~•~
"Ay bakla!" gulat kong sigaw nang buksan ko na sana 'yung pinto pero, Nauna na itong bumukas at iniluwa ng mahiwagang pinto si Nikko? Nick Carter? John Carter?
"Hahaha Kathina it's Me Nick." sambit nitong kaharap ko sabay nilakihan lalo ang ngiti. parang payaso, payasong gwapo. Teka anong ginagawa ng taong to dito?
"Nganong naa man ka dri?" tanong ko sabay cross arms akala mo naman ikinaganda ko 'yun. "bakit ka nandito?"
"Ah K-Kasi nakigusap ako kay Lola na mag sleep over muna dito." sagot nito na ikinataas ng mata--este ng kilay ko. Nakakaintindi pala to ng bisaya? haist! Balak ko pa naman sana siyang pagtripan. T-teka anong magsleep over siya dito? sa k-kwarto nako?
Aba't! di porke utang ko sakanya na nandito ako ngayon sa mga Rey at safe. Eh hahayaan ko nalang na matulog kami sa iisang kwarto. Kahit, Oo na pogi siya! Pero ano ba isa akong Dalagang pilipina! isang magandang lahi ni Maria Clara.
"Wow you think so loud," biglang sabat nitong isa sabay malakas na humalakhak, na naman! kanina pa to eh! close ba kami?
"Don't worry, hindi ako dito sa kwarto mo matutulog. And believe me, I mean you no harm. I'm just, I just love talking with you and besides you promise me na you will paint a portrait for me right?" Wow! ang bilis maningil ni manoy wala pang isang araw 'yan ah? kalahi niya yata ang mga bombay tsk.
"Pero, teka lang! paano mo nalaman 'yung iniisip ko? Ah, di bali na nga!" sambit ko naman habang nakangiti parin siyang nakatingin sa'kin. Buti nalang gwapo to kun'di Baka kanina pa ako kumaripas ng takbo sa ngiti niyang abot tenga.
"Btw, I bought something for you."
"Ahmm, it's kinda Cheap, but I hope you like it." sambit nito kaya na curious naman akong makita kung ano 'yun. Mabilis kong iginaya siya palabas ng kwarto saka ko kinuha ang bag at tiningnan ito habang nakaupo sa sahig.
Hindi pwede sa loob ng kwarto kami mag-usap. Isa 'yan sa mga pangaral ni Lola sa'kin. Na naiintindihan ko naman.
Pagbukas ko sa mga pinamili ay bahagya pa akong napanganga. Ito lang namam ang nasa loob ng shopping bag. Winsor and Newton Watercolor pan with 40 colors! Complete set of paint brushes, watercolor Pads, at limang mamahaling sketch pad! saan banda ang cheap dito? seryoso ba siyang para sa akin lahat ng 'to?
"Seryoso ka? Hindi ko matatangap ang mga 'yan," agad na sambit ko saka niligpit lahat ng mga art supplies at ipinasok sa shopping bag.
Mabuti sana kung may pera ako pambayad niyan pero wala.
"Why? Y-you don't like it?" may halong pagkadismaya sa boses nito kaya nahiya naman ako.
"Wuy, hindi naman! Kaya lang kasi, ang mamahal niyan kaloka ka! tas wala akong maisip na tamang rason para bigyan mo ako ng ganyan. Alam mo 'yun? Parang ang kapal naman ng feslak ko kapag tinanggap ko 'yan." paliwanag ko na ikinangiti niya. Ay ambut nimo dong uy! Sige gyud ni siya ug smile ba wala na, gamay nalang mahulog nako.
"May kapalit 'yan Kathina, Hindi ako nagbibigay ng walang kapalit." sambit nito na ikinalaki ng mga mata ko. Automatiko pa akong napayakap sa sariling katawan. Kahit pogi 'to masisipa ko siya sa where it hurts the most.
Natigil naman ako sa paghe-hysterical ng marinig kong halos malagutan na kung tumawa ang nilalang na nasa harapan ko.
Naguguluhan akong nakatitig sa kanya habang siya naman ay naka-upo na sa sahig habang humahagalpak ng tawa.
Bakit ba ganito nalang lahat ng tao kapag nakakausap ako? Mukha ba akong clown? Hindi ba pantay ang kilay or ang mata ko? mukha ba akong joker ganun? Minsan nakaka-insulto narin talaga kapag pinagtatawanan ka ng hindi mo alam ang dahilan.
"Alam mo? kapag nabilaukan ka diyan, Wa koy pakialam nimo ha? bahala ka diha!" sambit ko pa sabay ikot ng mata ko.
"Silly," impit nito habang pigil ang tawa niya. pero para talaga siyang kiniliti ng mga bulate niya sa tiyan. Pakainin ko kaya 'to ng watercolor?
"What the hell are you two doing? pwede ba? kung wala kayong balak matulog lower down your voices!" biglang sigaw ng apo ni Mamita dahilan para mapaigtad ako at nakahawak sa dibdib. Muntik pa ngang mahulog baby bra ko--este puso ko sa gulat.
"I'm sorry bro," sagot lang nitong isa sabay tawa na naman. Sinamaan ko pa ito ng tingin para tumigil na kainis. Loko loko din ang poging 'to eh.
"tch! Fine," sagot naman nung isa sabay pasok ulit sa kwarto niya. Magkatabi pala kami ng kwarto dito sa second floor? Hmm...
"Wuy! adik ka talaga tumigil ka na nga sa kakatawa. Kainis ka rin no? mukha ba akong clown para pagtawanan mo? nakaka-insulto ka na ah,"
"I'm Sorry, haha nakakatuwa ka kasi mag-isip. kung saan-saan napupunta ang imaginations mo. Like what I said earlier Kathina--" sambit nito pero agad ko siyang pinatigil sa pagsasalita.
"Cass, nalang." saad ko naman kaya tumango naman siya at ngumiti. Mabuti nalang at tumigil na siya.
"Cass, like what I said, I mean you no harm. I like you kaya gusto kitang mas makilala pa." Wow! Like agad? iba,
"Isa pa, You promised to me na ipe-pinta mo ako kaya, Binili nalang kita ng mga gamit agad para masimulan muna bukas," Akala ko naman ano na 'yung kapalit.
"Sus! 'yun lang pala akin na nga vyan ulit," pakiusap ko na ibinigay niya din naman agad.
"Ipe-pinta kita bukas na bukas. But for now kailangan ko na mag beauty rest kaloka ka! ginambala mo ako."
"Haha I'm sorry Cass, pero bukas ah? walang bawian."
"Oo nga haha salamat di ay ani." nakangiting sambit ko sabay pasok na sa kwarto. Alangan naman magpacute pa ako sa kanya sa sahig kung pwede naman na bukas nalang.
"You're welcome, Good night!"
"Good night," sagot ko naman sabay sara na sa pinto. Bakit ang sweet ng lalaking 'yun? Okay sige na ako na ang marupok! Pero, yeeih! ang pogi niya in fairness pwede na pang breakfast.
Teka ano ba 'tong mga pinagsasabi ko. Makatulog na nga Oh John carter dalawin mo ako sa aking damgu. Hehehe
Kinabukasan ay maaga akong nagising saka mabilis na niligpit ang kama ko. Bad trip kasi, sa sobrang pilit ko na mapanaginipan si Nick Carter, 'yung ex ko ang nagpakita kaya naging bangungot tuloy tsk!
Nang makaligo at makapagbihis na ako at ready na para pakasalan si Nikko Carter. a
Ay agad na akong lumabas ng kwarto. Hinanap naman ng aking kumikislap na mata si Nikko. Asan na naman kaya ang isang 'yun? gusto niyang i-penta ko siya pero kahit anino niya diko man lang makita?
Naglaho na ba talaga ang isang 'yun? Bilis naman, hindi pa nga kami nagkakadevelopan. Napatigil naman ako sa paghahanap ng may nabangga akong isang Anghel na topless. Hindi ba uso damit sa palasyong ito?
"Hi!" nakangiting saad nito habang nakatingin sa'kin. Bagong mukha? sino naman 'to?
"Kathina apo! halika dito ipapakilala muna kita sa mga apo ko." Mga Apo? dami naman palang apo ni Mamita.
Habang nakaupo ako dito sa loving room ni Mamita at hinihintay siyang magsalita ay hindi ako mapakali. Ang weird lang kasi baka naman may multo dito?
"Oh, ijah are you okay? don't worry apo walang mga multo dito," Sureness? bakit parang meron?
Teka! nababasa niya ba ang mga iniisip ko? Baka may telekenec-telekenesis? ah basta 'yung ganun! Baka meron siya nun? O' sila lahat? Yung may teletic, telebabad? teka iba rin 'yun ah. Di bali na nga!
"Nakakatuwa ka talagang ijah, Just like what you're Grandma said." saad nito kaya napakamot nalang ako sa noo ko. Anong nakakatawa? hindi naman ako nag-joke.
Ngunit napatigil ako sa pag-iisip at napaigtad ng may biglang humawak sa buhok ko. Iwinagayway pa nito ang buhok ko sabay ngiti sa'kin ng makitang nakatingin ako sa kanya.
"Ahh!" malakas na sigaw ko sabay agaw sa buhok ko. Dahil sa inaamoy niya ito. Sino ba ang kulang-kulang na 'to?
"Jareid stop that!" sigaw ni Mamita kaya iniwan naman ako nitong nakatanga at lumapit sa Lola niya.
"Mamita who is she?" saad nung lalaki na humawak sa buhok ko kanina.
"She's Kathina and she'll be staying here kaya apo wag mo ng gawin 'yung ginawa mo kanina okay? you need to behave,"
''Great! I like her but her hair smells like it was burn? what happened to her? Btw where did she came from Mamita?" Anong burn! pasekreto ko naman na inamoy ang buhok ko pero amoy Sunsilk naman ah!
"Jareid watch your mouth! she's from Leyte kaya be good to her okay?" Tumatango tango naman ito sabay hawak banda sa labi niya habang nakatingin sa'kin. Nawe-weirduhan naman akong nakatingin din sa kanya. Abab ni siya?
"She's Beautiful but kinda weird, I like that!" saad nito sabay biglang tumalon at tumabi sa‚kin. Gulat naman akong napalayo dito pero umuusog siya palapit sa'kin kapag umuusog ako palayo. Ano bang ginagawa niya? ayaw niya ba akong pa upuin? Umupo nalang kaya ako sa sahig? parang 'yun ang pinapahiwatig niya eh.
"Jaried apo umayos ka nga!" sigaw ni mamita kaya napanguso naman ito sabay tigil sa paglapit sa'kin. Ho! buti naman kunti nalang talaga sa sahig nalang ako uupo.
"Ako na ang humihingi ng pasensya para diyan sa apo kong si Jareid apo ah? Kulang kasi 'yan sa buwan nung ipinanganak kaya ayan kulang-kulang," pabirong saad ni mamita kaya napatawa naman ako.
"Wow!" rinig kung komento nitong katabi ko habang nakatingin pala sa akin kaya napakunot naman ako ng noo.
"Mamita naman eh! 'wag mo akong siraan sa girlfriend ko," sagot nito na muntik ko ng ikinahulog sa upuan. Napaayos naman ako ng upo at bahagyang lumayo sa lalaking 'to na siyang nakabangga ko kanina lang.
Ako girlfriend niya? nakahithit ba siya ng Baoma?
Natigil naman ako sa pagkausap sa sarili ng tumawa silang dalawa ni Mamita. Tama nga ako, sila ang pamilya halakhak. Kaloka wala na ba talaga akong makausap na matino dito? ang tino ko naman ah? bakit sila ganyan?
"Hindi ako nakahithit ng baoma, babe." nahihirapang saad nito dahil nakatawa parin siya. Babe? ipatokhang ko na kaya 'to? adik kasi.
"Jareid apo, stop messing with Kath okay? and Kathina 'wag mo nalang seryusuhin ang mga sinasabi niya. Ganyan lang talaga 'yan." Napatango naman ako bilang sagot kasi hindi ko maibuka ang bibig ko. May bagong pares na naman kasing mga mata na nakatingin sa'kin.
"Let's Eat? nandun na pala si Nick sa kusina. Ang sabi niya may gagawin daw kayo ngayon kaya maaga 'yung nagpahanda ng pagkain. What is it?" Ang kumag na 'yun! excited nga nasobrahan sa excitement baka naman hindi na 'yun natulog?
"What? anong gagawin niyo ni Kuya Nick? you are not allowed to be with him. Ayoko! and besides girlfriend na kita simula ngayon kaya 'wag ka ng maghanap pa ng iba." Napa-iling nalang ako sa kakulitan ng batang 'to ilang taon na ba siya? 17? batang-bata me abs.
"Jaried, stop it!" sita naman ni mamita na ikinanguso nito. Buti nga!
"But I like her!" reklamo naman nito sabay sukbit ng mga braso niya sa kamay ko. Pwede ko bang upakan ang batang 'to? isa lang.
"Jaried, stop it! or babawasan ko allowance mo."
"No! ayoko I like her Mamita. Babe, akin ka lang di'ba? please?" Jusko naman teng kulang ka lang yata sa tulog. Pilit ko namang tinatanggal ang kamay niya pero para itong pugita sa lakas ng kapit. Pektusan ko na to eh kun'di lang talaga siya cute.
"Good Morning mamita!" bati naman ni Nick at ang laki ng ngiti nito sabay upo.
"Cass dito ka, tabi tayo." saad ni Nick kaya nakangiti naman akong lumapit ng biglang hinila ako nitong si Jareid. Ayun tuloy naunahan akong umupo sa tabi ni Nick Carter! at basta nalang umupo ang ulupong na bugnutin sa tabi ni Nick Byrne.
"Tabi tayo babe."
Ay jusko dong! makakayanan ko bang tumira dito? siguro kailangan ko nga talagang makahanap ng trabaho. At maghanap ng ibang matitirahan pagnaka-ipon na ako.
"Babe tabi tayo," waah! ayoko na!