LUMALAKI na nga ang bilang ng mga nagkakasakit sa Brgy. Maliwanag. Hindi lang iyon dahil kumalat na rin ito sa buong Kamaynilaan. Marami na rin ang namamatay at punong-puno na ang mga ospital.
May balitang pumunta na sa Maynila ang grupo ni Don Joaquin para alamin ang nasabing sakit.
Sa isang ospital sa Brgy Maliwanag ay nag-aagaw buhay ang isang bata.
Kadarating lang ni Raphael at Maki sa lugar na ito. Maraming nakatambak na bangkay sa morgue at maraming naghihintay sa pila.
Umiiyak ang bata sa sakit, inirereklamo nito ang kanyang katawan na nakararamdam ng hindi maipaliwanag na sakit. Walang humpay ito sa pag-iyak simula nang magkasakit.
"Diyos ko po!" reaksyon ni Maki sa nakikita niya sa paligid.
"Doc, parang awa niyo po pagalingin niyo ako."
"Sir, yung anak ko po pwede po bang iligtas niyo." sambit ng isang ginang habang nakaluhod kay Raphael.
"Magdasal na lang po muna kayo ngayon. Pakikinggan niya kayo." ani ni Raphael.
"Sa Diyos? Nagpapatawa ka ba walang ganon. Kung may Diyos bakit maraming nagkakasakit at namamatay? Tingnan mo nga yan." galit na sabi ng isang binata habang hawak-hawak sa braso ang kanyang lolo.
"Dahan-dahan ka lang sa pagsasa~" nainis ng kaunti si Kuya Maki pero agad din naman siyang napigilan.
"Bilisan natin." binilisan nila ang lakad at hindi pinansin ang mga naghihintay sa tabi na humihingi ng tulong.
Tumambad kay Raphael ang lantang-gulay na katawan ng bata habang umiiyak ang magulang nito sa kanyang tabi. Nagsimula na ring mamula ang mata ng nanay at isa ito sa sintomas ng sakit. Agad itong chineck ni Raphael, malubha na rin ang babae pero hindi lang nagsasalita.
"Nanay kailangan niyo hong maconfine agad baka lumala pa yang sakit niyo."
"Ayoko! Dito lang ako sa anak ko!"
Maya-maya pa ay biglang bumukas ang pinto. Hindi makapaniwala si Raphael na dito pa mismo niya masasaksihan at makikita ang sakim na si Don Joaquin. Bitbit niya ang mga bigating manggagamot ng bansa at ang gamot sa sinasabing sakit.
"Long time no see, Miguel." bati ni Don Joaquin habang humihithit ng kanyang tabako.
"Miguel?" pagtataka ni Kuya Maki.
"Oo si Miguel yan, diba? ha ha!" bitbit ang mga gamit nila ng kanyang team ay binuksan niya ang napakaraming injection na gamot sa sakit.
"Anong ginagawa mo dito? Nandito ka para dalhin ang gamot sa ginawa niyong sakit?" ilang ano na lang ay magagalit na si Raphael, ito pala ang galit sa mundo ng tao, sa isip-isip niya dahil kung dati ay wala silang ganito bilang anghel, ngayon ay hindi na niya mapigilan ang magalit.
"Hep! Hep! Hep! Nandito nga kami para tulungan kayong manggamot masyado kang gumagawa ng kwento." sambit ni Don Joaquin.
"Hindi mo ba alam na maraming buhay ang nasira at nawala dahil lang sa kasakiman mo?"
"Hindi yata tayo nagkakaintindihan dito. Kami'y tumutulong lang."
"Sir, maawa na po kayo sa anak ko! Iligtas niyo po siya. Magbabayad ako kahit magkano basta mapagaling niyo lang siya!" nakakapit ang nanay sa kaliwang paa ni Don Joaquin.
"See? Nandito ako para tumulong sa mga kagaya nito. Nay, nay, huwag kayong mag-alala dahil ang unang bakuna na nandito ay libre lang, hindi kayo magbabayad. Medyo mahal po talaga ang gamot na ginawa namin para sa sakit na ito. Pero dahil sa Doctor na to!" itinuro niya si Raphael. "Papakita ko sakanya na GUSTO ko lang tumulong." inilabas ng kanyang team ang unang bakuna.
"Sa isang kondisyon madam..."
"Anong kondisyon po? Kahit ano po gagawin ko!"
"Ang doctor na to ang mag-iinject sa anak niyo, pero kung ayaw niya, eh pasensyahan na lang po tayo." isang hithit pa ulit sa kanyang tabako. Hawak-hawak na ni Raphael ang kanyang kamao at kaunti na lang ay masusuntok na niya ang Don pero paano niya magagawa iyon gayong nakaka-awa ang bata at kita sa mata ng nanay na nagmamakaawa na ito.
"Doc, parang awa niyo na po!" hagulgol nito habang nakaluhod sakanya.
Naninigas ang kamay ni Raphael. Hindi siya makagalaw sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng kaguluhan.
"Bigyan niyo po ako ng karunungan." dasal niya.
Hinawakan niya ang bakuna at itinusok sa bata. Ang Don naman ay aliw na aliw na nanonood sakanya habang humihithit ng tabako.
"Anong nangyayari?!" nangingisay ang bata.
"Ano to?!" sigaw ni Raphael kay Don Joaquin.
"Hmmm, ewan ko sayo. Maling bakuna yata yung nakuha mo." aniya habang humahalakhak. Wala ng ibang paraan si Raphael ngayon kung hindi gamitin ang kanyang kapangyarihan, sa harap ng maraming tao? Hindi maaari.
"Ano na? Diba sikat ka sa tv, nag mamagic ka raw? Ha ha ha lagyan mo na ng magic sarap, budburan mo!" sa gigil ni Maki ay sinugod niya ng suntok ang Don at tinamaan ito sa labi, nagdudugo ito ngayon pero agad din naman siyang naawat ng mga kasamahan ni Don Joaquin na ginantihan siya ng isang malakas na suntok sa tiyan sapat na para mamilipit ito sa sakit.
"Oops. Kalma lang kayo diyan mga bata. Ano na Doc? manonood ka na lang ba?" tuwang-tuwa si Don Joaquin sa nakikita niya. Gigil na gigil na kasi si Raphael pero wala itong magawa.
Ilang sandali pa ay ginamit na ni Raphael ang kanyang kapangyarihan, hinawakan niya ang parteng may bakuna at chineck ito. Lason ang dumadaloy sa bakuna na maaaring ikamatay ng bata. Sinubukan niyang tanggalin ang lason at nagawa naman niya. Ang problema, hindi niya mapagaling ang bata kaya naman kinuha niya ang isang injection sa box nila Don Joaquin at itinurok ito sa bata.
Nanlaki ang mata ng lahat ng naroroon dahil biglang nagising ang bata. Nawala ang sakit nito sa isang iglap.
Clap! Clap! Clap!
"Hindi ko alam kung may koneksyon ka kay Lord, ang galing mo ngang mag magic!" pang-aasar ni Don Joaquin dahil mismong siya ay hindi makapaniwala. "Ganyan na ganyan kita pinalaki."
"Ibang-iba ang Miguel na to sayo, huwag na huwag mong ikumpara!"
"Wag ka namang magalit agad Miguel, parang wala tayong pinagsamahan niyan eh *cough* bakit hindi mo na lang ako tulungan na TUMULONG?" alok niya.
"Hindi ko nais na mapunta sa impyerno Don Joaquin."
"Kahit na mawala sayo yung mga mahal mo sa buhay?" ipinakita niya ang kanyang cellphone at kitang-kita si Faye sa camera, na sa bahay nila ito at binabantayan ng mga tauhan ni Don Joaquin.
Nakapalibot sila sa bahay ng pamilya Alcantara habang naghihintay sa utos ng Don Joaquin.
"Sandali!"