Chereads / That Bisaya Girl / Chapter 7 - Chapter 6

Chapter 7 - Chapter 6

"Ahh!" sigaw ko na dumagundong sa apat na sulok ng aking kwarto. B-Bakit nandito sa tabi ko si Vantot? Jusko 'wag naman sanang...

"Waaah!" sigaw ko na naman ulit saka pinagtatapon sa mukha ni Vantot ang mga unan ko. Dahilan para magising ito.

"What! What? bakit ba ang ingay mo?!" Bakit ang ingay ko? nababaliw na ba siya? Bakit sa tabi ko siya natulog! at nakayakap pa siya sa'kin kanina!

"What! What! dagway nimo! nganong naa ka diri sa akong kwarto? B-bakit dito ka natulog? Manyakis ka!"

"Manyakis? the fvck! A-Ako dapat ang Nagtatanong sa'yo niyan. W-What did you do to me? I knew it! May lihim ka talagang balak sa akin. You perverted probinsyana Girl!" sigaw naman nito pabalik sa'kin sabay yakap pa sa sarili niya.

Eh? so ako pa ngayon ang manyakis? Siraulong Vantot 'to ah!

"Excuse me! Wala akong balak sa'yo, dahil, ha! wala ka nga sa kalingkingan ng mga tipo kong lalaki." sambit ko sabay pitik pa sa hangin.

"Oh really?" sambit nito sabay biglang lumapit sa'kin habang nakangisi. Mabilis naman akong napaurong papalayo sa Vantot na 'to. T-teka ano bang ginagawa niya.

"Listen, lady. I am every womans Dream guy. I am the Ideal type of every woman inside or outside our school. So I doubt you don't like me." bulong nito sa tenga ko na nagbigay ng kakaibang kuryente sa buong sistema ko. Ano bang pinagsasabi ng lalaking 'to.

''Talaga lang ha? tsk! ilayo mo nga 'yang mukha mo sa'kin!" singhal ko dito sabay tulak ng mukha niya palayo sa'kin.

"Kung gusto ka nilang lahat at ikaw 'yung so called Dream guy nila. Blah blah! ibahin mo ako Vantot. Dahil mga katulad lang ni Nick ang gusto ko." sambit ko pa habang may tumatalsik na laway. Kaya agad naman itong napapahid sa mukha niya. Hahaha buti nga!

"Damn it!" sigaw nito saka mabilis akong tinalikuran at pabagsak na isinara ang pinto.

Jusko! buti nalang at umalis na siya! lintik na Vantot 'yun!

"Aray!" daing ko ng saktong tumama sa noo ko 'yung isang plastic ng... teka! shampoo? conditioner? sabon? saan galing 'to?

Mangiyak-ngiyak pa akong napatingin sa pinto nang marinig ang nakakainis na tawa ni Vans.

Malamang kagagawan niya na naman 'to.

"Hi! pinapabigay pala 'yan ni Mamita,"

"Ikaw'ng demonyo ka!" sigaw ko dito sabay pilit na tumayo sa pagkakasplit ko. Pero nabali na yata 'yung buto sa paa ko at hindi na ako makatayo. Bakit ko pa kasi naisipang mag-stretching.

"Aw! Tabang bay,"

"Stupid." komento pa nito saka lumapit sa'kin at tinulungan din naman akong tumayo.

"I'm sorry about that." sambit nito sabay sundot pa talaga sa bukol ko sa noo.

"Aray! leshe ka! kita mong me bukol 'yan!"

"It's your fault. Tinawag kaya kita ng ilang beses pero hindi ka nakinig. Kaya ibinato ko nalang, I never thought na tatama ito sa noo mo." sambit pa nito sabay pulot sa mga Shampoo. Eh kung saksakin ko kaya ngala-ngala nito at sabihin kong hindi ko aakalain na mamamatay siya?

Aber?

Ang sama sama niya! Ang sakit kaya ng noo ko. Pasalamat lang talaga siya at marunong akong tumanaw ng utang na loob sa kanila.

Kung hindi lang ako naninirehan ay malamang kanina ko pa 'to sinipa sa betlog. Leshe siya!

"By the way, I have to go, At maligo ka din pala amoy taong grasa ka na kasi. Lola said may i-uutos siya sa'yo mamaya. Kaya sana, maglinis ka naman ng katawan ha?" sambit pa nito sabay parang demonyong humalakhak. Bubutasan ko na leeg nito. Mahal na Inahang Birhen pasayloa ko sa akong mga gihunahuna.

"Makaapak ka sana ng tae ng aso! demonyo!"

Ang baho ko na ba talaga? hmm? hindi naman ah! I mean kunti lang pero hindi naman ako amoy taong grasa tsk! Makaligo na nga.

"Bilisan mo nga SG!" sigaw nung demonyong lalaki habang nahihirapan akong dalhin ang mga groceries nila.

Inutusan kasi kami ni Lola na mamili para sa mga Lulutuin niya mamaya. Dadating daw ang parent's nila Vans kaya heto ako ngayon alilang-alila. Ang Demonyo kasi na kasama ko ay hindi yata nalahian ng pagka gentleman.

"Oo na!" Lintik kang demonyo ka madapa ka sana! Akala mo kung sinong boss kung maglakad naka pamulsa at shades pa! Nasa labas ng Mall naman 'yung araw lintik talaga!

"Bakit ba ang hina mo maglakad?" tanong pa nito habang kumakain ng ice cream. Hiyang-hiya naman ako sa senyoritong ito no?

Kay taas ba naman ng biyas. Eh paano ba naman, isang hakbang niya ay pang dalawahang hakbang ko na. Ano bang kinain ng lalaking to para tumaas ng ganyan Bamboo Tree? or Giraffe?

"Hey! I can hear your thoughts tsk! Do you even know that? Tumigil ka na nga sa pakikipag-usap sa sarili mo." Napanguso naman ako sa sinabi niya ng makitang magsitawanan 'yung taong nasa paligid namin habang nakatingin sa'kin. Eh?

"Slow,"

"Hi babe!"

"Ay!" daing ko ng bumangga ang nguso ko sa malapad na likod ni Vandemonyo.

"Pwede ba tumingin ka sa dinadaanan mo!" galit na singhal ni Vans sakit na ikinagulat ko.

"I-I'm sorry." tarantang sambit ko saka mabilis na pinulot ang mga pinamili namin na nasa sahig na.

"Babe, who is she? is that your new Alalay?" sambit ng magandang babae. Nakasuot ito ng fitted dress with high heel's na kasing taas ng beak ng isang woodpecker. Blonde ang straight niyang buhok at may mala porselanang balat. Nagmamatapang din ang dalawang bundok nito na mukhang gusto nang lumuwa sa suot niyang damit.

"Wow," wala sa sariling sambit ko sabay napatingin sa sarili. Nahiya naman ang Kapatagan kong hinaharap. Nilugay ko nalang ang mataas kong buhok para matakpan ang mas lalong nangliliiit kong hinaharap.

"No, she's not. She's my new Girlfriend dahil break na tayo." What? sinong girlfriend niya?

"Aray!" daing ko nang mabilis niyang kinuha sa akin ang mga pinamili namin at agad niya akong hinila paalis sa magandang dilag. T-teka anong nangyayari?

"What the fvck is that slut doing here!" rinig kong mura pa nito habang mabilis siyang naglalakad. At talagang handa na akong manipa ang sakit sakit na nga ng braso ko kanina pa kakabuhat. Tapos bigla siyang maghihila?

"Babe! No wait! You can't break up with me!" rinig ko pang sigaw ng babae habang hinahabol kami. Ay patay! late reaction si Ateng.

"Bilisan mo nga!" sigaw naman ni Vans sa'kin. Hingal aso na nga ako tapos mas bibilisan ko pa? Eh, kung sabihin niya na lang kaya na lumipad na lang kami? Wengya talaga! bakit ba ako kasama sa pagtakbo dito!

"No you can't break up with me! Wala pa nga tayong two days, you can't do this to me! Babe!" sigaw pa ng babae habang umiiyak na hinahabol kami. Nagkalat na rin sa mukha niya 'yung make up niya. Kaya medyo naawa ako kay ateng Girl. Imagine two pa lang? aba't napaka pala talaga nitong Vandemonyo na 'to!

Minumura narin kami ng ibang tao sa paligid dahil basta-basta lang itong tinutulak ni Vans makadaan lang. Akalain mong may magkasintahan na nagpakuha ng litrato ay dumaan pa talaga kami sa gitna nito? Hindi naman halatang wala talagang modo ang mga demonyo ano?

"Magbi-break din kayo niyan!" pahabol na sigaw ko pa sa magkasintahan na nasa sahig na. Phew! matagal ko na gustong gawin 'yun ah.

"Ay bayot! Vans 'yung tsinelas ko!"

"Stupid!"

"Ahh!" gulat na sigaw ko ng biglang buhatin ako nito. Ano bang pinaggagawa ng isang 'to!

"Ibutang ko! demonyito ka! makikitaan ako!" sigaw ko habang buhat buhat ako ni Vans na parang isang sako ng bigas. Nahihilo na ako wengya nito!

"Oh shut up! naka pants ka!" pabalik na sigaw nito sa'kin kaya natauhan naman ako. Oo nga pala hehe.

"Pero! 'Yung tsinelas ko! Vans! balikan natin 'yun please!" sambit ko pa habang nalulula na akong napatitig sa sahig ng Mall.

Mabilis kasing tumatakbo si Vans habang buhat buhat ako. Pinatitinginan na din kami ng mga tao sa paligid.

"Dvmn!" mura nito nang makalabas na kami at nakasakay na sa kotse niya.

Habang ako naman ay tahimik pa rin habang nakahawak sa ulo ko. Feeling ko talaga sumakay ako ng Ferriswheel. Nahihilo ako kalokang lalaki 'to!

"Let's go home, malamang hinahanap na tayo ni Mamita." sambit nito sabay binuhay ang makina ng kotse niya.

"Pero 'yung tsinelas ko nga pre! Naiwan ko dun." sambit ko naman na parang nakainom pa. Nagdugtong naman ang makakapal na kilay ni Vans habang masama akong tinititigan.

"Are you on drugs? pre your face! tsk!" singhal nito sa'kin kaya napangiwi naman ako.

"Wow! Drugs? agad di pwedeng katol muna pre?" pilosopong sagot ko naman.

"Will you shut up? I'm trying to concentrate here. Ayaw mo naman sigurong mabangga tayo di'ba?" inis na sambit nito kaya napatiklop naman ako. Sabi ko nga dapat sarili ko na lang kinakausap ko. Bakit ba kasi pikon ang demonyitong to?

Pre? gandang pantawag kaya nun.