Charles' POV
Fouth day of intramurals ngayon at masaya ang aming section na marami kaming napanalunan sa iba't ibang larangan ng sports pero hindi pa tapos ang laban dahil sa last day na ang championship round ng aming intramurals.
Habang nanonood kami ni Harvey ng table tennis sa classroom ng grade seven ay biglang umupo si Cherry sa tabi ni Harvey.
"Hi Charles, how's your day?" – pagbati ni Cherry sa akin
"I'm good today!" – sabi ko
"Hi baby boy, it's so nice to see you again!" – pagbati ni Cherry kay Harvey sabay halik sa pisngi at niyayakap pa niya ito.
"Mag-syota na ba kayo ni Harvey?" – tanong ko
"Hindi pa pero nililigawan pa niya ako." – sagot ni Cherry
"Charles, mag-CR muna ako." – paalam ni Harvey
Nang umalis si Harvey ay lumapit si Cherry sa tabi ko.
"Ano ba ang nagustuhan mo kay Harvey?" – tanong ni Cherry
Binatukan ko si Cherry.
"Hoy, hindi ko siya gusto!" – nagsinungaling ako sa kanya
"Bakit mo ba kailangan itago?" – sarkastikong tanong ni Cherry
Bigla akong nanginginig.
"Nagsasabi ako ng totoo." – sabi ko
"Ganun ba?"
"Hindi ko naman aagawin sa'yo si Harvey dahil mag-kaibigan lang kami."
"Good!"
Biglang dumating si Harvey at bumalik si Cherry sa kanyang dating inuupuan.
***
Kean's POV
Ako nga pala si Kean Mahusay, elder brother ako ni Kevin na crush ni Charles. Natatawa ako nang kinuwento sa akin ni Kevin ang tungkol kay Charles. Pero sinabihan ko naman siya na huwag niyang sasaktan si Charles kahit na may girlfriend siya.
Habang naglalaro ako sa cellphone ko ay di ko alam na may nagpi-picture pala sa akin at si Vincent pala iyon. Nagalit ako sa kanya at inikutan ko siya ng mata.
"Hoy, bakit mo ako pinipicture? Alam mo ba na ang pinakaayaw ko sa lahat ang kunan ako ng stolen shots dahil napakapangit tignan!?" – sabi ko habang nagagalit sa kanya
"Excuse me, hindi kita pinipicturan dahil nagpipicture ako about our intramurals para sa school paper natin this school year." – tugon niya habang nagagalit rin siya sa akin
"Baka marami na akong picture sa gallery ng tablet mo."
Binawi ko iyong tablet niya at pilit niya itong kunin pero binalewala ko siya. Tinignan ko lahat ng pictures at marami siyang kinunan ay mga stolen shots ko pati na rin iyong kasama ko ang mga friends ko, may picture rin siya sa section nina Kevin at iba pa.
"Paki-delete ng picture ko dahil ang pangit tignan."
"Ayoko!"
"Kaya pala masungit ka sa akin dahil crush mo ako." – bulong ko sa kanya
Inikutan ko siya ng mata.
"Fake news iyan!"
"Kaya pala na ayaw mo i-delete kasi ayaw mo akong kalimutan."
Hay naku! Bakit nga ba ganyan si Vincent?
Umalis siya na nagdadabog at natatawa ako sa kanya kapag nagagalit siya sa akin. Parati lang niya kasi akong sinungitan kapag nagkikita kami. Nararamdaman ko na may crush siya sa akin pero ayaw lang niya ipakita sa akin.
***
Charles' POV
Pagkatapos namin manood ng table tennis ay pumunta muna si Harvey sa aming booth habang ako naman ay pupuntahan ko si Kevin sa basketball court. Lalapitan ko sana siya pero nakita ko siya na kasama niya si Riza at umalis na lang ako ngunit hinabol ako ni Kevin.
"Charles, may problema ka ba?" – tanong niya
Umiling ako
"Sigurado ka ba?" – tanong niya
"Baka hinihintay ka ng girlfriend mo at mag-enjoy lang kayo sa date niyo." – sabi ko
Aalis na sana ako pero niyakap niya ako.
"Bitawan mo ako!" – sabi ko habang nagagalit sa kanya at pumiglas ako sa pagyakap niya sa akin.
Pumunta ako sa ilalim ng puno ng acacia dahil gusto kong mag-isa pero buti nga lang at biglang dumating sina Joana at Sheryl dahil nawala ang stress ko kapag nakikita ko silang dalawa.
"Charles, may problema ba?" – tanong ni Sheryl
"Si Kevin, nagseselos ako sa kanya dahil kay Riza." – sagot ko
"Di ba, girlfriend niya si Riza?" – tanong ni Joana
"Oo, pero nahuhulog na ako sa kanya." – sagot ko
"Kumusta naman kayo ng bestfriend mo?" – tanong ni Joana
"Ok lang kami pero naiinis ako kay Cherry." – sagot ko
"Si Cherry, iyong feelingera ng section Pisces?" – tanong ni Sheryl
"Paano mo nasabi na feelingera siya?" – tanong ni Joana
"Si Cherry, siya iyong tipong malandi at mang-aagaw ng syota." – sagot ni Sheryl
"Siya iyong nililigawan ni Harvey, mabait naman siya sa akin pero minsan para siyang tigre." – sabi ko
"Mag-ingat ka diyan kay Cherry kasi may masamang balak iyan sa'yo." – sabi ni Joana
Biglang dumating si Marius.
"Mga besh, may ibabalita ako sa inyo." – sabi ni Marius
"What's the news?" – tanong nina Joana at Sheryl
"Sina Andrew at Mark, kinunan ko sila ng litrato kanina habang nasa booth natin. Napapansin ko since yesterday na parang ang sweet nila para silang mag-syota." – sabi ni Marius
"Patingin nga ng picture." – pakiusap ni Sheryl
Pinatingin ni Marius sa aming tatlo iyong picture nina Andrew at Mark. May picture sila na nakapatong ang ulo ni Mark habang humiga siya sa hita ni Andrew, iyong kinurot ni Mark ang pisngi ni Andrew, marami rin silang picture na nagharutan sila, at iyong sinandal ni Mark ang kanyang ulo sa balikat ni Andrew. Sumigaw ang dalawang girls sabay tili dahil kinikilig sila sa dalawang boys.
"Di ba, girlfriend ni Mark si Valerie?" – tanong ko
"May iba na kasi si Valerie pero hindi pa naman sila nag-break." – sagot ni Marius
"Girlfriend pa rin ba niya si Valerie?" – tanong ko
"Parang ganun na nga." – sagot niya
"Waaaahhhhh! Charles, kinikilig ako sa kanilang dalawa!" – sabi ni Sheryl habang sinuntok niya ako at nang dahil sa kilig.
"Oo nga, ang gaguwapo nila para sila iyong bida na pinanood namin ni Sheryl na series ng Thailand." – sabi ni Joana habang sinabunutan niya ako nang dahil sa kilig
Para akong naiirita dahil pinagtulungan nila akong awayin kahit na wala akong atraso sa kanila. Ganyan talaga sila kapag kinikig at halos lahat ng classmates namin ay naiirita sa kanilang dalawa.
***
Vincent's POV
Totoo iyong sinabi ni Kean sa akin na masungit ako sa kanya dahil crush ko siya. Sinungitan rin niya ako and he hates me. I hate him but my heart said that I like him. Parati ko na siyang sinungitan dahil napakasuplado niya kapag nakikita niya ako.
*FLASHBACK*
Nagsimula ang lahat noong nakikita ko siya sa library at first day of school pa nong time na iyon. Habang nagbabasa ako ng libro ay nakatutok na ako sa kanyang napakaguwapo niyang mukha. Napangiti ako at kinilig sa kanya.
I expect na mabait siya ngunit nang nahuli niya akong nakatitig sa kanya ay nagagalit siya sa akin.
"Hoy, huwag mo akong titigan dahil naiirita na ako!" – sabi niya habang nagagalit siya sa akin at binantaan pa niya ako na ihagis ang kanyang libro sa akin.
"Ano? Nagbabasa lang ako ng libro. Hindi kita tinitigan at mas lalong hindi kita crush." – palusot ko sa kanya para hindi ako mabuking.
Inilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko at nagtitigan kami. Mas lalo akong nairita pero kinilig ako at pilit kong itinago para di niya ako mahalata.
"Next time, don't lie to me if you have a crush on me." – sabi niya at umalis siya
Doon ko na-realize na suplado pala si Kean at kapag nakikita ko siya ay sinusungitan ko na siya.
*END OF FLASHBACK*
Pumunta ako ng basketball court dahil nabalitaan ko na maglalaro ang section ni Kean kontra sa section namin. Nagkataon nang nakita ko iyong kapatid ni Kean at nilapitan niya ako.
"Vincent, parang gusto mo makita si Kuya Kean." – sabi ni Kevin
"Syempre, kahit na sinusungitan namin ang isa't isa ay nandito ako para mag-cheer sa kanya."
"Grabe ka naman, hindi mo ba i-cheer iyang team niyo?" – tanong ni Kevin
"Maybe!" – sagot ko
Doon muna ako pumunta sa mga classmates ko para samahan sila sa pag-cheer at di nila alam na si crush ang i-chicheer ko. Nang nagsimula na ang laro ay nalulungkot ako dahil lamang ang aming section sa section nina Kean.
"Go Kean! Kaya mo 'yan!" - nag-cheer ako sa kanya habang humihiyaw
"Traydor, bakit di ka nag-cheer sa team natin?" – kinondena ni Giselle ang pag-cheer ko kay Kean.
"Excuse me, hindi ako traydor. Sadyang gusto ko lang siya i-cheer." – tugon ko
"Di ba, suplado si Kean? Bakit siya ang chineer mo?" – tanong ni Gabriel
"Trip ko lang!" – sagot ko
"Don't tell me na crush mo si Kean." – sabi ni Andrei
Bigla akong nagulat at lumaki ang mga mata ko dahil nalaman nila ang totoo.
"Halata naman kasi na crush mo siya!" – pagsang-ayon ni Giselle sa sinabi ni Andrei
Hindi ko na sila pinakinggan at pinanood ko na lang si Kean habang nagbabasketball. Bigla na lang akong natulala at feeling ko ay parang nagslow-mo sa paningin ko ang pag-dribble at pag-shoot niya sa bola.
"VINCENT!" – sinigawan ako ni Giselle at bumalik na naman ako sa katinuan
"Bakit sa tuwing nakikita mo si Kean parang natulala ka?" – tanong ni Maine
"Aalis na lang ako. – paalam ko
Umalis ako at doon na lang ako lumapit sa section ni Kean.
***
Charles' POV
Tumambay kami nina Kevin, Harvey, Sheryl at ako sa booth namin dahil bukas na naman sila maglalaro at last day na rin ng intramurals. Si Kevin ay naglalaro ng games sa cellphone habang nakahiga sa duyan, si Harvey naman ay natutulog habang nakapatong ang kanyang ulo sa hita ko. Habang kaming dalawa ni Sheryl ay nagkukuwentuhan naman kami.
"Alam mo ba iyang si Vincent, crush niya si Kean." – sabi ni Sheryl
Biglang sumingit sa usapan si Kevin.
"Oo, alam ko dahil parati silang nagsusungit sa isa't isa." – sabi ni Kevin
Naglaro ulit si Kevin sa kanyang cellphone.
"Si Vincent, panay cheer sa kanyang crush at trinaydor niya ang kanilang team." – Sheryl
"Paano mo nasabi?" – ako
"Nanalo kasi iyong Diamond kontra sa Ruby nang dahil kay Vincent." – Sheryl
"Baka determinado si Kean na maglaro ng basketball." – ako
"Parang ganun na nga." – Sheryl
"Ika nga sa isang kasabihan, 'The more you hate, the more you love.' " – ako
Nagtawanan kaming dalawa.
"Teka, nasaan si Joana?" – tanong ko
"Umuwi siya dahil birthday ng kuya niya." – sagot niya
"Pupunta ka ba sa bahay nila?" – tanong ko
"Oo, pero magpaalam muna ako kay mama at papa." – sagot ko