Charles' POV
I am Charles Arceña, bunso ako sa pitong magkakapatid. Ang tatlo kong panganay na ate ay may sarili na silang pamilya habang ang dalawa kong kuya at isa ko pang ate ay nasa college na. Kami na lang tatlo nina mama at papa ang natira sa bahay namin. Matagal nang alam ng pamilya ko na bakla ako at tanggap naman nila ako. Matagal na akong nagkaroon ng crush sa dalawang taong hinahangaan ko: Sina Kevin Mahusay, ang ultimate crush ko at si Harvey Tiangco, ang bestfriend ko.
Back to the story...
Habang nagkukuwentuhan kami nina Joanna at Sheryl sa aming booth ay may isang taong napasandal ang ulo sa balikat ko.
"Ayyyyyyiiiiiiieeeee!" - silang dalawa
Lumingon ako at si Harvey pala ang sumandal sa balikat ko.
"Hoy, hindi ko siya crush!" - pagsisinungaling ko
"Bakit ka namumula?" - tanong ni Sheryl
Ibinigay ni Joanna sa akin ang salamin at tinignan ko iyong sarili ko at di ko akalain na namumula pala iyong mukha ko. Kaagad kong sinauli sa kanya ang salamin at tinakpan ko ang mukha ko. Bigla naman nakisingit sa usapan ang mga classmates namin.
"Ayyyyyyiiiiiiieeeee!" - mga classmates
"Baka naman kasi dalawa iyong crush mo sa classroom natin." - sabi ni Germund, our class mayor
"Nung una si Kevin, pagkatapos iyong bestfriend mo? Iba ka talaga besh iyong mga crush mo ang popogi!" - sabi ni Marius sabay tili. Marius is the vice mayor of our class at isa siyang beki.
"Hoy, fake news iyan!" - tugon ko habang tinakpan ko pa rin ang mukha ko
"Bakit, ayaw mo ba na sumandal ako sa balikat mo?" - Harvey
"Nakakahiya kasi baka magalit si Kevin sa akin!" - ako
"May crush ka ba sa aming dalawa?" - Harvey
"WALA! HINDI AKO KI---" - naputol ang sinabi ko nang bigla niya akong hinalikan
Nagulat ang mga classmates ko because Harvey stole my first kiss.
"Bastos ka!" - sabi ko at sinampal ko siya
Mas lalong nagulat ang mga classmates ko sa ginawa ko.
"Aray! Bakit mo ako sinampal? Ayaw mo ba na malaman iyong secret mo?" - sarkastikomg tanong ni Harvey habang hinimas niya iyong masakit na parte ng kanyang pisngi.
"Patunayan mo nga sa akin na hindi mo ako crush!" - utos niya sa akin.
"Di ba, nagsasabi ako ng totoo? Bakit hindi ka makuntento sa mga pinagsasabi ko?" - ako
"Kiss me!" - Harvey
"Ayoko!" - ako
"I said, kiss me!" - Harvey
"Ayoko nga kasi!" - ako
"Sige, isusumbong kita kay Kevin!" - Harvey
Napilitan akong sundin iyong utos niya at hinalikan ko siya sa pisngi. Mas lalo akong kinilig at hinalikan ko rin siya sa lips sa loob ng isang minuto. Nakita ko sa kanyang mga mata na nagulat siya sa ginawa ko at nakita ko rin na nahuhulog na siya sa akin. Bakit nga ba ako nahohopia na magugustuhan niya ako?
***
Nanonood ako ng tv nang may kumatok sa pintuan ng bahay.
*knock-knock*
"Pasok!"
Narinig ko na may bumukas sa pinto, narinig ko rin na sinara iyong pinto at may pumasok sa bahay namin. Lumingon ako at nagulat ako na si Kevin pala iyon. May dala siyang packbag, naka-yellow siya na sleeveless, naka-green siya na jersey short na may number 7, at naka-blue siya na tsinelas. May dala rin siyang chicken curry na nakabalot sa cellophane.
"Puwede ba kita samahan dito? Nabalitaan ko na ikaw lang mag-isa dito sa bahay." - sabi niya
"Saan mo nalaman iyan?" - tanong ko
"Si Harvey ang nagsabi sa akin at naisipan ko na samahan kita dito." - sagot niya
Umupo siya sa tabi ko.
"Bakit gusto mo akong samahan dito?" - tanong ko
"Sasamahan ka sana ni Harvey dito pero na-ospital kasi iyong lolo niya at walang magbabantay sa kanya. Sinabi niya sa akin na wala kang kasama sa bahay at naisipan ko na samahan kita dito. Don't worry, nagpaalam si Harvey sa mama mo na ako muna ang kasama mo dito." - sagot ni Kevin
May halong lungkot at saya na ang nararamdaman ko. Masaya ako dahil sinamahan ako ni crush sa bahay pero malungkot ako dahil hindi ako sinamahan ni Harvey dito sa bahay. Tatlong araw nang nasa ICU ang lolo ni Harvey dahil may sakit ito sa puso.
"Tapos ka na ba'ng kumain?" - tanong ni Kevin
"Hindi pa!"
"Let's eat!"
Habang kumakain kami ay abala naman ako sa pagtitig sa kanyang mga mukha. Pag nakatingin siya sa akin ay iniiwasan ko pero pag hindi siya nakatingin sa akin ay tsaka ko siya sinulyapan.
🎵Pasulyap-sulyap ka't kunwari, patingin-tingin sa akin
Di maintindihan ang ibig mo'ng sabihin.🎵
Kinanta ni Kevin iyong part ng lyrics ng kanta, maganda, husky, at malamig ang singing voice niya. Pinipigilan ko iyong kilig para di ako mahalata ngunit bigla akong nabilaukan.
"Ok ka lang ba?"
Binigyan niya ako ng tubig at ininom ko ito.
"Bakit nga ba kailangan ng isang tao na itatago ang lihim na pagtingin sa kanilang crush?" - Kevin
"Pinaparinggan mo ba ako?" - ako
"Hindi ko sinasabing ikaw iyon pero parang ganun na nga!" - Kevin
May halong inis at kilig ang nararamdaman ko.
"Don't lie to me or else I will kiss you!" - bulong niya sa akin
***
Nasa kuwarto kaming dalawa ni Kevin at kumuha ako ng unan, kumot, at kutson sa cabinet para mayroon siyang matutulugan habang naglalaro naman ng games si Kevin sa kanyang cellphone at nakahiga pa siya sa kama.
"Charles, puwede ba kitang samahan matulog dito sa kama?" - request niya
Biglang napalakas ang tibok ng puso ko.
"Puwede rin ba na mag-share tayo sa iisang kumot?" - Kevin
Mas lalong napalakas ang tibok ng puso ko.
"Ayoko nga! Puwede rin naman na sa sahig ako matutulog." - ako
"Bakit, ayaw mo ba na katabi mo iyong crush mo habang natutulog?" - Kevin
Lumapit ako sa kanya at hinampas ko siya.
"Hoy, hindi kita crush! Ok?" - ako
Hinawakan niya iyong dalawang braso ko at napahiga ako sa kama habang pumatong siya sa akin. Nagkalapit ang aming mga mukha at ningitan niya ako. Iyong posisyon namin ay para akong ni-rape ng crush ko pero hindi naman niya ako inaano.
"Ano, lalaban ka pa ba?" - Kevin
Muntik na niya akong halikan sa lips pero lumingon ako sa kaliwa at naiwasan ko ito ngunit sa kasamaang palad ay hinalikan niya ako sa pisngi. Humiga na rin siya sa kama at dumikit siya sa tabi ko.
"HINDI AKO KINIKILIG SA--" - naputol ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinalikan
Tinakpan ko iyong sarili ko sa kumot dahil nahihiya ako ngunit kiniliti niya ako.
"Ano, sasabihin mo sa akin ang totoo?" - tanong niya habang kiniliti niya ako
"Ayoko!" - sagot ko
Kiniliti niya pa rin ako at mas malakas pa iyong pagkiliti niya sa akin.
"Oo na, crush kita!" - pag-amin ko sa kanya
Tsaka pa niya tinigil ang pagkiliti niya sa akin pero nagulat ako nang kinuha niya iyong kumot.
"Bakit mo kinuha iyong kumot?" - ako
"Huwag mo nang takpan iyang sarili mo nang kumot at huwag kang mahiya sa akin." - Kevin
Niyakap ko siya at ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya.
"Hindi ka ba nagagalit sa akin?" - ako
"Bakit nga ba ako magagalit sa'yo? Tanggap ko naman iyong pagkatao mo." - Kevin
"Matulog na nga tayo!" - ako
Humiga na kami sa kama at nag-share kami sa iisang kumot. Niyakap ko siya habang kinamot niya iyong ulo ko para makatulog ako nang mahimbing.