Mark's POV
Last day na ng intramurals namin pero mamayang hapon pa kami maglaro dahil fighting for third pa ng mga ball games. Habang naghihintay ay nag-foodtrip muna kami ni Andrew sa mga stall ng mga food vendors sa may tabi ng school clinic.
"Kuya, magkano po ba ang fishball?" – tanong ni Mark
"Singko pesos lang per stick." – sagot ng tindero
Ibinigay ko sa tindero ang barya ko.
"Nasaan po ba dito iyong maanghang na sauce?" – tanong ni Mark
"Nasa kaliwa iyong maanghang at nasa kanan naman iyong hindi maanghang." – sagot ng tindero
Sinawsaw ko iyong fishball sa maanghang na sauce at isinubo ko ito kay Andrew. Habang ninguya niya ito ay napasigaw siya sa sobrang anghang at nakita ko sa kanyang mukha na di niya matiis ang anghang. Napatawa ako nang malakas dahil sa ekpresyon ng kanyang mukha.
"Kuya, pabili nga po ng buko juice." – sabi ni Andrew
Ibinigay niya sa tindero ang kanyang barya, ibinigay ng tindero ang buko juice kay Andrew at kaagad niya itong ininom.
"Ate, pabili nga po ng siomai." – sabi ni Andrew
Isinubo sa akin ni Andrew ang siomai pero hindi ko malasahan kasi hindi ko alam na hindi niya nilagyan ng sauce. Parang gusto ko nang umiyak pero di ko mailabas. Napatawa na rin siya nang malakas sa akin dahil sa pang-aasar niya sa akin. Nakita ko sa kanyang mga mukha na ang cute pala niya habang tumatawa siya. Parang in love na ako sa kanya at di ko mapigilan ang sarili ko na kurutin ang kanyang pisngi at kinurot rin niya ang aking pisngi.
Biglang dumating si Valerie kasama sina Ronnie, Clark, at Paul. Nakita ko sina Ronnie at Valerie na magkahawak ang kanilang mga kamay at may dalang teddy bear si Valerie.
"Mark, puwede ba kitang makausap?" – tanong ni Valerie
Pumunta kami ni Valerie sa likod ng school clinic.
"Mark, mag-boyfriend na kami ni Ronnie." – sabi ni Valerie
"Kailan pa naging kayo?" – tanong ko
"Last Wednesday pa." – sagot ni Valerie
"Kaya mo ako kinausap dahil makipag-break ka sa akin?" – ako
"Sorry, break na tayo!" – sabi ni Valerie
Umalis siya at umiiyak ako dahil nasasaktan ako. Kahit na may gusto na ako kay Andrew, mahal ko pa rin si Valerie dahil girlfriend ko siya.
***
Charles' POV
Kasama ko sina Kevin at Harvey sa mga stall ng mga food vendors para mag-foodtrip. Nagkataon na nandito rin si Andrew pero hindi namin nakita si Mark.
"Andrew, nasaan si Mark?" – tanong ni Kevin
"Sabi ni Mark kanina kakausapin lang daw siya ni Valerie." – sagot ni Andrew
Tiningnan ni Andrew ang paligid baka makita niya si Mark.
"Kanina ko pa kasi siya hinihintay pero hindi pa siya bumabalik." – sabi ni Andrew
"Baka nasa booth natin si Mark." – sabi ko
"Sige, hahanapin ko muna siya." – paalam ni Andrew
Kaaalis lang ni Andrew ay bumili na si Kevin ng tempura at isinubo niya ito sa akin. Ngunit nang tinignan ko ang mukha ni Harvey ay nararamdaman ko na nagseselos siya. Nagulat ako nang isinubo niya sa akin ang tempura. Pagkatapos ay isinubo naman ni Kevin sa akin ang fishball at isinubo naman ni Harvey sa akin ang tempura. Parang paulit-ulit lang ang scenario at parang pinag-aagawan nila ako. Nahihirapan na ako sa kanilang dalawa baka mag-away pa sila nang dahil sa akin.
"Charles, puwede mo ba akong samahan mag-lunch sa booth?" – Kevin
"Charles, puwede ba na doon tayo mag-lunch sa bahay ko?" – Harvey
"What? Doon na lang tayo mag-lunch sa booth natin!" – Kevin
"Ayoko, sa bahay tayo mag-lunch mamaya!" – Harvey
Hindi ko na sila maintindihan kasi parang pinag-aagawan nila ako kung saan talaga mag-lunch. Hindi papayag si Kevin na kasama ko si Harvey at mas lalong hindi papayag si Harvey na kasama ko si Kevin. OMG, paano na 'to?
"Guys, tama na!" – sigaw ko sa kanilang dalawa habang umawat ako sa kanila
Bigla silang tumahimik.
"Guys, tell me! Pinag-aagawan niyo ba ako? Nahuhulog na ba ang damdamin niyo sa akin?"
Umalis na lang ako at iniwan ko sila.
***
Kean's POV
Habang tumambay kami nina James at Ivan sa may bench ay nagkukuwento kami tungkol sa mga buhay namin. Ngunit biglang dumating si Vincent at tumabi pa siya sa akin. Inakbayan ko siya dahil alam ko na kikiligin siya kapag ginawa ko ito.
"Vincent, sorry pala sa pagsusungit ko sa'yo." – humingi ako ng paumanhin sa kanya
"Bakit ka nagso-sorry? Wala naman problema iyon para sa akin." – sabi ni Vincent
"Alam mo ba iyang si Kean, noong narinig niya na chineer mo siya ay mas lalo siyang na-inspire na mag-shoot ng bola kasi nandiyan ka." – sabi ni Ivan
"Hoy, huwag mong sabihin iyan kasi di iyan totoo." – sabi ko sabay kurot sa kanyang tainga at napasigaw si Ivan sa sakit.
"Totoo naman kasi iyon! Sadyang nagdedeny lang si Kean!" – sabi ni James
"Isa ka pa, baka masuntok pa kita diyan!" – sabi ko
"Ayyyyiiiiieeeee!" – sina Ivan at James
"Aalis muna kami and enjoy your date." - pang-aasar ni Ivan
Biglang umalis sina Ivan at James.
"Salamat pala sa pag-cheer mo sa akin kahapon." – bulong ko kay Vincent
Hinalikan ko siya sa pisngi.
"Ano ba iyong ibig sabihin ng halik mo sa pisngi ko?" – tanong niya
"It's just a friendly kiss." – sagot ko
"Don't worry hindi naman ako kinilig sa halik mo." – sabi niya
"Are you sure?" – tanong ko
Nakita ko sa kanyang mukha na nag-blush siya at pinagpawisan siya dahil sa kilig. Nang hinawakan ko ang kanyang kanang pisngi ay mas lalo siyang kinilig at nanginginig siya dahil nararamdaman ko na kinabahan siya sa akin.
"Paano kung sasabihin ko sa'yo na gusto kita?" – tanong ko
Bigla niya akong hinalikan sa bibig.
"Iyan lang ang masasagot ko sa tanong mo." – sabi ni Vincent
Humiga ako at ipinatong ko ang ulo ko sa hita niya.
***
Charles' POV
Umupo ako ng bench sa harap ng library at nag-iisa lang ako dahil wala ako sa mood makipag-usap kay Kevin at Harvey. Nakayuko lang ako dahil halo-halo ang nararamdaman ko. Bigla akong nagulat nang may narinig akong boses, napaka-familiar na sa akin ang boses na ito at kinakausap pa niya ako.
"Hoy, bakit ka nag-iisa dito?" – tanong ng lalaki
Tinignan ko iyong lalaki at nagulat ako na si Nico pala iyon dahil kanina pa siya tumayo sa aking harapan pagkatapos ay umupo siya sa tabi ko.
"Charles, may problema ba?" – tanong ni Nico
"Wala!" – sagot ko
"Iyong totoo?" – tanong niya
"Ok lang ako." – sagot ko
"Paano mo nasabi na wala kang problema kahit na nakayuko iyang ulo mo?"
Sa halip ay maglihim ako sa kanya ay pinili ko na lang na sabihin ang totoo kahit na ayaw ko.
"Naiinis kasi ako sa dalawang admirers ko!"
"Bakit?"
"Pinag-aagawan kasi nila ako! Feeling ko may gusto silang dalawa sa akin!"
"Grabe naman iyan!" – sabi niya sabay hawak sa balikat ko
Biglang nag-ring ang cellphone ko nang dalawang beses. Nang tinignan ko ang inbox ng cellphone ko ay nag-text sina Kevin at Harvey.
Inbox:
from Harvey: Charles, sorry pala kanina!
from Kevin: Charles, sorry dahil nagseselos ako!
Pero hindi ko sila nireplayan.
"Ang ma-i-advice ko sa'yo ay hindi mo muna sila papansinin baka mas lalo silang mag-away nang dahil sa'yo. Kapag kasama mo ang isa, magseselos na naman iyong isa. So, gamitin mo iyang utak mo at huwag mong gamitin ang puso mo kasi kapag nasobrahan baka masasaktan ka lang."
"Ok, thank you!" – sabi ko sabay friendly hug
"If you have a problem, just call me and I'll be there."
Pagkatapos ay umalis si Nico
***
Cherry's POV
May isang estudyante na lumapit sa akin at may ipinakita siyang picture sa cellphone.
"OMG!" – nagulat ako sa mga nakita ko sa cellphone ng estudyante.
Nakita ko na sinubuan ni Harvey si Charles at sinubuan rin ni Kevin si Charles. Pati na rin iyong picture na pinag-aagawan ng dalawang boys si Charles. Uminit ang dugo ko at dahil sa galit ko ay di ko sinadyang itapon ang cellphone.
"Sorry, di ko sinasadya."
"Ok lang po iyon ate, baka maayos pa itong cellphone ko." – sabi ng estudyante sabay kuha sa cellphone niya sa sahig
"Ipagpatuloy mo iyang ginawa mo para malaman ko ang kalandian ng baklang iyon."
Nagmamadaling umalis ang estudyante.
"Charles, magbabayad ka sa lahat ng ginawa mo!"
Nang dahil sa galit ay inihagis ko iyong armchair sa sahig at nasira iyong upuan ngunit nagkataon iyon nang dumating si Riza.
"Cherry, bakit ka nagwala?" – tanong niya
"Nakakainis iyang baklang malandi!" – sagot ko
"Oo, alam ko iyon kasi ipinakita sa akin ng estudyante kanina." – sabi niya
"Anong plano natin para mawala na sa mundo si Charles?" – tanong ko
May ibinulong sa akin si Riza ngunit di namin sasabihin kase secret lang namin iyon.
"Wow! That's a good idea!" – sabi ko
Naghihiyaw kami sa tuwa dahil maganda ang naisip ni Riza.