Chereads / Cloud Girl (TAGALOG) / Chapter 4 - Chapter 4 – Figuring Out

Chapter 4 - Chapter 4 – Figuring Out

Chapter 4 – Figuring Out

This morning, nakasabay ko si Mommy mag-breakfast. Buti di ako gaanong pinagalitan o nasabihan ng kung ano, kinamusta nya ako kung okay daw ba ako sa school ganyan ganyan. Tapos balik work na ulit dito si Kyah Benjo, family driver namin. As of now, hindi pa alam ni mommy at ni kyah Benjo yung kapangyarihang meron ako.

"One-week pala akong hindi muna makakauwi dito dahil may importanteng seminar na kailangang attendan sa Cebu" -Mommy

"Next week ba yan Mom?" -Tanong ko

"Oo Claud, kaya wag matigas ulo kina Atria at Benjo ha. Benjo lagi mo to susunduin pag-uwi at Atria, yang anak ko ha… alam mo na yun" -Bilin ni Mommy kay Yaya

"Okay po Mam" -Yaya

Benemen yen, di nako makakasakay ng jeep pag gantong lagi ako susunduin ni Kyah Benjo. After mag-breakfast nun ay prepare agad ako for school. Hinatid muna ako ni Kyah Benjo bago nya ihatid si Mommy sa office nya. Nagkausap kami ni Mommy nun kahit papaano…

"Sure ka ba talaga diyan sa pinili mong kurso?" -Tanong nya,

"Oo naman Mommy, naka-perfect pa nga ako sa quiz kahapon eh"

"Pero kung sakaling hindi sayo yang pagtuturo, ano balak mo gawin nyan?"

Napaisip ako dun sa tinanong saakin ni Mommy, oo nga noh. Ano nga ba gagawin ko nun kung sakali talagang hindi ako para sa education…

"Hindi ko alam Mommy, di ko plinano yan"

"Gawin mo yung mga bagay na ikasasaya mo, pero wag na wag mong pababayaan ang sarili mo. Kasi, darating din yung oras pag wala na ako, di na kita matutulungan pa kaya dapat matutunan mong tulungan yung sarili mo"

"Wag naman agad mommy, wag ka nga magbiro ng ganyan"

"Seryoso ako Claud, mag-iingat ka palagi saka wag mo din kalimutang mag-dasal, magpapasalamat ka lagi dapat sa kanya"

"Opo, opo…"

Naiintindihan ko naman yung pino-point out ni Mommy pero ba't ganon. Minsan talaga ayaw natin yung parents natin na sobrang alala satin, pero lahat naman ng sinabe nya may sense naman.

Pagbaba ko ng sasakyan nun, nadama ko sa kamay ko na parang may bumabalot sa kamay ko at nang isara ko ang palad ko nawala nalang yung ulap bigla. Magmula talaga ng madiskubre ko tong kapangyarihan kong to, parang naninibago ako sa sarili ko. Andaming tanong na sa isip ko eh, na di ko pa alam ang kasagutan.

"Bakit ako may gantong kapangyarihan?"

"Saan nagmula tong kapangyarihan kong ito?"

"Paano ako nagkaroon ng ganto?"

"Saka, bakit ngayon lang. Feeling ko kasi antagal nang meron neto sakin eh?"

"At lastly, ako lang ba meron nitong gantong kapangyarihan? I mean dito sa Maynila."

"Sa Pilipinas?"

"Or sa buong mundo nalang, ako lang ba meron?"

Bawal ko to ipagsabi sa iba kasi aakalain nilang nababaliw ako, si Yaya palang yung bukod tanging nakaka-alam netong kapangyarihan ko. Tawag nya nga dito ay Cloud Powers. Pwede na rin hahaha!

..

Sa buong araw ko dito sa school, wala akong ibang inisip kundi paano ko pa magagamit tong kapangyarihan ko. Kaya pag vacant namin, himbis na sa loob ako ng room, sinasadya ko talagang lumabas at humanap ng tahimik na pwesto. Kanina nga nasa building ako ng mga senior high, dun sa pinaka taas kasi wala nang class doon pag 3pm onwards.

Nagawa kong magbuga ng ulap sa kamay ko ng pa-straight, one hand lang gamit ko. Kaliwete kasi ako, pero nagawa ko din kaninang magbuga sa kanan kong kamay. Para lang akong nagka-kame hame wave tapos ulap lumalabas.

Sinubukan ko din yung parang pa-flamethrower na galaw, bale pareho kong tinutok sa isang direksyon tong mga kamay ko. Andali kong nagawa kung tutuusin, para ngang eto yung pinaka una kong nagawang trick nung sa muka ko tinutok yung buga ko ng ulap, di ko pa naman kasi alam talaga nangyayari nun.

Hanggang sa sinubukan ko nalang pag laruan din yung ulap na nilalabas ko, sila vape tricks ako cloud tricks. Natripan ko lang gawin yung halo hahahaha!! Pero buti nalang walang nadaang tao nun habang pinagpapractice-san ko tong kapangyarihan ko.

My bad lang, di ko namalayan na napalampas ko na pala yung iba kong mga subject ko nun. Yun, absent potek. Paglabas ko ng room nun, isa pang beses ko muling sinubukan kontrolin at mapaglaw yung ulap sa kalangitan, medyo malaki yung sinubukan kong i-drag. Nahihirapan pako pero pag di gaano kalakihan na ulap naman, nakakakaya ko… ibig-sabihin lang talaga neto is di ko pa gaano gamay tong kapangyarihan ko. Bat ganon, talaga bang wala nang estudyante or maski Janitor manlang na nadaan dito sa taas sa ganitong oras ng hapon.

Pagka-open ko ng messenger, tadtad na pala ng chat sakin si Queenie nun. Kasi may biglaang quiz pala kami sa major namin saka inaalam nya kung nasaan daw ba ako, sineen ko nalang chat nya. Di naman na sya online eh. Saka nauna nang nakauwi yun sabay sila ni Alex. Minessage ko agad si Kyah Benjo nun para sunduin ako at nang makauwi ako sa bahay ng maaga dahil balak ko parang pagpractice-san tong kapangyarihan ko.

..

Napag-isip isip ko lang, na kaya ko siguro nako-kontrol ng maayos yung kapangyarihan ko kanina kasi, hinahayaan ko lang din yung kapangyarihan ko na mag regulate din sakin. Regulate in the sense pag kailangan gumana, I will let it lang, kasi pag pinipigilan ko nanginginig ng sobra to, na gusto kumawala. Buti nalang di pa ulit nanginginig tong kamay ko ng todo, after kong hayaan yung sarili ko na matuklasan tong kapangyarihan ko.

Habang inaantay ko si Kyah Benjo (family driver namin) naupo muna ako sa waiting shed sa tapat lang ng school namin sa labas. Nilapag ko lang tong bag ko sa tabi ko para ayusin lang yung bitbitan kasi nag luwag eh. Napalingon ako sa gawing kanan ko kasi may lalaking natakbo nun, parang may humabol sa kanya, tapos?!

"HAHAHA!!!" -Snatcher

"HALA!? HOYYYY BAG KO YAN?!?!?!!!"

YUNG HUMAHABOL DUN SA LALAKING NATAKBO KANINA AY SNATCHER PALA!! DALA DALA NYA BAG KO NGAYON WHAT THE FUCK!!

Nakatunganga lang yung mga tao nun habang natakbo yung mga kawatan, sinubukan kong habulin sila pero nung malapit ko na silang maabutan, agad silang nakasakay ng motor para tumakas! Magkasabwat pala yung natakbo kanina saka yung mabilis na mandurukot ng bag ko.

Mabilis silang nakatakas kasi nakasakay na sila sa motorsiklo nila, di ko gaano nakita yung plaka para tatandaan ko nalang sana pero, sinubukan ko paring habulin sila and eventually, nakakaya ko?

"Teka?! Ambilis kong tumakbo ngayon ha?"

Humarurot pa ng sila ng mabilis nun kasi nakita ako nung tumangay ng bag ko

[Brooooooooooooommmmmmmm!!! Broooooomm!!!]

Nararamdaman kong parang sobrang gaan ng paa ko at di ko feel na napapagod ako, kaya hanggat natatanaw ko sila, hindi ko sila patatakasin!

"Tumabi kayo dyan! Tabi!" sabi ko sa mga taong nakaharang sa tinatakbuhan ko, sa side walk lang naman ako natakbo.

Pero ilang beses na din akong bumangga nun sa mga tao nun pero parang wala lang?

..

Malapit na silang makarating sa crossing nun at mukang balak pa ata nilang mag 'beating the red light'. Medyo bumabagal na takbo ko nun habang nawawalan na ako ng pag-asa pa na makuha yung bag ko, saka ko lang naalala na meron nga pala akong 'cloud powers' na di ko ginagamit kaya habang patuloy pa rin ako sa paghabol sa kanila, gumawa ako ng ulap na hugis bola ng basketball, para akong nagra-rasengan mala Naruto habang natakbo, ibinato ko sa kanila yung cloud ball ko, buti hiyang ako sa dodgeball nung bata pako.

Hinagis ko ng may pwersa yung cloud ball ko!

Wala to sa prinactice ko kanina actually, tumama yung hinagis ko sa batok ng nasa likod ng driver. For the first time, ginamit ko tong kapangyarihan ko sa mga kawatan na tulad nito, after tumama ng ulap na hinagis ko, tila kumapit yung ulap sa ulo ng nilang dalawa!

Hanggang sa tuluyan silang bumangga sa FX na nasa harapan nila kasi di nila kita yung dinadaanan nila dahil sa ulap na nakataklob sa mga muka nila!

Nagsanhi ng traffic yung pagbangga na iyon pero buti nalang di sila nakaabot sa bandang crossing nun, may mga taonga gad na nagsilapitan para tingnan sila pero ako, kinuha ko kaagad yung bag kong ninakaw nila habang pareho silang hindi makabangon. Bumangga man sila pero buti nalang di sila malubhang nasaktan,

"Akin na tong bag ko!!" -Sabi ko, habang pinagtitinginan ako ng maraming tao

"Teka miss bag mo ba talaga iyan?" -Tanong ng isang lalaki na lumapit saakin

"Akin to kuya, riding in tandem yang dalawang yan buti nga sa kanila bumangga sila!"

Nakilala din nung ibang mga tao yung riding in tandem na to, madami na daw tong nabiktima dati pa at ngayon sila nabigo kaya himbis na matulungan sila, agad silang tumawag ng pulis para ipahuli sila. Di pa agad ako naka-alis nun kasi kinausap pa ako ng mga rumespondeng tanod nun, pinakita ko nalang yung ID ko nun at mga bagay na nagpapatunay na akin talaga yung tinangay nilang bag.

Papalayo na ako sa insidente nun nang maalala kong nagpasundo pala ako kay Kyah Benjo, babalik pa sana ako ng school nun kasi baka doon nya ako inaantay pero hindi ko na nagawa dahil…

"Sinundan ko po kayo mam, may hinahabol ata kayo?" -Kuya Benjo (Family Driver)

"Oo kuya, ayun na nga yung hinahabol ko eh, yan inabutan na ng mga pulis… ninakaw nila kasi tong bag ko, tapos hinabol ko. Yan, karma na nila yang bumangga sa FX, buti nga sa kanila… sana di na makalaya yang mga riding-in-tandem na yan…."

"Ambilis nyo nga mam tumakbo eh, halos lampas kalahating metro din yung tinakbo nyo, di ka ba pagod sa lagay na yan?" -Kuya Benjo

"Hindi ako pagod, di ko nga namalayan na anlayo na pala sa school netong tinakbo ko, pero sa ngayon uwi na tayo kuya…"

"Okay Mam!"

..

Nang makarating ako sa bahay nun, agad kong naikwento kay Yaya Atria yung mga nangyari, pero bago yun, naibalita pala sa TV yung insidenteng iyon kanina. Kita pala lahat sa CCTV yung mga nangyari nun, kita yung pagtakbo ko, yung bilis ng motor, at saka yun inihagis kong cloud ball sa kanila. Buti nalang HD yung pagkakakuha ng video kaya hindi natukoy yung muka ko. May naka-testigo pa ngang isa na nakita ako na may hinagis daw akong bola, tapos yung isa ding tanod na tinanong ako kung akin daw ba talaga yung bag na ninakaw ng riding in tandem. Kasalukuyan nang naka-kulong ngayon yung dalawang iyon, buti nalang talaga… bumangga sila,

I mean,

Buti tumama yung Cloud Ball na binato ko sa kanila.

Na di ko akalaing magagawa ko pala.