Chereads / That Bisaya Girl / Chapter 1 - Prolouge "Habilin"

That Bisaya Girl

JiMaexie
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 60k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Prolouge "Habilin"

~•~

Lahat ng tao sa mundong ito ay may kanya-kanyang pinagdadaanang hirap. Ikaw, Ako, sila kasi nga walang pinipili ang problema. Mayaman ka man oh, mahirap maganda ka man oh, katamtaman lang. Payat ka man oh, mataba. Hindi ka exempted kaya bawal ang mga mahihina dito.

Kailangan matatag ka at maparaan dahil kung hindi, aba'y Inday mapag-iiwanan ka sa parada. Ito ang parada ng buhay kaya naman kumilos ka at bawasan ang pagda-drama at pagrereklamo. Walang magagawa ang mga iyan para umunlad ang Pilipinas.

Kaya heto ako ngayon lumalaban at nakikipagtitigan sa mga pananim na gulay at prutas dito sa paligid ng aming munting bahay.

Simple lang naman ang pamumuhay namin meron kaming bahay-kubo na kahit may kaliitan ay maganda naman at malinis pa. Aanhin mo naman ang malaking bahay kung pati sa sarili mong bahay naliligaw ka diba?

Pero yung totoo? hindi naman talaga ako nakikipagtitigan sa mga pananim. Kun'di dito sa ginintuang dumi ng aso naming si Katu.

Ang asong 'yun palagi akong pinahihirapan! bakit hindi siya pumasok sa banyo namin at dun din maglabas ng sama ng loob? Para naman makaganti na ako sa kanya. Katulad ng ginawa ko kay Lola. Ayaw kasi ni Lola na pakalat-kalat 'yung dumi ni Katu baka daw maapakan niya.

"Pastilan uy kakapoy ba, Katu! Bantay jud ka nako unja!" Nangangalaiti na sigaw ko sabay pinagtusok-tusok ang dumi ng asong 'yun bago ko ito inililibing sa ilalim ng lupa.

Bigla namang umihip ang preskong hangin kaya napataas ako ng dalawang kamay habang inaanod ng hangin ang buhok kong hanggang bewang na. Tsaka dinama ang sarap ng hangin dito sa probinsya.

Na miss ko na tuloy ang mag-aral tsaka magpunta sa pantalan pagnabe-beastmode sa professor na walang ginawa kun'di magpa-surprise long quiz. Ang sarap kasing isigaw lahat ng inis. Lalo na pagnag-quiz kayo at ten over forty items lang ang kuha mo. Oh diba ang saya?

Ng matapos akong maglinis ay sinimulan ko naring magdilig ng mga bulaklak namin ng biglang natakam ako sa bayabas na nang-aakit sa akin.

At para bang sinasabi nito sa'kin na ''halika Kasa kunin mo ako rawr!'' At dahil sa likas na mahilig akong kumain ay kaagad kong inakyat ang puno ng bayabas. Saka pumitas ng isa at kaagad na kinain kahit nasa taas pa ako ng puno.

"Inday!" rinig kong sigaw ni Lola kaya muntik naman akong mabilaukan. Sa takot ko na baka napano na si Lola ay mabilis akong nagpadausdos sa puno. At kung minamalas ka nga naman sumabit pa yung shorts ko!

"Aray! Boang na kahoy ni! Arang sakita sa akoang lubot," reklamo ko pa habang tumatakbo na nakahwak sa butas ko ng short.

"Lola!" nakahangos na sigaw ko ng makapasok na ako sa bahay. Tumakbo pa ako palapit kay lola saka lumuhod sa harap nito.

"Na unsa man ka?" agad na tanong ko kahit hingal pa. Mabilis ko rin na pinasadahan ng tingin si lola para tingnan kung may sugat ba siya. Nadulas ba siya? Natumba?

"L-lola okay raka? Na unsa man ka? Asa man dapita ang sakit?" tanong ko pa sabay kagat sa labi ko.

"A-Apo ko, M-Mulakaw na si lola," nahihirapang sambit nito kaya para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinambit niya. Hindi pwede!

Huwag lola hindi ko pa kaya! Sambit ko sa isip saka niyakap ito habang nakahiga si Lola sa upuan. Rinig ko rin ang bawat paghinga niya na mas lalong ikinatakot ko dahil sa hina nito.

"Lola gajud uy! Ayaw ana La, asa man di ay ka mulakaw? N-nganong naghigda pa man lagi ka be? T-tara na, barug na diha ahu paka ihatud," biro ko dito habang nangingilid na ang mga luha ko.

"Aray ko!" daing ko ng biglang may makapal na bagay na tumama sa ulo ko. Umurong tuloy 'yung mga luha ko haisst! Lola talaga,

"Diyos ko naman Inday Kasa, pagtarong na intawon inday," mahinang sambit pa nito saka pinikit ang mga mata. Kinabahan naman ako lalo kaya inalog ko kaagad ang katawan ni Lola.

"L-lola ayaw ko biya-e please! D-dili pa nako kaya," umiiyak na sigaw ko. Habang niyuyugyog parin ang katawan ni Lola.

"Dili nako kaya nga wala ka L-lola kinsa nalaman maghinlo sa bay? Kinsa nalaman magluto ug sud-an? La! ayaw sa ba, Aray!" daing ko na naman ulit ng mapukpok na naman ang kawawa kong ulo.

"Apo ko, umayos ka hindi na magtatagal pa si Lola alam mo 'yun, Alam mong hiram lang natin ang buhay na ito, at dadating at dadating talaga ang araw na isasauli natin ang buhay na ating hiniram, kaya apo magpakatatag ka," sambit pa nito saka ngumiti sa'kin.

"Lola? Nganong ga tagalog na sad ka? Bisaya ta uy," nakangusong sambit ko kaya mahina namang natawa si Lola.

"Apo, alam mo naman na kung bakit diba? Kaya wag ka ng matanong, Oh siya itago mo 'to," Saad pa nito sabay bigay sa'kin ng singsing. May malaking green na bato ito sa gitna.

Ay taray! may pamana si Lola sa'kin magkano kaya to pagnaibenta ko? But in fairness maganda.

"Lola? Ahu najud ni? As in?" tanong ko kay Lola at tumango naman siya. "Pagsuoton ba ni nahu mahimo sad kong si greenlantern La? Kadto bang superhero nga naay green mask?" Tanong ko pa saka bahagyang pumalakpak na parang bata.

"Ay Diyos ko na bata ka! Mas lalo mong pinapahina si Lola. Itago mo 'yan Inday pamana pa iyan mula sa mga Lola natin. 'Yung isa ay para sa'yo at 'yung isa naman ay para sa taong iibigin mo. Sinasabi ko sa'yo, ibigay mo lang ito sa taong tunay na nagmamahal sa'yo maliwanag? Huwag mo hahayaang masuot yan ng hindi karapatdapat na lalaki kun'di. Ikaw ay mapaparusahan at wala akong magagawa para tulungan ka," mahabang litaniya ni Lola kaya napanguso naman ako may ganun? Weird kaayo uy! Si lola gajud sigurado ako tinatakot lang ako nito.

"At pangalawa, basahin mo rin ang librong ito. Kinakailangan 'yan para maintindihan mo ang lahi natin. Huwag mo itong papabayaan kun'di magsisisi ka," sambit na naman nito sabay bigay sa libro na kanina lang ay ipinalo niya sa ulo ko.

"Pagnawala na ako gusto kong magpunta ka sa Manila at hanapin mo ang address na 'yan na nakasulat sa liham. Doon kana titira apo sa amiga ko. Ayaw ko naman na tumanda ka nalang dito mag-isa. At para narin makita mo na ang lalaking para sa'yo," saad pa nito habang nanghihinang humawak sa kamay ko.

"Ay iba! Ano 'yun Lola mag boy hunting ko? Eh, tapos na ako sa mga ganyan ayoko ng masaktan," nakangiwing sambit ko saka tinitigan ang libro inamoy ko pa ito at amoy lumang libro na. Masarap nga sa ilong eh,

"Apo, lahat ng bagay may katapusan, lahat tayo'y may itinakda na lalaki na magmamahal sa atin ng lubusan. Ang kailangan mo lang gawin ay matutong maghintay," sagot naman nito kaya napataas ako ng kilay.

"Eh? Kung lahat ng tao ay may nakatakda para sa kanila, Bakit may mga matandang binata at dalaga? See, Lola hindi lahat may kapares," Kontra ko pa dito pero ngumiti lang si Lola sabay hawak sa ulo ko at inayos ng bahagya ang mataas kong buhok.

"Choice nila 'yun apo, pinili nila 'yun. Hindi si tadhana ang humahawak sa buhay mo. Ikaw ang nagpapatakbo nito ikaw ang gumagawa ng sarili mong kapalaran sa pamamagitan ng mga desisyon mo sa buhay," sambit pa nito habang kumikinang ang mga mata. Siguro naalala na naman nito si Lolo kung paano sila nagkakilala. Ang cute nga ng kwento nila eh kaya napangiti narin ako.

Pero sa panahon ngayon? Bihira nalang ang matino at seryoso sa love na 'yan. Babae man oh lalaki parehong nagloloko.

Kung pwede nga lang bumalik ako sa panahon nila at dun ako ipanganak mas gugustuhin ko pa. 'Yung magpupunta ang lalaki sa bahay ng babae para ligawan muna ang mga magulang ng babaeng minamahal niya. Diba ang sweet nun? At ramdam mo talagang totoong mahal ka niya kahit sa simpleng mga bagay lang.

Eh ngayon? Dinadaan na lahat sa text or chat che! 'Yung phone niyo yung jowahin ninyo mga hunghang!

"Oh," tanging na sagot ko nalang sabay napakamot sa ulo may pulgas na yata ako galing kay Katu.

"Mahal kita apo, mahal ka namin ng Lolo mo. Palagi kang mag-iingat ha? Nandito lang ako sa tabi at palaging magbabantay sa'yo,"

"Lola naman! Mahal din kita Lola! I love you! I love you," sagot ko sabay yakap kay Lola. Mahal na mahal kita Lola. Mahal na mahal ko kayo ni lolo dahil sa inyo lumaki ako ng maayos. Kahit hindi ko alam kung sino ang mga magulang ko? Okay lang dahil sa inyo palang sapat na.

"Lola? okay lang ba na ibenta ko tong s-singsing?"

"L-la?" sambit ko sabay marahan na kinagat ang labi. Hindi pwede, hindi ko pa kaya!

Nangingilid na ang mga luha ko at parang sasabog na ang puso ko sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.

"L-Lola naman, wuy! w-wag ka naman magbiro ng ganyan La," Pilit kong pinapatatag ang sarili ko pero, hindi ko na mapigilan ng bumagsak ang kamay ni Lola sa sahig at nakita ko kung paano niya binitawan ang huling hininga niya

Kasabay nang pagkadurog ng puso ko ang pagtulo ng mga luha ko at biglaang pagbuhos ng ulan.

"La!" humahagulhol na iyak ko habang nakayakap sa walang buhay na katawan ni Lola.

Ayokong mag-isa, Ayoko sa mga madidilim na kwarto, Ayoko sa tahimik dahil nagpapaalala lang ito sa'kin ng kalungkutan. Ako nga pala si Kathina Cass Agoylo, simpleng tao at mahilig sa mga simpleng bagay ayoko sa mga malulungkot at ayoko sa mga drama.

Pero ngayon hindi ko malalabanan ito lalo na't ang nag-iisang taong natira dito sa tabi ko ay wala na,

Paano na ako ngayon?

Makakayanan ko kayang mabuhay mag-isa at magpunta sa Manila para hanapin ang mga Rey?

Kinsa man ng mga Rey? Lola, nganong karun pa?

•That Bisaya Girl•

•On-going•

©All rights reserved 2019®