"WOW! GOOD JOB!" Tuwang tuwa si Wevz habang nagpapaligsahan ang kambal sa pagpapakita sa kanya ng mga artworks ng mga ito sa paaralan.
Dinala siya ng dalawang bata sa silid ng mga ito. Nasa ikalawang palapag din iyon ng mansyon. Kasama nila si Lilly, na napag-alaman niyang taga-pangalaga ng dalawang kambal sa bahay.
"Miss Wevz, nakakatuwa naman at halatang gustong gusto ka nila." Wika ni Lilly.
"Ang kulit mo din no? Sabi ko ng wala ng 'Miss', Wevz nalang." Aniya rito habang naka-ngiti.
Napakamot ito sa ulo. "Pasensiya na, hindi ko yata makakasanayan iyon."
"Can you tell us more about snow later?" Tanong ni Thea sa kanya.
"Yes! I want a snow story too!" Ani Rence.
"Okay, but you need to do your homework first." Wika niya sa mga ito at nakita niya kung paano bumagsak ang balikat ng mga ito.
Natawa nalang siya sa ginawi ng mag-kapatid. Normal na sa kanya ang mga reaksiyon na iyon sa mga bata. "I'm sorry babies but homework first before my snow story." Aniya sa mga ito.
"Ilabas mo na yung mga homework natin dali." Ani Thea sa kakambal. Nag-kamot naman ng ulo si Enzo. Natatawa tuloy siya sa mga ito.
"Sino ang gumagawa ng mga homework nila?" Tanong niya kay Lilly.
"I do." Sagot ng baritonong boses na iyon. Sabay sabay pa silang napalingon sa may pintuan.
"Daddy..." Sabay na sambit ng kambal. Ngunit nagtataka siya dahil walang kagalakan sa boses ng mga ito.
Tuluyan ng pumasok si Syke sa silid. Naging tahimik naman ang dalawang bata. Sa tingin niya ay hindi ganoon kaganda ang relasyon ng dalawang bata sa kanilang ama.
Naging iba ang kilos ng mga ito. Napakatahimik at hindi kababakasan ng kagalakan sa mga mukha.
"Is there something wrong baby boy? Baby girl?" Naka-yuko lang ang dalawa at sabay na umiling.
"Will you stop calling them that. For God sake! They are no longer babies!" Tila naiinis na saad ni Syke.
Ano na naman kaya ang problema nito? "Alam mo Mr. Fontanilla as per Gia they are just 5 years old turning 6 years old. Wala akong nakikitang mali sa pagtawag ko sa kanila ng baby. Actually my parents sometimes call me baby as well. And hello? Karamihan nga ng mga millennials ngayon ay 'baby' na ang tawag sa mga nobyo at nobya nila diba?" Nakita niyang bahagyang nangiti si Lilly. Tinignan ito ng masama ni Syke at tumikhim ang dalaga.
Bumalik ang tingin ng lalaki sa kanya. At nakipagtagisan siya ng tingin dito.
"Kahit gwapo ka, hindi ako basta-basta titiklop sayo! Akala mo ha!" Aniya sa kanyang isipan.
"Dad, can she help us on our homework? She is tita Gia's friend." Nakita niyang tiningala ni Thea ang ama. Ang mga mata ay nagsusumamo.
Matagal itong tinitigan ng ama. May nakita siyang emosyon sa mga mata ng lalaki. Was it longingness?
"Dad please? I want that too." Pagsusumamo din ni Enzo. Walang nagawa ang ama ng mga ito kung hindi pumayag.
"But you have to ask her first if she wants to." Anito na hindi man lang nagbago ang tinig. Pormal pa din.
"It's just okay right?" Sabay pang tanong ng kambal sa kanya.
"Of course!" Masayang sagot niya sa mga ito at muling yumakap sa binti niya ang dalawa sa katuwaan.
Nakita niya kung paano nagulat ang ama ng mga ito sa ikinilos ng dalawang bata. Pagkuway kumunot ang noo nito. Marahil ngayon iniisip nito na isa siyang mangkukulam! O kaya naman ay may dala siyang gayuma at ginayuma niya ang mga anak nito.
"Can I get a hug too?" Pagkuway tanong nito na pumantay sa taas ng mga bata. Kaagad naman siyang niyakap ng dalawang bata.
Well, hindi naman pala ganoon kapangit ang relasyon nito sa mga anak nito. Siguro mas akmang sabihing mas prim and proper lang ang mga anak nito kapag nakikita ito. At mukhang laging may reserbasyon sa mga kilos.
"Kakain na daw po." Wika ni Lilly na hindi niya namalayang nakalapit na sa may pintuan ng silid. Malamang may kumatok ng hindi nila namamalayan.
"Okay let's go now." Pormal paring saad ng lalaki.
Hindi man lang talaga marunong ngumiti! Inakay na ni Lilly ang mga bata pababa. Akmang susunod na rin siya ng harangin siya ni Syke.
"For a guest, I think you are being so comfortable, considering this is just your first day." Anito.
Akala naman nito ma-i-intimidate siya rito! Well, sorry nalang ito, kahit ito pa ang may-ari ng bahay, siya parin si Weva Cartera na naniniwalang 'kapag may katwiran, ipaglaban mo!'
"At para sa isang may-ari ng bahay na pumayag manirahan ang isang bisita, masyado kang masungit." Aniya at nilagpasan ito.
BAHAGYA PANG natulala si Syke sa sinabi ni Wevz sa kanya.
"Alam mo? Para sa isang boss? Masyado kang masungit!"
Biglang dumaan sa kanyang isipan ang ala-alang iyon. Bagamat hindi eksakto ang mga salitang nabanggit ngunit ang paraan ng pagkakabigkas ay parehong pareho. Bakit ba simula kaninang nag-tagpo ang landas nila ng babaeng ito ay lagi niyang naaalala ang namayapa niyang asawa?
Nahilamos niya tuloy ang isang palad sa kanyang mukha. Tinitigan niya ang singsing na nasa kanyang daliri. Wala sa loob na hinaplos haplos iyon.
"I guess, I'm still missing you."
"NAKU! NAPAKA-Gandang dilag!" Natutuwa siya dahil tila galak na galak si tita Emz ng ipakilala sila sa isa't isa ni Gia. Hinalikan pa siya ng ginang sa pisngi.
Napaka-ganda rin ng ginang. Siguro dahil palagi itong naka-ngiti kaya mas bata itong tignan kaysa sa edad nito. Kung hindi lang siguro gwapo ang anak nito mas mukha pang matandang tignan ang anak nito. Lihim siyang napa-ngiti sa naisip.
"O? Bakit ka nangingiti diyan?" Puna ni tita Emz.
"May naisip lang po ako." Aniya rito.
"Naku, kung nakilala mo na ang anak ko. Sigurado ang nasa isip mo ay kung kanino iyon nag-mana." Anang ginang na bahagya pang humagikgik.
Hindi niya din napigilang humagikgik sa tinuran nito. Then someone cleared his throat. Sabay sabay silang napa-lingon sa nagma-may-ari ng tinig.
"Oh! Hijo." Hinalikan ng ginang ang anak sa pisngi. At hindi man lang nagbago ang pormal na ekspresyon nito.
"Sobrang galit naman yata ito sa mundo." Aniya sa kanyang isip.
"Tiyak kong naipakilala na sayo ni Gia ang kanyang kaibigan na si Wevz. Hindi ba't kagandang dilag. Naalala ko tuloy noong kabataan ko at patay na patay sa akin ang iyong namayapa ng ama." Hindi nawala ang kasiyahan sa mukha ng ginang, kahit ng banggitin nito ang namayapang esposo. Habang ang anak nito ay umiling iling lang habang nilalapitan ang dalawang bata at pagkatapos ay inakay papunta sa dining table. Sumunod na rin silang tatlo sa mga ito.
"Can I sit beside you?" Tanong ni Thea. Napakaganda talaga nito at napaka-cute.
"Mee too!" Ani Enzo na itinaas pa ang kamay. Hindi tuloy niya napigilan ang tumawa.
"Wow! I am amazed! Ngayon palang nangyari na sa unang kita ay magaan na ang loob ng dalawang batang ito." Manghang saad ni tita Emz.
"Actually, hindi na ako nagtaka tita, yang si Wevz, may kung anong charm yan sa mga bata. Kahit noong nasa Canada pa kami." Paliwanag ni Gia.
"Really? Sa pagkakatanda ko ay may ganyan ding katangian si Maridel noon." Anang ginang na hindi napansin ang pagtatagis ng bagang ng anak.
Sinenyasan ito ni Gia na tila tinuturo si Syke sa pamamagitan ng mga mata. Natutop ng ginang ang bibig ng tila makuha ang ibig sabihin ng kanyang kaibigan.
"He does not want to hear the name of his late wife." Bulong ni Gia sa kanya. Tumango naman siya sa kaibigan.
Ilang saglit pa ay naka-upo na sila at bumalik ang sigla sa tinig ni tita Emz na tila walang nangyari. Panaka-naka itong nagtatanong sa kanilang dalawa ni Gia na magalang naman nilang sinasagot. Ang anak naman nito kapag tinatanong ay tango o iling lang ang sagot at kapag naman kailangan talaga nitong sumagot ay tila binabayaran ang bawat letrang binibigkas nito dahil tipid na tipid ito kung sumagot. Naitanong tuloy niya sa sarili kung hindi ito nabo-boring sa buhay nito.
Nakapa-gitna siya sa dalawang bata. Mataas ang bulas ng mga ito para sa edad na limang taon. Nakikita niyang napaka-independent din ng dalawa dahil hindi na kailangan subuan pa ang mga ito. Panay ngiti at thank you ng mga ito sa kanya sa tuwing bibigyan niya ng ulam sa kani-kaniyang plato.
"Nakakatuwa kang panoorin hija." Napatingin siya sa ginang habang ibinabalik ang lalagyan ng ulam sa gitna. "I wonder, kung bakit wala kapang asawa. Magkasing-edad lang kayo ni Gia diba?" Marahan siyang tumango. "Ano pang hinihintay niyong dalawa? Pareho naman kayong mukha ng handang mag-kapamilya. Huwag niyong sabihing walang may gusto sa inyo, sa ganda niyong iyan mahirap paniwalaan." Anang ginang. Ngiti lang ang naging sagot niya sa ginang.
"Naku tita Emz, yang si Wevz medyo binubuo pa niyan ang isipan niya, magulo yan e. Ako naman, never mind." Ani Gia na ikinatawa nila ng ginang.
"Paano naman naging magulo ang isipan nitong si Wevz?" Usisa ng ginang.
"Pang-teleserye kase ang buhay niyan." Sagot ni Gia.
"Wow! Na-curious tuloy ako." Ani tita Emz.
"Mom, baka hindi komportableng pag-usapan ng ating bisita ang kwento ng buhay niya sa iba." Sabat ni Syke. Gusto tuloy niyang magpa-piyesta dahil may nasabi itong mahabang linya sa wakas!
"No, it's fine actually." Aniya rito at ngumiti. For a second, she thought that he was mesmerized by her smile. And then he looked away.
"Tell me about it hija." Excited na saad ni tita Emz.