Chereads / The Healing Angel / Chapter 45 - MINSAN SA BUHAY KO AY NAKAGAWA AKO NG TAMA

Chapter 45 - MINSAN SA BUHAY KO AY NAKAGAWA AKO NG TAMA

"Teka, hindi ba ikaw yung kasamang doktora ni Raphael?"

"Yes. My name is Krystal Salvador. You can call me Doc Krystal if you want." Totoo nga ang chismis na napaka-ganda nito, walang-wala ako sa kalingkingan niya sa isip-isip ni Faye.

"Ahmm Faye, teacher Faye..."

"Let's see." tiningnan niya ang sugat ni Ton at masyado na siyang maraming dugo na nawala. She took a glance sa mga tauhan ni Don Joaquin, puro sa paa lang ang tama ng mga ito at ni isa walang namatay. Masyado lang malakas ang baril kaya hindi sila makatayo.

"Pasok na natin siya sa loob dali!" binuhat nila sa loob ng bahay si Ton. May mga gamit naman pang-opera si Raphael na naiwan kaya naman sinimulan na ni Krystal ang operasyon.

"Assist mo ko teacher, okay lang ba? Huwag kang mag-alala wala kaming ugnayan ni Raphael."

"Ah eh sige sabihin mo lang ang gagawin ko. Pero ano ba talagang nangyayari?"

"Mamaya ko sayo sasabihin dahil kailangan muna nating iligtas ang buhay ng bata na to. Sakanya nakasalalaya ng buhay ng buong bansa." tumango lang si Faye at ginawa ang inuutos ni Krystal.

"Takot ka sa dugo?"

"Oo. Pero mas kailangan niyang mabuhay eh " sagot ni Faye.

Makalipas ang isang oras ay natapos din ang operasyon.

"Hay sa wakas!" niyakap ni Faye si Krystal na parang magkaibigan lang. "Ahmm sorry! nabigla lang ako."

"Ano ka ba it's ok. You did well."

Ginising na ni Krystal si Ton matapos ang operasyon. Ang problema lamang ay nanginginig ito sa lamig ngayon at hindi makapag-salita.

"Ton, gusto mong doblehin ko yung kumot mo?" tumango lang ito kay Faye.

"Paano kaya to, kailangan ko ng makapag-live sa tv baka mahuli pa ko." ani ni Krystal.

"Faye, marunong ka sa computer?"

"Ha, bakit?"

"Mukhang hindi kakayanin ni Ton na makabangon o makapagsalita. Maraming dugo ang nawala." kinuha nila ang laptop ni Ton at inopen ito. Hinanda na rin ni Krystal ang camera at usb na hawak niya. Pero kahit anong bukas nila ng laptop ay hindi nila ito mabuksan.

"Asar naman!"

Ilang sandali pa ay bumangon na si Ton. Nakahawak ito sakanyang tuhod at nagsalita. "Akin na yung laptop mauubos na oras natin."

"Teka lang wag mong pilitin kung hindi mo pa kaya~" pigil ni Faye.

"Ate, dont worry big boy na po ako. I can do this." mabilis niyang pinindot ang kanyang laptop at pinaayos kay Faye ang kamera para itutok ang camera.

"Ready?"

Isa....Dalawa...Tatlo! at biglang bumukas ang camera. Pansamantalang hinack ni Ton ang isang channel.

"Hi! Sa lahat ng nanonood sa bahay o kung nasaan man kayo. May katotohanan po kayong dapat malaman. Ako si Doctor Krystal Salvador ay nangangakong sasabihin lang ang pawang katotohanan. Ang kumakalat po na sakit ay man-made, ibig sabihin may taong sangkot dito. Bakit sila nagkakalat ng virus? Simple lang, sila rin ang gagawa ng gamot sa sakit para gatasan ang taong-bayan. May ipapakita akong mga video para maging patunay." nakatutok ngayon ang buong bansa sa live na ito. Makikita sa video ang illegal na gawain ni Don Joaquin. Sa sobrang hindi makatao ng ginagawa ng kompanya ay nasuka ang ilang manonood.

"Diyos ko! Anong eksperimento ginagawa nila sa tao?"

"Ang daming bangkay sa video oh!"

"Hala! Pati bata na sa loob ng laboratory!"

"Alam kong hindi ito kapani-paniwala. Pero dahil sa pinakita kong video patunay na po siguro iyon para matigil na ang illegal na gawain ni Don Joaquin. Isa po ako sa mga tauhan niya at naging sunud-sunuran. Siya ang nagpa-aral sakin at nagbigay ng magandang buhay sa mahirap kong pamilya. Pero, pero, " bumabagsak na ang luha sa kanyang mga mata. Sa likod ay sumesenyas si Faye sinusubukan siyang pakalmahin dahil mismong siya ay nagulat din sa balita. Nakita rin niya si Raphael na nakatali at duguan.

"Pero hindi ko na po matiis ang ganitong gawain. Nilalamon ng aking konsensya na makitang mawalan ng mahal sa buhay ang isang pamilya ng dahil lang sa isang sakit na pagkakakitaan ng pera." this is not the image of Krystal na palaban at hindi susuko. Ngayong gabi ay lumabas ang tunay niyang pagkatao.

"Kamusta na kaya si Raphael?" pag-aalala ni Faye. "B-Bakit ang dami niyang dugo sa katawan?" hindi mapakali si Faye.

"Shhhh." niyakap siya ni Krystal. "Wag kang mag-alala, siya ang nagplano ng lahat ng ito kaya naman mabubuhay siya. Magtiwala ka lang." aalis sana si Faye pero pinipigilan ito ni Krystal. "Let's wait sa mga police. Kaya na nila yon, tsaka kaya yan nila Raphae!"

Don Joaquin's Company

Napalilibutan na ngayon ng mga sasakyan at militar ang building ni Don Joaquin. Ipinahanda na rin niya ang helicopter na sasakyan niya para tumakas.

"Akala niyo ba bubuhayin ko pa kayo?" kinaladkad si Maki at Raphael ng mga tauhan nito papuntang helicopter.

"Sumuko na kayo napaliligiran namin kayo~" nagulat ang lahat ng biglang humangin ng malakas sa rooftop ng building. Lumipad na pala ang helicopter papalayo dito.

"Sundan niyo bilis!" mabilis na sinundan ng mga sasakyan ang patutunguhan ng helicopter. Patungo ito ngayon sa ilog Pasig.

"Sinira niyo ang pangarap ko mga bwiset! Mamatay kayo ngayon!"

Binagsak nila ang dalawa sa ilog pero nakakapit ito sa may paa ng helicopter. Sinipa ito ni Don Joaquin pero nahitak lang siya pababa ni Maki.

"Diba sabi ko sayo papatayin kita?! Raphael umalis ka na dito!" pilay ang mga paa at balikat ni Raphael sa dami ng suntok at tadyak na natanggap.

"Mga put*ngina niyo! mamamatay tayong lahat!" hawak ang baril na gamit niya ay nagpaputok siya sa direksyon ni Raphael.

"Maki!" sigaw ni Raphael dahil sinalo nito ang bala para sakanya. Nagsimulang tumagas ang dugo sa bibig ni Maki. Gamit ang huli niyang lakas ay inagaw niya ang baril kay Don Joaquin at binaril din ito. Pareho na ngayon silang bumagsak sa helicopter.

"Maki!!!" pinilit ni Raphael na buksan ang kanyang pakpak kahit na nagdurugo ito. Mabilis ang lipad niya para abutin si Maki.

"S-Salamat. S-Siguro naman sa, sa langit a-ako pu-punta." sabay ubo na may kasamang dugo.

Hindi! Hindi! Wag kang magsalita pagagalingin kita!" sinusubukan ni Raphael ang lahat pero hindi gumagana ang kapangyarihan nito. Kasama niya sa himpapawid ngayon sila Azrael para sunduin ito.

"Azrael! Wag!"

"Raphael, tama na!" sambit ni Azrael. "Natapos mo na ang mission mo. Babalik na tayo sa langit."

"T-Tama s-sila bumalik ka na sa langit. Hindi ka ka, ka bagay sa magulong mundo nato! Nagpapasalamat ako sayo, da-dahil minsan sa buhay ko ay nakagawa ako ng tama~" naputol na ang hininga ni Maki.

"Hindi!" malakas ang sigaw ni Raphael na naging sanhi ng pagkawala ng kuryente sa buong siyudad.