Chereads / Cloud Girl (TAGALOG) / Chapter 6 - Chapter 6 – Nightmare and Hope

Chapter 6 - Chapter 6 – Nightmare and Hope

Chapter 6 – Nightmare and Hope

Dahil nga sa buong araw kong hindi ginamit ang kapangyarihan ko, dito ko lang sa kwarto nagawang maipakawala lahat ng ulap na gusto ko. Habang may control akong ulap, sinusubukan ko itong pagalawin, maging yung daliri ko pinapagalaw ko din para lang makita ko kung may nababago ba sa anyo nito. Dati kasi nung may quiz kami di ko alam kung paano kong napapa-letter shape yung ulap eh, as in yung ulap ko yung nagbibigay ng sagot saakin, naka-perfect pa nga ako nun. Pano ko nga ba nagawa yun? O baka hindi naman talaga ako may gawa nun, baka sentient tong kapangyarihan ko?

So far, eto palang yung alam kong gawin sa Cloud-Controlling Powers ko:

1. Kaya kong mapasunod yung ulap sa kalangitan sa direksyon na gusto ko.

2. Cloud Blast, yung normal lang na binubuga ko yung ulap mula sa kamay ko. Unang try ko neto, naisabog ko pa sa muka ko, na nakita ni Yaya Atria.

3. Cloud Ball, eto naman yung binato ko dun sa riding-in-tandem. Nung naitama ko sa ulo nila parang nabalutan yung ulo nila eh, di na sila makakita nun hanggang sa bumangga nalang sila sa sasakyan nun.

Yan lang, pero mas enjoy ako sa pinasunod ko sakin yung ulap hahaha! Cumulus Cloud lang naman, di ko pa kaya yung medyo malalaking klase ng ulap.

..

Dahil sa alam ko namang sabado bukas, nagpuyat nalang ako nun. Alam ko naman nang itira tong kapangyarihan ko, may naisip lang ako. Kaya ko ba mag lift ng bagay gamit tong kapangyarihan ko?

Sinimulan ko sa papel, at nadalian ako! :D

"Basic naman pala neto, hahaha! Ha?! Yaya? Kanina ka pa diyan?" -PInapanood pala ako ng yaya ko paglaruan tong kapangyarihan ko.

"Kakadating ko lang din, try mo nga dito sa plastic bottle na walang laman?" -Chinallenge nya ako, hehehe basic naman

Pinalapit ko yung ulap ko nun sa bote at dahan-dahan ko itong naiangat. Ang gaan lang hahaha basic!

Pero nang subukan ko naman sa iangat yun phone ko gamit tong ulap…

Nalaglag yung phone ko na para bang tumagos lang mismo sa ulap!

"Ayyyy Kiki! Nahulog phone ko yaya?!"

"Eh bat kasi sinubukan mo agad dyan eh mabigat yang phone mo pasaway kang bata ka"

"Nagka-basag tuloy, pero maliit lang saka naka screen protector naman to"

"Magpahinga kana muna nyan Madam, baka pag kumpleto ka sa pahinga baka etong bahay mismo maiangat mo gamit kapangyarihan mo, hehehehe sige po madam 😉" -Paalala ni yaya, sabay alis na sya.

"Yaya wag mo na akong tawaging madam ha, saka… hmmmmmmmmmmm,,, Salamat nga po pala sa paalala. Pahinga na din po kayo 😊"

Ang kulet lang ng mga advice sakin ni Yaya Atria, para bang alam nya kung paano gamitin tong kapangyarihan ko hahaha! Tama din naman sya, baka kulang nga ata ako sa pahinga kaya di ko na cloud-lift yung phone ko.

..

..

..

..

..

Nagising ako bigla nang makarinig ako ng sigawan sa labas, di ako magkakamaling si Yaya yung naririnig kong humihingi ng saklolo kaya napatakbo agad ako sa sala sa baba!!

Pero bago pa ako maka-baba nun ay nakarinig ako ng sunod-sunod na pagsabog mula sa labas, ang lapit lang kasi dama ko yung yanig eh. Nang makababa ako nun ay agad akong napatakbo para lapitan si yaya na hindi na makatayo at may tama sya ng bala sa tagiliran nya!

"YAYA?!?! ANONG NANGYAYARI DITO?! SINO ANG MAY KAGAGAWAN NG LAHAT NG TO?!" – Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita kong to ☹

"Hayaan mo na ako, Claudine umalis ka na dito bago ka pa nila ma—" at tuluyan nang nalagutan ng hininga si Yaya Atria nun at namatay!

"YAYA?! YAYA HINDI!! YAYA?! ATRIA PLEASE… WAG MOKO IWANAN!! ATRIAAAAAAA—" at isa nanamang malakas na pagsabog ang nangyari na lalo kong ikinatakot, yun pala ay sa kusina na iyon at may grupo ng mga armadong kalalakihan at agad nila akong pinagbabaril!

*TATATATATATAT!!!

*TATATATATATAT!!!

Agad akong tumakbo palayo nun pero nakita kong timaan din nila ako sa tagiliran pero tumagos lang yung bala saakin nun, at himbis na dugo ang lumabas, ulap na parang buga ng sigarilyo ang nalabas, at isa pa dun, di ako nakaramdam ng sakit nun…

Kaya himbis na tumakas ako dito sa bahay, agad kong hinanda yung kapangyarihan ko at agad kong itinira sa kanila yung meron ako!!

Habang wala silang makita nun dahil sa kapal ng ulap na meron ay dahan-dahan akong lumapit para sugurin sila kaso di ko alam kung panong atake ang gagawin ko, kaya agad kong sumuntok ng may pwersa sa isa sa kanila!

Nang masikmuraan ko, agad silang nagsipagputukan ng mga baril nang hindi nila ako nakikita! At habang distracted sila, sinamantala ko nalang yung pagkakataon na di nila ako ramdam kaya muli kong sinugod and ang isa sa kanila, anim sila at isa lang ako di ko sila talaga kakayanin kung tutuusin!

Habang pinagpapaputok nila yung mga baril nila, di nila alam na nagkatamaan na pala silang lahat at pero meron isang nakaligtas sa kanila kaya binuksan ko muli ang palad ko para mabalik sakin yung nilabas kong ulap, nagulantang to ng makita nyang patay na din yung mga kasamahan nya, maging ako din kasi di ako sanay makakita ng ganito…

Pero bago ko pa sya magawang lapitan nun ay may tumusok kaagad sa dibdib nya mula sa likod!

"TANGINA ANO BANG NANGYAYARI DITO!?!?"

Agad nagpakita saakin yung taong sumaksak sa likod ng natitirang armadong lalaki na pumasok dito sa bahay, di ko inasahan ang makita ko sya…

Sa braso nya nagmula yung 'blade' na pinangpatay nya at binalik nya to sa kanya, medyo gray tingnan yung suot nya, bakal pa nga ata tong 'armor' nya, nakangiting nanlilisik ang mga mata niya at higit sa lahat, meron syang pakpak na tulad ng sa mga anghel, which is… first time ko lang makakita ni—

"RAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!~" Agad nya akong sinugod gamit padin yung blade sa kamay nya! Tig-isang blade ang meron sa kamay nya at sa sobrang talas nito andali nyang nawasak yung pader at iba pang kagamitan dito!

Ipinagaspas nya yung pareho nyang pakpak at tila bumato ito ng feather blades na agad ko namang iniwasan!

*SHHHHHHHHHHHTUG! TUG! TUG!~

"Muntik nya na akong mataaman?!"

At nang magkaroon ako ng pagkakataon, tinira ko sya ng kung anong meron ako pero walang epekto sa kanya! Lumipad pa sya patungo saakin para patayin nya rin ako, nang maka iwas ako tinalunan ko sya pero nakutoban ako ng pakpak nya para hambalusin ako nito, lumagapak ako sa lapag nun.

Himbis na patayin nya ako agad, binuhat nya ako sa pamamagitan ng napakahigpit nyang sakal saakin!

"Hindi ka imortal, pero paano ka nagkaroon ng kapangyarihan na meron sila?" –Bad Angel Guy?

"Huh? Anong pinagsasasabi mo dyan?!" at bigla akong nakawala sa pagkakasakal nya sakin, tumagos ako sa mahigpit nyang hawak sakin?!

Di ko alam kung paano ko nagawa yun? Hahaha! But di pa kami tapos….

"Di moko madadaan sa mga pakulo mo!!!" RAAAAAAAAAAAAAA!!~

Inihampas nya saakin yung pakpak at di ko na nagawang maka-ilag pa. Mula sa itaas namin, onti-onting nagsisitanggalan ang bahagi ng aming bubong nun hanggang sa mawala na ito lahat. Pasunggab na sya para sa pinaka huling atake nya nang bigla akong nakaramdam nang paghatak mula sa itaas!

"Teka lang anong nangyayari?!" hindi ko mapigilan yung pag luting ko na para bang may enerhiyang humihigop saakin mula sa itaas!

"CLAUDIA!!!!!"

Sigaw nung Angel na gusto akong patayin!

Napasigaw ako ng halos walang tigil nun, nang makita ko yung lugar namin nun. Tila sira na halos lahat ng kabahayan at buildings na para bang may digmaang naganap. Tila nalipad ako ng mataas para lang makita yung buong maynila na bumagsak na. Pero nang makarating ako sa ulap sa kalangitan nun, tumilapon ako nun, pero di ako tumagos at nahulog.

..

..

..

..

..

Sinubukan kong tumayo ng dahan-dahan dahil di ko alam kung mahuhulog ba ako rito sa ulap o hindi. Nang makatayo ako, naglakad ako ng dahan-dahan, puro kaulapan lang ang view dito sa… ulap. Tiningnan ko kung gaano na ako kataas mula sa baba. Sa sobrang taas ng kinatatayuan ko ngayon, halos wala na akong matanaw na tao sa baba at lahat ng mga bahay at buildings, liliit nalang.

Habang naandito ako sa ulap, damang-dama ko na parang lumalakas ako lalo. Lahat ba naman ng naandito natural na ulap.

May tumawag saakin mula sa likod ko…. "Claudine?"

Nagulat ako nun! Napaatras ako pero akala ko mahuhulog ako?! Pero hindi, literal na nakalutang ako ngayon, habang may nalabas na ulap sa kamay ko.

Pinalapit ako nung mamang tumawag sa pangalan ko, parang kontrolado nya ako… o kaya nya rin magkontrol ng ulap?!

"Fuck?! Kaya mo rin ba magkontrol ng ulap?" -Tanong ko sa kanya

"Anong fuck? Kaya ko talaga noh. Pano ka nagkaroon ng kapangyarihan?" -tanong nya rin saakin

"Di ko po alam, sorry po kanina. Nabigla lang ako…" -Ako

"May pinagmanahan ka talaga…"

Unfair huh? Kilala nya ako tapos di ko sya kakilala?

"Bat mo ako kilala? Teka oo ako si Claudine… at ikaw naman… po?"

"Di mo ba ako kilala? Ako si ----------"

..

..

..

..

..

Unti-unti akong napamulat ng mata at natagpuan ko ang sarili ko na nasa higaan lang pala ako sa buong magdamag…

"So… panaginip lang pala ang lahat iyon? Bat parang totoo ko talagang nadama yung mga nangyari saakin?"

Lumabas agad ako ng kwarto ko nun para lang makita sina Yaya at buti naman ay naandito sya. Nakakakaba lang kasi nakita kong pinatay si Yaya saa panaginip ko, pero andito sya ngayon naghahanda ng agahan naming dalawa.

Hinatid na daw ni Kuya Benjo si Mommy patungong Airport nun dahil may aattendang meeting si Mommy sa Cebu, matatagalan pa ata bago sya makauwi kaya kaming tatlo nanaman maiiwan dito sa bahay.

Sabado nga pala ngayon, wala namang iniwang homework saamin mga prof namin kaya pwede magpaka hayahay. Naikwento ko yung mga natatandaan ko pang mga nangyari sa panaginip kong iyon.

..

..

..

..

..

"Sino kaya tong taong to? Gusto ko sya makilala sa personal. Di sapat saakin ang isang CCTV footage lang. Isa sya sa 'Potential' na hinahanap ko."