7:08 AM
Idinilat ni Faye ang kanyang mata. Pero wala na sa tabi niya si Raphael. Nag-iwan lang ito ng sulat.
"Sinulat ko na dito ang mga dapat mong gawin. Hinanda ko na rin ang mga pagkain at gamot. Huwag kang magpapagutom." ano ba to wala man lang I love you, wala talagang alam yong lalaki na yon sa isip-isip ni Faye habang naka-kagat-labi. Inunat niya ang kanyang mga kamay at paa. Bumubuti na nga ang kalagayan niya ngayon.
Nakwento na rin naman ni Raphael na pumayag ang mga magulang niya na mas makabubuting mag-stay muna siya dito.
Minabuti niyang tawagan ang kanyang pamilya para ipaalam na bumubuti na ang kalagayan niya ngayon.
"Hello Ma! Nandiyan po ang Tatay? Si Jennie? Sabihan niyo yan na wag maglalabas ng bahay para hindi matulad sakin na nagkasakit na."
"Hello anak! Kamusta ka naman diyan? Inaasikaso ka ba ng son-in-law namin? Wag kang mag-alala malusog na malusog kami dito. Magpagaling ka lang diyan!" sagot ni Mama Lisa na may katabing malikot na kanina pa bulong nang bulong na si Tatay Ricardo.
"Gumagaling na po ako. Magaling yung Doctor ko. Ma naman eh! son-in-law ka diyan! May kasalanan pa sakin yon." nagtungo siya sa may kusina at nakahanda na nga roon ang mga pagkain niya. Kumain na muna siya para maka-inom ng gamot.
"Ang alat naman~" kung si Raphael ang nagluto nito alam kong sweet pero jusko day hindi ko to matatake sa isip-isip ni Faye.
"Anong maalat anak?"
"Ah, hehe yung gamot po! Ang alat ng gamot!"
"Ganun ba, nako tiisin mo lang at nang gumaling ka na, wag ka munang babalik dito ah! Diyan ka lang sa Doctor!" pang-aasar ni Tatay Ricardo.
"Tay naman eh! Bakit niyo binebenta yung anak niyong maganda?"
"Excited na kasi akong magka-apo. Kaya na ba? Ang arte mo naman, kesa mapunta ka sa mga tambay dito."
"Ma, paalisin niyo na yang si Tatay pfffftt." biglang pinatay ni Faye ang phone at tumawa nang makita sa CR ang mga kailangan ng isang babae na nakahanda na para sakanya. Hinawakan niya ang panty liner, "Kanino naman niya natutunan to? Ah sa doktora sabi ko na! Tsk manloloko!"
Don Joaquin's Company
"Sinong manloloko ako?" sa isip-isip ni Raphael habang nakikinig sa ginagawa at sinasabi ni Faye. Kinabitan niya rin kasi ng audio ang lugar para kung may mangyari man ay agad siyang makaka-responde.
"Naka-ready na ba ang mga area na kakalatan natin ng virus?"
"Handa na po. Sa mga crowded na lugar natin ikakalat para mabilis ang pag-transmit." sambit ng kanang kamay ni Don Joaquin. Lahat ng kanilang tauhan ay handa na.
"Magaling. Ang mga gamot natin nakapag-produce na ba kayo ng marami?"
"Dalawang million na po ang stocks natin ng gamot." sagot ni Raphael.
"5 minutes left simulan na kamo nilang mag-infect ng virus." ani ni Krystal.
"5 seconds na lang! 5! 4! 3! 2! 1!" sinimulan ng magspray ng virus ng mga tauhan ni Don Joaquin sa mga crowded na lugar.
"Roger! Group 1 anong balita ?"
"Kasalukuyan na po naming kinakalatan ang location number 1."
"Magaling! Check niyo lahat ng group kung naikakalat na nila. Siguradong tiba-tiba na naman ako nito sa pera." malakas ang tawa ni Don Joaquin habang umiinom ng alak sa may gilid. "Pst!" tinawag niya si Raphael at binigyan ng alak. "Ano sa palagay mo? Hindi ba madali lang kitain ang pera?"
"Hmmm." kinuha niya ang alak at bahagyang uminom. "Makabibili nako ng mas masasarap na alak."
Entering his company, hindi na pinagdudahan ni Don Joaquin si Raphael dahil sarili lang naman niya ang dala niya at wala ng iba pa na magpapatunay na may illegal doings sila sa loob. Isa pa, kung sasabihin niya ito sa mga awtoridad ay magmumukha lang siyang tanga dahil walang maniniwala. Sinong maniniwala sa sabi-sabi? Ang kailangan ay ebidensya.
Sa labas ng bahay ay hinihintay ni Faye ang pagdating nila Raphael. Kanina pa siya naiinip dito kahihintay. Ilang sandali pa ay dumating na si Raphael.
"Ang lamig sa labas. Bakit mo pa ko hinintay?" nilagay niya ang jacket niya kay Faye.
"Ha? Ikaw? Hinihintay ko kayo nila Kuya Maki."
"Akala ko naman ako."
"Nasaan yung dalawa?" tanong ng dalaga pero umiling lang siya na wala. "Teka, tayong dalawa lang ngayon ang nandito?"
"Anong problema bakit namumula ang pisngi mo? May sakit ka ba?" sinalat niya ang dalaga pero hindi naman na gaanonf mataas ang lagnat nito.
"Ah- eh- Walaaa."
"Kumain ka na ba?"
"Oo kanina pa. Hindi lang ako makatulog kaya lumabas ako saglit. Balik na ulit ako sa higaan ko. " paalis na sana si Faye pero hinitak siya ni Raphael sa piano at pinaupo dito.
"Hindi ako marunong nito! Kakantahan mo ba ko? Kasi kung ako kakanta baka may sira yung piano papanget boses ko." tumango lang si Raphael. Habang nakaupo ang dalaga ay nilapat niya ang mga kamay niya sa gilid ng dalaga. Nakayakap siya dito at nakabagsak ang baba sa may balikat.
Nagsimulang mataranta si Faye. Hindi siya sanay. Nagsimulang kalabitin ni Raphael ang piano habang sinasabayan niya ng pagkanta.
I want you to stay, never go away from me!
Stay forever
But now, now that you're gone
All I can do is pray for you
To be here beside me again
"San mo natutunan yan? Kumakanta ka rin pala ng mga trending song."
"Narinig ko lang kay Ton."
Tears began falling. Bakit ba kasi sa dinami-dami ng lalaking magpapatibok ng puso niya ay anghel pa ang napadpad sakanya. Paano? Paano sila magsasama sa ganitong sitwasyon.
"Alam ko hindi ka permanente dito sa mundo. Kelan ka babalik sa langit?"
"Hindi kita iiwan." sagot ni Raphael.
"Paano kung pabalikin ka na ng Diyos?"
"Edi babalik ulit ako."
"Paano kung hindi ka na makabalik?" sinandal niya ang ulo niya sa ulo ni Raphael.
"Lagi naman akong nananalangin sa Panginoon. Hindi naman niya siguro ko pagdadadamutan dahil napakabait niya."
"Pwede ba yon. Paano na yung mga taong may kailangan ng tulong mo. Diba marami ka pang gagamutin?"
"Masaya na ko sa tagal kong nanilbihan bilang anghel. Minsan lang ako naging tao, alam mo yung masarap sa taong nagmamahal?"
"Ano?"
"Yung masaktan. Kung hindi ka handang masaktan wag ka na lang magmahal."
"Hmm. Sabagay. Sa love, yun ang masarap na part, ang masaktan, yung magmumukha kang tanga. Yung isasampal sayo ng buong mundo na ang tanga mo." pagkasambit ni Faye nito ay nagtawanan sila pareho.