Chereads / Cloud Girl (TAGALOG) / Chapter 2 - Chapter 2 – Shaky Hands

Chapter 2 - Chapter 2 – Shaky Hands

Chapter 2 – Shaky Hands

Maaga akong gumising para mag-review kasi may examination nanaman kami mamaya sa major namin. Naunahan ko pa magising si yaya kaya ako nalang nagtimpla ng kape ko, pag balik ko sa kwarto ko tiningnan ko ulit yung kalangitan para lang mainspire ako. Habang nag-gagawa ako ng reviewer, nabored ako kasi wala manlang kaingay-ingay dito kaya binuksan ko agad yung TV, buti may news channel agad.

"Hindi nga? Si Rouser nanaman laman ng balita ngayon?"

Pero akala ko inulit lang yung balita kahapon, may panibago nanamang mga kriminal na nahuli dahil sa kanya, so far nagsa-succeed naman mga pakikibaka nya. Buti may natutuwa sa mga pinag gagawa nyang iyan, pero syempre di rin mawawala yung pamba-bash kasi syempre… Pilipinas to no, hehehe.

..

Maaga akong nakarating ng school at nag-review pako para for the win nako talaga sa exam mamaya. Pero habang papunta ako sa room namin kanina parang may nararamdaman akong kakaiba, kanina pa to eh at hanggang ngayon dama ko pa din, anlamig ng palad at talampakan ko. Di naman ako kinakabahan.

Sa bandang dulo ako naka-upo, sa tabi ng bintana. Dulo kasi Santos apelido ko at nagkataon lang talagang malapit pa ako sa bintana, na kung titingnan para akong main character sa isang anime. Hehehe, korni ko. Andaming nagsasabi na ang ganda daw dito sa pwesto ko kasi di daw mahuhuli ng mga prof kung may kodigo man daw ako or nakiki-kopya ng sagot sa exam, pero di yun yung kinatuwa ko. Okay ako dito kasi yung tanaw sa labas, saka nakikita ko yung ulap. Pansamantala lang naman tong view na to kasi di pa napapa-ayos aircon dito sa room namin, nagrereklamo na yung iba kasi saying daw bayad.

"Aga mo pumasok ngayon Claud ah, kopyahan tayo mamaya ha?" -Queenie

"Ako nga tong kokopya sayo eh" -Ako

Nanginginig bigla ng todo tong kamay ko at sinubukan kong mapigilan agad… natawa pa si Queenie habang nakikita nya, "Hahaha! Oyyy Claud okay ka lang ba?! Ano ba yang nangyayari sayo? Hahahaha!!"

"Hindi ko rin alam gaga! Di ko alam bat biglang nginig to ng ganto"

Pinilit kong isinara palad ko at unti-unti namang nawala yung panginginig… natuwa kami ni Queenie na okay na, then ilang saglit lang napalingon lang ako sa ulap nun at biglang nawala nanaman ito sa control. Lumabas ako ng room nun, para bang may gustong mahawakan o abutin tong kamay ko pero hindi ko alam as in first time kong makaranas ng ganito ngayong mag-eexam pa kami. Ilang saglit lang biglang tumigil yung kamay ko at kontrolado ko na muli. Buti nalang naging okay pa to kasi kung hindi, hindi makaka-focus masyado sa exam namin today, sayang lang review ko if ever.

..

Masaya ako na karamihan sa mga ni-review yung lumabas sa exam! Haha! Lagi ko nire-remind yung sarili ko na wag tingnan na 'madali lang' yung exam, kasi madalas yung akala nating madali, dun pa tayo bumabagsak, pero sa nahirapan tayo dun tayo pumapasa. Ano daw? Ang point ko lang naman is wag tayo masyado kampante…

After ng exam magkakasama kami nina Queenie at Alex sa labas, tamang chikahan lang after namin ma-stress, kinamusta ni Queenie yung kamay ko.

"Okay naman beh, buti tumigil na to kanina bago tayo mag test kay Ser" -Ako

"Ano ba ginawa mu bat ka nagkakaganyan?" -Queenie

"Nag review lang ako kagabi, tapos nag-review ako kaninang alas kwatro" -Ako

"TAPOS SASABIHIN MO SAKIN WALA KANG MASAGOT KANINA?! DI MOKO PINAKOPYA! HAHA! Balakajan, di na kita friend" -Queenie

"Baka kaya nagkakaganyan kamay mo Claud kasi… nag-aaral ka na, hehehe" -Alex

"Ganon ba yon? Kala ko pag nag-aaral talaga, magkaka-uban ka… iba siguro epekto sakin, pero para namang di normal tong ganito. Di ko makontrol kanina eh" -Ako

"Kaya ganyan kasi di moko pinakopya kanina hahaha! Uy joke lang Claud ha…" -Queenie

Onti-onti ko nang nararamdaman na nanginginig nanaman tong kamay ko…

"Hawakan nyo ng tong kamay ko? Nanginginig nanaman eh oh"

Nang hawakan nina Queenie at Alex yung magkabila kong kamay, di ko napigilang ipitin yung kamay nila pareho, napasigaw silang dalawa sa higpit ng pagkakahawak ko sa kanila. Kinakabahan na ako nun dahil di ko maintindihan tong nangyayari sa kamay ko ngayon di ko gustong masaktan sila pareho. Nakabitaw sila pareho pero late na…

"Tulungan nyo naman ako ☹ hindi ko mapigilan tong kamay ko di ko sinasadyang magawa yun guys!"

"Ansakit padin ng ginawa mo Claud! Parang babalian moko ng kamay kanina tangina" -Queenie

"Sorry beh-"

"Ano bang klaseng trip yan Claud, ang sakit kaya… Queenie ayos ka lang ba?" -Alex

"Muka bang okay to na namamaga kamay ko?" -Nagalit si Queenie

"Sinusubukan ko namang mapigilan eh pero hindi pa din tumitigil hanggang ngayon >.<"

Hindi parin tumitigil yung kamay ko sa kusang panginginig, di ko talaga alam bakit ganto eh hindi naman ako manhid saka di naman ako gaano nagpagod kahapon. Tumigil bigla tong kamay ko nang biglang mapadaan si Philip.

"Oh anong nangyari Claud? Okay na kamay mo?" -Tanong ni Queenie

"Uhhhhhhhhmmmm… Oo Queenie, sorry kanina ha ☹, sayo din Alex"

Hinawakan ni Queenie yung kamay para lang kumpirmahin nya kung okay na ako. Nagalit lang sya saglit kasi nasakatan ko sya pero ngayon, okay na kami.

"Dumaan lang yung ex mo Claud biglang naging okay yang kamay mo ha…" -Queenie

"Hindi ah, malay ko dun sa gagong wala akong pake dun" -ako

"Hindi naman siguro sa dumaan yun si Philip, baka siguro kailangan mo lang na kumalma para tumigil yang kamay mo" -payo ni Alex

"Kumalma?"

"Oo nga beh, kasi kanina natatakot ka habang gumagalaw mag-isa yang kamay mo, tingnan mo ngayon, okay ka na…" -Queenie

"Sige nga, gagawin ko yang mga sinabi nyo… sorry talaga sa nangyari kanina" -Hingi ko ng tawad

"Kalimutan mo na yun Claud, pero sa totoo lang ang sakit talaga, hahaha! Balik na tayo room" -Queenie

..

Pagkatapos nang lahat ng naganap sa klase kanina, diretso uwi na ako agad. Walang sundo ngayon kaya sa jeep ako ngayon. Kaninang tanghali pa ng huling manginig to, balak ko sana sabihin to kay Mommy kaso wag na muna, muka namang okay na eh. Sabi nila kanina, kumalma lang ako at di na manginginig to kaya pinipilit kong hindi mainis ngayon kasi soooooooooobrang traffic, nakakainis. Nakatingin lang ako sa labas non ng biglang nakita ko si Rouser, may pupuntahan ata sya? Siya yun kasi costume palang eh muka talaga siyang cosplayer ng Power Rangers hehe!

Pinicturan ko sya tapos bigla syang lumingon dito sa sinasakyan naming jeep at kumaway sya kaya natuwa naman tong mga kasama ko dito sa loob.

Real-Life Superhero kuno, tsssss…

..

Since di ko naman magagawang aminin kay Mommy tong nangyayari sa kamay ko, ayoko lang sabihin sa kanya kasi papagalitan lang naman ako nun, habang kumakain kami ni Yaya ng dinner kanina, inopen ko sa kanya tong nangyayari sa kamay ko. After naming mag-dinner, pinahilot ko sa kanya tong kamay ko para maging okay na talaga. Sabi nya baka namamanhid lang daw tong kamay ko. Invalid sa kanya yung mga sinabi ko na di naman talaga ako gaano nagpapagod, kung meron akong ginagawa na kinasasakit ng kamay ko, siguro etong kaka-cellphone ko lang naman. Pero grabe talaga tong kamay ko kaninang umaga eh, napo-possessed mag isa.

Binuksan ko muli yung bintana sa room ko dito sa taas para makita yung buwan, kaso natatakpan nanaman ng mga ulap. At eto nanaman, dahan-dahan na nanginginig tong kamay ko…

"Bakit ba kusang nanginginig tong kamay ko, hinilot na to ni yaya ha?"

Napatanong nalang din ako mag-isa nun sa sarili ko, dahan dahang gumalaw tong kaliwa kong kamay at kusa itong tumutok sa kaulapan, hindi ko pinipigilan ang kamay ko habang sinusubukan kong kumalma muli…. Nine-nerbyos ako, pumapatak yung pawis sa gilid ng noo. At nang tumigil yung kamay ko, binaba ko lang yung kamay ko.

"Ha? Anong nangyari? Tinutok ko lang sa ulap tong kaliwa ko tapos yun na yon?"

Nagtaka din ako na bigla nanamang nawala yung ulap na nakaharang sa buwan, tulad ng kahapon. At nang iangat ko yung kamay ko, nabigatan ako na para bang may buhat akong mga libro. Nanlaki yung mata ko ng biglang gumalaw din yung ulap nun!

"Pap-paano nangyari yun?!"

Tinutok ko na din sa kaulapan yung kanan kong kamay na normal naman ang pakiramdam, nang ihawi ko pakaliwa yung kanang kamay ko, kitang-kita ng dalawang mata ko yung pagsabay ng galaw ng ulap. Na lalo kong kinatakot!

"Ginawa ko ba yun?! Hala ano tong nangyayari sakin?!"

"Hinawi ko lang tong kamay ko pakaliwa, para bang hinatak ko yung ulap pabalik para matakpan yung buwan?! Paano ko nagawa yun?!"

Bigla akong nakaramdam ng paglalamig sa kamay ko at biglang may lumabas na usok sa kamay ko na naisabog ko sa muka ko, pero parang hindi ito usok eh, naikalat ko pa sa buong kwarto tong binubuga ng dalawa kong kamay! Napasigaw nalang ako mula sa kwarto ko nun! At buti nalang mabilis na nakadating si Yaya Atria sa kwarto ko!

"Mam Claudine?! Buksan nyo po tong pintuan nyo! Anong nangyayari dyan?!"

Napaka mausok dito sa kwarto ko na halos wala na akong makita, pinakikiramdaman ko nalang yung pagpunta ko sa pinto. Pagkabukas ko ng pinto, napaurong bigla si Yaya nun dahil tumambad sa kanya yung naikalat kong anyo ng usok na to.

"Mam?! Anong nangyari pong nangyari sainyo?! Hala mam! Ano tong kinalat nyo dito sa kwarto nyo? Pinaglaruan nyo ba yung fire extinguisher? Bat ang kapal kapal ng usok dito?" -Kabado si Yaya

"Hindi ko pinaglaruan yang fire extinguisher sa kwarto ko!"

"Pero saan galing tong mala-ulap na usok na to?"

"Dito yaya…"

Pinakita ko sa kanya yung kamay ko, na sa palad ko may bumubulwak na klase ng usok na tila dahan-dahan nang pumapatak sa lapag. Natatakot ako na kinakabahan… na bakit at paano ko nagawa tong pagkakalat na to…

"Lumalabas yang, ulap na iyan sa palad mo?" -Tanong ni Yaya

"Uhhhhhmmmmm, oo Yaya. Natatakot ako ☹, di ko malaman kung ano tong nangyayari saakin"

Umiiyak ako habang yakap ko si Yaya, natatakot kasi ako eh. Pinakalma nya ako nun at onti-onting nawala yung mga usok na naisabog ko sa kwarto ko, maging yung nasa kamay ko nawala din bigla.

..

..

..

..

..

"Labing-pitong taon na ang nakakalipas ng huling magawa nya iyon… alam kong mangyayari ulit to at naganap na nga. Buong buhay kong inaantay ang pagkakataong ito…"