Lolita's POV
"Hoy! How dare you shut the door on us! Buksan mo nga 'tong pinto. Wala ka bang itlog? Huwag mong takbuhan ang responsibilidad mo sa cute na bata na ito!" Halos sumabog na siya sa galit dahil matapos ng eksena nila sa pinto eh dali-dali itong pumasok sa loob ng bahay at sinarado ang pintuan.
"Get out of here! I am not his father!", pasigaw ding sagot nito galing sa loob.
"Aba't sinusubukan yata ako ng mokong na 'to." Inayos muna niys ang pagkakatayo ng stroller at siniguradong naka-lock ang gulong nito bago umalis at inikutan ang bahay ng lalaki.
Laking tuwa niya ng makakita siya ng mapapasukan. Nakabukas ang bintana ng kusina nito. Kung masamang loob lang siguro ako kanina ko pa ito nalooban. Exclusive village my ass. Hmp!
Pinilit niyang pagkasyahin ang katawan niya sa maliit na bintana. Buti na lang medyo may kaliitan ang bulto niya kung hindi'y hindi siya magkakasya kahit anong pilit niya. Success!
Dahan-dahan siyang lumakad papuntang sala. Pagsilip niya nakita niyang nakaupo ito sa couch. Nakapikit ito ngunit nakakunot ang noo, marahil ay na-iisip kung umalis na ba ang gumambala ditto. Hawak hawak ang dust wiper na nahagilap niya sa kusina nito y walang ingay siyang lumapit dito. Humanda ka saking unggoy ka!
Ilang hakbang na lang sana at akmang itataas na niya ang hawak ng biglang dumilat ito. Napaatras siya sa pagkabigla. Hindi niya napansin ang mesa sa pag-atras niya.
"Ah!" Napapikit na lang siya sa susunod na mangyayari. Mother Nature help me please!
May matigas na bagay ang humaklit ng bewang niya. Mabilis siya nitong hinila papalapit dito. Ang sementong inaasahang lalapat sa mukha niya ay napalitan ng tila pader na dibdib nito. Mga ilang segundo yata silang ganun bago sila nakabawi sa pagkabigla. Itinulak siya nito ng bahagya.
"What the hell is wrong with you?! How did you get inside?! You know what miss I am calling the police!" sigaw nito.
"Ikaw ang may problema dito?" Tiningala niya ito dahil napakataas nito sa height niyang five flat. Gwapo nga pero hindi lang matapobre, ubod pa ng sungit! "Bakit mo kami pinagsarhan ng pintuan ha?"
"I told you a couple times I'm not the father of that child."
Tinaasan niya lang ito ng kilay.
"How would I even know if this is not some kind of a ploy? Or if you're part of a syndicate."
"Labas na ako dun. Basta ang misyon ko lang dito e ihatid ang bata sa address na ibinigay ng nanay niya. Ngayong naihatid ko na si baby, babush na ako okay?"
Akmang aalis na siya ng maisip na, "Ilang babae ba ang karelasyon mo at hindi mo man lang kilala kung sino ang posibleng mabuntis mo ha?"
Medyo natigilan ito. "Wait! So you mean to say you spoke with that child's mother?"
"Seryoso ka sa tanong mo?" Panigurado isa siya sa mga babaeng naloko mo. Hmp!
"What I mean is anong sinabi niya sayo? Bakit ikaw ang naririto imbes na siya?"
Be prepared & be amazed. Lola will do the talk.....