Chereads / The Two Choices (Pinoy BL) / Chapter 4 - Chapter 4

Chapter 4 - Chapter 4

Andrew's POV

Ako nga pala si Andrew Borres at bestfriend ko sina Kevin Mahusay at Mark Velez. Sila na ang kasama ko since elementary days pa namin. Alam na namin na may crush si Charles kay Kevin at classmate namin siya pati si Harvey.

Third day ngayon ng intramurals pero absent ngayon sina Charles at Harvey. Katatapos lang namin maglaro ng soccer at pumunta kami nina Mark at Kevin sa canteen. Habang papunta kami ng canteen ay nakita namin si Valerie na inakbayan siya ni Ronnie. Nakita rin namin na hinalikan niya si Valerie sa pisngi at kinikilig pa ito. Dahil sa kanyang nakita ay biglang tumakbo at umalis si Mark.

"Mark, saan ka pupunta?" – tanong ko at hinabol ko siya

Habang hinabol ko siya ay nakita ko na pumunta siya sa isang abandonadong classroom at sinundan ko siya. Nang pumasok ako sa abandonadong classroom ay nakita ko si Mark na nakasubsub ang kanyang mukha sa kanyang dalawang siko habang nakapatong ang kanyang mga siko sa kanyang mga tuhod. Umiyak siya nang umiyak at nilapitan ko siya.

"Bakit ba kasi ipinagpalit ako ni Valerie sa ibang lalaki?" – mas lalo siyang umiyak nang malakas at sinuntok niya ang kanyang sarili.

Wala akong nagawa kundi yakapin siya para gumaan ang kanyang loob.

"Mark, tahan na!" – hinimas ko ang kanyang ulo para mapatahan siya.

"Ginawa ko naman ang lahat pero bakit niya ako sinaktan?"

"Baka kasi hindi ka niya gusto."

Nang huminto na sa pag-iyak si Mark ay bigla itong pumiglas sa pagyakap ko sa kanya at binatukan niya ako nang malakas.

"Hoy, bakit mo ako niyayakap?" – tanong niya

"Naaawa kasi ako sa'yo dahil umiiyak ka and then, wala naman malisya iyon." – sagot ko

"Wow, baka gusto mo akong tsansingan." – sabi niya

"Ikaw kasi eh, gustong gusto mo na niyayakap ka." – sabi niya at inilapit ko ang aking mukha sa kanyang mukha at nagtitigan kami.

Habang nagtitigan kami ay nararamdaman ko na parang nagkakagusto na kami sa isa't isa. Matagal na namin ginawa iyong pag-tsansing namin sa isa't isa pero totoo iyon na walang malisya iyong pagyakap ko sa kanya. Ngayon ko lang kasi nararamdaman na nahuhulog na pala ako sa kanya.

Bigla kaming nagulat nang may nahulog na sirang armchair at nakita namin si Kevin at kanina pa nakatingin sa aming dalawa.

"Ayyyyyyiiiiiieeeee! Grabe naman iyong titigan niyo na kasinglagkit ng biko at suman." - pang-aasar ni Kevin sa aming dalawa

"Hoy, hindi namin crush ang isa't isa." – sabay namin sinabi ni Mark

"Naku, nasa in denial stage na kayo." – sabi ni Kevin

Binatukan namin dalawa si Kevin at nagtakbuhan kami palabas ng abandonadong classroom.

***

Charles' POV

Para hindi ma-stress si Harvey ay naisipan ni Mrs. Tiangco na pumunta kaming dalawa sa mall at binigyan niya kami ng pamasahe at pumayag naman sina mama at papa.

Marami kaming pinuntahan doon at pumunta muna kami sa arcade. Nakita ko na na-e-enjoy siya na parang isang bata. Kahit na hindi ako marunong maglaro sa arcade ay ginawa ko naman para ma-enjoy ako.

Pumunta na naman kami sa isang fastfood chain para kumain ng lunch. Marami kaming piniling pagkain at nag-order kami ng spaghetti, pizza, fried chicken, lasagna, at softdrinks.

"Kumusta naman iyong trip natin dito sa mall?" – tanong ko habang kumain ng spaghetti

"Ok lang!"

"Pupunta tayo ng sine mamaya pagkatapos natin kumain." – sabi ko

"Thank you!" – bigla niya akong niyakap

Pagkatapos niya akong yakapin ay kumain siya uit ng spaghetti ngunit bigla akong tumawa dahil may sarsa ng sauce ang kanyang bibig.

"Bakit ka tumatawa?" – tanong ko

Kinuha ko iyong sarsa ng sauce sa pamamagitan ng tissue.

"May sarsa pala ng sauce ang lips ko?" – tanong niya

Tumango ako.

"Sana mag-date tayo next time!" – sabi niya

Bigla akong nabilaukan at uminom ako kaagad ng softdrinks.

"Date? Nagbibiro ka ba?" – tanong ko

"Grabe ka naman hindi ka mabiro!" – sagot niya

Pagkatapos kumain ay nanood kami ng sine at nakakatawa iyong pinanood namin. Nakakatawa kasi ang mga characters pati na ang kanilang mga sinasabi sa pelikula at ang kanilang acting. Pagkatapos namin manood ng sine ay sumakay kami ng jeep pauwi sa amin.

"Ang cute mo talaga habang tumatawa!" – sabi ko

"Ikaw rin, ang cute mo!" – sabi niya at kinurot niya ang pisngi ko

"May masama ba sa pagiging cute?" – tanong ko

"Wala naman!" – sagot ko

Sinandal ko iyong ulo ko sa balikat ni Harvey dahil malayo pa iyong biyahe namin at inaantok ako.

***

Mark's POV

Biglang lumapit sa akin si Valerie habang naglalakad kami ni Andrew.

"Mark, puwede mo ba akong samahan mag-lunch sa canteen bukas?" – request ni Valerie habang hinahawakan niya ang kamay ko

"Hindi kasi puwede dahil doon kami mag-lunch sa bahay ni Charles." – palusot ko sabay bitaw sa kamay niya

Bigla siyang umalis at nakita ko na nalulungkot siya.

"Pabayaan mo na siya!" – sabi niya at inakbayan niya ako

Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa umabot kami ng bahay.

***

Pumasok muna sa bahay namin si Andrew dahil naka-lock iyong pinto ng bahay nila na nasa tabi lang ng bahay namin. Kami lang ni Ate Jeanne ang magkasama sa bahay namin dahil si mama ay nagtitinda sa palengke at si papa naman ay abala sa pagsesekyu sa isang ospital. Inabutan namin siya sa bahay na nag-study para sa kanilang exam.

"Baka gusto niyo kumain, nagsaing na ako ng kanin at may ulam sa tupperware." – sabi ni ate habang nakatutok ang kanyang mga mata sa notebook.

Inilagay ko iyong ulam at kanin sa plato ni Andrew at inilagay niya rin iyong ulam at kanin sa plato ko ngunit di namin alam na kanina pa nakatingin si ate sa aming dalawa.

"I smell something fishy!" – pinaparinggan niya kaming dalawa ni Andrew

"Baka naamoy mo iyong eskabetseng tilapia ng kapitbahay natin." – sabi ko

"Excuse me, wala akong naamoy na isda pero may naamoy ako na something sa inyong dalawa."

"Anong something?" – tanong ko

"Parang napapansin ko na caring kayo sa isa't isa." – sabi ni ate

Hindi kami nakinig sa kanya at kumain na lang kami.

"Bagay talaga kayo na maging mag-syota." – sabi niya ulit

Bigla kaming nabilaukan ni Andrew dahil sa sinabi ni ate at uminom kami kaagad ng tubig. Nag-study na ulit si ate at hindi na niya kami inistorbo habang kumakain dahil nakatutok lang ang kanyang mga mata sa kanyang notebook.

***

Kevin's POV

Nasa labas ako ng bahay ni Charles at dinalhan ko siya ng isang slice ng chocolate cake na nakabalot sa cellophane galing sa birthday ng tita ko. Nag-abang ako doon ng ilang minuto at may humintong jeep sa harap ng bahay nila. Nakauwi na pala si Charles kasama si Harvey ngunit di nila ako pinapansin dahil pumasok sila kaagad ng bahay habang magkahawak ang kanilang mga kamay at nakangiti silang dalawa na parang masaya sila sa kanilang pinuntahan. Alam ko naman na pumunta sila sa mall dahil gusto ni Mrs. Tiangco na mawala ang stress ni Harvey na dulot ng pagpanaw ng kanyang lolo.

Kahit na nagseselos ako sa kanilang dalawa ay pinili kong pumasok sa kanilang bahay pero hindi na lang ako kumatok dahil nakabukas ang kanilang pinto at sinarado ko kaagad. Naabutan ko silang dalawa na nakapatong ang kanang paa ni Charles sa kaliwang paa ni Harvey habang nagkukuwento.

"Kevin, buti nga lang at pumunta ka dito sa bahay." – sabi ni Charles

"May ipinadala sa akin si tita na cake para sa'yo." – sabi ko habang nalulungkot

"Pakisabi kay tita na thank you!"

Inilagay ko sa mesa at agad akong umalis nang walang paalam. Umuwi ako ng bahay at hindi pa rin mawawala ang selos na nararamdaman ko sa kanya.

***

Charles' POV

Nagulat ako nang biglang umalis si Kevin nang walang paalam at inilagay lang niya sa mesa iyong cake na dinala niya para sa akin.

"Di ba kanina nandito si Kevin?" – tanong ko

"Baka umuwi siya kaagad sa bahay nila." – sabi niya

"Hindi naman siya nagpaalam sa atin." – tugon ko

"Baka nagseselos siya sa ating dalawa."

"Nagseselos? May girlfriend si Kevin at imposible iyang sinasabi mo."

"Ikaw naman hindi ka mabiro."

Nalulungkot ako dahil umuwi siya kaagad, excited sana ako na ikuwento sa kanya nong pumunta kami sa mall kanina pero parang nagseselos siya sa akin. Ang hirap pala magkakagusto sa dalawang tao pero paano kung sabay silang manligaw sa akin?