Chereads / That Bisaya Girl / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

~•~

MATAPOS ang medyo mahaba-habang byahe. finally! nakarating na kami dito sa tinatawag nila na 'Rey Hacienda'. Bahay pa ba to? ba't sobra ya'ta kalaki? bahay ampunan ba 'to? kaya dito ako pinapunta ni Lola?

"We're here Kath, hey? are you still there?" tanong nitong katabi ko habang kinakaway pa ang kamay sa harap mismo ng mukha ko.

"Now press the doorbell." utos pa niya, alam ko naman Manoy eh! p-oero kinakabahan ako! Anong sasabihin ko pag lumabas na 'yung may-ari?

"What's the problem Kath?" tanong naman ulit nito kaya napakagat nalang ako sa dila ko. Aray! masakit pala.

"Eh k-kasi," kinakabahang saad ko pero napatalon ako bigla ng may sa demonyong kotseng bumusena mula sa likuran ko.

"What the hell are you doing? Out of the way!" inis na sigaw ng driver nito at naka shades pa.

asan ang araw Kuya? nakakainis sigawan ba daw ako? pinaka ayaw ko 'yun sa lahat.

Mabilis naman akong tumabi sa tabi,

teka sakto man siguro akong pagtagalog no? esh! di bale na nga!

"Couz! Long time no see!" Couz? wait ano daw? ibig sabihin ba nun magkakilala sila?

Lumabas naman sa magandang kotse ang isang napakagandang lalaki. Mali ba pag sinabi kong napakaganda niya? Pero ang gandang lalaki niya naman talaga. Hindi nga lang 'yung nauuso ngayon na parang sinampal ng espasol sa puti 'yung mukha kun'di ma kayumaggi ang balat niya at sa datingan niya malakas ang sex appeal nito. Nakasuot ito ng black pants at isang simpleng black t-shirt. At impernes kay Kuya, Ang taas ng mga biyas niya este! ang taas niya.

Napadako naman ang mga mata niya sa akin. at tinaasan ako bigla ng kilay. Hala siya! bakla to te swear! sayang naman.

"Oh come on! Nick, I don't have time for this. Why are you here? and whose that girl?" tanong niya sabay turo sa'kin. Ngumisi naman si Manoy bilang sagot haisst abnoy! "Your flavor of the day?" tanong pa ng lalaking to aba! anong flavor of the day? ano ako juice my flavor ganun?

"Dude she's-" sagot naman ni ano nga ulit pangalan niya? nakalimutan ko na naman.

"Apo, anong nangyayari?" tanong ng isang babae sabay lumabas sa kotse. "Oh! Nick Apo!" masayang sambit nito. Mukhang ka-edad lang nito si lola pero halata mung alagang-alaga pa nito ang katawan at kutis niya. Ang puti kasi,

"Mamita! I miss you!" sambit naman ni manoy sabay yakap sa mamita niya. So tama nga ako? magkakilala sila?

"Wait Mamita someone's looking for you, and she's with me." saad ni Manoy sabay ngumiti sa'kin. Teka lang Nick! hindi pa ako handa!  paano ba 'to? Ano na nga ulit 'yung sasabihin ko?

"Really? Great! But before anything else let's get inside napagod kasi ako sa byahe. Let's go magpahanda muna tayo ng meryenda sa loob." saad ni lola na ikinangiti ko. Lafangan na 'yun eh. Sinong hindi mapapangiti?

"Okay po Mamita, Kathina come here let's go!" tawag sa'kin ni Nick.

Kahit nahihiya ay agad naman akong bumati sa kanila. Naptingin naman sa'kin si Lola na parang kinikilatis ang bawat detalye ng pigura at itsura ko. Hindi po ako sexy maganda lang po ako. Sana naman magustuhan niyang ampunin ako este- hayaan niyang tumira muna ako dito. since 'yun 'yung nakasulat sa habilin ni Lola.

Si Lola kasi eh! bakit niya naman naisipan ibenta ang lupa at bahay namin? Ayun tuloy pati si kato iniwan ko.

"Did you just say she's Kathina, Nick?" parang nagtatakang tanong nito.

"Yes Mamita She's Kathina Cass Agoylo you know her?" Aba! memorized niya kaagad pangalan ko.

"Kathina? Ikaw ang apo ni Saturnina?" tanong niya at tumango naman ako agad. Nakakahiya! Nakatingin ba naman silang tatlo sa'kin. Mukha naman siguro akong tao sa paningin nila di'ba?

"Really? Is that you apo?" maluhaluhang saad pa nito. At medyo napaatras ako ng slight lang naman. Hindi naman kasi kami close at ngayon ko lang siya nakita.

"Oh poor kid, Come here apo, do you know that I waited for you for the whole month? But it's okay apo, alam kong mahirap para sa'yo ang mawala ang Lola mo. Pumasok na tayo sa loob at dun tayo mag-usap ng maayos." hindi naman ako nakasagot dahil nalungkot ako ulit nang sinabi niyang wala na nga si Lola  Hanggang ngayon kasi hindi ko parin matanggap.

Inisip ko nalang na nagbakasyon lang pansamantala si lola. Sa ganun mas hindi kasi ako nasasaktan. Alam ko naman na parang niloloko ko lang 'yung sarili ko dito. Pero dun ako mas hindi nasasaktan. Parang pag-ibig lang yan eh, 'yung alam mung niloloko ka na nga ng boyfriend  mo. Pero go ka parin sa pagpapakatanga sa kanya kasi sakanya kalang masaya.

Nang Makapasok na kami sa loob ng mala palasyo nilang bahay ay tumambay muna kami sa Living Room nila. Para makipagchika.

"Kathina apo, alam kong naguguluhan ka sa ngayon kung bakit ka pinagkatiwala ng lola mo sa'kin but don't worry, I am here to help you find your Mom. As a promise to your Lola na bestfriend ko." nakangiting saad nito habang nakaupo sa floral couch nila. Ngumiti naman ako bilang sagot, wala eh! speechless ako sa kabaitan niya.

Napadako naman ako sa lalaking kanina ko pa napapansin na nakatingin sa'kin. At tama nga ako, si Nick abot tenga ang ngiti habang nakatingin sa'kin samantalang ang magandang lalaki naman ay kunot noong nakatitig lang sa'kin. At hindi siya marunong kumurap ah? Grabe naman to, akala mo nanan aagawin ko sa kanya 'yung Lola niya. Hihiramin ko lang naman hehe. Nababaliw na naman ako haisst!

"S-Sure po kayo? Ganun nalang agad na tutulungan niyo ako? I mean nag-iingat lang po ako." nagtatakang tanong ko I change my mind. Malay mo isa pala silang sindikato at nangunguha ng mga taong malusog na katulad ko? Natigil din naman ako sa pagiging paranoid ng tumawa ito.

"Oo naman apo. Ang ingay mo pala talagang mag-isip no? katulad nalang ng sinabi ng Lola mo." sambit nito sabay tawa niya ulit. Pati narin si Nick ay nakikitawa. Kahapon pa 'tong ungas na to ah. Palagi nalang akong napagtatawanan. 'Yung isa namang si magandang lalaki ay nagpipigil ng tawa habang nakatingin savkin. Problema nila? mukha ba akong clown? bangasan ko pagmumukha nito pero dahil mabait ako 'wag nalang.

"Anyway, Don't worry hindi kami sindikato.'' sambit ni Lola at mahinang tumawa.

"Alam mo kasi, laging tumatawag ang Lola mo sa'kin sa messenger and hinabilin ka niya sa'kin. And of course bilang isang matalik na kaibigan ni Saturn I'm willing to help you dahil hindi na rin kayo iba sa'kin." napatango naman ako kasi mukhang sincere naman itong si Lola Claudia sa mga sinabi niya.

"You can stay in my Mansion as long as you want ijah. Welcome to our family!" saad pa nito sabay yakap sa'kin na ikinagulat ko. Infairness ang bango ni Lola amoy strawberry. nakakahiya naman sa amoy kong Datu puti vinegar. Echoss! amoy tao parin naman ako. Amoy taong sinawsaw sa suka.

"Thank You po lol--ay maam pala,'' sambit ko at tumawa na naman si Lola. Dapat siguro hindi Rey apelyido nila. Dapat Pamilya halakhak.

"Kathina apo call me Mamita, masakit sa likod ang Lola hahaha.'' Tawanan ba naman ulit ako?

"Ah- M-Mamita pala." sagot ko naman.

"Yun oh! haha hindi na pala ako mahihirapang makita ka ulit Kathina, I think destiny brought Us together!" saad ni Nick at napangiwi naman ako sa destiny daw niya. Kalalaking tao naniniwala sa destiny. Pero salamat sa kanya at nakarating ako dito ng ligtas.

Sabi rin kasi sa balita delikado daw dito sa Manila kasi maraming masasamang elemento na nakatira dito tulad ng akyat bahay, magnanakaw, holdaper, kidnapper, budol-budol, sanggano, gangsters, fvckboy, engkanto, whitelady blacklady at mga feeling Oppa. Echoss!

"So may bago na naman kayong aampunin? Oh come on! Mamita, hindi ka na ba talaga nadala? You don't even know that girl and besides isa siyang bisaya. Why the hell you will let a bisaya girl to live here?" saad nitong lalaki na may mataas na biyas. Umbagin ko kaya siya? Ano ngayon kung bisaya ko ha?

"Apo, she need help and of course I know her. siya ang kaisa-isang apo ng amiga ko. Please understand me apo hindi ko kayang pabayaan siya." sambit ni Mamita kaya napayuko naman ako. Nakakahiya kaya!

"You know what? fine!" sambit nito sabay nag walkout na. Aba walang modo 'yun ah? batuhin ko kaya ng bag ko? sama ng ugali eh!

"Pagpasensyahan mo nalang 'yun si Vanz apo ah? Ganun lang talaga 'yun sa una. Pero mabait naman talaga siya." Napatango nalang ako, 'yun mabait? kung mabait siya paano niya nagagawang ganun magsalita sa Lola niya? rich boy and there attitude tch!

Pagkatapos ng madugong usapan, I mean masinsinan na pagpapakilala. At kunting kainan na din ay ipanahatid na ako ni Mamita dito sa room ko. At talaga naman na malaki ito at maganda. Siguro kasing laki ito ng bahay kubo namin sa probinsya ng Leyte. Yung shower room mas malaki pa sa kwarto ko doon sa probinsya. Yayamanin,

Nagpaalam din naman samin si Nick na nagkataong pinsan pala at Lola pala niya si Mamita. Grabe nakakapagod ang araw nato.

Sana nga makayanan kong manirahan dito kasama sila. Hahanapin ko nga ba talaga si inay? Pwede naman sigurong hindi na? Nagawa niya akong iwanan dati, ni hindi niya nga man lang ako hinanap eh, Tama nalang siguro 'yung ganto. Pag nakahanap ako ng trabaho aalis na ako dito at mag-iipon ng pera para makapag-aral ako ulit.

Agad naman akong natigil sa pag-iisip ng may biglang kumatok. Alas dyes na ng gabi ah? Sino naman kaya 'to?