"La la la la la~" kumakanta-kanta pa si Faye habang naglalagay ng kanyang make-up. Agad din naman siyang natapos at lumabas na ng kwarto. Sa paglabas niya ay bumungad sakanya ang mga magulang niya. Tiningnan siya mula ulo hanggang paa. "Grabe naman ano to checkpoint?" sa isip-isip ni Faye. Pero bakas sa mukha ng kanyang mga magulang na nagagalak ito at natutuwa.
Niyakap siya ni Tatay Ricardo at bumulong ang matanda. "Madaliin niyo na anak ha, gusto ko ng magka-apo--"
"Tay naman!" habang kinukurot ang braso ng kanyang tatay.
"Pst! Tara na." tawag niya kay Raphael. This is the first time na makikipag-date ang anak nila na alam nila.
"Ah, So, tara na?" tumango lang ang dalaga. "Hiramin ko po muna yong anak niyo maam at sir~" nag-thumbs up lang ang mag-asawa bilang pagsang-ayon.
Ngayon ay na sa labas na sila ng bahay. Hinampas-hampas ni Faye si Raphael sa may braso.
"Ikaw talaga! Hindi ko naman sinabi na agad-agad yung date." paliwanag niya habang naglalakad sila. "Wow! Bagong kotse, sorry hindi ko tipo yung mga nagyayabang sa kotse nila." dagdag pa nito habang nakataas ang kilay.
"Ha?" pagtataka ni Raphael , "Binigay ko kila Kuya Maki yung dati kong kotse, ngayon kasi mas mabilis itong bigay ng ospital." paliwanag niya.
"Okay fine. What's the point eh may pakpak ka naman, biro lang naman, angel ka nga pala hmmpk" sambit nito sa mahinang tono na hindi narinig ni Raphael.
"Saan tayo mag-date?" tanong ni Raphael.
"Seriously, agad-agad kang pumunta samin tapos hindi mo pala alam kung saan tayo mag-date? Hu hu Lord ganito ba talaga mga angel? enlighten me!"
"Sorry na, ngayon pa lang kasi ako makikipag-date, kakain lang naman tayo diba? Tapos gagala tulad ng-"
"Tulad ng mga magjojowa." singit ni Faye.
"Yun ba yon?" tanong ni Raphael.
"Oo! Nakikipagdate ang isang tao para malaman nila kung gusto nila ang isa't-isa." paliwanag ni Faye.
"Ibig sabihin gusto mo ko? O kaya gusto kita? Tama?" naguguluhan na si Raphael, dahil sa buong history ng pagiging anghel niya, ni isa sakanila ay hindi nakaranas magmahal dahil tinanggal sakanila ito ng Diyos. Pero may kakayanan silang magmahal sa tao dahil trabaho nila ang protektahan ang mga ito.
"Ako, gusto kita? duh wala pakong sinasabi. Strict ang parents ko sorry. Sabi nila wag daw akong magpapaloko sa mga mabubulaklak na salita ng mga lalaki." sagot ni Faye pero bigla niyang naalala kung paano asikasuhin ng magulang niya si Raphael, akala mo jowa na niya kung magsi-astahan. " Basta ayon! ako yung strict hmpk."
"Wala namang nangloloko sayo, anong sinasabi mo?"
"Wala. Just in case lang na may balak ka sakin, you know~"
Habang tumatakbo ang sasakyan ay walang idea si Faye kung saan sila pupunta. Pero naaninag niya sa screen ng cellphone nito na may text galing kay Ton. Ang nabasa lang niya ay "First option, movie date." natawa siya ng bahagya kaya naman agad niyang tinakpan ang bibig niya. Di rin maiwasan na malungkot siya dahil naaalala niya si Miguel, hindi bale, na sa iisang katawan naman naman sila ngayon. Lahat ng alaala ni Miguel ay naretain ni Raphael.
"Talaga bang alam mo kung saan tayo pupunta?" paninigurado ni Faye.
"Oo sure ako." nakangiti nitong sagot.
"Ang saya mo ah, siguraduhin mo lang na hindi tayo malalagot. Malilintikan ka sa parents ko kapag di mo ko inuwi ng buo sa bahay." biro niya.
"Andito na pala tayo." as expected, na sa sinehan sila ngayon.
Ang problema nga lang ay horror ang showing at nakabili na rin si Raphael ng dalawang ticket at pagkain. Pumwesto sila sa may likuran ng sinehan dahil puno na sa harapan at gitna.
"Faye, okay ka lang?" tanong niya.
"Ah hehe ayos lang. Tara na."
Nagsimula na ang movie na The Conjuring at pinapalabas pa lang ang introduction pero nakatakip na ang mga mata ni Faye.
"Huy, magsisimula pa lang." pagtapik sakanya ni Raphael. Maya-maya ay sigawan na ang mga tao, at isa ang tili ni Faye sa nangingibabaw sa loob ng sinehan.
"Hala!" sigaw niya nang matagpuang patay ang aso na si Sadie sabay kapit sa may balikat ni Raphael.
Nagpatuloy pa ang mga sigaw at hampas ni Faye kay Raphael na nagtataka sa pinapanood.
"Wahhhhhhhh mama!"
"Hindi naman ganyan yung masamang spirit." turo ni Raphael kay Faye sa may screen.
"Eh ano itsura? Wag mong sabihin na kasama namin araw-araw mga multo? wahhh!" nang biglang makaramdam ng lamig si Faye. Nangangatog na ito sa lamig ng sinehan, ilalagay na sana ni Raphael ang jacket niya gaya ng turo ni Ton, kaso lang, naka-ready na pala ang jacket ni Faye pero tinatamad lang siya maglabas.
"Pwedeng pakikuha ng jacket sa bag ko? Please." pakiusap nito habang nakakapit pa rin kay Raphael at isang mata lang ang nanonood. Nilapat niya ang jacket ng dalaga sa balikat nito.
Ilang sandali pa ay may magkasintahang nakaharang ang ulo, naghahalikan ito at magkayapos pa.
"Ehem." malakas ang ubo ni Faye sapat na para marinig ng mag-syota. "So ano ng itsura ng tunay na spirit?"
"Para silang usok na gumagalaw. Hindi ganyan na kala mo zombie." paliwanag ni Raphael habang natatawa pa.
"Weh talaga ba?"