Chereads / Cloud Girl (TAGALOG) / Chapter 3 - Chapter 3 – Discovery

Chapter 3 - Chapter 3 – Discovery

Chapter 3 – Discovery

Shocked pa rin ako sa nangyari sakin kagahapon, nung umaga nanginginig tong kamay ko tapos kagabi bigla tong nagsabog ng mala-ulap na usok sa kwarto ko. Hindi birong sa kamay ko lahat nagmula iyon. Natatakot ako sa kung ano pang magagawa nito, at kinakabahan din ako na baka pag nalaman ng ibang mga tao na may tinatago akong ganto saakin, baka kamuhian nila ako o gamitin nila ako para sa sarili nilang kagustuhan. Sa ngayon, si Yaya Atria pa lang ang nakakaalam ng bagay na ito sakin, parang hindi maganda kasi kung ipapaalam ko pa sa iba tong nangyayari saakin.

..

Pagkagising ko, napapalibutan ng ulap tong lapag ng kwarto ko, para bang may nagbukas ng fog machine dito sa loob. Habang pababa ako ng higaan ko, nahati sa dalawa yung ulap na tila nagsasabi saakin na 'ito ang daan'. Kusang gumalaw yung ulap sa higaan ko nun para lang ayusin yung hinigaan ko. Total saakin naman nanggaling tong ulap na to, tinutok ko yung kamay ko at sinubukan ko kung mako-kontrol ko ba ito, tulad ng nagawa ko kahapon na napagalaw ko yung ulap na humaharang sa buwan.

"Sumunod… kayo… saakin…."

Nakaramdam ako ng pansamantalang lamig sa palad ko, yun pala'y nagsisibalikan na yung mga sa kamay ko.

"Mam?" -Yaya

"YAYA?! HA?! Yaya naman! Nangugulat ka ba?!"

"Nakahanda na po yung agahan nyo hehe sorry po kung nagulat kayo" -Yaya

"Yaya, nakita mo ba yung ginawa ko kanina? Kinontrol ko yung mga ulap na nakapalibot sa kwato ko, tapos inayos ng kusa yung bed sheet ko oh"

"Hindi po mam, okay na po ba kayo? Kamusta po yang kamay nyo?" -Yaya

"Feeling ko okay na okay na ako hehe, na-kontrol ko na tong ulap eh… tingnan mo ha, palalabasin ko ulit!"

Sinubukan kong palabasin yung ulap sa kamay ko, muntanga lang ako at walang nangyari…

"Isa pa… HayyyyyyAAAAAAA!!" -Sinubukan ko ulit ng may pwersa pero wala pa din.

"Eto na talaga, kontrolado ko naman na eh… Ulap sa kamay ko, lumabas ka!"

Wtf bat ganon? Anong nangyari sa ulap ko? Walang nalabas sa kamay ko kahit na inulit-ulit kong sinubukan palabasin sa harap ni Yaya. Nuh bayan, pahiya tuloy ako.

"Uhhhhhmmmmm, mam baka po hindi nyo pa kontrolado talaga yang powers nyo?" -Yaya Atria

"Inaasar mo ata ako eh, pero promise yaya. Napagalaw ko yung mga ulap kanina tapos nagawa kong pabalikin sila sa kamay ko!"

"Mam naman, para gumana po yang powers nyo. Mag agahan na po kayo, ni-ready ko na po. Nagtimpla na rin ako ng gatas nyo…" -Yaya

"Powers? You mean… this?!" -sinubukan ko ulit ilabas yung ulap sa muka ni Yaya pero wala talagang nalabas sa kamay ko, pota ano bang nangyari?

"Nice try, yes mam. Your cloud powers, but you have to eat agahan na. You will pasok pa to school ngayon okay?" -Yaya kong nage-english

"Salamat Yaya 😊" -Napa thank you nalang tuloy ako. Hahaha!

Kumain na ako ng agahan nun habang nanonood ng morning news, tuloy pa rin yung pagsikat ni Rouser sa TV at Social Media dito sa pinas bilang isang real-life superhero. I wonder lang, kung super hero talaga sya, ano kaya yung super powers nya?

Rouser: "Hindi naman talaga big deal kung may super powers man o wala. Ang tunay na super powers ay nasa-saatin yan, kung paano tayo makakagawa ng kabutihan sa kapwa"

Reporter: "Kahit wala kang 'Super Powers' Rouser, paano mo pala nagagawang maipadakip yung mga gumagawa ng kasamaan, krimen? Maaari mo bang maibahagi samin yan?"

Rouser: "Uhhhhmmmm, may background ako sa mix-martial arts at self-defense. Kids makinig kayo, kain kayo ng vegetables at fruits kasi kailangan sa superhero ng good health, saka yung sense of responsibility syempre, hinding-hindi mawawala iyan"

Reporter: "Sa ngayon, okay naman ba saiyo yung reaksyon ng mga tao? Kasi may mga natutuwa at hindi rin natutuwa sa iyo, ano gusto mong sabihin sa kanila?"

Rouser: "Sa mga sumusuporta, salamat sainyo. Kayo yung dahilan kaya lagi ako may gana rumonda, sa mga haters, kung naiingit kayo gawin nyo din to. Sa mga nagagalit saakin, wala akong magagawa para dyan, basta alam kong gumagawa ako ng kabutihan at alam nyo din yun, yun lang po"

So talagang tapang lang at kapal ng muka meron sya, pero marunong naman talaga sya makipaglaban kaya okay na din. Di ko malaman sa sarili ko kung hater nya ba ako o fan na din ako ng Rouser na to, hashtag #RealLifeSuperheroPH

..

I think hindi ko malilimutan sa buong buhay ko yung nagawa kong iyon, at hanggang sa dito sa school, iniisip ko pa din kung paano ko makokontrol tong sabi nga ni yaya na 'Cloud Powers'. Kung nagawa ko talagang mapagalaw yung ulap ayon sa control ko, kayang kaya ko ulit gawin iyon.

Habang walang prof, lumabas ako saglit at pumwesto ako sa bench na madalas kong pag-tambayan. Na-feel kong nanginginig ulit yung kamay ko pero di tulad kahapon na sobrang tindi na di ko ma-control, pero habang dahan-dahan kong itinaas yung kaliwa kong kamay, nawala yung panginginig ng aking kamay, pumikit ako at sinubukan kong damhin yung ulap na natatanaw ko.

"Ambigat… pero keri ko to…"

Nakaramdam ako ng pagbigat sa kaliwang kamay ko, di naman sobrang bigat. Maluha-luha yung mga mata ko ng imulat ko muli, sinubukan kong igalaw yung kamay ko nun at nagawa kong mapasunod yung kaulapan sa direksyong gusto ko.

"Nagagawa ko nga talaga… ha… ha… Oh my gosh!!"

"Claudine…" -Philip

"Hala?!-Hala! Nung ginagawa mo dito?!" -Nagulat naman ako potek

"Nung ginagawa mo dyan?" -Philip

"Ako dapat nagtatanong nyan eh, sige iwan na kita dyan"

At umalis ako sa pwesto ko nun, di ko alam kung ano trip nya. Hindi na ako lumingon sa kanya habang papalayo ako, pero napalingon ako sa taas, nawindang ako bigla..

"Sinusundan ba ako ng ulap? Hehehe good yan 😊"

..

Hanggang sa class namin tanaw ko pa din yung ulap na nakasunod saakin kanina. Hindi na ako gaano naka focus sa lesson dahil nalilibang ako sa kakayahang meron ako na wala sila. HAHAHA!!

"Pssssst! Uyy!!" -random classmate

"Uyyy Claudine!!"

"Ay?! Haha?! Bakit?" -saka ko lang sya narinig

"May quiz tayo baliw! Penge one-whole dali!!"

Siya na nga bibigyan ng one-whole (yellow pad), siya pa may gana na tawagin akong baliw. Loko to ha, pero syempre mabait ako kaya…

"Ako din penge!"

"Claudine ako wala pako one-whole"

"Uy beh penge ako ha? Okay lang hehehe" -iba pang classmate ko na malapit ang seat sakin

Halos lahat sila sakin nanghingi pero di naman lahat sila ka close ko, nakita ko nun si Philip na wala pa ding papel parang naghahanap sya kung kanino pwede makahingi kasi wala mabigay gf nya. Ayoko bigyan, mauubos na agad yellow pad ko haha!

"Multiple choice ang exam, hmmmmmmmmmm…."

Paglingon ko sa bintana nun, yung ulap na handle ko gumalaw mag isa na parang may sinusubukan gawing anyo, na hugis… letter A? di ko ma-gets.

"Aha!!" -Lingunan silang lahat sakin nun, napalakas ata ako ng bigkas. Ooooooppsssss!

Pero buti gets ko na, until sa kamay ko may lumabas na maliit na portion ng ulap, buti nasa dulo ako at nahaharangan ako ng nasa harap ko. Mas mabilis gumalaw tong maliit na ulap, kumbaga mas easy dito mag-hulma ng anyo. Ang shape na ginagawa ng ulap ko; A, B, C, at D. Para bang tinutulungan ako sa exam amwala! Hahaha!

After ma-checkan ng quiz ngayon, naka-kuha lang naman ako ng perfect score hahaha! 20 over 20 bes. Tawang-tawa ako deep inside kasi di ko pinag-isipan pa magsagot tapos naka-perfect pako, but ang sad na part is… mukang hindi ko maaari i-share to sa mga kaibigan ko. Yun lang, ako lang tuloy masaya pero behave nga lang. Salamat talaga sa baby cloud ko 😊

"Taray ng friend natin Alex, perfect sa quiz oh!" -Puri ni Queenie

"Well… hehehe ganon talaga beh, easy ng quiz" -Yabang ko hahahaha!! XD!

"Hindi ka nanaman nagpakopya, passing score na score ko kanina, kinulang pa one point!" -Alex

"Dibale, next quiz neto pe-perfect tayong tatlo" -Sabi ko

"Siya nga pala beh, hindi na nababaliw yang kamay mo?" -Kwinestyon lang ni Queenie, then hinawakan nya palad ko…

"Anlamig naman ng kamay mo beh" -Queenie

"Hinilot ng yaya ko yan kagabi, yan gumaling na" -Ako

"Kaen muna tayo, nagugutom nako…" -Alex

"Treat ko na kayong dalawa, ganon talaga pagnakaka-perfect ng quiz! 😊" -Ako

"Sa Starbucks mo kami libre pag exam naman na-perfect mo beh ha?!, tara na!" -Queenie

Kagabi lang, kinakabahan ako na natatakot sa kakayahang meron ako, pero ngayon… mukang nag-eenjoy na ako. Andami kong nagawa agad eh; napag-ayos ko ng higaan, napagalaw ko at sumunod saakin, tapos etong sa quiz namin na binibigyan ako ng tamang sagot. Pero kanina, tila sentient yung dating ng baby cloud ko, ka-curious lang na paanong alam ng ulap ko yung tamang mga sagot sa quiz kanina? Paano nga ba nangyari yun?

Anyway, after namin mag-breaktime ay balik ulit kami sa class. Gusto ko pa ma-discover ng husto kung ano pa kaya magawa ng 'cloud powers' kong ito. Feeling ko naman, di lang to natatapos sa kakayahan kong ma-control yung ulap, mapasunod sa gusto kong ipagawa at kakayahan kong makapag gawa o labas ng ulap mismo saaking mga kamay. Parang amboring naman kung yun lang kaya ko gawin.

Siguro kung alam ko lang agad or na-realize ko agad na may ganto ako, baka di na nangyari yung kahapon na nanginginig yung kamay ko. Pinipigilan ko pa kasi, palibhasa di ko pa alam kung ano talagang meron. But this time, I will let myself naman…. No fear, no worries… 😊

..

..

..

..

..

..

"Sakyan mo nalang yung gusto nyang gawin, but not to the point na pababayaan mo siya. She need to look out for it herself"