Chereads / The Two Choices (Pinoy BL) / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

Kevin's POV

Babangon na sana si Charles pero niyakap ko siya nang mahigpit.

"Charles, matutulog muna si baby boy." - sabi ko habang malamig ang boses ko dahil bagong gising pa ako.

"Kevin, hindi ako makahinga!"

"Inaantok pa si baby boy!"

"Ayoko nga!"

"Pagbigyan mo na ako, please!"

Kinurot niya ang pisngi ko at mas lalo kong hinigpitan ang pagyakap ko sa kanya.

"Ano ba? Bakit di mo pinagbigyan si baby boy? Sige ka, magagalit ako pag di mo ako pinagbigyan." - sabi ko habang nagsasalita na parang baby

Niluwagan ko na ang pagyakap ko kay Charles.

"Sige na nga, pagbibigyan na kita!"

Natulog muna ako nang 30 minutes habang niyayakap ko si Charles.

***

Harvey's POV

Simula nung hinalikan ako ng bestfriend ko ay parang nahulog na ang damdamin ko sa kanya pero di ko alam kung anong nangyari sa akin. Kaya ko naman siya hinalikan para aminin ang totoo dahil nahahalata na kasi na may crush siya sa isang tao at di ko inexpect na may crush rin siya sa akin. Alam naman niya na may babae akong nililigawan galing ng ibang section pero bakit ba ako na-inlove sa kanya?

Sabi ng utak ko ay mali ang magkagusto sa iba...

By the way, bumiyahe na kami pauwi ng bahay dahil sumakabilang buhay na ang lolo ko kaninang madaling araw. Nalulungkot ako dahil nawala na ang superhero ng buhay ko at ang kausap ko tuwing nagkukuwento kami tungkol sa iba't ibang bagay.

Cellphone convo:

*Start of conversation*

Harvey: Charles, wala na si lolo! 😢😭😢😭

Charles: Kailan siya pumanaw? 😲

Harvey: Kaninang madaling araw.

Charles: Ano ba ang dahilan ng pagkamatay ng lolo mo?

Harvey: Cardiac arrest.

Charles: Pauwi ka na ba ng bahay niyo?

Harvey: Oo!

Charles: Sige, pupuntahan kita diyan mamaya and condolence na rin sa family niyo.

Harvey: Thank you!

*End of conversation*

***

Charles' POV

Second day na ng intramurals ngunit wala si Harvey dahil pumanaw na ang lolo niya. Nanonood ako ng volleyball game nina Kevin kasama sina Joanna, Sheryl, Germund, Marius, at iba naming mga classmates.

"BOOM! TAURUS! TEAM TAURUS IS ON THE WAY!" - cheer ng aming team

"FIGHT! FIGHT! FIGHT! PISCES IN YOUR AREA!" - cheer ng kabilang team

Feeling boring ako kasi wala akong kasama na manonood ng mga ball games dahil absent ang bestfriend ko. Bigla akong napalingon at nasa tabi ko pala si Cherry, siya iyong nililigawan ni Harvey pero di niya alam na hinalikan ko siya dahil hindi ko naman siya nakita kahapon.

"Charles, nasaan ba si Harvey?" - tanong ni Cherry

"Pumanaw na kasi ang lolo niya." - sagot ko

"How sad! Condolence sa family niya!" - sabi ni Cherry

"Cardiac arrest iyong kinamatay ng lolo niya." - ako

"May iba na ba'ng nililigawan si Harvey?" - tanong ni Cherry

"Wala naman maliban sa'yo." - sagot ko

"Usap-usapan kasi na may kahalikan raw na bakla si Harvey pero di naman sinabi kung sino iyon." - Cherry

Bigla akong nagulat at natahimik.

"Charles, ba't natahimik ka?" - tanong niya

"Wala lang!" - ang tanging sagot ko pero sa totoo lang hindi ako okey

"Kung sino ang humalik diyan kay Harvey, sasabunutan ko talaga siya ng todong-todo!" - sabi niya at galit na galit siya na parang kontrabida

Bigla akong inuubo nang malakas.

"Excuse me!" - ako

Pagkatapos ay umalis ako.

***

Kevin's POV

Kaya ko hinalikan at nilambing si Charles para pakiligin siya at bukod pa rito ay para aminin niya iyong totoo at hindi siya magsinungaling. Parang nahulog na iyong damdamin ko sa kanya pero hindi ko alam kung bakit ito nangyari. Nung niyakap niya ako ay parang magaan na ang loob ko at nagugustuhan ko pero may girlfriend ako at mali ang magkagusto sa ibang tao dahil may syota ako.

Anyways, pagkatapos ng volleyball game ng mga teammates ko ay nanalo kami at masaya kami ng mga teammates ko pati na rin ang mga classmates namin.

Napansin ko na nalulungkot si Charles at mag-isa lang siya na tumambay doon sa basketball court habang nanonood ng laro ng mga taga-ibang section. Nilapitan ko siya, dumikit ako sa kanya at inakbayan ko siya.

"Charles, nanalo ang section natin sa volleyball." - sabi ko

"Congrats!" - Charles

Nag-apir kaming dalawa.

"Bakit ka nalulungkot?" - tanong ko

"Si Harvey, wala kasi siya ngayon." - sagot niya

"Oo, nag-text siya sa akin na namatay iyong lolo niya." - sabi ko

"Hindi rin ba dumating si Mrs. Tiango ngayon?" - tanong ko

"Oo, nag-text rin siya sa akin na busy siya sa pag-entertain ng kanilang relatives dahil dumalaw sila sa lolo ni Harvey na tatay ni Mrs. Tiangco." - sagot niya

Biglang dumating ang girlfriend ko.

"Hi, baby bunch!" - sabi ni Riza sabay kiss sa aking cheeks.

"Hi, Charles!" - Riza

"Ano ba ang ginawa mo dito?" - tanong ko

"Nanonood ng basketball at nag-cheer ako sa mga teammates namin." - sagot niya

Tumayo na si Charles dahil siguro aalis siya.

"Pupunta muna ako sa booth natin." - paalam niya sa amin

Umalis si Charles.

***

Third POV

Pagkatapos ng second day ng intramurals ay pumunta ang dalawang kontrabida sa buhay ni Charles sa bakery. Bumili sila ng chocolate crinkles at softdrinks para sa kanilang meryenda. Hindi lang meryenda ang sadya nila doon at kaya pala sila nandoon dahil pinag-uusapan nilang dalawa si Charles.

"Alam mo ba iyang si Charles masama ang kutob ko sa kanya." - sabi ni Cherry

"Bakit?" - tanong ni Riza

"Kasi narinig ko sina Joanna at Sheyl na nag-uusap sila at doon ko nalaman na si Charles pala ang humalik sa baby boy ko!" - sagot ni Cherry habang nanggigigil

"Masama rin ang tingin niya sa akin dahil hindi niya siguro nagustuhan iyong paghalik ko sa pisngi ng baby bunch ko." - sabi ni Riza

Biglang may sumingit sa usapan ng dalawang kontrabida at hindi nila alam na kanina pa nakikinig iyong tao sa kanilang pinag-usapan.

"Grabe naman si bakla ang haba ng hair niya!" - tugon ng babaeng nagbabantay sa bakery

Pero hindi na siya nakinig sa usapan nang biglang may dumating na customer.

"Ano ba ang gagawin natin para mapahiya si Charles?" - tanong ni Cherry

"Let me think!" - sagot ni Riza

Nag-iisip ang dalawang kontrabida kung paano nila gagawing miserable ang buhay ng ating bida.