang saglit pa ay yakap na siya ng dalawang bata.
"Ngayon ay naniniwala na talaga akong may kakaiba kang charm pagdating sa mga bata." Wika ni Gia.
Nginitian niya ang kaibigan kasabay ng pakiramdam na parang may kung anong humaplos sa kanyang puso.
TULUYAN NG HINDI lumapit si Syke sa kinaroronan ng kanyang mga anak. Nakita niya nang dumating ang mga ito. Hindi siya makapaniwala na napakadaling nakuha ni Wevz ang loob ng kanyang mga anak. She just answered one question of her daughter and it's just about a snow at niyakap na ito ng mga anak niya sa unang pagkikita!
Hindi ganito ang mga anak niya. Maging si Gia na pinsan niya ay inabot ng isang linggo bago tuluyang nakuha ang loob ng kanyang mga anak. At hindi ba't nahihirapan nga siyang kumuha ng private tutor ng mga ito na tututok sa pag-aaral ng mga ito. Dahil isang araw palang ay umaayaw na ang mga nakukuha niya. Alam niyang may ginagawang kalokohan ang kanyang mga anak kaya umaayaw ang mga nire-recruit niya. Mataas naman ang sweldong ibibigay niya kung sakali ngunit pag-katapos makita ng mga ito ang mga anak niya ang iba ay hindi na bumabalik.
Hindi naman pwedeng laging si Gia ang tumutok sa pag-aaral ng mga ito dahil may mga pagkakataon na pagod na ito sa opisina. At napaka-laking tulong sa kanya ng pinsan sa pagpapatakbo ng mga negosyong naiwan sa kanya.
Muli siyang napatingin sa gawi ng mga ito. Bale wala sa dalaga kung humandusay man ito sa sahig nang sugurin ito ng yakap ng kanyang anak na babae. At pinagbigyan din nito ang kanyang anak na lalaki. Kung titingnan mukhang mag-iina ang mga ito. Ipinilig niya ang ulo sa naisip.
But what shocked him most was the way Wevz called his twins. Mayroon lang siyang isang tao na naaalalang tumatawag ng baby boy at baby girl sa kanyang mga anak. Only the love of his life.
Ngayon palang sila nagkakilala ng babaeng ito ngunit labis na nitong ginugulo ang kanyang isipan. Wala sa loob na napahawak siya sa kanyang wedding ring.